Share

Chapter 4

Author: Crose19
last update publish date: 2026-08-02 23:25:20

PEPPER'S POV

ANG KANYANG PAGPASOK SA OPISINA AY SINALUBONG NI AMBERLYN. May naglalarong pilyang ngiti sa mga labi nito at mapaghiwatig na mga titig.

"Don’t look at me like that, Amberlyn," saway naman niya sa sekretarya.

Nagpatuloy siyang maglakad papunta sa kanyang upuan. Nakabuntot naman ito sa kanya ngunit huminto rin sa may mesa nito.

Amberlyn clucked her tongue in disappointment, her lips curved downwards, her shoulders slumped in despair.

"Gusto ko lang naman kumustahin kung anong nangyari kagabi sa pagitan ninyo ng male escort mo e," may gana pa itong magtampo sa kanyang ginawang pagsaway dito.

She settled down her belongings first on her swivel chair and table. She sat down and turned on her computer desktop.

"Nothing," she responded dismissively.

Humalukipkip naman ang sekretarya niya at nanatiling nakabusangot.

"Ano pang silbing naging kupida ako kagabi niyan? At sinasayang mo lang ba ang ibinabayad mo sa lalaking iyon? Dapat sunggaban mo na para mabuntis ka na't hindi na mapunta sa dem*nyitong Jhonel na iyon ang kompanya ng Mommy mo," nagsimula na nga itong maging madaldal sa araw na ito.

Hindi na niya kailangan pang bumili ng Macaws o African Grey Parrot bilang pet. Si Amberlyn pa lang ay sapat na.

Nakatutok na siya sa kanyang ginagawang reports patungkol sa naging site visit nila kamakailan sa malawak na grape farm nila sa Nueva Ecija. Dito sila pangunahing kumukuha ng mga ingredients at supplies nila sa paggawa ng kanilang mga produkto.

Tinapunan niya saglit ng atensiyon ang nag-iingay niyang human parrot — ay — este sekretarya pala.

"How much did you pay for that expensive hotel suite?" tinanong niya ito.

Hindi niya mawari kung bakit bigla itong pinagpawisan at hindi nakaimik agad. Is she hiding something? Nag-iba ang ikinikilos nito simula kagabi noong makilala nila ang kanyang male escort.

Natahimik ito at hindi siya sinagot sa kanyang naging katanungan bagkus umupo na ito sa swivel chair nito. Nagsimula itong bumalik sa pagtatrabaho.

"Amberlyn?" untag niya pa rito.

"H-Ha?" nagmamaang maangan pa nitong bulalas at hindi magawang tumingin sa kanya. "Ano ka ba? Hindi mo ako secretary kagabi. Work is already over last night. I was your friend. Huwag mo nang isipin ang bayad sa hotel. Libre na iyon," may kaba sa naging pagsagot nito.

"But still," pagmamatigas naman niya. "I don't want you to burn your savings on me. Tell me the exact amount and I'll wire it back to your bank account.”

Umalis siya sa kanyang pwesto at naglakad patungo sa upuan ng sekretarya. Tumayo siya sa harap ng mesa nito habang hawak ang kanyang cellphone, nakabukas ang banking app at handa nang mag-transfer ng pera.

"Amberlyn, i-send mo na sa akin ang resibo o sabihin mo kung magkano ang halaga," seryosong utos niya. "I-re-refund ko sa 'yo ang eksaktong halagang ginastos mo kagabi para sa luxury hotel suite at sa paunang talent f*e nung escort."

Bigla itong natigilan sa pagtipa sa keyboard ng desktop nito. Namutla ito at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"N-Naku, Ma'am Pepper! Huwag niyo na pong isipin 'yun!" mabilis na palusot ni Amber habang pilit na ngumingiti. "Nakalimutan ko na nga po kung magkano. Ah, Ma'am, pumasok na po pala 'yung email tungkol sa supplier natin ng bote—"

"Amber, 'wag mong ibahin ang usapan," putol niya sa pagsasalita nito habang nakataas ang isang kilay. Alam niyang may pilit na itinatago ang kanyang sekretarya sa ikinikilos nito. "Luxury suite 'yung binook mo kagabi. Hindi barya ang halaga niyon. Alam kong maayos ang sweldo mo rito sa akin, pero hindi mo naman ako obligasyon para sagutin ang sarili kong gastusin."

Mas lumapit pa siya at itinukod ang mga kamay sa mesa ni Amber.

