"iba ang saya ni mama kung yang babae na yan ang kasama niya ?" nakasilip mula sa malaking bintana si Vilma at Wesley habang pinapanood nila ang ina nila kasama si Helen .
"hayaan mo itong taon na ito huli ng mamasyal ang mama dito sa mansion dahil magpapagamot na siya ng kanyang sakit sa europe so matagal bago siya babalik " ngumisi lang si Vilma at matalim ang tingin niya kay Helen na tumatawa dahil sa kwento ng Donya tungkol sa kalokohan nila ng kaibigan niya noong kabataan nila . "grabe pala kayong mag bestfriend lola .Sana makilala ko rin siya " saad ni Helen .Laging bukang bibig ng Donya ang kaibigan niya noon kaya humahanga siya tuwing laging kinekwento ang kanilang nakaraan . "siya sige kailangan ko ng bumalik sa kwarto Helen dahil mainit na dito sa labas .Kurt ihatid mo ako sa kwarto maiwan si Maxy dito para makapag usap naman ang dalawang ito " nagpasalamat ang dalawa at pinalayo muna nila ang Donya kasama ang apo nito bago sila nagkatinginan . "kamusta ka dito ?" tanong ni Maxy sa kaibigan . "maayos naman .Masaya lang ako Max dahil binigay sa akin ni Lola ang lalaking pinapangarap ko " masaya si Maxy sa naabot ng kanyang kaibigan .Kahit papaano kampante siya dahil nasa maayos na pamilya ang kanyang kaibigan . "basta kung magbago ang trato nila sayo wag na wag mong isipin ang pagmamahal Helen kailangan mong lumaban ang iyong karapatan " niyakap ni Helen ang kanyang kaibigan na miss niya ito dahil ilang taon na rin silang hindi nagkita lalot mas lalayo pa ito dahil siya ang magbabantay sa Donya para sa kanyang pagpapagamot sa Europe . Nakapagtapos si Helen bilang isang nurse at naipasa niya ang exam ngunit dahil mababa ang sahod ay naisipan niyang mag ibang bansa para doon magtrabaho ng makilala niya ang Donya at kinuha siya bilang pribadong nurse nito . Masaya si Helen dahil sobra sobra ang sahod niya mula sa Donya kaya nakakatulong siya sa bahay ampunan dahil sa sahod niya . Hindi akalain na ipakilala siya kay Kurt na apo nito at niligawan siya ng ilang buwan kaya nung naging sila ay masaya ang Donya dahil natupad ang gusto nito na maging isa na siya sa pamilya nila balang araw . Kaya noong nagpropose si Kurt ay walang isasaya ang lahat ng kanyang naramdaman dahil nakilala niya ang lalaking pangarap niya sa buong buhay niya bilang isang babae . Nakaramdam siya ng love at first sight kay Kurt noon kaya nagtataka siya dahil ilang araw palang silang magkakilala ay nagparamdam na ito sa kanya . Matapos ang usapan kasal ay umuwi sila ng bansa at ipinalit niya si Maxy bilang nurse na ng Donya .Laking pasalamat niya dahil gusto siya ng Donya kaya tumagal ito . "binigay muna ba ang bataan ?" nagulat siya sa tanong ni Maxy sa kanya .Nakaramdam siya ng init sa kanyang mukha dahil parang nahihiya siyang sumagot ng totoo . "halla aba namumula ang mukha ng Helen " natatawang pang aasar ni Maxy sa kaibigan kahit alam niyang hindi na sumagot ang kaibigan nakikita niya sa itsura nito ang totoong sagot . "ikaw mamaya may makarinig sa atin ah "kinurot niya ito mula sa tagiliran . "nga pala dalawin mo si Zia bago kayo babalik ni lola sa ibang bansa " kailangan niyang ilihis ang kanilang usapan .Napatigil naman sa pagtawa si Maxy at muntik na niyang nakalimutan ang kanyang pinsan na nagsisilbi sa bahay ampunan. "dadalawin ko siya mamaya pag tapos ng uminom ng gamot si ma'am" "sabihin mo sa akin kung aalis kana para sumama ako .Namiss ko na rin doon " Nagkwentuhan muna sila tungkol sa naganap sa kanilang buhay ng hindi sila magkasama .Silang tatlo nila Zia ay maatatalik na magkakaibigan mula sa bahay ampunan .Simula bata sila ay sila na ang nagdadamayan sa lahat ng pagsubok hanggang sa nakapagtapos sila ng pag aaral sa tulong ng mga donation sa bahay ampunan at dahil na rin sa pagtratrabaho nila ng gabi bilang dish washer ng isang sikat na kainan . Iniwan muna siya ni Maxy dahil kailangan pa niyang asikasuhin ang