“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
“Aika, mahuhuli na ako sa interview ko! Ikaw na muna ang bahala kay Inay, ha?” sigaw ni Lalaine habang sinusuot ang kanyang mataas na sapatos.“Oo, Lalaine! Mag-iingat ka, goodluck!” tugon ni Aika sa kanya. Mabilis na nanakbo palabas ng barong-barong na bahay si Lalaine patungo sa sakayan ng dyip.Si Lalaine Madrigal ay dalawampu’t-isang taong gulang, maganda, matalino, mabait, masipag at matiyaga, kakapagtapos lamang ng kolehiyo sa kursong Business Management sa Lungsod ng Maynila at nakapagkamit ng pinakamataas na karangalan sa buong batch nila. Ulila na sa ama at tanging ina na lamang niya ang kanyang kasama. Pinilit niyang makatapos kahit pa kayod-kalabaw siya para lang matustusan ang kanyang pag-aaral ng mga panahong yun, nag-aaral sa umaga at sumasideline naman sa gabi dahil sa kagustuhan na rin niyang maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman. Si Aika na kanyang kapitbahay ang nagiging katuwang niya sa pag-aalaga sa kanyang ina kung umaga ngunit hindi ito palaging
“I don’t hold a grudge against you… Oportunist at ambitious!? How dare he use such words to me?!” inis na pag-uulit ni Lalaine habang nagmamartsa palabas ng kumpanya. “Wala daw galit pero labas naman sa ilong mga pinagsasabi niya. Saka hindi man lang niya ako ininterview! Seriously?!! Dahil lang sa isang tanong, rejected ako! What kind of professionalism does he have?!” buryong reklamo ni Lalaine. Muli niyang nilingon ang building na kanyang nilabasan at tinitigan ito sa huling pagkakataon, “pinapangako kong kailanman ay hindi na ako tutuntong sa kumpanyang yan kahit pa lumuhod sa akin ang Juaquin Cristobal na yan!”Tumalikod si Lalaine at sumakay ng dyip pauwi, hindi pa rin pinanghihinaan ng loob ang dalaga kahit pa pangtatlumpu’t-anim na siyang tinatanggihan ng mga kumpanyang kanyang inaapplyan dahilan sa pagiging huli, overqualified, o intimidated sa kanya ang ilang mga interviewer dahil sa dami ng mga achievements na nakamit niya.“Oh, kumusta ang interview?” Bati ni Aika sa kanya
“Dude, anong pumasok sa isip mo at sa dinami-rami ng babae sa mundo bakit yung Lalaine pa ang pinili mong pagpanggapin bilang nobya mo?” reklamo ni Sandro sa kaibigang si Juaquin matapos malaman ang pagkatao ni Lalaine mula sa masusing pagpapaimbestiga ng kaibigan.Pinilig niya ang swivel chair na kanyang inuupuan at tumayo saka umikot sa desk niya at hinarap si Sandro, “dahil she is the best fit on this play.”“What do you mean by that?” nagtatakang tanong nito.“Dahil sa lahat ng babaeng na-link sakin ay sa kanya ko lamang nakitaan ng selos si AJ,” pagtatapat niya sa kaibigan.“I have no idea na marunong palang magselos itong si AJ,” nakangising tugon nito, napahinto siya sa pagsasalita nang may kumatok sa opisina ng kaibigan at ibinaling ang kanyang paningin sa papasok na tao.Tila huminto ang kanyang mundo at nanlaki ang mga mata nang bumungad ang isang magandang binibini na nakasuot ng red wine button down polo short sleeve dress na hanggang tuhod lamang at bumagay sa maputi nito
Nanlaki ang mga mata ni Lalaine sa sinabi ng binata sa kanya, “wala sa usapan natin yan!” reklamo niya ngunit nagsawalang kibo si Juaquin at bumalik sa kanyang upo saka dumikwatro at ginalaw ang upuan na parang dinuduyan ang sarili. Ngumisi ito sa dalaga at nagsabing, “kasalanan ko bang hindi ka pala marunong magbasa ng kontrata?”Galit na itinapon ng dalaga ang kanyang paningin sa binata at sinisi ito, “kasalanan mo ito dahil minamadali mo ako.”Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng binata, nanlisik sa inis ang mga mata ni Lalaine nang masilayan ang mapangkutyang ngiti ng binata.“P-pero paano kung hindi siya maapektuhan sa mga actions na gagawin natin sa harap niya?” Tanong niya sa binata.Mabilis tumayo si Juaqin at nakalapit agad sa kanya ng hindi niya namamalayan, marahan siyang itinulak sa desk nito at itinukod ang kanyang kamay sa magkabilang tabi ng desk habang inilalapit ng husto ang mukha nito sa mukha ng dalaga.“A-anong binabalak mong gawin sakin?” nauutal na tanong niya, w
“Wala na siya kaya pwede ka ng tumigil pagpapanggap,” nakangising bulong ng binata sa nakatangang si Lalaine.Napamulat ang dalaga at namilog ang mga mata sa narinig na bulong nito sa kanya, pinamulahan siya ng pisngi at agad ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon, “a—alam ko! Pwede bang lumayo ka na sakin,” nahihiyang singhal niya.Tumayo si Lalaine at inayos ang nagusot na hapit nitong bistida, “tingin ko nama’y wala ka ng anumang kailangan sakin. Maaari na ba akong umalis?” tanong niya sa binata.“Makakaalis kana, tatawagan na lamang kita kung kailan kita kailangan,” tugon nito.Walang anu-anong lumabas ng opisina si Lalaine dahil sa hiya na naramdaman niya at pag-aakalang muli siyang hahalikan ng binata. Nakayuko niyang binabaybay ang daan palabas ng kumpanya ng mga Cristobal nang may mabangga siya at nagkahulog ang mga gamit nito sa sahig.Agad yumuko si Lalaine para tulungang damputin ang mga gamit ng nakabangga, “p-pasensya na. Hindi ko sinasadya,” paghingi niya ng paumanhin