"Ginawa mo na nga ang lahat para tulungan akong makahanap ng male escort para sa plano kong pagbubuntis, tapos ikaw pa ang nagbayad ng hotel? Ayokong mabawasan man lang ang ipon mo para sa akin. Kaya sabihin mo na kung magkano para mailipat ko agad ang pera sa iyo."

Pinaikot ni Amber ang mga mata sa paligid, kitang-kitang nanginginig ang mga daliri habang natataranta ang utak sa pag-iisip ng panibagong idadahilan.

"E-Eh kasi Ma'am... ano po... nagamit ko po kasi 'yung reward points ko!" mabilis na pagsisinungaling nito. "Opo! May voucher ako kaya halos libre lang! Tsaka regalo ko na po sa inyo 'yun, Ma'am. Consider it as a... support program para sa baby project niyo!"

"Amber..." tinitigan niya ito nang matalim. "Kahit kailan, hindi ka marunong magsinungaling."

Ngunit gaano niya man pilitin ang sekretarya, halatang hinding-hindi talaga papayag ito na tanggapin ang refund. Nagmatigas din ito at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng mga papeles para lang hindi na sumagot.

Bumuntong-hininga na lamang siya, napatulala ang kaniyang mga mata sa kawalan habang dahan-dahang namumula ang kanyang mga pisngi. Nabalot ng katahimikan ang opisina nang maalala niya ang nangyari sa mismong kama ng suite na iyon kaninang umaga—ang bawat halik, ang matitinding titig, ang init na dala ng bawat haplos at paghawak ng guwapong lalaking iyon.

Naglandas ang mga daliri niya sa kanyang sariling labi.

"Sige... tsaka na natin pag-usapan 'yang resibo," bulong niya, na tila nawala na ang isip sa usapin ng pera. Puno ng kuryosidad ang kaniyang boses, at dahan-dahang dumapo ang kaniyang paningin kay Amber. "Pero Amber... may kailangan pa pala akong itanong."

"A-Ano po 'yun, Ma'am?" may kaba pa rin ang sekretarya niya.

Napalunok siya, pilit na itinatago ang kakaibang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"Ano ulit ang pangalan niya?" tanong niya. "'Yung lalaking nakuha natin kagabi... 'yung kasama ko sa hotel?"

Nakahinga nang maluwag si Amber nang lumipat na ang usapan sa ibang paksa, bagama’t pumasok ang panibagong kaba sa dibdib nito dahil sa lihim na hawak nito.

"Ah..." pabulong na sagot ni Amber habang nakatitig sa kanya. "Aldrich po, Ma'am Pepper. Aldrich ang pangalan niya."

Bahagya siyang tumango, tila unti-unting nagpoproseso sa kaniyang isip ang bawat salitang binitawan ng sekretarya niya.

“Aldrich…” pag-uulit niya sa pangalan. Bawat pantig ay parang may sariling timbang sa kaniyang dila.

MABILIS NGUNIT MAINGAT ANG MGA GALAW NI PEPPER HABANG INIAAYOS ANG MGA MAKIKINANG NA BOTELYA NG ALAK SA IBABAW NG VIP TABLE SA HOLDING ROOM NG SIKAT NA MALL. Kinuha niya ang dalang microfiber cloth at dahan-dahang pinunasan ang golden label ng kanilang banner product.

Sa tabi niya, abala rin ang kanyang sekretarya sa pag-aayos ng mga wine glasses at promotional brochures.

"Ma'am Pepper, perpekto na po ang display," nakangiting sabi ni Amberlyn sabay ayos sa huling botelya. "Siguradong matatakam ang Procurement Head ng mall chain na 'to kapag nakita ang lineup natin."

Huminga siya nang malalim at pinagmasdan ang kanilang pwesto. "Kumpiyansa ako, Amber. Malaking tagumpay para sa kompanya kapag pumayag silang maibenta ang mga alak natin sa lahat ng grocery branches ng mall na 'to. Kakainin nito ang malaking porsyento ng lokal na merkado, at magdodoble ang ating profit."

"At kapag nangyari 'yun, tuloy na tuloy na ang susunod mong plano?" tanong ni Amber sabay abot sa kanya ang folder ng financial projections.

Napatango siya, bakas ang determinasyon sa kanyang mga mata. "Yes. Little by little step. Kapag nakatuntong na tayo nang matatag sa malalaking supermarkets dito sa Pilipinas, isusunod na natin ang pag-export sa Southeast Asia... hanggang sa makilala na ang brand natin sa buong mundo."

