"nasan si lola ?" tanong nito sa kaibigan niyang abala sa pag aayos ng gamit na kinuha nila sa mansion na dadalhin ng Donya sa Europe.
"nasa library bakit ?" hindi na niya nilingon pa si Helen dahil kailangan niyang tapusin ang pagligpit ng damit ng Donya . " kakain na kasi .sige Max puntahan ko lang " umalis na siya at tumungo sa library para puntahan. Akma na sana niya bubuksan ang pintuan ng may marinig siyang nag uusap sa loob . "kasal na sila mama kailan mo ililipat kay Kurt ang mana nito na pinangako mong papakasalan niya si Helen para ma ibigay mo ang mana niya " boses ng kanyang byenan na lalaki iyon kaya naging interesado siyang pakinggan lahat at hindi muna siya kakatok para marinig niya lahat ng kanilang usapan. "bakit ba ang atat mong ibigay ko sa kanya iyon Wesley hindi pa tinatanong ng apo ko yan pero ikaw itong nagtatanong ?" nalagay na niya sa kanyang lastwill testament ang mana ng bawat iiwan niya dahil bago siya lumuwas ng bansa ay mapagawa na niya sa kanyang abogado . "natanong ko lang mama dahil may gustong gawin ni Kurt sa manang ibibigay niyo .Ayaw niyo yon mama makikita niyo pa kung saan gagamitin ni Kurt ang ibibigay niyo " walang salita ang lumabas sa Donta dahil sa inis kay Wesley na hindi man lang ginalang ang pananahimik niya sa library .Dahil naramdaman na ni Helen na tahimik na sila ay kumatok muna siya at hinintay buksan nila ang pintuan . "daddy !" si Wesley ang nagbukas at nabungaran niya na si Helen ang kumatok .Walang emosyon sa mukha ng kanyang byenan . "bakit iha?" malumanay niyang salita sa kanyang manugang .Minsan gusto niya ang napangasawa ng anak perp dahil hindi siya gusto ng asawa niya ay sumasang ayon din siya minsan sa lahat ng sinasabi nito tuwing naiinis ang asawa niya sa kanilang manugang . Kailangan niyang maging pakitang tao . "ah dad kain na po kasi nakapag hain na po ako at kunin kona din si lola dahil iinom pa siya ng gamot pag tapos niya kumain" hindi na siya magtataka kung bakit nagustuhan ng kanyang ina si Helen dahil maalaga ito at malambing na paramg hindi makabasag pinggan dahil sa kabaitan. "sige !! mama si Helen na daw ang magtutulak !" pumasok na si Helen at pumunta sa kinaroroonan ng Donya para itulak palabas ang kanyang wheel chair. "lola niluto ko po ang favorite niyong pagkain " "aba iha nag abala kapa .Pero salamat Helen namis ko ang luto mo hindi kasi makuha ni Maxy ang lasa na gusto ko at ikaw lang ang nakakakuha " hinawakan nito ang palad ni Helen . Gustuhin man niya kunin si Helen sa state ay hindi pumayag si Kurt nang makausap niya ito dahil nasa sariling bansa nila ang kompanya na inaalagaan nito . Nakangiting naghihintay si Vilma sa hapagkainan ng palapit na ang kanyang byenan na tulaktulak ni Helen ang wheel chair nito. "tawagin mo ang aking nurse na kumain sila dito!" inutusan ni Donya Fatima ang isang katulong at agad ito tumalima para tawagin ang pinapatawag niyang nurse . "sana magustuhan niyo po ang mga ulam na pinaluto ko kay Helen mama alam ko po favorite niyo ang mga ito" gulat na gulat si Helen sa narinig hindi niya inaasahan na ganon ang sasabihin ng kanyang byenan na babae .Hindi nga niya ito kinausap o nagsabi ng ulam na gusto niyang lutuhin kundi pumunta lang ito sa kusina para asarin . Napalunok nalang siya at biglang may iba siyang naramdaman sa pamilya ng kanyang asawa .Malamig ang pakitungo nila sa kanya at laging pinapamukha ang kanyang kahirapan .Pero titiisin niya lahat basta ang importante maayos sa kanya ang Donya at ang asawa nitong si Kurt . "totoo ba yon honey ikaw ang nagluto nito !" nagtaka siyang tumingin sa papasok mula sa dinning area ang akala niya nasa kompanya ang asawa niya dahil nag ka emergency meeting at yon ang paalam niya kanina. Pero hindi naman ito nakasuot ng pang opisina saad ng kanyang isip habang palapit sa kanya si Kurt at b****o ito sa kanyang pisngi. "umupo na kayo at kakain na!" lahat sila sumunod sa utos ng Donya . Nakatingin lang si Vilma sa plato ng kanyang byenan nagbibilang siya kung ipag sasandok na ito ni Helen .Nakikita na niya ang mga galit ng kanyang asawa at anak nito at nakahanda na rin siya sa drama . "wait lang lola kunin ko po ang kakainin niyo para sa inyo " tumayo si Helen