Nanlaki ang mga mata ni Lalaine sa sinabi ng binata sa kanya, “wala sa usapan natin yan!” reklamo niya ngunit nagsawalang kibo si Juaquin at bumalik sa kanyang upo saka dumikwatro at ginalaw ang upuan na parang dinuduyan ang sarili. Ngumisi ito sa dalaga at nagsabing, “kasalanan ko bang hindi ka pala marunong magbasa ng kontrata?”
Galit na itinapon ng dalaga ang kanyang paningin sa binata at sinisi ito, “kasalanan mo ito dahil minamadali mo ako.”
Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng binata, nanlisik sa inis ang mga mata ni Lalaine nang masilayan ang mapangkutyang ngiti ng binata.
“P-pero paano kung hindi siya maapektuhan sa mga actions na gagawin natin sa harap niya?” Tanong niya sa binata.
Mabilis tumayo si Juaqin at nakalapit agad sa kanya ng hindi niya namamalayan, marahan siyang itinulak sa desk nito at itinukod ang kanyang kamay sa magkabilang tabi ng desk habang inilalapit ng husto ang mukha nito sa mukha ng dalaga.
“A-anong binabalak mong gawin sakin?” nauutal na tanong niya, walang tigil sa pagwawala ang puso ni Lalaine ng mga sandaling iyon at hindi niya malaman kung paano makaiiwas sa binabalak nito sa kanya.
Inilapit ni Juaqin ang kanyang mga labi sa tabi tenga, nag-taasan ang buong balahibo ng dalaga sa katawan nang dumampi ang mainit na hinga nito sa kanyang tenga at leeg.
“Kahit sipingan pa kita, gagawin ko bumalik lang siya sakin,” mariin nitong bulong sa kanya.
Nakaramdam ng pagkainis si Lalaine matapos marinig ang sinabi nito sa kanya, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi. Nagtaas siya ng tingin kay Juaquin at tumitig ng mariin sa mga mata nitong puno ng pag-asa, pag-asang babalikan siya ng dating nobya.
Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa dibdib ng binata upang itulak ang katawan nito palayo sa kanya ngunit biglang lumapat ang mainit at malambot na mga labi nito sa kanyang mga mapupulang labi matapos marinig ang pangalan ni AJ mula sa labas ng opisina nito.
Bumukas ang pinto at bumulaga sa dating nobya ni Juaquin ang eskandalong kanilang ginagawa habang si Lalaine ay hindi napigilan ang sarili at napapikit ang mga mata sa pag-angking ginagawa ng binata sa kanyang mga labi at tinugunan rin ang bawat halik na binibigay nito sa kanya. She unconsciously puts her hands around his neck habang inenjoy ang ginagawang paghalik sa mga labi ni Juaquin.
“What’s with them? Gusto ba niya kong makausap para ipakita ito?” inis na tanong ni AJ sa bagong sekretarya nito nang mahuli niya ang dalawa sa akto.
Napamulat si Lalaine sa paghinto ni Juaquin at paglayo ng mga labi nito mula sa kanya.
“Nasaan na siya?” tanong niya sa sekretarya habang lilinga-linga sa paligid.
“U-umalis na po, sir.”
Mabilis siyang naglakad palabas ng opisina at iniwang nakatanga si Lalaine sa loob ng opisina, napahawak sa mga labi ang dalaga habang nakatitig sa kanya ang sekretarya ni Juaquin. Nahihiya siyang kumaway dito saka marahang tumalikod habang hinahaplos ang mga labi at dinadama parin ang matamis na halik ng binata.
“Ano itong ginawa ko? Bakit iniisip ko parin ang ginawa niyang paghalik sa akin??Bakit ko siya hinalikan pabalik? Paano kung ano na lang isipin niya?” sabi niya sa sarili, natataranta niyang tanong sa sarili habang napapailing sa kahihiyang ginawa niya, “kailangan kong magpaliwanag sa kanya.” Bulong nito.
Napaatras siya matapos piligin ang katawan at bumungad si Juaquin sa kanyang harapan. Nakatingin lamang siya sa mukha ng binata, naghihintay ng sasabihin nito sa kanya ngunit walang kahit anong lumabas mula sa bibig nito maging ang mukha niya ay walang kahit anong emosyong mababakas.
