Share

Kabanata 1

Alina’s POV

“Hoy, bakit hindi ka na sumasagot? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sinisilipan mo ba ako dahil nagsasarili ako? Hindi ka nakakatuwa ah! Umalis ka dito!”

Galit na siya. Panay pa rin ang paghahanap niya pero, wala naman siyang makitang tao dito sa loob ng apartment niya, kung mayroon man, ako lang na kaluluwa na lang ngayon.

Ibig sabihin ay hindi ito panaginip. Maaaring totoo na itong nangyayari ngayon at baka…baka naglalakbay na ang kaluluwa ko ngayon at dito ako napadpad?

“I am here inside your apartment. Hindi mo ako makikita dahil…”

I stopped speaking. I don’t think I can tell him that I’m already a soul now. Baka kasi matakot siya.

“Hoy, ipapakulong kita! Hindi magandang biro itong ginagawa mo. Nasaan ka ba? Pa-english-english ka pa!”

I just left his apartment because I was starting to feel scared and anxious about what was happening to me. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Maling itong nangyayari ngayon. Mali itong kaluluwa na lang ako. Saka, bakit dito ako napunta sa harap ng apartment ng lalaking ito?

Pagtagos ko ulit sa labas ng apartment niya, I just walked and walked along the street until I reached a park. I sat on a bench there, lost in thought, trying to make sense of what was happening to me.

Hanggang sa isang newspaper ang nilipad papunta sa harap ko. Sa mismong front page nito ay nakita ko ang pagmumukha ko. Ang picture ko pa na naka-wedding gown ako—kahapon ang naka-display doon habang nakalagay ang balita na nangyari sa akin.

Alina Lovia na isang bilyonaryong babae na dapat ay ikakasal na lang ay biglang nag-suicide sa mismong veranda ng penthouse niya. Tumalon ito mula sa itaas ng penthouse at saka ito nalaglag sa swimming pool. Patay na ito nang dalhin sa hospital.

Napasigaw ako nang sobrang lakas dahil sa galit.

“Hindi ako nagpakamatay. Hinding-hindi ko gagawin ‘yon. Mahal na mahal ko ang buhay ko. Mahal na mahal ko rin si Nacho, kaya nga magpapakasal na ako sa kaniya, e. Wala akong dahilan para magpakamatay.”

May tumulak sa akin. Iyon ang totoo. Hindi ko man nakita kung sino ito ay aalamin ko iyon. Hindi ako titigil. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko hanggang hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa sa akin nito.

Bigla kong naalala ang lalaking nakakarinig sa akin kanina sa pinasok kong apartment. Napangisi ako. Mukhang alam ko na agad kung sino ang taong makakatulong sa akin. Ang lalaking hubu’t hubad na ‘yon na may malaking tité ang tutulong sa akin.

Ang tanong ay tutulungan kaya niya ako?

**

Bumalik ako sa apartment niya. Nadatnan kong umiinom na siya ng kape habang nakatulala sa harap ng salamin.

“May sakit ba ako o hallucination ko lang ‘yung narinig kong nagsasalitang babae kanina?” tanong niya sa sarili niya habang chini-check pa niya ang mata niya.

“I didn’t attempt suicide, I wouldn’t do that,” I said, then I started crying again. He dropped the coffee as I spoke again. There's no doubt he really hears me.

“Putang-ina, ano ba ‘to?!” tumingin-tingin siya sa paligid habang takot na takot ang itsura ng mukha. “May multo ba sa apartment na ‘to? Bakit ngayon lang nangyari ito?” tanong pa niya na para bang aatakihin na sa puso dahil sa takot.

“Tulungan mo ako, kuya,” sabi ko ulit.

“Aaaahhhh!”

Doon na siya tuluyang sumigaw at saka nagtatakbo palabas ng apartment niya. Napasapo na lang ako sa mukha ko kasi mukhang mahihirapan ako dito. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kaya umiyak na lang ako nang umiyak.

Ang ginawa ko, umuwi na lang ako sa penthouse ko. Ang gara lang kasi kahit maglakad at magtatakbo ako, wala akong pagod na nararamdaman. Kung saan-saang sasakyan ako sumakay para lang makauwi sa penthouse ko. Nakisabay pa ako sa mga elevator na sinasakyan ko. Mabuti nalang din at may staff na umakyat sa penthouse kaya nakarating ako dito. Hindi ko kasi kayang pumindot ng button sa elevator. Tumatagos lang ako kaya ang tanging pagsabay lang sa mga tao ang tanging nagawa ko.

Pagdating ko sa loob ng penthouse ko, maraming tao pero ni isa ay walang umiiyak. I saw the man I’m going to marry. I approached him intending to hug him, but I just passed through him.

“Nacho, my love, I’m here. I’m here beside you,” sabi ko, umaasa na baka marinig niya rin ako gaya nung lalaking nakita ko sa apartment kanina. Pero tila wala siyang naririnig. Kahit isa sa kanila ay wala, hindi nila ako naririnig.

Nacho left, so I just let him go for now because I wanted to stay in my penthouse. I saw my friends Geneva and Helena. Geneva is a famous fashion model, while Helena is a famous singer.

“Poor Nacho. Sayang, he’s so handsome pa naman. Alina is just stupid din, e. Why did she do that just when they’re about to get married? Baliw na ata talaga ‘yang kaibigan mo,” I heard Geneva say to Helena.

“Hoy, Geneva, kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Parang hindi mo kaibigan si Alina ah? Grabe ka,” sita sa kaniya ni Helena.

“Hindi naman talaga. I never really considered her a friend. I only befriended her for Nacho’s sake. I really like Nacho. And now that that idiot Alina is gone, I have a chance to finally flirt with Nacho,” sabi ni Geneva na tuluyan na ring lumabas ang tunay na kulay. Tang-ina niya.

“Hayop ka!” sigaw ko at saka ko siya sinampal. Sa galit ko, nagulat silang dalawa kasi nakagawa ako ng hangin. Kitang-kita ko kung paano magtinginan sina Geneva at Helena.

“Ayan, sige ka. Narinig ka siguro ni Alina. Nagalit siya sa iyo,” sabi ni Helena na tinawanan lang ni Geneva.

“Idiot, wala ng patay ang bumabalik pa. Diyan ka na nga. Anyway, we’re not friends anymore. I don’t like losers and goody-goodies like you. You’re both losers just like Alina.”

“Plastik ka. I wish it was you who died, not Alina,” Helena said angrily, causing my tears to fall.

Hindi ako makapaniwala na ganoon pala ang tunay na ugali ni Geneva. Ang bait-bait pa naman ng tingin ko sa kaniya kasi palagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako. Tapos, kapag nandito si Nacho, gusto niyang nakikipag-bonding sa akin nang biglaan. Iyon pala, palihim pala niyang ginugusto ang mapapangasawa ko. Sorry siya, pero hinding-hindi siya magugustuhan ni Nacho. Sa totoo lang, ang pangit naman niya talaga. Kung hindi pa siya nagparetoke ng ilong, mata, bibig at baba ay hindi naman siya gaganda.

“Alina, miss na miss na kita. Paano na ako nito?” dinig kong sabi ni Helena na iyak nang iyak pa rin. Kung mayroon mang naging totoo sa mga kaibigan ko ay si Helena na iyon. “Malakas ang kutob ko na hindi siya nagpakamatay. Hindi magagawa ni Alina ‘yon. May nagtangka kaya sa buhay niya?” sabi pa niya kaya bigla akong napatango at naluha ulit.

Kahit siya ganoon din ang naisip. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng galit. Sino nga kaya ang pumatay sa akin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status