Geraldine's Point of View* Nakatulala ako ngayon habang mulat na mulat na nakatingin sa Adam's apple ni Mike. Yakap-yakap niya ako ngayon habang natutulog at ayaw niya talaga akong bitawan. Jusko anong oras na? Okay lang naman na hindi pumasok ngayon dahil sabado naman. Ramdam ko na parang sumali ulit ako sa hell week sa sobrang sakit ng katawan ko. Naging halimaw kaya ang lalaking ito. Hindi ko kinaya ang nangyayari ngayon. Sinuko ko ulit ang katawan ko sa lalaking ito. Tatayo sana ako dahil magluluto pa ako pero mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko na parang hindi niya ako papakawalan pa. "Escaping?" Parang ahas ulit niya akong niyakap na kinatingin ko sa kanya at ang lapit ng mukha ko na parang naduduling ako. "M-Mik----" "Hmm?" "I mean, hubby." Sumilay naman ang ngiti sa labi niya at hinalikan niya ang noo ko at dahan-dahan na naman iyong bumaba papunta sa labi ko pero agad ko iyong pinigilan. "Hep, hep, tama na yan." "You're mine." Natigilan ako sa sinabi niya a
3rd Person's Point of View* Nakatingin ngayon ang chief nila sa resulta ng investigation ni Astraea kay Michael Muller at napapansin niya na parang tumatagal atah ang resulta sa mission niya ngayon hindi katulad sa mga naha-handle nito noon na wala pang buwan ay natatapos na agad niya. Napatingin naman ang chief nila kay Ethan. Si Ethan kasi ang tumatayo na leader sa grupo nila bilang galing sa hell week na pinadala sa pinas noon pa man. "Ano sa tingin mo kung bakit matagal nagagawa ni Gerry ang misyon niya ngayon?" Napatingin naman si Ethan sa kanya at kahit siya ay hindi din niya ang alam pero naalala niya nung umiyak ito noon. "Hindi ko din alam, chief." "May napapansin ka ba sa galaw niya nung nagkita kayo nung nasa mission kayo?" Nakatingin lang ito sa mga mata ni Ethan na parang binabasa din nito ang isipan nito. "Wala din. She wants to join us dahil na bo-bored daw siya doon bilang katulong at dahil restday niya nun ay sumama siya sa amin." "Paano kung nasundan siya ng
Geraldine's Point of View* Napaikot-ikot ako ngayon sa kwarto habang si Mike naman ay naglalagay na ng damit sa bag na dadalhin namin. Totoo naman na may parang pamilya na ako sa bundok pero nagi-guilty ako na maging acting parents ko sila nanay at tatay doon. Nang may naalala ako bigla. I need to call my brothers. Kinuha ko ang phone ko at lalabas sana ako nang magsalita si Mike. "Wife?" "Tawagan ko lang ang mga brothers ko." Napakunot naman ang noo niya at napahinto sa ginagawa. "Brothers?" "Yes, may mga kapatid ako pero hindi kami magkadugo." "Bakit mo sila tatawagin?" Nakatingin siya ngayon sa mga mata ko na parang binabasa talaga ang boung pagkatao ko sa nangyayari ngayon. May mga bagay talaga na parang binabasa niya talaga ako at di ko alam kung nababasa ba talaga niya ako o hindi. "Okay, go ahead, para malaman na din nila na pupunta tayo." "Biglaan ka naman kasi ehhh akala ko hindi tayo pupunta," ani ko bago lumabas at agad akong nag-isip kung sino ang tatawagan ko
