Share

Chapter 11

Fake it

“W-Why are you telling me this?” nauutal na tanong ni Heather. Hindi kaya, alam na ni Primo na siya iyong nasa picture? Kahit kinakabahan, sinalubong niya ang tingin nito. He looked innocent.

Primo swiped again and Heather saw the next picture. This time, she was waving the tickets on Aidan who's leaning on the cinema's wall. Suot niya pa rin ang bucket hat pero halata ang pagngiti niya.

He swiped again and another picture came out. Iyon iyong sa sinehan. Nakasandal si Heather sa balikat ni Aidan. Ang sumunod naman ay no'ng tumalikod siya at nakahawak sa upuan. The last picture is when Aidan wrapped his arms around Heather and made her lean on him. Nalaglag ang panga niya sa nakita.

“Hinila kita rito para walang makarinig sa atin. Mahigpit na ipinagbabawal sa Limelight nap ag-usuapan ang balitang nilalabas nila during office hours. Nadidistract ang mga empleyado.” Ibinaba ni Primo ang cellphone at inilagay iyon sa bulsa niya. Then, he held both of Heather’s arms at pinakatitigan siyang mabuti. “’Di ba fan ka ng CaiDan? May ideya ka ba kung sino iyong nasa mga picture?”

Realization dawned Heather.

“A-Ang Limelight ang n-nagpost ng mga l-litratong ‘yon?” kinakabahan niyang wika.

Primo nodded enthusiastically. “Yes. My friend to be exact. And he was asking my help to somehow find out the identity of the woman on the photo. Tapos naalala kita. We attended a show featuring CaiDan kaya naman napag-isip-isip kong baka may idea ka kung sino ang babae?” he asked hopefully.

Heather carefully let out a heavy breath to calm herself. Primo is asking her about the woman in the photo without knowing that it was her.

“Heather? You okay?” tanong ni Primo nang mapansing parang hindi ito mapalagay. Now he’s starting to lean on the fact that she might know something.

“Kilala mo ba siya? Iyong babae?” tanong niya ulit.

Hindi niya puwedeng sabihin sa kaniya. Hindi pa sa ngayon. Lalo na at kaibigan niya pala ang nakakuha ng mga litratong iyon. Mapapahak si Aidan!

“B-Baka si Cali lang ‘yan, Primo,” sabi na lang niya para matapos ang usapan. That’s the safest answer kahit nakakasuka. Si Calista lang naman ang naiuugnay na babae kay Aidan publicly.

Primo shook his head in disagreement. “No. Cali’s hair color is ash blonde. The woman on the picture is golden blonde,”he interjected.

Heather blinked in astonishment. “Pati ba naman ‘yon ay napansin mo?”

He shrugged. “Magkaiba ang kulay ng buhok nila. Pinaliwanag lang sa akin ng kaibigan ko kung anong kulay iyon.”

“S-Sino ba ang…kaibigan mong nakakuha ng litrato.”

Itinikom ni Primo ang bibig at alanganing tumingin kay Heather. “Sorry, Heather. I promised na hindi ko sasabihin sa kahit na sino. And that person is using a pen name sa mga sinusulat niya to keep its privacy.”

“Oh. Okay.” She was a bit disappointed. But she was more bothered than disappointed. Nasa lugar lang kung saan siya nagtatrabaho ang taong iyon at kaibigan pa ni Primo. That means, that person was close.

Katatanggap niya pa lang pero mukhang kailangan na yata niyang maghanap ng bagong trabaho…

“Sorry.”

Umiling si Heather. “Hindi, okay lang. I should be the one saying sorry. I have no idea who that girl is. Maliban kay Calista, ang tanging babaeng naiisip ko lang na malapit kay Aidan base sa mga balita sa kaniya ay ang Ate niya.”

“Yeah. But his sister is residing in Los Angeles. And this woman looks young.”

Pinakatitigan ni Heather si Primo habang malalim siyang nag-iisip. He looks very eager to help his friend and find out who that girl in the picture is, without knowing na nasa harapan niya lang pala ang babaeng hinahanap niya.

Ngayon, nadagdagan na ang rason ni Heather kung bakit kailangan niyang itago kay Primo ang tungkol sa pagkatao ng boyfriend niya. Maliban sa hindi pa sila gaano katagal na magkakilala, Primo is friends with the person who published an article about the secret girl, siya. At mukhang iyon rin ang parehong tao na narinig niyang kumukuha ng mga litrato sa sinehan kahapon.

“Baka fangirl ni Aidan tapos pinagbigyan niya lang?” suhestiyon ulit ni Heather. Dapat kahit papaano, magduda si Primo sa katotohanang may relasyon si Aidan at ang babaeng nasa litrato. Dahil kapag hindi niya na naiisip ‘yon, titigil si Primo at ang kaibigan niya sa paghahanap sa babaeng nasa litrato.

“Pwede rin,” he drawled. Parang nabawasan naman ang bigat sa balikat ni Heather nang sabihin niya iyon.

“But don’t you think they’re too intimate in the pictures? Kung fangirl lang iyon, ba’t ang komportable nila sa isa’t isa?” pahabol pa ni Primo na nagpabalik ng kaba ni Heather.

“A-Alam mo, huwag mo na lang ‘yon pansinin. Hayaan mo ang kaibigan mong alamin ‘yan mag-isa. Hindi mo naman trabaho ‘yan eh,” ani Heather. “Nagawa niya ngang makuhanan sila ng pictures ‘di ba? Hindi na ‘yon magiging complicated sa kaniya na alamin ang identity ng babaeng ‘yon.”