at pumunta sa kusina para kunin ang pagkain na para sa Donya. Itinabi niya muna sa loob ng microwave para hindi ma exposed sa hangin ang pagkain ng Donya .Sanay na siya dahil ilang taon niya rin naalagaan ang Donya at alam na niya ang bawal at mga gusto nito . Hindi makapaniwala si Vilma sa kanyang nakita hindi pala kasali ang byenan niya sa nakahain na pagkain. "bakit ano yan Helen?" pagtataka nitong tanong . "ah pagkain po ni Lola mommy .Bawal kasi ma exposed sa hangin ang kakainin ni lola kaya pag maihain na po dapat mainit ." bigla siyang napalunok dahil palpak ang kanyang balak mabuti nalang wala ang kanyang anak na babae dahil ito ang may allergies sa hipon . "grabe sakto ang dating ko gutom na ako ." akma na sana uupo si Krizel kaya nataranta si Vilma dahil biglang dating ni Krizel na mukhang galing lang ito sa gimik kasama ang mga kaibigan niya. "ah kain na kayo .Halika ka Krizel magpalit ka muna ng damit mo bago ka lumapit sa hapag kainan . " hinila niya ang anak papunta sa taas . "mommy ano ba nangyayari sayo?" nagtataka siya dahil sa paghila bigla ng ina nito sa kanya . "palpak ang plano ko!" hindi ito mapakali pagkarating nila sa kwarto ni Krizel . "palpak anong palpak mommy?" hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang ina. Hindi ito mapakali na parang naiihi sa inis . "inom kana ng anti allergy mo dahil nalagyan ko ng hipon powder ang mga pagkain at bawal sa iyo yon!" inis na umupo si Krizel sa kanyang kama dahil gutom na na ito at hindi pa siya makakain . "wala ako extra na gamot mom!!! .Bakit niyo naisipan na lagyan ng ganun ?" inis niyang tanong sa kanyang ina . "diba bawal sa lola mo ang hipon so ginawa ko yon dahil sa inis si Helen ang nagluto ng mga ulam kaya gusto ko siyang mapahamak kaso ang lintek may inihiwalay pala siyang pagkain ng lola mo " napakagat ng daliri si Krizel dahil gusto niyang matawa sa ina niyang palpak mag isip . "wag na ako kakain siya pala nagluto hmmpt!" humalikipkip ito at biglang nawala ang kanyang gutom dahil sa narinig niya kung sino ang nagluto sa mga nakahain .Hindi pa niya nakakalimutan ang pinakitang ugali ni Helen kanina .Sa isang tulad niyang mataas ang pride at bratty kung tawagin nila never siyang tumatanggap ng kahit ano mula sa kanyang kaaway . Bumalik si Vilma sa dinning area at nagtaka sila dahil hindi sumunod sa kanya si Krizel at dinahilan nalang niya ay wala na itong gana at busog pa ito .Hindi maiwasan ni Hannah ang tumitig mapatitig sa kanyang fiancee pakiramdam niya may tinatago ito .May tumawag kanina at hindi sinagot na para bang nag alinlangan pa kung sasagutin ba o hindi . Kung kailan ikakasal na sila saka naman siya mag iisip ng kung ano ano .Kaya agad siyang umiling at nilibang ang isip sa pagpili ng gown .Tapos na sila sa design ng venue at simbahan ngayon sa gown naman sila at sa mga gagamitin ng mga abay . '' look baby alin ang mas maganda ito o ito '' tinuro niya ang strap less light tube weding gown at ang luxury long sleeve with a v-neck large tail nagagandahan siya sa dalawa pero mas umakit sa kanyang paningin ang luxury long sleeve . Para siyang prinsesa sa laki ng balon ng gown kung isusuot niya ito sa kanilang kasal . '' I think this one its simple baby '' nagulat siya sa tinuro ni Jaspher wala sa dalawa kundi nasa tabi ng mga pinagpilihan niya . Nagustuhan niya rin dahil silk white satin gown with the spaghetti strap . Hindi masyado showy a
Pagkarating ni Jaspher sa condo niya ay nagmadali siyang tumungo sa banyo at naligo . Kailangan niyang maligo agad para matanggal ang kanyang pagkakasala .Hindi naman niya gustong magtaksil pero isang tukso si Ella para sa kanya .Kung bakit hindi niya ito magawang iwasan gayong matagal na silang hiwalay.Aminado siya sobrang mahal niya noon si Mika pero nung nakipag hiwalay ito sa hindi niya alam na dahilan ay halos gusto na niyang mabaliw kaya nagtungo siya sa bansa kung saan nakilala niya si Hannah . Pagkatapos niyang maligo ,nagpatuyo muna siya ng buhok bago lumabas walang pasok ngayon sa opisina dahil linggo at kailangan niya munang magrest dahil bukas pupunta sila sa wedding coordinator para tignan ang mga plano nila para sa kanilang kasal .Paglabas niya ng kwarto ay agad bumungad sa kanya ang babaeng kanyang pinagtaksilan kagabi . '' Hannah ?" may gulat sa kanyang pananalita kaya nagtaka si Hannah at taas kilay niyang tinignan si Jaspher na mukhang nakaligo na dahil mabango