Geraldine's Point of View* Nasa sasakyan na kami ngayon at hindi ko alam na dalawang sasakyan pa ang dala niya na may lamang mga groceries at ano pa. Pinaghandaan nga niya ang pagpunta niya doon sa bukid. "Sabihin mo lang kung kulang ang mga dinala natin ay magpapadala agad akong kinabukasan ng another grocery." Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Ayos na yan." "Sure, wife?" "Oo nga." Dahan-dahan naman niyang hinawakan ang kamay ko at pinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya na kinatingin ko sa kanya. "Magpahinga ka na muna mukhang tatlong oras pa ang travel papunta sa bukid ninyo. Hindi ko alam na ganun pala kalayo ang travel mo pabalik sa akin. Kaya pala hindi kita makita nung hinanap kita." "Hindi naman malayo." "Malayo na yun para sa akin. Ayokong lumayo ka sa akin, wife. I won't allow it." "Saan naman ako pupunta?" Tiningnan ko ang mga mata niya ngayon na parang sinasabi na wag akong umalis sa tabi niya. "Anywhere... without me. Lilibutin ko talaga ang boung kaguba
Geraldine's Point of View* Na-alert ko sila ngayon at agad naman akong niyakap ni Mike na parang ginawa niya iyon para ma-protektahan ako kung may gagawin ang mga taong ito sa akin. Nagsimula na namang uminit ang mukha ko dahil sa nangyayari. Sigurado ako na tripan na naman ako ni Skyler mamaya. "Wife, just hide. Kami na ang bahala sayo." Mahina na lang akong nagulat dahil sa sinabi niya. "Teka lang!" Napatingin naman kami kay Skyler na nakatingin sa akin. "Sorry na, sis. Sinigawan ka eh. Hindi ko alam na ganyan pala ka-protective ang lalaking yan sayo," ani ni Skyler. "Subukan mo ulit mamatok ng minor ay ako talaga ang babatok sayo." "You know him?" tanong sa akin ni Mike. "Siya ang isa sa mga brothers ko. Tara na nga may pa ganito pa kayo ha." Natawa naman sila sa sinabi ko. "Tara na na Sky, gusto ko ng magpahinga." Tumango naman sila sa sinabi ko. "Tara na sa tribe!" Sinirado ko na ang bintana at napatingin kay Mike. "Hindi ko alam na may ganito ka palang pamilya, w
Geraldine's Point of View* "Sino siya?" tanong ulit ni Ethan sa akin. Napalunok ako habang nakatingin sa kanila. "I'm her husband." Natigilan ako at maski din naman sila at sabay kaming napatingin kay Mike. "What?!" Sigaw nila Xavier habang nakatingin sa kanya. "You married our little sister! Hindi ko man lang kami sinabihan tungkol sa bagay na ito, Gerry!" Napayuko naman ako at hinawakan ni Mike ang kamay ko. "Ehem..." Napatingin kami kay tatay na parang pinapakalma niya ang tensyon na meron sa amin ngayon. "Sa loob tayo mag-usap at wag dito." Umuna na silang pumasok sa bahay nila at napatingin naman ako kay Mike at nag-sign ako sa kanya na pumunta na kami. "Wag kang mag-aalala ako na ang bahala sa mga kapatid ko, hubby." "I didn't expect na ganun magalit ang mga kapatid mo pero naintindihan ko naman sila lalo na't ikaw ang nag-iisang Prinsesa nila." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Wag kang mag-aalala sa bagay na y
Geraldine's Point of View* Flashback... "Astraea, pag ikakasal ka sa hinaharap ay siguraduhin mong ipapakilala mo muna sa amin bago ka magpapakasal." "Yes, brothers," ani ko sa kanilang apat. End of flashback... "Astraea." Nagising ako sa totoong buhay at kaharap ko ngayon ang apat na mga brothers ko na seryosong nakatingin sa akin. "What's going on? Bakit nakasal ka sa lalaking iyon? At isa pa hindi pa tapos na ang mission mo nun. Astraea, nasa tamang pag-iisip ka pa ba?" Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Ethan. "Yes..." "Just tell us, why?" "Accident lang ang lahat ng pangyayari." Nagtataka naman silang napatingin sa akin. "Accident? Tell us, para maintindihan namin ang sitwasyon mo." "Nalaman ko din ang bagay na yan nung pumasok ako bilang katulong ni Mike at mabilis niya akong nakilala agad pero hindi naman niya alam na agent ako. Hindi ko alam na kinasal talaga kaming dalawa nung tinulungan ko siya nung tinakasan siya ng bride niya at pinahiya siya sa la
