Share

Chapter Four

Author: Sandria
last update Last Updated: 2022-02-18 19:53:00

"KUMUSTA?" tanong ng kaibigan niyang si Bernard habang sinusuklayan nito ang itim na kabayo ni Señor Alfonzo.

"Kumusta ang alin?" kunot ang noong tanong niya. Tulad nito ay sinusuklayan din niya ang puting kabayo.

"Kumusta ang pagbabalik ng asawa mo?"

"Alam natin na hindi matatawag na asawa ang meron sa amin ni Anastasia."

"Sapilitan man kung titingnan, pero asawa mo pa rin siya sa mata ng mga tao rito."

"Pinag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na 'yun."

Tumigil ito sa ginagawa. "Desidido ka na talagang hiwalayan si Señorita Anastasia?"

"Oo, dahil iyon naman ang dapat."

"Naku! Kapag nagkataon, maraming kalalakihan dito sa Zahara ang magkakandarapang ligawan si Señorita. Sa ganda ba naman niyang babae eh, hindi malabong mangyari iyon. Hindi ka ba nababahala?"

Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Bakit ako mababahala? Kung mangyari man iyon ay wala na akong pakialam pa roon."

Nagkibit ito ng balikat. "Sabagay, nagtungo nga pala siya sa Manila. Tiyak, nagkaroon iyon ng kasintahan doon," anito na hindi niya binigyan ng kumento.

"Paano 'yan, Bespren, kapag hiwalay na kayo tuloy na ang pag-alis mo rito?"

"Oo."

"Paano ang Hacienda Ross?"

Buntong hiningang pinahid niya ang noong basa ng pawis. "Kaya bago ako umalis dito, dapat matutunan muna ni Anastasia ang pamamalakad sa hacienda."

Umiling-iling ito at nakita niya ang pagkalungkot sa mukha ng matalik na kaibigan. "Desidido ka na talaga."

Tipid niya itong nginitian. "Bakit, gusto mo sumama?"

Umaliwalas naman ang mukha nito. "Pero ayoko," mabilis niyang segunda na muling ikinalungkot ng mukha nito.

"Kapag sumama ka, mawawalan ng magaling na tagapangalaga ng kabayo ang Hacienda Ross," sabi pa niya.

"Pinapalubag mo lang ang loob ko."

Natawa siya. "Kung ayaw mong maniwala edi, huwag." Pinisikan niya ito ng tubig sa mukha. "Para ka pa ring bata!"

"Aba! Higit kang matanda sa akin ng limang taon!"

"Pero mas mukha kang matanda sa akin!" pang-aasar niya.

Dinuro siya nito. "Ang yabang mo! Lamang ka lang sa akin ng isang paligo."

"Mas gwapo pa rin sa'yo."

"Eh, ano? Gwapo naman ako sa paningin ni Agustina." Tinutukoy nito ang kasintahan nito.

Kinawit niya ang braso sa leeg ni Bernard pagkatapos ay ginulo-gulo niya ang buhok nito.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo rito."

Pareho silang natigilan nang may magsalita sa likuran nila. Nang makita niya si Anastasia na nakatayo sa may pintuan ay umayos siya sa pagkakatayo.

"Maganda umaga ho, Señorita Anastasia," magalang na bati ni Bernard habang sinusuot nito ang hinubad na t-shirt.

Nginitian ni Anastasia ang kaibigan niya. "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Bernard, tama ba?"

"Ako nga ho, Señorita."

"Bakit ka nandito?"

Humakbang papasok si Anastasia at hinimas ang kabayo ng ama nito. "Hello, Thunder." Umungot ang kabayo.

"Mukhang naaalala mo ba ako." Tiningnan siya nito. "Kailan siya huling nasakyan ni Dad?"

"Two years ago."

"Pwede konba siyang patakbuhin?"

"Naku! Señorita, baka ihulog ho kayo ng kabayong iyan. Maliban ho kay Señor Alfonzo si Craig lang ho ang nakakasakay sa kaniya," si Bernard ang sumagot.

Mataimtim siyang tinitigan ni Anastasia. Hindi man lang niya nakita ang pangamba sa mga mata nito. "Hahayaan mo ba akong sakyan siya Craig?"

Hindi niya ito agad nasagot dahil kilala niya ang ugali ng kabayong ito. Namimili ito ng taong sasakay dito.

"You don't trust me, do you? Paano ko patatakbuhin ang hacienda kung ikaw mismo walang tiwala sa akin?"