“G-gusto ko lang sabihing, don’t take it—” hindi na niya natapos ang sasabihin sa binata dahil tinalikuran na siya nito, naglakad pabalik sa upuan nito saka naupo at humarap sa screen ng kompyuter na para bang walang anong nangyari sa kanila.
Humaba ang nguso ni Lalaine, naupo siya sa sofa na katapat ng desk ng binata. Hindi niya namamalayang nakatitig na pala siya sa labi ng binata ng mga sandaling iyon.
“Ano na naman bang pinag-iisip mo, Lalaine? Nagkakasala ka sa ginagawa mo, tandaan mo, trabaho lang ito at bawal kang mainlab sa lalaking yan dahil pagkatapos ng lahat ng ito at binalikan na siya ng dati niyang nobya ay babay na,” pagpapapaalala niya sa sarili habang inaalog ang ulo.
Hindi niya namalayang nakatingin pala sa kanya ang CEO, “what do you think you’re doing?” otorisadong tanong nito sa kanya na nagpatigil kay Lalaine sa ginagawa sa sarili.
Nagsalubong ang kilay ng dalaga at napahinto sa pagpukpok sa ulo habang umiisip ng maaring maging palusot.
“K—kasi masakit lang ang ulo ko, I think k-ulang lang ako sa tulog. Tama! Kakaisip ko kasi sa condition ni nanay, I’m still worried about her,” pagsisinungaling niya.
Mas lalo naguluhan si Lalaine nang biglang tumayo si Juaquin, sinundan niya ang kilos ng binata na patungo sa kanya??
“Ano na naman kayang binabalak ng mokong na ito?” bulong niya. Nakatuon parin ang mga mata ng dalaga kay Juaquin habang papalapit ito sa kanya hanggang sa maglakad ito sa likod ng sofa at huminto sa likod ng inuupuan niya. Nakalingon parin siya sa binata nang biglang ipatong nito ang mga kamay sa magkabilang balikat niya at para bang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ng dalaga.
“A-ano itong nararamdaman ko? Bakit ambilis ng tibok ng puso ko? H-hindi maari ito. Hindi ito pwede,” bulong niya sa sarili.
Nakita niya ang maingat na pagmasahe ng binata sa kanyang magkabilang balikat na kanyang pinagdudahan, “what do you think you’re doing, Mr. Cristobal?” sarkastika niyang tanong. Diretso ang kanyang tingin sa binata habang naghihintay sa isasagot nito. Napansin niya ang pagkurba ng mga labi ng binata pataas at ang paglabas ng malalim nitong dimple sa magkabilang pisngi.
“I’m just helping you na mabawasan ang sakit ng katawan mo,” malambing na tugon ni Juaquin sa kanya.
Nakaramdam ng kung anong kiliti sa loob ng sikmura si Lalaine matapos marinig ang tugon ng binata sa kanya, mabilis namula ang kabuuan ng mukha ng dalaga habang patuloy parin sa pagkakatitig sa binata.
“Anong problema niya? Bakit bigla siyang naging sweet sakin? Hindi kaya nahulog na agad siya sakin?” tanong ni Lalaine sa sarili.
Mas lalong pinanlamigan ng buong katawan ang dalaga nang biglang ilapit ni Juaquin ang kayang mukha sa tabi ng kanyang leeg. Naririnig niya ang bawat paghinga ng nito at dumadampi sa kanyang balat ang mainit na paghinga nito.
Pilit pinipigil at pinapakalma ni Lalaine ang sarili sa temptasyong pinapakita ng binata sa kanya kaya naman nilingon niya ito, walang tigil sa pagkabog ang kanyang puso nang biglang magtama ang kanilang mga mata.
"Ano na naman ito? Bakit ganyan ka makatingin sakin Mr. Cristobal? Ano na namang plano mo?" pagsusumigaw ng kanyang puso ngunit hindi niya pinakawalan ang mga katagang ito.
"Parang alam ko na to?" bulong sa sarili sabay pikit ng mga mata nang mapansing tila inilalapit ng binata ang mukha nito sa kanya.
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo