"mabuti naman at magawa mong tumulong dito sa kusina Helen akala ko nagbubuhay reyna ka dito " lumapit si Vilma kay Helen na abala sa paghihiwa ng mga carots para sa sahog ng kanilang uulamin mamayang lunch .
"hindi naman po mommy hilig ko ang po talaga ang magluto dahil sanay na ako dyan " hindi maintindihan ni Helen pero parang ang bigat ng pairamdam niya tuwing lumalapit sa kanya ang pamilya ng kanyang asawa . "ohh really maayos naman iha sige at dapat masarap a dahil ngayon ko palang matitkman ang iyong luto " hindi na umimik pa si Helen at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay para sa lulutuin niyang ginataang gulay .Lihim na ngumiti si Vilma dahil nagkunwari lang siyang mabait ng makita niyang dumaan ang isang nurse ng kanyang byenan .Kailangan nilang maging maingat habang narito ang ugod niyang byenan dahil nagsumbong sa kanya ang mayordoma nila na nagtanong ang Donya tungkol sa maayos na pakikitungo nila kay Helen . Hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang kapit ni Helen sa kanyang byenan na siyang kakaiba kung ituring siya ng matanda . "bilisan mo dyan! " umalis na ito pagkakuha ng isang aso para sa kanilang kwarto . "ayos ka lang ba ma'am Helen?" tanong ng isang ginang na isa ding katulong na siyang tumutulong sa kanya sa pagluluto . "ayos lang ako manang ." pero ang totoo parang may iba siyang naramdaman sa pakikitungo sa kanya. "Janeth halika dito may ipapagawa ako sayo !!" bumalik si Vilma at tinawag ang katulong na kasama ni Helen sa pagluluto .Gusto niyang pahirapan ang kanyang manugang para pag malaman nilang mailipat na sa pangalan ni Kurt na anak niya ang mana nito sa matanda papalayasin na nila ang hampas lupang babae na dumikit sa kanilang pamilya . "sige manang sumama kana ako na ang bahala'' napilitang sumama si Janeth kay Vilma ayaw niya sana iwan si Helen dahil madami itong lulutuhin ngunit parang hindi na niya magawa dahil sa patawag sa kanya ng isa pa nilang amo . "ano po papagawa niyo ma'am?" tanong ni Janeth. "dito ka lang at wag mo siyang tulungan doon .Ayusin mo dyan at linisan mo anf mga iyan" nasa hardin siya ngayon at hindi niya trabaho ang pinapagawa nito dahil may hardinero sila at siyaay tinalagang kusinera. "maam hindi ko po trabaho ito " may karapatan siyang magreklamo dahil yun ang totoo. "isang beses ka pang magreklamo tatanggalin kita dito Janeth hayaan mo si Helen doon tutal nagpapakitang dilas then be it manigas siya doon !!! " dahil sa takot niyang matanggal siya agad siyang tumalima sa paglilinis sa mga paso na madudumi .Iniwan muna ni Vilma ang katulong at sinilip si Helen kung nahihirapan na siya sa ginagawa nito sa kusina. "halla ka Janeth ano ginagawa mo dyan trabaho ko yan "agad na kinuha ng hardinero ang mga pasong nililinisan ni Janeth .Bawat katulong sa kanila ay may kanya kanyang gawain at bawal maki alam . "utos ito ni ma'am Vilma ayaw niya akong tumulong sa pagluluto dahil naroon si ma'am Helen '' "halatang hindi nila gusto yung asawa ni sir Kurt nuh?" lumapit siya kay Janeth at lumingon muna dahil baka may makarinig sa kanila . "halata nga .Parang ayaw nila sa mabait gusto nila doon sa tulad ni Eunice na m*****a " masama ang loob niya dahil naiisip niya si Helen na hindi na niya alam ang ginagawa ngayon lalot marami itong niluluto . "may sira ata