Nagtiim ang mga bagang niya. Tulad pa rin ng dati, hindi ito titigil hanggat hindi nito napapatunayan ang sarili.

"Walang problema."

"Gracias."

"Bernard, suotan mo ang kabayo," utos niya sa kaibigan.

"Pero, delikado ang kabayong iyan—,"

"Gawin mo na." Wala na itong nagawa. Sa huli ay ikinabit nito ang bridle at saddle sa likod ng kabayo.

"Gracias, Bernard." Kinuha ni Anastasia ang harnes mula rito at giniya ang kabayo palabas ng horse barn.

Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib at sumandal sa pintuan habang pinapanood lang si Anastasia.

"Hahayaan mo lang ba talaga siya?" si Bernard na tumabi sa kaniya.

"Matigas ang ulo niya. Hindi siya hihinto hanggat wala siyang napapatunayan."

May tiwala siya kay Anastasia, dahil alam niyang marunong itong mangabayo. Sa kabayo siya walang tiwala.

Napatayo siya ng diretso nang walang kahirap-hirap na nasakyan ito ni Anastasia. Pero ilang sandali lang ay umungot ang kabayo at tumayo.

"Craig—,"

Pinigilan niya ang akmang pagtakbo ni Bernard palapit kay Anastasia. "Alam niya kung ano ang gagawin niya."

Tumaas-baba ang puwetan ng kabayo. Gusto nitong paalisin ang nakasakay dito. Pero wala man lang siyang nakitang takot sa mukha ni Anastasia.

"Wooh! Easy, Thunder, easy..." Sumasabay lang ang katawan nito sa bawat pagpalag ng kabayo. Hanggang sa unti-onting kumalma ang kabayo.

"Good boy..." Hinimas-himas ni Anastasia ang leeg ni Thunder.

Nakangiting nilingon siya nito. "Pwede ko ba siyang iikot sa hacienda, Craig?"

"He is yours now. Gawin mo kung ano ang gusto mo."

Pagkasabi niyang iyon ay mabilis nitong pinatakbo ang kabayo. Tinanaw lang niya ito hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.

PINAHINTO niya si Thunder sa tapat ng museleo ng kaniyang ina. Bumaba siya mula sa kabayo at itinali ang harness nito sa bakal na nandoon kuway humakbang sila papasok sa museleo.

Naupo siya sa tapat ng lapida ng ina at hinaplos ang mukha nitong nandoon.

"Hi, Mom. Matagal na panahon na mula nang dumalaw ako sa'yo. Kumusta ka na po dyan? Ako po ito hindi pa rin makapaniwala na wala na si Daddy," panimula niya.

"Noong una, ikaw. Ngayon naman si Dad. Pareho ninyo na akong iniwan," nakagat niya ang ibabang labi nang pumatak ang mga luha niya.

"Wala na akong masasabihan ng problema. Wala na akong pagsusumbungan kapag may nang-aaway sa akin at wala na akong mayayakao kapag nalulungkot ako. Mag-isa na lang ako ngayon. H-hindi ko ho alam kung paano magsisimula ngayong pareho na kayong wala ni Daddy."

Suminghot siya at pilit na tinutuyo ang basang pisngi, pero muli lang din mababasa dahil sa panibagong luhang kumakawala sa mga mata niya.

"I'm sorry, Mom, kung hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo na aalagaan ko si Dad dahil iniwan ko siya. Sorry kung hindi ho ako naging mabuting anak. H-hindi ko po alam ang dapat kong gawin."

Muli niyang pinatuyo ang basang pisngi. "Gusto ko ho tulad ni Dad na ayusin ko ang pagiging mag-asawa namin ni Craig, pero paano ko po iyon gagawin iyon kung si Craig na mismo ang may ayaw? Bigyan mo po ako ng sign kung ipagpalaban ko pa ba ang kasal namin o hindi na. Kung gagawa pa ba ako ng paraan para maayos ang pagitan naming dalawa?"

Nagbuga siya ng hangin. "Kapag nakakita ako ng puting bulaklak ibig sabihin, susubukan ko ulit na ayusin ang relasyon namin ni Craig. At kapag pula, ibibigay ko ang annulment na gusto niya."

"Señorita Anastasia, nandito ho pala kayo."

Nabaling ang tingin niya kay Manang Melani na siyang nag-aalaga sa museleo ng kaniyang ina.