anyang amo . "ohh look mag isa ang isang gold digger" medyo nasaktan siya sa tinawag sa kanya ni Krizel "ayaw ko ng gulo Krizel hanggat maari please lang wag mo akong tawagin ng ganyan dahil kahit kailan hindi ko hangad ang pera niyo" "bait baitan kana naman .Sabagay dyan mo nakuha ang tiwala ni lola sa bait baitan mode mo Helen .Pero soon lalabas din yang ugali mo " napalunok nalang si Helen sa timpi hanggat maari ayaw nya ng gulo dahil kakasal lang nila ni Kurt. "hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang ganyang ideya Krizel .Tabi at dadaan ako !!"taas niyo niyang saad iba siya kung magalit .Dahil sa inis ni Krizel sa pinakita ni Helen sa kanya na marunong din pala itong lumaban ng pasimple .Malakas niyang hinablot ang braso nito kaya napaharap sa kanya si Helen . "kaya mo din pala lumaban .Sina sabi ko na nga ba peke ang pinapakita mong kabaitan "humugot ng hangin si Helen at hinawakan ang kamay ni Krizel at iniwaksi nito ng malakas. "isipin mo ang gusto mong isipin pero tandaan mo wag mo akong simulan dahil yang ugali mo kaya kong triplehin ibalik sayo " nanginginig na tumalikod si Helen sa kanyang hipag na walang ginawa kundi ang maliitin siya ng paulit ulit .Matagal na siyang tinatawag na gold digger simula naging sila ng kanyang kapatid . Naiwang nagwawala sa hardin si Krizel dahil hindi niya matanggap ang pagsagot sa kanya ni Helen . "babalikan kita pag matapos ni kuya ang plano niya sayo " matalim niyang tinignan si Helen mula sa likod nitong palayo mula sa kinaroroon niya .Hindi niya akalain na tumapang ito ng mapakasalan siya ni Kurt. Nakita naman lahat ni Kurt ang nangyari sa dalawa at hindi siya lumapit para makita kung ano ang kayang gawin ni Helen sa kanyang kapatid .Hindi siya makapaniwala na kaya niyang ipagtanggol ang sarili nito .Napanganga ang mga empleyado nila Hannah sa bumabang babae mula sa isang itim na kotse . Nakasuot ito ng kulay pula na dress at halos kitang kita ang mapuputi nitong hita .Hindi na siya nagtanong pa sa front desk dahil alam niya kung saan banda ang opisina ni Hannah kilala naman siya ng ibang employeyado pero never niyang pinansin at kinausap dahil para sa kanya hindi na niya ka level . Pagkarating niya sa opisina ni Hannah nilagpasan niya lang ang secretary nitong nagmamadali para pigilan siyang pumasok .Gulat na napatingin si Hannah sa babaeng kakapasok lang ng opisina .Hindi niya ito agad nakilala dahil nagbago na ang pananamit ni Ella na noong dati itong isang nerd na animo hindi marunong magsuot ng mga maiiksing dress tulad ngayon . '' hindi mo ba ako yayakapin Hannah ?" nakangiting tanong ni Ella . Gusto niyang ipakita kay Hannah na hindi lang ito maganda sa mata ng lahat .Kaya pinaghandaan niya ang pagkikita nilang dalawa para mabigla ito at maakit si Jaspher ulit
Nanatiling nakatingin lang si Ella mula sa malayong bundok mula sa kanyang kinaroroonan nasa bakasyon siya ngayon sa probinsya ng bansa kung saan sila ngayon ni Cristel .Ito lang ang bukod tanging kasama niya simula nawala si Andy sa kanya . " hindi kaba inimbita sa engagement party nila Hannah at Jashper?" biglang nabuhayan ang kanyang damdamin sa narinig .Kung kanina payapa ang kanyang isip dahil sa magandang tanawin .Napalitan ng inis dahil sa binalita sa kanya ni Cristel . Tuwing naririnig niya ang pangalan ni Hannah nagbabago ang kanyang mood .Hanggang ngayon naiinis parin siya sa babaeng iyon . "Jaspher?" tanong nito . "yes the youngest billionaire.Hindi mo kilala pinakasikat nga ito laging laman ng magazine..wait kukuha ako ng sample" umalis si Cristel sa kanyang harap at pumunta sa loob para kumuha ng magazine .Habang hinihintay pilit niyang inaalala ang pangalang Jaspher dahil may kilala siya noon pero sa mukha nalang niya ito makikilala sa dami ng lalaki na dumaan sa kany