Napangiti si Amber nang may paghanga. "Wala akong duda sa inyo, Ma'am Pepper. Mula noong magsimula tayo hanggang ngayon, nakita ko kung paano niyo pinagpuyatan at mas pinalago 'to. Deserve niyo ang bawat tagumpay na darating."

Nang marinig iyon, bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon, ngunit agad ding pinalitan ng matinding alab sa kanyang mga mata nang maalala ang tunay na dahilan ng kanyang pagpupursigi.

"I'm doing this for Mom," bulong niya sabay haplos sa tatak ng alak—ang negosyong itinayo at pinagbuhusan ng pawis ng kanyang pumanaw na ina. "Hindi ko hahayaang mawala sa akin ang kompanyang itinaguyod ni Mommy. I need to prove to the entire board that I am more than capable of being the President of this winery."

"At higit sa lahat," dagdag ni Amber habang nakataas ang isang kilay at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib nito, "para maipakita sa lahat kung kanino talaga nararapat ang pwesto bilang CEO at tagapagmana... at hindi sa half-brother mo."

Sarkastiko siyang napatawa kapag naiisip si Jhonel at Neressa.

"Si Jhonel?" asik niya. "Mamatay muna ako bago ko ibigay sa kanya ang kompanyang 'to. Walang ibang ginawa ang lalaking 'yun kundi patunayan kung gaano siya kawalang-kwenta at uto-u***g General Manager. Bakante ang utak pagdating sa negosyo, puro porma lang ang alam! Hindi ko hahayaang sirain ng isang pulp*l na tulad niya ang pinaghirapan ni Mommy."

"Tama ka diyan, Ma'am," sang-ayon ng sekretarya niya habang inaabot sa kanya ang lipstick para sa touch-up. "Nandito ako sa likod mo, Ma'am Pepper. Sabay natin ipamumukha sa Jhonel na 'yun at sa buong kompanya na wala siyang binatbat sa iyo."

Tumingin siya sa salamin, inayos ang kanyang blazer, at huminga nang malalim. Taglay ang kumpiyansa ng isang tunay na mamumuno, napa-ngiti siya kay Amberlyn.

"Salamat, Amber. Handa na ako. Walang susuko... kukunin natin ang deal na 'to."

ALDRICH’S POV

KAGAGALING LANG NI ALDRICH SA ISANG MATAGUMPAY NGUNIT NAKAKAPAGOD NA BOARD MEETING SA VIP EXECUTIVE LOUNGE NG MALL COMPLEX. Nakasuot siya ng pasadyang Tom Ford suit, nakatali ang milyones na relo sa pulso, at napapalibutan siya ng tatlong bodyguards, ang abogado niya at ng kanyang pinagkakatiwalaang secretary na si Larry Santos.

Sa mata ng mga nakakakilala sa kanya, isa siyang billionaire CEO ng pinakamalaking Oil & Gas Company sa bansa.

Pero sa mata ng babaeng naglalakad ngayon sa hallway habang may bitbit na mga sample ng alak... isa siyang bayarang male escort.

"Aldrich?!"

Napatigil siya sa paghakbang. Nanlamig ang buong katawan niya nang makilala ang boses. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita si Pepper—bukod sa mga alak, may hawak din itong leather binder ng Wine & Liquor pitch deck.

"Pepper?!" gulat na bulalas niya, sabay tago ng kanyang mamahaling relo sa loob ng bulsa.

Lumapit si Pepper, nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan ang suot niyang mamahaling suit at ang mga taong nakapaligid sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit nakasuot ka ng ganyan? Tsaka bakit mukha kang VIP na may sariling entourage?" takang tanong pa ng dalaga. "Huwag mong sabihing... nagpanggap kang CEO para sa panibagong client mo?” Dumukwang ito at bumulong. “…bilang escort.”

Mabilis na gumana ang kanyang utak. Mapahiya na kung mapahiya, pero hindi muna pwedeng malaman ni Pepper na siya ang may-ari ng Horizon Energy Solutions!

"Ah! Eh... Hindi!" exaggerated na kaila niya sabay pilit na tawa. "Naku, Pepper, nagkakamali ka! Hindi ako CEO! Ang totoo nyan... trabaho 'to!"

"Trabaho? Anong trabaho?"

"Ako... ako ang assistant ng may-ari ng kompanya!" turo niya kay Secretary Santos. "At tsaka... kapatid ako ng driver nila!"

Nalaglag ang ballpen ni Sec. Santos sa sahig. Napa-kurap ang tatlong bodyguards pati ang abogado.