Geraldine's Point of View* Habang tumatakbo ay iba-iba na ang pumapasok sa utak ko baka kung ano na ang gagawin nila kay Mike. Nang matigilan ako sa pagtakbo at narealize ko na di dapat ako mag-aalala sa kanya. Dahil sa kahulihan ay di naman kaming dalawa ang tinadhana at panandalian lang ang lahat ng ito. Napakagat ako sa labi ko at napasuntok sa puno para pigilan ang nararamdaman ko ngayon pero hindi pa din. Ayokong may masamang mangyari sa kanya. Lumakad na ulit ako hanggang sa tumakbo ulit para hanapin siya. "Mike, asan ka!" Hanggang sa makita ko si Mike sa may gilid sa falls at nagulat siya na nakatingin sa akin. "Wife? Why are you running---" Isang iglap ay tumalon ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. I miss his scent. Sandali lang kaming hindi nagkita pero ganito na agad ang pagka miss ko sa kanya. "Bakit? May problema ba? Hmm? Honey?" Hinaplos niya ang likod at mas lalo ko siyang niyakap. Naamoy ko ulit ang mabang
3rd Person's Point of View* America... Nasa yatch ngayon sila Ethan sa isang yatch dahil susupresahin nila ngayon si Gerry sa island. "Sire, sigurado po ba talaga kayo na pwede tayong makakapasok sa island nila, Gerry?" kinakabahang ani ni Xavier sa General. "Yes, I'm sure. Hindi naman ako pupunta rito na walang kasiguruhan." Hindi alam ng mga grupo ni Ethan maski na si Ethan na tinawagan ni Maximus ang General para imbitahan ang mga ito sa island. Dahil ngayon din ang kaarawan ni Gerry na hindi nalalaman mismo ni Gerry. Nakikita na nila sa 'di kalayuan ang napakalaking island. Nakatingin si Ezekiel sa mapa na binigay sa kanila at nalaman nito na ito na ang lugar na pupuntahan nila. "Mukhang ito na ang island ng mga assassin. Hindi ko aakalain na makakarating talaga tayo dito." Biglang may mga yatch na nagsidatingan na kina-alert nila sa kinatatayuan nila. "Sire..." mahinang sambit ni Ethan sa General. Lumapit naman ang General sa mga lalaking nasa yatch at ito ang sinasab
Geraldine's Point of View* Dumating na ang hinihintay ng lahat at 'yun ay ang anniversary ng phantom syndicate. Nagtitipon tipon ang mga kasapi noon pa man. Lalo na ang mga nanalo. Nakatingin kami ngayon sa mga taong dumadating dito sa bintana ng isang kwarto kung saan kami inaayusan. "Wow, nandidito ang mga idol ko! Hindi ako makapaniwala!" "Oo nga. Pero kanina ko pa hinihintay ang pagdating ng prinsesa at hindi ko pa nakikita kung dumating na ba talaga siya." "Kaya siguro ang dami ng mga taong nandidito ngayon na bumisita dahil iwe-welcome nila ang Prinsesa." Dahan-dahan naman silang napatango. Hindi ko alam kung bakit atat na atat nila akong makita eh isa lang naman akong normal na babae at wala ng iba. "Bakit n'yo naman siya gustong makita? Matagal na siyang wala 'di ba? Mukhang may plano kayo sa bagay na 'yan ha." Napatingin naman sila kay Nine na biglang nagsalita. Nine is right. May plano ang mga taong nandidito dahil mukhang gusto nilang agawin ang trono ko
