Share

Kabanata 90

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-11-27 16:25:49

LUCY'S POV

_Welcome gala_

_7:00pm_

‘Pinag-initan si papa sa loob.’

‘Ipapakilala sa publiko ang pangalawang anak ni Mr. Venile, kung makuha mo ang loob niya ay baka matapos ang paghihirap ni papa.’

‘Huwag mong sayangin ang pagkakataon, Lucy.’

Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ni Lhea kanina sa akin at hindi rin ako sigurado kung tama ba ang desisyon ko. Pero wala na akong ibang maisip na paraan kung hindi ang i-please ang mga Venile. Kailangan kong makausap ang pangalawang anak ni Mr. Venile para alamin kung ano ang dapat kong gawin, para tigilan na nila kami.

“Miss, kanina pa tayo nandito nakahinto sa tapat ng Grand Hotel. Lalabas ka ba talaga o aalis na tayo?” naiinip na tanong ng driver.

“A-Ah, sorry. Ito po ang bayad.” Nag abot ako ng isang libo pero sinamaan niya ako ng tingin.

“Isang libo lang pagkatapos mong tumambay sa loob ng taxi ko?”

Pero… Sobra-sobra pa nga ang ibinigay ko sa kaniya. Bakit galit siya?

Agad akong naglabas ng isa pa at inabot sa kaniya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 153

    LUCY’S POVNapakawalanghiya niya! Paano niya nagawa kay papa ang ganoong bagay? Pakiramdam ko ay mas masahol pa siya sa lahat ng sumira sa amin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kamay ko. “Bakit mo ako hinila palabas, Feron? Hindi ko pa siya nakakausap. Kailangang pagbayaran ng lalaking ‘yon ang ginawa niya kay papa! Anong kasalanan ni papa sa nga Hidalgo para gawin niya ‘yon? Halos magkaibigan na ang turingan nila noon… p-pero nagawa niyang patayin si papa.”Hindi kumibo si Feron, sa halip ay hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. “Lucy, kahit anong mangyari sa akin ka lang magtitiwala.”Natigilan ako sa lamig ng boses niya. “Paano ko gagawin ‘yon kung minsan ka na ring nagsinungaling sa akin, Feron? Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan sa inyong lahat!” naiiling kong wika.“Mas mainam kung lahat kayo ay hindi ko na lang pagkatiwalaan. Ayaw ko nang umasa sa mga taong nasa paligid ko.” Itinulak ko siya palayo sa akin at sa

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 152

    ANDREW’S POV“Pa’.” Nagmamadali akong lumapit sa kaniya nang makasalubong ko sina Lucy sa labas ng building. Halatang-halata ko ang galit sa mukha ni Feron. “Anong ginawa ng lalaking ‘yon sa’yo?” agad kong tanong nang mapansin ko ang gusot niyang kuwelyo.“Wala silang ginawa sa akin. Huwag kang masyadong over react sa mga bagay-bagay. Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yong mas asikasuhin mo ang business natin? Kung araw-araw kang pupunta rito, sa tingin mo ba ay may mag-aasikaso ng business eh nag-iisang anak lang kita?”“Mas mahalaga pa ba ang business sa’yo papa? Gusto kitang dalawin dito araw-araw at wala kang magagawa. Kung gusto mong makapag-focus ako sa business ay huwag mo nang patagalin ang pagtambay mo rito at gumawa ka na ng paraan para makalabas ka,” walang pagpipigil kong turan at inayos ang mga pagkaing ipinahanda ko kay manang.Sa totoo lang, kung p’wede lang na rito na muna ako ay gagawin ko. Tuwing pupunta ako rito ay si Tito Leandro ang