Pilit siyang ngumiti at sumulyap siya nang makahulugan sa kaniyang sekretaryo, nagpahatid ng senyas sa pamamagitan ng mga mata. Tinapakan pa niya nang bahagya ang sapatos nito para iparating dito ang senyales.

"D-Diba, Boss Santos?" pilit na tawa niya. "Ako 'yung apprentice mong tagabitbit ng bag? At si Manong Fred na driver..." Lumingon siya kay Manong Fred na nakatayo sa di kalayuan at naka-barong tagalog. "Kuya Fred! Nandiyan ka pala! Namiss kita, Kuya!"

Lumapit siya sa kanyang driver at biglang niyakap ito.

"Ha? Ako? Eh Sir—Ibig kong sabihin, bunso?" Naguguluhang usal ni Manong Fred habang nakatingin sa kanya. "A-Aba'y oo! Si Bunso nga pala... mabait itong kapatid ko na 'to, kahit medyo... may kaunting saltik sa ulo."

Agad na sumalo si Sec. Santos habang nagpupunas ng pawis sa noo. "O-Opo! Napakasipag po niyang si Aldrich dahil sa may sakit nilang ina. Assistant ko po siya... tagatimpla ng kape at taga-xerox. Ipinahiram lang namin ng suit para mukhang pormal ngayon."

Napahawak si Pepper sa dibdib nito, bakas ang awa at paghanga sa mukha.

"Awww... Ang sipag mo naman pala talaga, Aldrich!" eksklamasyon ni Pepper. "Kaya pala nagse-side hustle ka pa!” makahulugan nitong turan sabay kindat sa kanya. “Kasi assistant ka lang pala, tapos tinulungan ka lang ng Kuya mong driver para makapasok sa trabaho? Napakatiyaga mo!"

Nakahinga siya nang maluwag, bagama’t medyo nasaktan ang pride niya sa salitang "assistant siya."

"Ha-ha... oo, Pepper. Ganoon na nga. Kailangan magsumikap sa buhay," sagot niya sabay kamot sa batok.

"Galing! O siya, magpi-pitch pa ako ng wine and liquor products ko sa Mall Owner ngayon," sabi ni Pepper habang inilalabas ang cellphone nito. "Siyangapala, kunin ko na nga 'yung personal number mo."

"Huh? Ang number ko?"

"Oo! Para madali na lang natin ma-contact ang isa’t isa,” maagap na tugon ni Pepper. “Syempre, babayaran kita nang maayos sa pagiging escort mo sa akin para makatulong din sa pamilya niyo ni Kuya Fred," muli itong dumukwang sa kanya at nakangiting bumulong pa ulit ito.

Bahagyang nanginginig ang kamay niya habang pini-pindot ang sarili niyang direct VIP phone number sa cellphone ng dalaga. Kung alam lang nito na matagal ng naka-save sa kanyang contacts ang numero nito. He knows everything that’s going on around her. Amberlyn, her secretary, is his secret agent.

"A-Ayan... maaasahan mo 'ko, Pepper. I’m just one call away," utal niyang saad.

"Great! Mauna na ako sa meeting ko. Galingan mo sa pagiging assistant, Aldrich! Sir Santos at Kuya Fred, una na po ako!" Tinanguan ni Pepper ang mga tauhan niya at kumaway pa ito bago masayang naglakad patungo sa boardroom ng Mall Owner.

Nang makalayo na si Pepper at magsara ang p*nto ng pinasukan nitong pribadong silid, pinalibutan siya ng kanyang mga tauhan at nagpatuloy na sila sa pag-alis.

Tahimik ang buong hallway.

Nabasag lang ang katahimikan nang dahan-dahang magsalita si Sec. Santos:

"Sir Aldrich... ire-update ko na po ba ang Organizational Chart ng Horizon Energy Solutions? Ipalagay ko na po ba sa payroll na Assistant kayo ng sarili ninyong Secretary?"

Tinitigan niya ito nang masama. "Manahimik ka, Santos. At simula ngayon ay tatawagin mo na akong 'Assistant' kapag nasa paligid si Pepper."

Napakamot naman sa ulo si Manong Fred. "Boss... doble ba ang sweldo ko bilang nakatatandang kapatid mo?"

