Share

The Day

"Sir, Isang Sefero Galvantez nga po ang nagbayad sa ospital. Maliban doon wala na pong ibang information na makuha ang mga connections natin. Pero ayon sa bank hindi pa nila nakikita ang tao na to, sobrang yaman po nito kaya naka VVIP to sa kanila and ikaw po ang nasa isip nila kasi ikaw lang ang nag iisang Sefero na kilala nila. "

Fuck! Fuck! Fuck! Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya at dahil dito napaatras bahagya ang sekretarya niya. Six years nang secretary niya to kaya alam niyang walang mentes lahat nang pinapagawa niya dito kaya ganun na lang ang galit niya nang marinig na walang makakuha nang pagkakakilanlan sa taong gumagamit nang pangalan niya.

"I swear mamu hindi ako yan, hindi ko kelan man pinapakialaman ang decision mo!"

Nasa isang malaking couch nakaupo ang matanda habang galit na galit ang aura nito nang malaman na binayaran ni Sefero ang bill nang hospital nina Ethyl.

'Mamu' ang tawag ni Sefero dito, ito ang nagpalaki sa kanya at naglagay sa posisyon kung nasan man siya ngayon. Siya ang panganay na apo nito kaya ganun na lang ang takot ni Sefero na sundin lahat nang gusto nito. Kaya kahit kelan di niya pa to nasusuway.

"Wag mong tigilan Sefero na malaman kung sino ang impostor na yan at ano ang pakay niya para guluhin ang mga plano natin!" diin na diin na pagkakasabi nito sa lalaki na tila nagpapahiwatig nang isang banta sa kanya.

"Ang pinagtataka ko mamu, tayo lang ang nakaka alam nang plano na to pero pano niya nalaman ang tungkol kay Ethyl?"

"Yang asawa mo, bantayan mo rin baka siya ang nagkalat nang bagay na to! Sinabi ko na sayo na walang magandang maidudulot sayo ang babae na yan! Kung hindi ba naman isang palpak at walang silbi hindi ka man lang mabigyan nang isang anak.!"

"Mamu , asawa ko pa rin siya!"

Dahil sa sinabi niya mas lalong lumalim ang titig nito sa kanya. Kitang kita ang inis at pagka disgusto sa mukha nito sa mga sinabi niya.

Tumayo na ito at walang ka amog amog na umalis. Alam niya kelangan niyang ma solusyunan ang problemang to. Kelangan niyang ma please ang matanda. Hindi niya titigilan hanapin kung sino man yang impostor na nagpapanggap na siya. Tinawag niya ang isa sa mga bodyguards niya at may inutos siya dito. Hindi siya pwede maging kampante dahil may banta sa posisyon niya sa mga Galvantez. Buong araw na hindi matahimik si Sefero at binabagabag pa rin siya nang alalahanin niya tungkol dito. Kaya naisipan niyang lumabas muna at pumunta sa paborito niyang cafe. Kasama ang napakadaming bodyguards ay tahimik na nagkakape ang lalaki nang may lumapit dito.

"Owh Hi Sefero! It's a very nice day lalo nang makita kita dito!"

"Wag mong gambalain ang pagkakape ko!"

Tsaka lumapit ang mga bodyguards para hawakan sa mga braso ito at paalisin sa harapan niya.

Nagpumiglas ito at nagsalita na napatigil sa pagkakape niya.

"Namnamin mo na ang pagiging Sefero dahil nalalapit na ang araw na mawawala ka sa posisyong yan ! Mayabang at aroganteng Sefero Galvantez!" Isang tila pagbabanta ang iniwan nito at galit na naglakad palayo.

Lalong napaisip ang lalaki sa sinabi nito? Ano ang ibig sabihin nito?

"Hanapin niyo ang babaeng yun at dalhin sa hideout!" mariin niyang utos sa mga bodyguards niya.

"Ang lakas nang loob niya na bastusin ako!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status