Share

Decision Making

Na shock pa rin si Ethyl kahit ilang ilang oras nang wala ang mga doctor at nurses sa harapan niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi dahil sa inatake ang lola niya kundi sa isiping may nagbayad daw para sa medical expenses nito kasama ang operation. Na revive ang lola niya sa ilang beses na pagsubok nang mga ito. Hindi nila sinukuan si lola. Ganun na lang kalaki ang pasasalamat niya sa mga ito. Inihahanda na nang mga doctor ang kakailanganin para sa lola niya kaya ganun na lang yung tuwa niya. Kanina muntik na siya tuluyang sumuko. Pero ganun pa rin kung sino man ang nagmagandang loob na bayaran ang hospital bills ni lola ay malaking utang na loob niya yun. Pagtatrabahuan niyang maigi para mabayaran ito.

Nang mahawi ang sarili una niyang tinumbok ang billing section. Gusto niyang malaman kung sino ang nagbayad para personal siyang makapagpasalamat! Baka isa sa mayaman nilang kamag anak.

"Miss Pwede po bang malaman ang pangalan nang taong nagbayad para sa bill namin ni lola?" magalang na tanong niya sa teller.

"Ok po mam, wait for awhile po... ahhh nakuha ko na ang record mam , under the name of SEFERO GALVANTEZ. !"

Sumabog na tila bomba sa pandinig niya ang pangalang Galvantez. Hanggang sa mga sandaling ito di talaga siya tinatantanan nang mga to! Pinamumukha sa kanya lalo na walang magagawa ang gaya niya sa maperang katulad nila. Biglang napalitan nang galit ang tuwang naramdaman niya kanina nang biglang may nagsalita sa likuran niyan!

"Wow kakaiba rin, pa anghel effect ka pa luluhod ka rin naman pala. Pinatagal mo pa!" walang iba kundi ang epal niyang madrasta.

"Hindi ako lumapit sa kanila. Ibabalik ko ang perang yan!"

"Ibabalik? At ano? Hahayaan mong mamatay ang lola mo? Wala kang kunsensiya talaga nuh! Makasarili!"

Coming from the mouth of this woman ang salitang kunsinsya? Wow ha gustong magsitayuan ang balahibo sa katawan niya. Ang kapal talaga nang apog eh kung tutuusin ito pa nga ang mas walang kunsensiya kung tratuhin ang nanay nang asawa nito!

"Kaya ko pang maghanap nang pera , hindi ko kelangan ang tulong nila! Hindi ko binebenta ang kaluluwa ko sa kanila!"

"Ayy wow ma pride! Sige ikaw na ang mala anghel pero wala nga lang utak. Andiyan na ang solusyon sa problema mo tatanggihan mo pa? Gaga ka ba? Gusto mong mamatay talaga ang pinakamamahal mong lola para sa pride mo?"

Dinuro duro na siya nito sa may bandang kukuti niya pero ayaw niyang maging bastos dito. Asawa pa rin to nang tatay niya kaya hanggat maari ayaw niyang patulan.

"Tita hindi madali yung gusto ninyong mangyari! Mahirap ba intindihin yun?"

"Hoyy wag ka mag iinarte! Magbubuhay prensisa ka pagkatapos maliban dun maililigtas mo pa ang lola mo sa bingit nang kamatayan! Kaya tigil tigilan mo nga yang kadramahan mo! Kung ako sayo puntahan mo ang mga Galvantez ngayon din at magpasalamat sa kanila. Permahan mo na rin ang kontrata para tapos ang problema mo!"

"Ang dali lang sa inyo sabihin yan kasi hindi kayo ang nasa sitwasyon!"

Tumulo na ang luha ni Ethyl, hindi na niya kayang pigilan maging emotional. Wala kasing may gustong intindihin ang nararamdaman niya. Hindi ganun ka simple ang gusto nilang mangyari.

"Hoy Ethyl hindi ka mayaman, pasalamat ka pa nga kung tutuusin ikaw ang napili nang mga Galvantez para sa trabahong yan. Wag ka masyadong mag mataas kasi wala ka sa posisyon. Tanggapin mo na yan, yan lang ang natatanging sagot sa problema natin. Tsaka wag ka nga mapagpanggap alam ko naman na may tinatago kang kalandian sa katawan mo! Inakit mo nga ang anak nang dati mong boss diba tapos ngayon magpapanggap kang malinis? Ipokrita!"

"Ilang beses ko bang sabihin sa inyo wala akong inakit. Kaya nag resign ako doon kasi ayaw niya akong tigilan! Ako ang naiipit sa away nilang mag asawa ilang beses ko bang ipaliwanag sa inyo yan? Eh ikaw , di ba nilandi mo lang din naman si papa para piliin ka at ewan kami?"

Dahil sa sinabi niya nagdilim ang paningin nang madrasta niya at sinampal siya nito! Di na rin nakapag timpi si Ethyl at gumanti hanggang sa nagsabunutan ang dalawa. Aktong dumating ang tatay niya.

"Ethyl bitawan mo ang asawa ko!"