Kabilang na sa may position si Jaspher sa kompanya nila Hanna nagtiwala naman si Kurt sa magiging manugang niya dahil maayos ang background ang talagang mahal nito ang kanyang nag iisang anak at iyon ang mahalaga sa kanya isa din shareholders si Jashper sa kanila kaya kahit papaano ay maayoss ang kanilang samahan . '' kamusta ang business trip Jashper ?"tanong ni Kurt .Nasa sala sila ngayon dahil dumalaw sa kanila ito . '' ayos lang naman tito close deal lahat '' magandang balita ang nalaman ni Kurt talagang hanga siya sa magiging manugang dahil magaling ito pagdating sa business.Mag negosyo din ito pero mas ginusto ni Jaspher mapabilang at kinuha ang position sa kanilang kompanya dahil ayon dito gusto niyang mapalapit at makasama si Hannah . Hinayaan ang desisyon na iyon at naghanap siya ng position para kay Jaspher.Itinalaga niya ito bilang finance director dahil alam niyang makakaya ni Jashper ang trabahong iyon dahil may sarili itong business din . '' talagang pinagbutihan m
After 3 years** Masayang sinalubong ni Hannah ang nobyo nitong si Jaspher sa airport dahil uuwi na ito para sa kanilang engagement na magaganap sa susunod na linggo .Simula namatay ang kanyang lola at labis ang pagsisisi niya sa kanyang sarili dahil kung hindi sana sila nagkatampuhan ng lola niya ay sana buhay pa ito ngayon .Mabuti nalang at meron si Jaspher na nakilala niya sa Australia dahil doon niya nilaan ang ilang taon niyang pag move on sa nangyari . Sa lalim ng kanyang pag iisip hindi niya namamalayan na nakalapit na pala si Jaspher sa kanyang kinatatayuan. '' kamusta babe I miss you so much '' napatakip ng labi si Hannah dahil sa gulat akala niya kung sino na yung yumakap mula sa kanyang likuran . Buti nalang ang nabobosesan niya ito dahil kung hindi baka natadyakan na niya . '' I miss you too'' pabalik niyang sagot sabay yakap ng mahigpit .Naluluha siya dahil finally lagi na niyang makita si Jaspher.Hindi naman siya pwedeng umalis ng pinas dahil kailangan na siya sa k
Walang tigil sa pag iyak si Hannah hanggang sa naiuwi na ang kanyang lola na nasa kabaong na .Labis ang kanyang pagsisisi sa nangyari sa kanilang pagitan .Hindi naman niya alam na mamatay ang kanyang lola kung alam niya lang binaba na sana niya ang kanyang pride pero hindi parin sobra siyang naguilguilty sa mga nangyari . ''kasalanan ko kung bakit namatay si lola ..kung sana hindi sumama ang loob ko mommy sana buhay pa si lola '' umalis sa poder nila ang kanyang lola .Umuwi ito sa bahay ni Ziggy na wala man lang kasama o security na isa .Kasalanan niya kung bakit namatay ito .''huwag mong sisihin ang sarili mo Hannah walang may gusto na namatay si mama kasalanan ng taong gumawa nun sa kanya '' kahit kasalanan ng sino mang taong walang puso ang pumatay sa lola niya naroon parin sa kanyang isipan na naging parte siya ng dahilan .Habang nakikita niya ang kanyang lola na nakahiga sa kabaong ay halos madurog ang kanyang puso dahil sa pagsisisi . '' tama ang mommy mo Hannah wala kang
''nasaan si mama?" tanong ni Kurt sa asawa nitong kagigising lang din .Late na siya umuwi kagabi dahil may tinapos siya pagkatapos ng graduation ng kanyang anak .Kanina pag labas niya ng kwarto napansin niya ang kanyang ina na wala na dati rati nag hahanda nang kanilang pang umagahan tinanong niya ito sa mga katulong at wala itong maisagot sa kanya . Kaya bumalik siya sa kwarto at tanungin kay Helen dahil ayon sa mga katulong wala ang kanyang mama sa kwarto . '''umalis muna daw dahil nagkasamaan sila ng loob ni Hannah kahapon ''inayos niya muna ang kanilang higaan at pumunta sa banyo para magmumog muna . ''bakit ano ang nangyari at humantong ng ganun ?" tanong nito habang nakatingin siya kay Helen na naghihilamos sa loob ng banyo . '' parang hindi nagustuhan ng anak natin ang inasal ni mama kay Ella alam mo na si mama laging pinagbibintangang si Ella '' napailing nalang si Kurt mali nga ang kanyang ina sa inasal nito Lalo't sa harapan pa ng kanilang anak magwawala talaga iyon at