"Oho, Manang. Dinalaw ko lang ho si Mommy. Matagal na panahon na rin mula nang huling punta ko."

"Ganu'n ho ba? Papalitan ko lang ng bulaklak yung nasa vase."

Bumaba ang tingin niya sa pumpong bulaklak na hawak nito. Bumuka ang bibig niya nang makita niya ang kulay ng rosas.

Puting rosas!

Muli siyang bumaling sa puntod ng kaniyang ina. "I get your answer, Mom. I will! Sige Manang Melani, mauna na ho ako," paalam niya rito na lumabas na ng museleo.

Agad siyang sumakay sa kabayo at mabilis iyong pinatakbo pauwi sa mansion. Eksaktong nandoon si Bernard nang dumating siya sa mansion.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, Bernard." Tinapik niya ito sa balikat bago tumakbo paakyat sa kaniyang kwarto.

Kinuha niya ang ang envelope na nakapatong sa study table at pinakatitigan iyon. Sa huling pagkakataon, susubukan niyang kausapin ulit si Craig para bigyan siya nito ng huling pagkakataon para maayos ang pagsasama nila. Kung wala pa rin mangyayari sa gagawin niya ay tsaka siya susuko.

Humugot siya ng hangin at marahas iyong binuga. Bitbit ang annulment paper na lumabas siya ng kwarto. Hahanapin niya si Craig para kausapin ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Epilogue

    "HINDI naman tayo sumobra diba?" tanong ni Anastasia sa asawa ng mahiga sila sa kama.Nagbuntong hininga si Craig. "Hindi. Alam ko na tama ang ginawa nating desisyon para sa kanilang dalawa.""Ayoko rin kasi na mabigla sila sa desisyon nila. Tutuparin kaya nila ang pangako na hindi sila magkikita?""Nagtitiwala ako na gagawin nila 'yon."Hinilig ni Anastasia ang ulo sa dibdib ng asawa. "Ang bilis ng panahon ano? Parang kailan lang maliliit pa sila tapos ngayon alam na nila ang magmahal.""Lahat talaga dumadaan sa ganyan, Ana. Darating ang araw na iiwan tayo ng mga anak natin dahil magkakaroon sila ng pamilya.""Alam ko naman 'yon."Hinalikan siya nito sa noo. "Thank you, Princess dahil nagawa mong tanggapin at mahalin si Amber kahit na si Cameron ang ina niya.""Huwag mong sabihin 'yan, Craig. Mabait na bata di Amber, malambing, masunurin at higit sa lahat mapagmahal na bata. Oh! Nagawa niya tayong suwayin dahil sa pagmamahal niya kay Crayson." Nagtawanan sila."Deserve ni Amber ang m

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chaoter Eighty Two

    UMALIS ang ama ni Amber na hindi man lang nito sinasabi sa kanya na merong engagement party na magaganap para kila Crayson at Sofia.Mabait ang mga magulang niya, marahil hindi lang gusto ng mga ito na magkaroon sila ni Crayson ng relasyon dahil tunay na anak ang turing sa kanya ng mga ito.Pagkaalis ng ama niya ay agad siyang kumuha ng ticket pauwi sa Asturias na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya. Kasama niyang aalis si Cloud para makita nito si Cazziana bago ito lumipad papunta sa America. Dalawang araw pa naman bago ang araw ng engagement ni Crayson kaya makakahabol siya.Inayos na niya ang dadalhin niyang gamit para sa pag-alis bukas ng gabi. Pupunta sita doon para kausapin si Crayson. Kung hindi siya nito mahal at desindido talaga itong magpakasal kay Sofia ay hindi na niya ito pipigilan at hahayaan na lang niya ito. Pero aminin nito sa kanya na mahal siya nito at handa niya itong ipaglaban sa mga magulang nila.Kinakabihan ay maagang natulog si Amber para sa maaga nilang