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 151

    LUCY’S POV“Are you okay?” ani Feron para makuha niya ang atensyon ko nang makita niyang tulala akong nakatingin sa bintana ng eroplano.“I’m… fine.” Kahit ako mismo ay hindi kumbinsido sa sagot ko, pero imbis na kulitin ay tumango lang si Feron sa akin at hinaplos ang pisngi ko.“Everything will be fine, Lucy. I’m with you,” sabi niya at tinitigan ako nang diretso sa mata. “Magkasama nating haharapin ang lahat. Hindi kita hahayaang mag-isa. Kahit anong gawin at plano mo, lagi mong tatandaang nasa likuran mo lang ako, nakasuporta sa'yo.”Kahit paano ay gumaan ang loob ko, pero ayaw kong umasa kay Feron o sa kahit sino ngayon. Gusto kong harapin ang lahat ng problema gamit ang sarili kong kakayahan. Alam kong marami akong tulong na kailangan kay Feron pero ayaw kong nakatago lang ako sa likuran niya. Ayokong hayaan siyang sanggain ang lahat. Laban ko rin ‘to at higit sa lahat, ama ko ang bibigyan ko ng tamang hustisya.Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng kung sinumang gumawa ng kawalang

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 150

    LUCY'S POV Pareho kaming napalingon ni Feron nang tumunog ang telepono sa sala. Tanging si Andrew lang ang alam kong gagamitin ‘yon kapag hindi ako sumagot sa cell phone. Dali-dali akong tumayo para sagutin ang tawag, hindi ko maiwasang kabahan. “H-Hello, Andrew?” “L-Lucy…” “Anong problema, Andrew? Bakit gan'yan ang boses mo?” nag-aalala kong tanong at napalingon ako agad kay Feron na nakatayo na rin pala sa tabi ko. “I-I didn’t know about it,” nangangatal ang boses niya sa kabilang linya. “Wala akong alam sa nangyayari.” “Hindi kita maintindihan, Andrew. Ano ba ang sinasabi mo—” Natigil ang sasabihin ko nang iabot sa akin si Feron ang kaniyang cell phone at isang balita ang tumambad sa akin. ‘Mister Alfred Hidalgo became the first suspect of Leandro Russ’s death. It’s not a simple death inside the prison…see more…’ W-What is this news? Napatingala ako kay Feron. Hindi ko alam kung anong reaksyon o salita ang dapat na ibigay ko. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa telepon

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 149

    LUCY'S POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang maliliit na halik na lumalapat sa leeg ko pababa, pati ang mainit na hiningang tumatama sa balat ko.“A-Ano ba? S-Sinong nagsabi sa'yong p'wede mong gawin ‘yan?” Itinulak ko siya at binalot ang sarili ko ng kumot hanggang leeg.Ang maaliwalas na mukha ni Feron ang bumungad sa akin. Nakangiti siya na parang walang makakasira ng araw niya kahit paulit-ulit ko siyang itinulak.“Anong klaseng mukha ‘yan?”“G’wapo?” may pagbibiro niyang tanong at saka niya itinukod ang kaliwa niyang siko sa kama. Ipinatong niya roon ang pisngi niya habang nakaharap sa akin. “Good morning, baby.”Muntik ko nang sapuhin ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko palabas sa ribcage sa ngisi niya.“E-Ehem… Morning,” sagot ko at agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.“Walang good? Ako na nga ang una mong nakita pagmulat mo at unang bumati sa'yo,” may pagtatampo niya kunwaring turan sa akin.“Eww…” Nandidiri kong komento at u

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 148

    FERON'S POVIsang beses pa akong lumingon kay Lucy para siguraduhing mahimbing na siyang natutulog bago ko sagutin ang tawag ni Daniel.“Hello.”“Finally! Akala ko ay natuluyan ka na!” May inis, galit, at pag-aalala sa boses niya.Gusto ko sanang tumawa pero alam kong hindi ‘yon ang tamang desisyon na gagawin ko kapag nagkataon.“I'm sorry. Hindi ko masagot ang tawag mo since nasa meeting ako—”“At kasama mo si Lucy. I know,” pagtapos niya sa sasabihin ko.Halata ang pagod sa boses ni Daniel. Paano nga ba ay halos iwan ko sa kaniya ang lahat ng trabaho ko sa kumpanya.“Kailan ka babalik dito? Hindi sa nagrereklamo ako sa trabaho pero hindi lang kumpanya ang kailangang asikasuhin natin.” Rinig ko ang buntong-hinga niya mula sa kabilang linya. “Mister Hidalgo came here.”“You mean, the old man?”“Of course! Kasama niyo si Andrew riyan, so sino ang pupunta rito kung hindi ang tatay niya,” pilosopo niyang sabi.Nag-igting ang panga ko at muling sinulyapan si Lucy. “Anong ginawa niya riyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status