sa utak ang pamilyang ito ang Donya lang ata ang matino .Alam mo bang noong isang gabi bago ang kasal nakita ko dyan sina sir Kurt at Eunice naghahalikan at mukhang may milagro pang ginagawa " tinuro niya ang isang kahoy na upuan mula sa tabi ng mga halaman na hindi makikita kung sino man ang gustong magpahinga doon pero nang gabing nakita niya ang dalawa ay masasabi niyang may ginagawang milagro ang dalawa dahil sa ungol ng babae . "ano kaya maramdaman ni ma'am Helen kung malaman niya lahat ng plastik lang pala ang mga tao dito " sila na ang naiinis sa pinapakitang masama ng mga amo nila sa isang Helen na mabait at palangiti .Tinigil nila magkwentuhan dahil baka may makarinig sa kanilang pinagkwekwentuhan nila ang kanilang mga amo . Samantala hindi na alam ni Helen kung ano ang dapat niyang lutuhin dahil kailangan niya ng kasama lalot madaming hugasin na sa lababo na siyang nagpapahirap at hindi siya focus sa pagluluto . "mommy nasaan na po si manang Janeth lakas loob niyang tinanong sa byenan niyang napadaan mula sa kusina . "may ginagawa siya .Kaya mo yan Helen dapat matapos ang lahat yan mamaya dahil alam mo kung anong oras umiinom ng gamot ang mama kaya dapat dalian mo dyan " hindi na siya nakaimik dahil parang hindi maganda ang pagkarinig niya sa mga salita ng kanyang byenan parang katulong lang siya kung utusan .Nagbuntong hininga lang siya habang nakatitig sya sa iba pa niyang lulutuhin .Tinignan niya ang orasan at talang isang oras nalang at kailangan na nilang kumain . Lihim naman sumilip si Janeth kung pumanhik na sa taas ang bruha nilang amo kaya agad agad siyang pumunta sa kusina para tulungan si Helen . "ako na po maghuhugas sa mga yan maam Helen tapusin niyo na po ang mga niluluto niyo habang wala pa siya " nagpasalamat siya sa isang katulong dahil marunong itong makiramdam hindi gaya ng iba kanina na parang wala lang siya at ramdam niya na iba sila tumingin at parang wala lang siya . Binilisan niya ang nagluto at sabay sabay niya itong ginawa sa isan kalan na apat ang lutuhan .Kaya niyang lutuhin ang lahat basta may kasama lang siyang magligpit sa ibang gagamitin niya para makapag focus siya sa pagluluto . Natapos ang lahat at nakapag ligpit na rin si Janeth at nag ayos na rin siya sa mesa ay nagpaalam na kanya ang katulong dahil baka biglang dumating ang kanilang amo . Abala sa pag hahain ng mga pagkain si Helen ng bumababa si Vilma. Kunot noong tumingin si Vilma sa abalang Helen na naghahain ng ulam.Tinignan niya ang kusina malinis na ito at walang kalat kaya nagtaka siya at tumungo sa hardin dahil baka pumunta si Janeth para tulungan si Helen . Nakita niya si Janeth na abala sa pagkuskos ng mga paso at mag isa lang ito kaya nagtataka siyang bumalik sa kinaroroonan ni Helen . "talagang binalokan ka ni bruha dito at baka nakota niyang tapos na si Helen sa kusina" bulong ni Pasyo kay Janeth .Nagtawanan sila dahil nakikita na nila ang itsura ni Vilma sa pagtataka. "mabilis ka palang magtrabaho bagay mo nga ang maging katulong Helen" nakakainsultong tawa ang kanyang pinakawalan. Hindi nalang umimik si Helen at pinagpatuloy ang paghain ng pagkain sa mesa .Nasaktan siya sa sinabi ng kanyang byenan pero papalagpasin lang muna niya dahil baka sinusubukan lang siya nito gaya ng mga nababasa at napapanood niyang mga drama noon . "tawagin muna sila Helen ." una na siyang umupo at nakita niya ang walang upuan na ispasyo at alam niyang doon pwepwesto ang byenan niyang may wheelchair kaya agad siyang kumuha ng hipon powder para budburan ang mga ulam na ginawa ni Helen alam niyang allegic sa cosmetic at hipon ang kanyang byenan .Gusto niyang siraan si Helen sa matanda gamit ang paglabas ng kanyang allergies dahil sa hipon .Alam ng matanda na siya ang nagluluto dahil nag request ang matanda na magluto si Helen sa paborito niya .Dahil hindi niya alam kung alin doon ang paborito niya ay lahat ng nakahain maliban sa kanin ay binudburan niya ng hipon Powder.Napanganga ang mga empleyado nila Hannah sa bumabang babae mula sa isang itim na kotse . Nakasuot ito ng kulay pula na dress at halos kitang kita ang mapuputi nitong hita .Hindi na siya nagtanong pa sa front desk dahil alam niya kung saan banda ang opisina ni Hannah kilala naman siya ng ibang employeyado pero never niyang pinansin at kinausap dahil para sa kanya hindi na niya ka level . Pagkarating niya sa opisina ni Hannah nilagpasan niya lang ang secretary nitong nagmamadali para pigilan siyang pumasok .Gulat na napatingin si Hannah sa babaeng kakapasok lang ng opisina .Hindi niya ito agad nakilala dahil nagbago na ang pananamit ni Ella na noong dati itong isang nerd na animo hindi marunong magsuot ng mga maiiksing dress tulad ngayon . '' hindi mo ba ako yayakapin Hannah ?" nakangiting tanong ni Ella . Gusto niyang ipakita kay Hannah na hindi lang ito maganda sa mata ng lahat .Kaya pinaghandaan niya ang pagkikita nilang dalawa para mabigla ito at maakit si Jaspher ulit
Nanatiling nakatingin lang si Ella mula sa malayong bundok mula sa kanyang kinaroroonan nasa bakasyon siya ngayon sa probinsya ng bansa kung saan sila ngayon ni Cristel .Ito lang ang bukod tanging kasama niya simula nawala si Andy sa kanya . " hindi kaba inimbita sa engagement party nila Hannah at Jashper?" biglang nabuhayan ang kanyang damdamin sa narinig .Kung kanina payapa ang kanyang isip dahil sa magandang tanawin .Napalitan ng inis dahil sa binalita sa kanya ni Cristel . Tuwing naririnig niya ang pangalan ni Hannah nagbabago ang kanyang mood .Hanggang ngayon naiinis parin siya sa babaeng iyon . "Jaspher?" tanong nito . "yes the youngest billionaire.Hindi mo kilala pinakasikat nga ito laging laman ng magazine..wait kukuha ako ng sample" umalis si Cristel sa kanyang harap at pumunta sa loob para kumuha ng magazine .Habang hinihintay pilit niyang inaalala ang pangalang Jaspher dahil may kilala siya noon pero sa mukha nalang niya ito makikilala sa dami ng lalaki na dumaan sa kany
Kabilang na sa may position si Jaspher sa kompanya nila Hanna nagtiwala naman si Kurt sa magiging manugang niya dahil maayos ang background ang talagang mahal nito ang kanyang nag iisang anak at iyon ang mahalaga sa kanya isa din shareholders si Jashper sa kanila kaya kahit papaano ay maayoss ang kanilang samahan . '' kamusta ang business trip Jashper ?"tanong ni Kurt .Nasa sala sila ngayon dahil dumalaw sa kanila ito . '' ayos lang naman tito close deal lahat '' magandang balita ang nalaman ni Kurt talagang hanga siya sa magiging manugang dahil magaling ito pagdating sa business.Mag negosyo din ito pero mas ginusto ni Jaspher mapabilang at kinuha ang position sa kanilang kompanya dahil ayon dito gusto niyang mapalapit at makasama si Hannah . Hinayaan ang desisyon na iyon at naghanap siya ng position para kay Jaspher.Itinalaga niya ito bilang finance director dahil alam niyang makakaya ni Jashper ang trabahong iyon dahil may sarili itong business din . '' talagang pinagbutihan m