Sabay lapit sa kanya at hinablot ang maninipis niyang mga braso palayo sa madrasta.

"Siya ang nagsimula pa!" yun lang ang nasabi niya dahil nagpalipad nang isang sampal ang tatay niya sa kanya.

"Kahit kailan napakabastos mo talagang bata ka, wala kang modo! Hindi ka ba napalaki nang maayos nang lola mo at ugaling kalye ka? Humingi ka nang tawad sa tita mo ngayon din!"

Maotoridad na utos nito!

"Pa, kahit isang beses di mo ba talaga ako nakita bilang anak? Wala akong ginagawang masama sa kanya kaya hindi ako hihingi nang tawad!"

"Lapastangan!" hindi na naman nakaiwas sa panibagong sampal si Ethyl! Pakiramdam niya naghiwalay ang utak at mukha niya sa lakas nang pagkakasampal!

"Wag mong ubusin ang pasensiya ko bata ka! Wala ka talang modo! Lumuhod ka ngayon at humingi nang tawad!"

"Hindi ko gagawin yan! Wala akong ginagawa sa kanyang masama!" sa isang sulok nang mga mata niya kitang kita ang pag ngiti nang madrasta niya. Tila tuwang tuwa ito sa sakit na naranasan niya.

"Pa once and for all ako naman ang tanungin mo kung nasaktan ba o kumusta na. Anak mo ko pero bakit parang mas hindi ko maramdaman na naging tatay ka sa akin. Pa , dugo't laman mo ako bakit di mo ko magawang tratuhin bilang isang anak?" Sobrang sakit sa pakiramdam ni Ethyl na iparamdam sa kanya na wala siyang halaga sa paningin nang ama. Ganun pala talaga nuh pag hindi ka mahal nang isang tao kaydali lang sa kanila ang saktan ka. Ayaw na tumigil ang mga luha ni Ethyl. Samu't saring emosyon ang nararamdaman niya. Mahal niya ang tatay niya kahit hindi nito ipinaramdam ang presensiya bilang ama. Kaya ganun na lang kasakit para kay Ethyl ang lahat nang to.

"Pag hindi ka pa rin humingi nang tawad sa tita mo kalimutan mo nang ama mo ako! Wala akong anak na balasubas! At pag hindi mo pa rin pinirmahan ang kontrata sa mga Galvantez lumayas ka sa pamamahay ko! Wala akong anak na walang silbi! At pag namatay ang lola mo dalhin mo lahat yan sa kunsinsya mo! Itatak mo yan sa kukuti mo!" may panduduro pa sa ulo niya ang bawat katagang binibitawan nito.

Parang time bomb na anytime sasabog na ang puso ni Ethyl sa sakit na nararamdaman. Ang tatay niyang inaasahan niyang magiging karamay sa buhay ay siya pang unang unang nanakit sa kanya at gusto siyang ipahamak para lamang sa pera. Sobrang sakit na marinig mismo sa bibig nang ama na mas may halaga pa ang pera dito kesa sa anak nito. Kesa sa kanyang matagal nang nangungulila sa pagmamahal nang isang ama!

Tumalikod na ang mga ito. Hindi siya humingi nang tawad pero alam niyang hindi rin siya pinapatawad nang tatay niya. Walang nagawa si Ethyl kundi naiwang umiiyak at durog na durog.

Samantala sa mga mansyon nang Galvantez galit na galit sumugod sa opisina ni Sefero ang matriarka!

Sefero! Sefero! Sefero!

Malayo pa lang ito nagsisigaw na ito. Para itong susugod sa gyera na galit na galit.!

"Oh mamu anong nagdala sayo dito sa opisina ko?" nagtatakang salubong nang lalaki dito.

Isang malutong na sampal ang pinadapo nito sa mukha niya.

"Anong ibig sabihin nito mamu?" Kunot noong tanong niya sa matanda habang hawak ang mukhang sinampal nito. Pakiramdam nang binata nagsialisan ang mga ngipin niya sa bigat nang kamay nito.

"Bakit mo binayaran ang bill sa ospital ni Ethyl? Nag iisip ka ba? Yun lang ang alas natin para mapapayag ito sa gusto natin!"

Gigil na gigil na sabi nito.

"Anong pinagsasabi niyo? Wala akong binayaran na kahit ano! Hindi ako nagbayad para sa ospital nang lola ni Ethyl!"

"Kung hindi ikaw sino? Isang Sefero Galvantez ang nakalagay sa pangalan nang nagbayad! At nag iisang Sefero ka lang na nabubuhay sa mga Galvantez!"

Nangunot at lumalim ang mga mata nang lalaki sa narinig. Panong nangyari na nagbayad siya eh wala siyang inutusan na gawin yun. At sino itong taong ginagamit ang pangalan niya!

"Ms. Maine," tawag niya sa sikretaryang nasa labas nang pintuan naka abang.

" E check mo sino at kaninong account ang nagbayad sa ospital kung saan naka confine ang lola ni Ethyl Saldamonte. Ora mismo! Intyindi?"

"Yes Sir!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status