Ang masama niyang titig ay bumaling dito. Ngunit napagtanto niya ang effort ng mga ito kanina kung kaya’t umiwas na siya nang tingin. Bumalik sa pagiging blangko ang kanyang ekspresiyon. “Fine. I’ll double your salaries," malamig ngunit buong-tiwala niyang saad. "But that strictly depends on your acting performances.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 4

    PEPPER'S POV ANG KANYANG PAGPASOK SA OPISINA AY SINALUBONG NI AMBERLYN. May naglalarong pilyang ngiti sa mga labi nito at mapaghiwatig na mga titig. "Don’t look at me like that, Amberlyn," saway naman niya sa sekretarya. Nagpatuloy siyang maglakad papunta sa kanyang upuan. Nakabuntot naman ito sa kanya ngunit huminto rin sa may mesa nito. Amberlyn clucked her tongue in disappointment, her lips curved downwards, her shoulders slumped in despair. "Gusto ko lang naman kumustahin kung anong nangyari kagabi sa pagitan ninyo ng male escort mo e," may gana pa itong magtampo sa kanyang ginawang pagsaway dito. She settled down her belongings first on her swivel chair and table. She sat down and turned on her computer desktop. "Nothing," she responded dismissively. Humalukipkip naman ang sekretarya niya at nanatiling nakabusangot. "Ano pang silbing naging kupida ako kagabi niyan? At sinasayang mo lang ba ang ibinabayad mo sa lalaking iyon? Dapat sunggaban mo na para mabuntis ka

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 3

    PEPPER WOKE UP IN A COMFORTABLE BED. Bumangon siya at naupo sa kama kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata. Nag-inat siya ng mga braso at humikab. This is the first time she had a good sleep in a while. Kinusot niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay. Kumurap kurap siya at napagtanto niyang nasa estranghero siyang silid. It was a luxury hotel suite. Namangha siya sa simple ngunit eleganteng disenyo ng kuwartong kanyang kinaroroonan. Tumayo siya at naglibot. Kinuha niya ang remote control ng kurtina at pinindot iyon. Kusang nahawi ang nakatakip na kurtina sa glass wall. Tumambad sa kanya ang maaliwalas na sinag ng araw. "It's already morning?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa sarili. She slept that long? Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan noong narinig niyang kumalam iyon. Ramdam niya ang gutom dahil sa mahabang oras ng pagtulog at hindi siya nakakain ng hapunan. She went inside the bathroom to wash her face and gurgle. After doing so, she looked at her ref

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 2

    PEPPER CAME BACK AT WORK AFTER CONSULTING AN OB-GYN AT ST. JOSEPH'S HOSPITAL. Nagpakonsulta siya patungkol sa artificial insemination na isa sa naisip niyang plano upang magbuntis sa lalong madaling panahon.Napabuntong hininga siya. Ayon sa doktora, thirty percent lamang ang kanyang tiyansa na magtagumpay sa prosesong ito. Ngunit kahit pabiro ay nagbigay ng advise ang doktora na maghanap at magbayad na lamang siya ng lalaking maaaring makatalik niya't subukang bumuo ng bata."Kumusta, Ma'am? Anong sabi ng doktor?" sinalubong ni Amberlyn ang kanyang pagdating at paanas itong nagtanong.Malungkot niya itong tinapunan nang tingin sabay upo sa kanyang swivel chair. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang sekretarya at walang balak tantanan sa pag-usyuso sa kanya."I only have thirty percent success rate in artificial insemination," dismayado niyang pagbabalita rito.Nalungkot din ito para sa kanya. Pero bigla itong nakaisip ng ideya."Bakit hindi ka na lang magbayad ng lalaking magbubuntis

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 1

    KANINA PA TULALA SI PEPPER SA HARAP NG KANYANG DESKTOP. "Ma'am Pepper, you have to do something," pangungulit ni Amberlyn sa kanya, ito ang kanyang sekretarya. "Hindi mo maaaring hayaan ang mag-inang may sung*y na nakawin ang mga mana at pagmamay-aring nararapat para sa iyo. Ang kompanyang ito ay pinaghirapan at pinagsikapang itayo at itaguyod ng namayapa mong butihing ina. Siya ang dahilan kung bakit naabot natin ngayon ang tinatamasang tagumpay," patuloy ito sa pagsasalita. Nag-angat siya nang tingin dito. Kalmado ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Tahimik niya itong pinagmasdan. Tumigil ito sa kakadaldal ngunit muli na namang tumalak matapos ang ilang segundong pagpreno ng bibig nito. "Masyadong mabait ang Daddy mo sa ilusyonado't ilusyonadang mga sampid sa pamilya ninyo. Tila ginawa niya ang mga kondisyong iyon para bigyang pagkakataon ang spoiled brat mong half-brother na manahin ang mga ari arian ninyo. Anong klaseng kondisyon ang mga naisip ng Daddy mo? Mas pinagtuonan pa tal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status