Nakangiting pinagmasdan ni Ella si Jaspher mula sa kanyang tabi sigurado siya kung walang nararamdaman si Jaspher sa kanya bakit nanatili parin ito sa kanyang tabi . Inamoy niya ang pabango na gamit nito talaga hindi parin nagbabago dahil ito ang regalo niya noon .Ilang sandali timunog ang cellphone ni Jaspher at tinignan niya ito .Gusto niyang humagalpak sa tawa dahil si Hannah ang tumatawag. "poor Hannah I am sorry bitch nasa tabi ko ang fiancee mo!" gustong gusto niya itong sabihin ngunit pinigilan niya ang sarili at dahan dahang kinansela ang tawag nito sa cellphone ni Jaspher para sa kanya simula palang ang laban at pag bawe nalang lahat . Nagkunwari siyang tulog parin ng maramdaman niyang pagising na si Jaspher. Nang maramdaman niyang dali dali itong bumangon ay nagkunwari siyang kagigising lang at umunat pa. '' Jaspher?" kunwaring gulat niyang tanong."pasensya na Mika mukhang naidlip ako dito kagabi at hindi na nakauw .Pasensya na talaga hindi ko sinasadya " pinilit niya
Nagkayayaan ang mga magkakaibigan na sina Jaspher at Cono na uminom sa bara kasama ang iba nilang kaibigan .Dahil pinayagan siya ni Hannah ay mabilis naman siyang sumang ayon sa pagsama sa mga ito papunta sa bar .Alam niyang inuman lang sadya ng mga ito dahil may mga asawa na rin sila siya nalang ang bukod tanging single pero balang araw ikakasal na kay Hannah . Masaya silang nagiinuman nag kwekwentuhan ng biglang nakita ni Jaspher ang isang babae na binabastos mula hallway papunta sa exit .Nagmadali siyang tumungo doon para tignan kung ano ang ganap dahil mukhang pinipilt ng dalawang lalaki sumama sa kanila ang babae nakasuot ng pulang dress .''ano ba bitawan niyo ako !!'' kahit anong pagpupumiglas ng babae hindi parin nila ito bitawan at pilit hinihila palabas . Hindi naman makilala ni Jaspher kung sino ang babaeng ito kaya nilaptan nalang niya para tignan kung kailangan ng tulong ang babae .'' hindi pwede miss kailangan ka namin '' sabay haplos sa braso ng babae kunot noo nam
Habang malalim ang iniisip ni Hannah tungkol kay Ella sakto namang lumapit sa kanya si Ziggy . Namiss niya ang kanyang pinsan kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "bakit ngayon ka lang nagpakita ah!" kinurot pa niya ito sa tagiliran na siyang kinakiliti naman ni Ziggy at nagrereklamo na itong masakit kahit hindi naman . "grabeng pagkamiss iyan nanakit!" natawa nalang si Hannah ay tinulak ng mahina si Ziggy saka umupo sa sofa . " nabalitaan muna bang bumalik na ng bansa si Ella?" gulat na napatingin si Ziggy sa kanya .Hindi niya alam na nakauwi na pala ang kanyang half sister .Pero kahit ganun wala siyang ganang makita ito dahil simula umalis ito na walang paalam sa kanya hindi na niya tinuring na kapatid si Ella . "oh talaga kailan?" kunwari niyang tanong "I don't know hindi ko kasi natanong " buntong hininga siyang nagsaling ng tea sa baso ni Ziggy alam niyang mahilig sa tea ang kanyang pinsan kaya nagpahanda siya agad sa katulong dahil may dati namang tea na naluto kanina
Kinilala muna ni misis Smith ang babaeng nakaupo malapit sa kanya . Nasa cafe siya ngayon para magpalipas oras dahil wala pa siyang mood magpunta sa mall para bumili ng gamit sa bago nilang bahay . Nang makilala niya ang babae ay agad siyang lumapit para kumpirmahin ang kanyang hinala . '' Ella is that you iha ?" nakangiti niyang tanong sa babaeng abala sa pagscroll sa cellphone nito.Napatakip naman ng labi si Ella gamit ang kanyang palad ng makita ang ginang na palapit sa kanya .Nagbunga ang kanyang plano magkunwari siyang hindi niya kilala ang ginang na nakaupo malapit sa kanya at sinadya niyang humarap dito para makilala siya .Sinundan pa niya ito para magkita siya pero ayaw niyang ipahalata na may sadya siya sa ginang . '' oh my gosh tita Corazon ?" tumayo siya at bumeso sa ginang na nakatingin parin at naghihintay ng sagot .'' yes its me kamusta ka ?" pagkatapos nilang magbeso ay kinuha rin ni Corazon ang kanyang kape para sa table nalang ni Ella ang pagsaluhan nila .Nagk