“Y-ung kaibigan ko,” hirit ni Lalaine bago siya tuluyang hilahin ng nobyo paalis ng maingay na lugar na ito.“Si Sandro na ang bahala sa kanya,” tipid nitong tugon.“Sandro?” biglang pumasok sa isipan ni Lalaine ang mga pinaggagawa ni Sandro sa kaibigan at naalala niyang ikakasal na ito sa iba, “h-hindi pwede… ayokong siya ang mag-uwi sa kaibigan ko baka hindi pa siya makauwi.” Pilit kinakalas ni Lalaine ang pagkakahawak sa kaniya ng nobyo, “bakit? Anong gagawin mo?” tanong ni Juaquin.“Bitawan mo ako,” utos niya, “ako na ang maghahatid sa kanya,” dagdag ni Lalaine.“Magtiwala ka, walang masamang gagawin si Sandro sa kaibigan mo,” pakiusap ni Juaquin sa kanya.“Fine! Pero kapag nalaman ko… kapag nalaman ko talaga na may ginawa siya sa besprend ko, kasama kang mananagot,” pagbabanta niya kahit pa umiikot ang paningin niya sa hilo ay maliwanag pa rin ang pag-iisip niya sa nangyayari.Agad na sinabihan ni Juaquin ang kaibigan bago siya sumakay sa loob ng sasakyan, “ikaw na bahala kay Ai
Isang matinding sakit ng ulo ang gumising kay Aika kinabukasan, hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi ng ayos ng bahay at nakapagpalit ng damit, naupo siya sa kama at sumandal sa pader, nakahawak ang dalaga sa ulo niyang sumasakit at hinahagod ito nang bigla niyang maalala si Lalaine.“Nakauwi kaya ng maayos si Lalaine?” tamad niyang tanong sa sarili. Hindi siya makatayo sa kama dahil sa bigat ng pakiramdam na nadarama niya sa ulo niya, “hindi na ako uulit,” sabi niya sa sarili.“Ate? Gising ka na ba?” narinig niyang kumakatok ng pinto ang kapatid na si Gio.“Oo, pasok ka, Gio,” utos niya sa kapatid. Binuksan naman ni Gio ang pinto ng kanyang silid at pumasok, may dala itong isang basa at ipinatong sa ibabaw ng maliit na drawer malapit sa kanyang kama.“Ano iyan?” tanong niya habang hinahagod ang kanyang ulo.“Hot water na may honey, ate,” sagot nito sa ate niya. Nagpaalam na si Gio na papasok sa school at nagmadaling lumabas ng bahay.“Tingnan mo iyon, masyadong nagmamadali. D
Nagtungo si Lalaine sa bahay ng kaibigan niyang si Aika matapos mag-lunch ang kasama niyang nobyo, agad niyang hinanap ang kaibigan sa loob ng bahay nang makapasok ito agad.“Aika! Aika!” tawag niya sa kaibigan nang makitang bukas ang pinto ay pumasok siya sa loob at kumatok sa silid ng kaibigan.“Aika!” sigaw niya, muli siyang kumatok sa pinto ng silid.Naghihikab pang nagbukas ng pinto si Aika, “Lalaine? Paano ka nakapasok dito?” nagtatakang tanong ng kaibigan.“Bukas ang pinto kaya pumasok na ako,” umiikot ang mata ni Lalaine na tila may hinahanap, “nasaan si tita?” dagdag niya nang hindi niya makita si Soledad.“Hindi ko rin alam, akala ko nga ay narito siya. Basta nagising na lamang ako na si Gio na ang nag-aasikaso sakin,” masaya niyang kwento. Natutuwa ang dalaga dahil tumutulong na si Gio sa mga gawain sa bahay.Biglang naalala ni Lalaine ang dahilan ng pagdalaw niya sa kaibigan kaya nais niyang kausapin ito, “siya nga pala, nagpunta ako dito para tingnan ang lagay mo. Mabuti
“Ang lakas ng loob niyang pagbantaan ako, hindi ako ang lumalapit sa fiancé niya. Iyang Sandro na iyan ang kusang lumapit sakin from the very start, wala akong planong mapalapit sa kanya at alam iyon ni Lalaine,” parang ulan na bumuhos ang mga luha ng dalaga habang naglalakad palabas ng mall.Hindi pa rin niya matanggap ang lahat ng nangyayari sa kanya, hindi niya ginusto ang mahulog ang loob sa binata pero hindi naman niya kayang mapigil ang sarili na huminto na sa pagmamahal niya dito at ang tanging kaya lamang niyang gawin ay ang umiwas dito kahit pa masakit sa kanyang loob.Matuling naglakad si Aika, patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga tao o pag-isipan na nasisiraan ng ulo dahil sa kanyang pagtangis.Nakauwi siyang ligtas sa place niya, pinunasan niya ang kanyang mukha at kinuha ang maliit na salamin at tiningnan ang sarili sa salamin. Nasiyahan siya ng makita ang sariling walang bakas ng pagluha, yun nga lamang a