Geraldine's Point of View* Bumalik naman ang lahat sa dati at kinuha na nila ang mga estudyante na positive sa drogang 'yun. At malapit na ring matapos ni Nine ang antidote. Nandidito ako ngayon sa opisina ni Dad na kakarating lang niya galing sa Europe. "Daddy, mukhang marami rami rin itong regalo niyo sa akin ngayon." Tinuro ko ang maraming paper bags na nasa lamesa. "It's for you, my daughter." "Daddy, did I te---" "Just once, my daughter. Please, pagbigyan mo na si daddy mo na magbigay ng mga ganitong bagay sa 'yo." Napabuntong hininga na lang ako at uminom na lang ako ng tea. "Okay, daddy." Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. Alam ko naman kasi na bumabawi siya sa mga araw na hindi kami magkasama. "Daddy, pwede bang pumunta si papa dito?" Natigilan siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin na parang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko ngayon. Hindi ba sila magkabati ni papa? "What? Wait, did he know already?" "Bakit hindi ba niya kailangan malaman? Sa k
Geraldine's Point of View* Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko si Papa. "My daughter, please magsalita ka naman. Alam ko na buhay ka." Naririnig ko na parang pinipigilan niyang umiyak. Naalala ko ang mga pagmamahal na binigay niya sa akin at hindi niya pinaramdam na naiiba ako sa kanya. Flashback... "You're just adopted. You're not a real daughter of the general." Naririnig ko ang mga sabi ng mga kaklase ko noon sa elementary pa ako sa America. Nung unang rinig ko 'yun sa kanila ay hindi ako umiyak o inatake sa kanila. Ano naman ang ikaiiyak ko sa bagay na 'yun? I'm so thankful na maraming nagmamahal sa akin at maraming tumanggap sa kung sino ako at hindi nila pinakita sa akin na naiiba ako. "Your adopted!" Nagtatawanan pa sila habang paulit-ulit na sinasabi ang bagay na 'yun. Tiningnan ko sila sa mga mata nila at napangiti naman ako. "Yes, I am, but I'm so proud to be with their family. My daddy is the best dad and please don't say that. That's bad." Ngumiti ako s
Geraldine's Point of View* "Princess, ano ba ang trabaho mo noon?" Napatingin naman kami sa buong lugar at kami lang naman ang nandidito ngayon. Ako, David, Mike at ako. Wala naman akong nararadaman sa paligid na ibang tao. "I'm Astraea, ninong." Nanlalaki naman ang mga mata ni Ninong nang marinig niya ang bagay na 'yun. "A-Astraea? You mean the popular undercover agent?" Dahan-dahan naman akong napatango. Di pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko at napatingin naman siya kay Brother David. "Yes, it's true, dad. Kaya pala pamilyar na pamilyar ka sa akin nung unang kita ko sa'yo noon, princess." Nagtataka naman akong napatingin kay David. "Kailan tayo nagkita?" "Sa Japan ka nun at mukhang may mission ka nun ay accident na nagtagpo tayong dalawa sa isang hotel nun." "Di kita napansin." Napangiti naman siya. "I know that. Dahil busy ka sa pagmamasid sa subject mo nun. Hindi ko na lang pinahalata na ikaw 'yun dahil may mission din ako nung araw na 'yun." Napangiti na lang ako
Geraldine's Point of View* Namumugto ang mga mata ko kakaiyak habang yakap-yakap ako ni Mike dito ngayon sa higaan ng kung saan ako kinunan ng dugo kanina. Pinaiyak pa niya talaga ako at hindi muna niya ako pinasalita at pinakakalma lang niya ako na parang sanggol. "Are you done crying?" malambing na ani niya sa akin. Di ako nagsalita at nakayakap lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa binti niya at siya naman ay nakaupo sa higaan. "Wife?" "Hmm..." Tiningnan ko siya at mahina na lang siyang natawa habang nakatingin sa mukha ko. "Ang pangit mo ka-bonding." Nag-roll eyes ako habang sinasabi 'yun at mas lalo siyang natawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Tingnan niyo ang pangit ka-bonding! "Shut up. Bakit mo ko niyayakap? Wala ka namang tiwala sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na may tiwala sa akin doon ako makikipaglaro." "Wife." "Oh." Di ko siya tiningnan dahil alam ko kakaiba ang tingin niya sa akin ngayon. "Look at my eyes." "Ayoko baka kiligin ako." Naka-po
