Share

Pangarap Kong Matikman Ka
Pangarap Kong Matikman Ka
Author: LiaCollargaSiyosa

Prologue

Alina’s POV

Nagulat na lang ako na nasa tapat ako ng isang lumang apartment na para bang lumang-luma na. Takang-taka ako, dahil parang nag-teleport ako rito.

Narito ako sa kalsada nang biglang may dumaan na mabilis na sasakyan. Napasigaw ako nang malakas nang inakala kong sasagasaan niya ako pero, laking-gulat ko nang tumagos ako bigla sa sasakyan na ‘yon.

What the fuck!

I slowly looked at myself. Nakasuot pa rin ako ng damit pangkasal pero, ngayon ko lang napagtanto na kulay abo ang buo kong katawan at buong sarili. Parang…parang black and white ang itsura ko.

Panaginip ba ito?

I looked around. I screamed and asked for help. Umaasang maririnig ako ng mga tao pero wala. Kahit lapitan at sigawan ko man sila sa mismong harap ng mukha nila ay walang nangyayari. I’m just passing through their bodies.

Bakit tumatagos ako sa kanila?

Okay, panaginip ata ito. Oo, hindi ako dapat mag-panic kasi panaginip ito.

Pero kung panaginip ito, ang gara naman. Para kasing totoo.

Napakunot ang noo ko nang bigla akong makarinig ng lalaking umuungol. Napasapo ako sa ulo ko kasi pati ba naman ungol ng lalaki nasali pa sa panaginip na ito.

Malapit lang ang ungol na iyon sa akin at sigurado ako na nasa loob ng apartment na nasa harap ko ang boses na naririnig ko ngayon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumapit ako sa harap ng apartment na kinaroroonan ko ngayon. Sinubukan ko kung tatagos din ba ako sa pader ng apartment na iyon kaya lumakad ako palapit doon. Laking-gulat ko nang makapasok nga ako roon nang hindi dumadaan sa pinto. Tumatagos din ako sa mga bato kaya napapailing na lang talaga ako. Ang funny ng panaginip na ito. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang horror movie.

Pero lalo nang namilog ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaking hubu’t hubad na nakahiga sa sofa niya.

Putang-iná! Ano ‘to?!

Nakabukaka ang isang lalaki habang nakaupo sa lumang sofa. Guwapo ito, malaki ang katawan at tumitirik ang mga mata, tapos nakanganga pa. Kitang-kita ng mga mata ko ang napakalaki at napakatabang ari na pinaglalaruan niyang mag-isa. Panay ang ungol niya.

“Ohhhh, sarap, syet!”

Gágo ang isang ‘to. Wala ba siyang girlfriend at nagsasarili siya? Pero, teka, panaginip nga lang pala ito. Pero bakit naman sa dinami-rami ng panaginip ko, itong lalaki pa na ito ang narito? Saka, sino ba siya? Ngayon ko lang nakita ang istura niya.

Ang guwapo at ang yummy pa naman ng katawan niya, tapos ganito lang ang ginagawa niya. Base sa itsura niya, sigurado akong habulin ng babae ang isang ‘to.

Sa madaling salita, nagma-masterbaté ang lalaking ito. Grabe, ngayon lang ata ako nakakita ng ganitong armas ng lalaki na halos abot sa pusod ang ulo. Tapos, ang taba pa at ang laki talaga.

Nang hindi ko na kayanin ang mga nakikita ko, doon na ako napasigaw.

“Aaahhh!!!”

Sumigaw ako nang sobrang lakas dahil sobrang bastos talaga nitong panaginip na ito. Pero ang kinagulat ko ay bigla siyang nahinto sa ginagawa niya. His eyes opened, and he was surprised, as if he heard my voice.

“S-sino ‘yan?” tanong niya at saka hinila ang kumot para itaklob sa hubu’t hubad niyang katawan.

Wait, can he hear me?

Tumingin-tingin siya sa paligid na para bang naghahanap ng tao. Malakas ang kutob ko na baka ako ang narinig niya kaya nagpasya akong kausapin na siya. Tutal ay panaginip naman ito, mag-e-enjoy na lang muna ako sa kakaibang pangyayari na ito. “Hey, can you hear me?”

Lalong nanlaki ang mata ng lalaking ito. “Putang-iná, sino ka at nasaan ka? Paano ka nakapasok sa bahay ko?” Tumayo ito at saka tinali sa buong katawan niya ang kumot na ‘yon. Pagtayo niya, bakat na bakat pa rin ang pinagpalang ari niya na ngayon ay tila galit pa rin. Natawa pa ako nang makita kong sumilip sa hiwa ng kumot ang ulo niyang pink na pink.

Naglakad-lakad ang lalaki sa buong paligid ng maliit niyang apartment na tila buong silid ay naghahalo-halo na ang sala, tulugan at kusina. May pinto sa may gilid, baka ang banyo na niya ‘yon.

Narito ako sa tapat ng bintana niya at dinaanan niya lang ako. Siyempre, tumagos lang din ang katawan ko sa kaniya gaya nang nangyari sa labas.

“Lumabas ka! Saan ka nagtatago? Narito ka ba sa loob ng apartment ko o nasa labas ka? Sino ka ba kasi?” Takang-taka pa rin siya kaya natatawa talaga ako. Talagang wala ngang nakakakita sa akin. Para na akong kaluluwa.

Kaluluwa?

Bigla akong natahimik nang maisip ko na parang kaluluwa na lang talaga ako ngayon. S-sandali nga.

Ang huling natatandaan ko ay ikakasal na ako. Napatingin tuloy ulit ako sa suot ko ngayon. Naka-wedding gown pa rin naman ako. Tapos, natatandaan ko rin na lumabas na ako sa kuwarto ko ng umagang ‘yon para pumunta na sa simbahan nang may humila sa akin at dinala ako sa veranda ng penthouse ko. At doon, natatandaan ko na nalaglag ako roon at nahulog ako sa swimming pool. Hindi ako puwedeng magkamali, totoong nangyari ‘yon at pagkagising ko, heto na ako, ganito na.

Syet. Patay na ba ako kaya ako ganito ngayon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status