Huminto sa pagtatrabaho si Juaquin nang makitang mag-aalaskwatro na ng hapon at hindi pa rin siya pinupuntahan ng nobyang si Lalaine.“Baka may nangyari na sa kaniyang hindi maganda,” nag-aalalang komento niya, agad niyang inayos ang mga gamit para umalis na. Napatingin siya sa kaniyang phone nang mag-beep ito, nakahinga siya ng maluwag matapos makatanggap ng mensahe sa nobya na mahuhuli ito ng dating sa opisina ng binata dahil marami pa silang ginagawa.“I’m glad you are safe,” nakangiti niyang kinausap ang kanyang selpon, lumabas na siya ng kanyang opisina. Hindi na niya mahintay si Lalaine kaya naisip niyang puntahan na lamang ang dalaga para ma-secure na rin ang kaligtasan nito.Malapit lamang ang Beauty Company sa Cristobal Company kaya naisip niyang lakarin na lamang ito dahil may maganda siyang plano para sa date nila ng nobya.Habang naglalakad si Juaquin ay iniisip niya kung sino ang maaaring pumatay sa ina ng kaniyang babaeng minamahal, iniisip niya isa- isa ang mga tao sa b
Namamayagpag ang pangalan ni AJ sa buong bansa ng Paris dahil sa kanyang ipinakitang potential sa pagmomodelo maging sa pag-acting na rin kaya agad maraming mga nagkandarapang kumpanya ang nais maging parte ng industriya nila ang dalaga.Nagkalat ang mga poster at mukha niya sa mga naglalakihang building, telebisyon maging sa social media. Labis ang tuwang tinatamasa niya sa twing may mga makakasalubong na tao at nais magpapicture kasama siya.“Hindi ba’t tama ako ng desisyong dalhin ka dito, anak?” tanong ni Olivia sa anak niya habang sila ay naglalakad.“Thank you, mom. I am so happy to have a very understanding mom like you,” matamis na sinabi ni AJ.“Basta ikaw, anak. I will do everything para sa ikabubuti mo,” tugon ni mommy Olivia. Masaya si Olivia na unti-unti ng nalilimutan ng anak niya si Juaquin at pakiwari niya ay hindi na ito magbabalak pang bumalik sa Pilipinas dahil gumaganda na ang buhay ng anak niya at peaceful na rin ang isipan ni AJ. Sigurado siyang hindi na babalik
“Sino ito? Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni tiya Mercy?” tanong ni Juaquin. “Maaari ba tayong magkita, Mr. Cristobal para sabihin ko sa’yo ang lahat ng nalalaman ko at maibigay ko sa’yo ang ebidensiyang hawak ko,” suggest ng ginang. “Bakit hindi tayo ngayon magkita?” tanong ni Juaquin, “wala naman akong gaanong gagawin ngayon,” dagdag pa nito. Gusto na talaga niyang mahuli ang kriminal para mapagbayaran na nito ang ginawa niyang walang kapatawaran sa ina ni Lalaine, ayaw na rin niyang ilihim pa ang totoo sa kanyang nobya dahil hindi na niya kaya pang itago ito sa nobya. “Hindi maaari, nasa Paris ako,” pag-amin nito sa kanya. Nagtaka si Juaquin kung paanong umabot sa Paris ang may alam sa nangyari sa kanyang ina, isa lamang ang pumasok sa kanyang isipan at iyon ay naroon si AJ. “Sige. Kailan mo gustong makipag-usap sa akin para maipa-schedule ko na sa secretary ko?” malakas ang kutob niya na maaaring may kinalaman dito si AJ pero hindi pa niya ito makumpirma hanggang wala pang
Marami ang dumating na bisita sa gaganaping pakikipag-isang dibdib ni Sandro at ni Cassie sa isang garden ceremony, masaya at bihis na bihis ang lahat. Umattend ang buong pamilya ng groom at ng bride, maging ang ilan sa mga kaibigan ni Sandro at ang mag-nobyong si Juaquin at Lalaine.Nakasimangot pa rin si Lalaine dahil napilitan lamang siyang umattend dito dahil sa pamimilit ng nobyo niya na sumama siya, labas sa kalooban ay nakatayo siyang nag-aabang sa mangyayari.“Wala ako dapat dito, Juaquin. Magtatampo lalo ang kaibigan ko dahil sa pagdala mo sa akin dito,” inis niyang bulong sa binata.Hinawakan ni Juaquin ang kamay ng binata at humalik sa noo ni Lalaine, “I’m sorry, sweetie. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang,” paglalambing ni Juaquin sa dalaga.“Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na ako,” naasar na tugon ni Lalaine sa binata.Suot ni Sandro ang puting tuxedo na mas nagpaangat pa lalo ng kanyang kapogian, iginala nito ang kanyang mga mata sa bisitang nagsidalo. Agad niyan