Geraldine's Point of View* Natapos akong salinan ng dugo ay pinahiga muna ako dito sa higaan at maririnig pa rin ang ingay sa labas. Wala namang problema sa labanan sa labas dahil nandodoon naman ang mga guro at sila ninong at David. Kaya naman nila ang bagay na 'yun. Remember mga assassins din naman silang lahat kaya walang problema sa bagay na 'yun. Napatingin ako sa gilid ko nang naramdaman ko na may nakatingin sa akin. At nakita ko si Mike na naniningkit pa rin ang noong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko at napatingin naman siya sa kamay ko na parang ayaw pa niyang hawakan? "Ayaw mo?" "Tell me, why did you do that?" Tiningnan ko siya. Seryoso talaga siya ngayon. Napatingin ako sa mga kasamahan namin dito na nag-aalalang nakatingin sa amin. Tumango naman sila agad sa mean ko. Kailangan naming mag-usap ni Mike na kaming dalawa lang. Pumasok sila sa isang kwarto dito pa rin sa laboratory at kami na lan
Geraldine's Point of View* "Sa susunod na natin pag-uusapan ang bagay na 'yan. Ang importante ngayon ay ang kumakalat na droga ngayon." Napatingin naman sila sa akin at dahan-dahan na tumango. "I-Ikaw ba talaga si Nyx? Ang Prinsesa ng mga assassins? Yung top 1?" Napatingin ako kay Nine na nanlalaki pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at natawa na lang akong mahina habang nakatingin sa kanya. Hindi ko naabutan ang pagsilang sa kanya dahil nung panahong 'yun ay nagliligawan pa ang mga magulang nito at hindi pa siya ginawa. Hindi ko aakalain na makakabuo agad sila at malaki na ito ngayon. Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na sinabi ang tungkol sa akin at agad naman niyang na-gets ang bagay na 'yun. "Oh my God! Welcome back po! Hindi ko alam na nakita na pala kayo at isa pa idol na idol ko po kayo kaya ako pumasok dito sa phantom syndicate dahil sa inyo." Napakunot ang noo ko at napatingin sa mga magulang niya. "Kinukwento kasi namin ang mga kakayahan mo noon kay
Geraldine's Point of View* Sa paglalakad pabalik ay napapansin ko na parang nag-iingayan na ang paligid at nung tingnan namin ang paligid ay parang may kaguluhan sa gitna ng parang stage na may salamin. Doon pala pinasok ang mga infected sa virus at makikita mo sa katawan nila na malapit ng mag-decomposed ang katawan nila. Lumapit sila Mike doon at ako naman ay nagpahalo sa mga estudyante at sumama sa grupo ko para di mahalata na nawala ako sandali. Umupo ako sa gilid at iniisip ko kung ano ang gagawin. Napatingin ako kay Nine na nag-aalalang nakatingin sa mga infected. "Nine." Napatingin naman siya sa akin at nag-sign ako na umupo sa tabi ko at sumunod naman siya. "Ang dugo ba talaga ni Nyx ang makakasagot sa lahat ito?" Nagulat naman siya sa tanong ko. Napayuko naman siya at dahan-dahan na tumango. "Ayon sa examination ng mga magulang sa dugo ng master noon ay 'yun din ang nakatalo sa virus noon. Hindi na siya pwede ngayon na kunan ng dugo dahil alam ko na matanda na