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Eighty One

    SIMULA ng magkausap si Amber at ang ama niya ay hindi na siya masyado lumalabas ng kwarto niya. Pagkagaling sa school ay diretso siya sa kwarto niya oara magmukmuk at ibabad ang sarili sa homeworks.Tsaka lang siya bababa para sabayan na kumain ang ama niya at si Crayson. Hindi na rin siya nakikipagkwentuhan sa mga ito at hindi na rin niya makuhang ngumiti at makipagbiruan man lang.Napatingin si Amber sa cellphone niya nang may tumatawag sa messenger niya. It was Cazziana."Hello, Cazz," sagit niya sa video call nito."How are you my lil sister?""I'm fine. I'm doing my homework." Pinakita niya ang nagkalat niyang paper works sa lamesa."Hay! Ang hirap maging estudyante, right?"Tipid na ngiti lang ang sinagot niya rito."How's dad and Crayson?""They're fine. Katatapos lang namin maghapunan. Kayo nila mommy dyan, kumusta?""Ayos lang din.""That's good," aniya."Ikaw, kumusta? My problema ka?"Umiling siya. "Wala.""Kilala kita, Amber. Spill it."Kilala niya ang kapatid. Hindi ito t

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Eighty

    ONE YEAR later...MAAGANG nagising si Amber dahil merong tumatawag sa messenger niya. Nakapikit na inabot niya ang cellphone na nasa bedside table at hindi tinitingnan na sinagot iyon."Good morning, Hija. Nagising ba kita?"Bigla siyang napadilat ng mga mata nang marinig ang boses ng ama mula sa kabilang linya."Dad..." Mabilis siyang bumangon. "Good morning po.""Mukhang puyat ka.""Umh... May tinapos lang po akong project kagabi.""Ganu'n ba? Nag-umagahan ka na ba?""Mag-uumagahan pa lang po.""Good. Lumabas ka na dyan para mag-umagahan na tayo."Nanlaki ang mga mata niyang mabilis siyang bumangon. Walang hilamos na lumabas siya ng kwarto at patakbong bumaba sa sala. Laking tuwa niya nang mabungaran ang ama sa sala."Dad!" Patakbo niya itong niyakap. Namiss niya ito ng sobra dahil isang tao din silang hindi nagkita."Nasopresa ba kita?" natatawa nitong sabi."Ang hilig mo po talagang magsopresa, Dad.""Kumusta ka? Mukhang nabawasan ata ang timbang mo ah? Baka naman hindi mo inaalag

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy Nine

    ELEVEN YEARS LATER...EXCITED si Amber na bumangon ng araw na iyon dahil iyon ang araw na pinayagan siya ng kanyang ina na umuwi sa Pilipinas bilang regalo sa darating na ika-labing walang taong gulang niya.Patakbo niyang tinahak ang malawak na hallway ng palasyo."Please be careful, Princess Amber!" habol sa kanya ng nanny niya.Sa kanyang pagtakbo ay napahinto siya nang agad niyang nakita ang kanyang inang si Anastasia/Letizia na kausap ang sekretarya nito at nasa tabi ng kanyang ina ang nakakatandang kapatid niyang si Crayson.Pinagpagan at inayos niya ang suot na dress at maayos na naglakad palapit sa mga ito. "Magandang umaga, Mom," bati niya."Oh... Hi, Amber anak.""Mom, hindi ho ba pinayagan ninyo ako ni daddy na umuwi sa Pilipinas bilang regalo sa birthday ko?" Nakagat niya ang ibabang labi."Ngayong araw na ba 'yon?"Tumango siya. "Yes.""You're not allowed to leave. The king's birthday is today, and there will be a ball tonight. We must all be present later to commemorate

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy Eight

    SHE LICKED the tip of his while caressing his length. Napakapit si Craig sa railing habang kagat nito ang ibabang labi. Nasiyahan siyang makita itong nasasarapan at nababaliw sa ginagawa niya.Ipinasok niya ng buo ang pagkalalaki nito sa bibig niya habang kumikiwal ang dila niya. Patuloy siya sa ginagawang pagsipsip at pagdila sa buhay na buhay nitong pagkalalaki. Umungol ito nang isagad niya ang kahabaan nito sa lalamunan niya."F*ck, Princess!" Humawak ang kamay nito sa buhok niya. Umangat naman ang balakang ni Craig para igiya at isagad ang pagkalalaki sa bibig niya.Punong-puno ang bibig niya dahil sa laki nito, pero hindi siya huminto. Pinagpatuloy niya ang pagsubo sa pagkalalaki nito na lalong napahigpit sa pagkapit sa buhok niya at sumunod-sunod ang pag-ungol nito."Oh, God! Anastasia..."Sinipsip niya ang dulo nito bago niya pinakawalan ang pagkalalaki nito. Gumapang ang dila niya sa kahabaan nito until she reach his balls. Dinidilaan niya iyon at sinisipsip na lalong nagpalak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status