After 3 years** Masayang sinalubong ni Hannah ang nobyo nitong si Jaspher sa airport dahil uuwi na ito para sa kanilang engagement na magaganap sa susunod na linggo .Simula namatay ang kanyang lola at labis ang pagsisisi niya sa kanyang sarili dahil kung hindi sana sila nagkatampuhan ng lola niya ay sana buhay pa ito ngayon .Mabuti nalang at meron si Jaspher na nakilala niya sa Australia dahil doon niya nilaan ang ilang taon niyang pag move on sa nangyari . Sa lalim ng kanyang pag iisip hindi niya namamalayan na nakalapit na pala si Jaspher sa kanyang kinatatayuan. '' kamusta babe I miss you so much '' napatakip ng labi si Hannah dahil sa gulat akala niya kung sino na yung yumakap mula sa kanyang likuran . Buti nalang ang nabobosesan niya ito dahil kung hindi baka natadyakan na niya . '' I miss you too'' pabalik niyang sagot sabay yakap ng mahigpit .Naluluha siya dahil finally lagi na niyang makita si Jaspher.Hindi naman siya pwedeng umalis ng pinas dahil kailangan na siya sa k
Walang tigil sa pag iyak si Hannah hanggang sa naiuwi na ang kanyang lola na nasa kabaong na .Labis ang kanyang pagsisisi sa nangyari sa kanilang pagitan .Hindi naman niya alam na mamatay ang kanyang lola kung alam niya lang binaba na sana niya ang kanyang pride pero hindi parin sobra siyang naguilguilty sa mga nangyari . ''kasalanan ko kung bakit namatay si lola ..kung sana hindi sumama ang loob ko mommy sana buhay pa si lola '' umalis sa poder nila ang kanyang lola .Umuwi ito sa bahay ni Ziggy na wala man lang kasama o security na isa .Kasalanan niya kung bakit namatay ito .''huwag mong sisihin ang sarili mo Hannah walang may gusto na namatay si mama kasalanan ng taong gumawa nun sa kanya '' kahit kasalanan ng sino mang taong walang puso ang pumatay sa lola niya naroon parin sa kanyang isipan na naging parte siya ng dahilan .Habang nakikita niya ang kanyang lola na nakahiga sa kabaong ay halos madurog ang kanyang puso dahil sa pagsisisi . '' tama ang mommy mo Hannah wala kang
''nasaan si mama?" tanong ni Kurt sa asawa nitong kagigising lang din .Late na siya umuwi kagabi dahil may tinapos siya pagkatapos ng graduation ng kanyang anak .Kanina pag labas niya ng kwarto napansin niya ang kanyang ina na wala na dati rati nag hahanda nang kanilang pang umagahan tinanong niya ito sa mga katulong at wala itong maisagot sa kanya . Kaya bumalik siya sa kwarto at tanungin kay Helen dahil ayon sa mga katulong wala ang kanyang mama sa kwarto . '''umalis muna daw dahil nagkasamaan sila ng loob ni Hannah kahapon ''inayos niya muna ang kanilang higaan at pumunta sa banyo para magmumog muna . ''bakit ano ang nangyari at humantong ng ganun ?" tanong nito habang nakatingin siya kay Helen na naghihilamos sa loob ng banyo . '' parang hindi nagustuhan ng anak natin ang inasal ni mama kay Ella alam mo na si mama laging pinagbibintangang si Ella '' napailing nalang si Kurt mali nga ang kanyang ina sa inasal nito Lalo't sa harapan pa ng kanilang anak magwawala talaga iyon at