Just please, please don’t search for that girl. Huwag mo nang alamin, Primo. Piping dasal ni Heather.

Dahan-dahang tumango si Primo. “You have a point. But I still want to help him if ever.” Nagtama muli ang mga mata nila. Hinawakan siya ni Primo sa balikat. “Basta ba, kapag may alam ka tungkol sa babae, tell me, okay?”

Tumango si Heather kahit na wala siyang balak na magkuwento.

“Okay.”

Primo smiled and stepped out from the pretty dark place. Sumunod naman siya.

“Saan nga pala punta mo? Samahan na kita,” he offered.

“No, thanks. I know my way.”

“You sure?”

“Yeah.” Heather smiled.

“Hmm, okay.” He waved his hand and turned around. As soon as Heather saw Primo’s back, her smile fell and a disappointed and sad look plastered on her face.

“Huwag mo na sanang tuklasin pa, Primo. You’re my only friend. I don’t wan to lose my only friend,” Heather whispered as she watches Primo walk away.

‘I'm on your company's basement parking. Come down a sec. It's very important.’ Heather read the text she received as she walk her way to the company’s canteen.

Heather already has a hunch on what this is about and for Aidan to come here kahit na medyo matao, he must've really want to talk to her.

Mabilis niyang tinungo ang elevator at nagpunta ng parking.

Pagkarating ni Heather, mabilis niyang inilibot ang paningin para hanapin si Aidan. Few cars were parked around at dahil umaga, tanging ang liwanag mula sa entrance ng parking ang nagbibigay-liwanag sa buong lugar. Everything was quite dim but she chose to go the place where it's much darker. Hindi nga siya nagkamali nang may humila sa kaniya.

“Aidan—”

“Shh,” he silenced her as he look around. “My manager said not to go out of my condo while the article's still fresh pero kailangan kitang makausap ng personal tungkol rito,” bulong niya. “There's an article—”

“I know. Nakita ko na kaninang umaga. H-Hindi naman nila ako namukhaan ‘di ba? I-I mean, I saw the pictures, my face weren't seen,” nag-aalangang sabi ni Heather. “Nalaman ko rin na inaalam pa rin nila hanggang ngayon kung sino ang kasama mo sa picture.”

“Sabi ni Miss K, may posibilidad raw na nakita noong kumuha ng pictures ang mukha mo. Kung mapapansin mo,” he took out his phone and showed the same pictures Primo showed her earlier. “The angle looks fixed. Hindi halatang stolen. Para bang sinadya ng kung sino man ang kumuha na ‘wag ipakita ang mukha mo. We think that whoever took this photo and wrote that news, his or her aim is to inform everyone that I'm seeing someone else. Gusto niyang ipakita sa lahat na wala kaming relasyon ni Cali. That our fans were wrong about our status. Wala sa plano niya ang isiwalat ang identity mo.”

“Which is true,” Heather said, pertaining to Aidan and Cali not in a relationship. Aidan did not say anything and just looked at her kaya naman iniba niya na lang ang topic. “So I'm safe?” paninigurado niya.

He nodded. “But we can't be too careful. Every CaiDan fan wants to know who you are. Kaya dapat mas lalo tayong mag-ingat. Let's not go to public places for now. Dadalawin na lang kita sa bahay niyo.”

“P-Pero tuloy pa rin naman ang anniversary celebration natin, ‘di ba?” Ilang segundong natahimik si Aidan.

“Well, kung private resort ang mapipili mo, siguro.”

“Oo.” Sunod-sunod ang naging pagtango ko. “Hindi naman tayo susundan ng fans mo hanggang do'n. I-I'll pick a beach far from here.” ‘Di mapigilan ni Heather ang mahiya para sa sarili. She sounded so desperate. Para siyang nanlilimos ng atensyon niya.

“Sabi naman ni Miss K, kailangang umiwas ako sa mga matataong lugar. Hindi niya naman sinabing huwag akong lalabas at pupunta sa hindi gaanong mataong lugar, right?” He playfully grinned that helped Heather erase her doubts.

Mabuti naman at tuloy ang anniversary celebration nila. Hindi niya alam kung anong mararamdaman kung mauudlot iyon ng kahit ilang araw lang.

Aidan caressed Heather’s cheek. “Don’t worry. Aayusin ko ang schedule ko next week para wala ng sagabal sa beach trip natin. Alam kong matagal mo ng gustong mag-dive.”

Heather nodded while slightly pouting. Ever since college, nakahiligan niya na ang pag-dive sa mga dagat. Yes, it's quite tiring. But all your efforts pays off once you get to see the scenery underwater. The corals and the fishes is so peaceful and beautiful. It gives that serene feeling and only diving can make her feel that. Iyong wala kang ibang maiisip kundi ang magandang view na nasa paligid mo. Maaalis lahat ng iyong pangamba at alalahanin. And with the kind of life I've got, I really need to find that place to unwind.

“Oh siya, kailangan ko ng umuwi before Miss K finds out that I left the condo without telling her.” Hinalikan niya si Heather sa noo. “Call me when you get home, okay?”

“Okay.” Tumango siya saka isinuot ang hood ng jacket niya. Sinundan siya ng tingin ni Heather at bahagyang nagtaka nang maglakad siya palabas ng parking.

Hmm. . .maybe he parked his car elsewhere.

Tumalikod si Heather at tinungo ang daan pabalik ng building ng Limelight. She was shocked to see Primo. Papalabas naman ito habang siya ay papasok.

“Heather? What are you doing here?” Lumagpas ang tingin niya sa daang tinahak ni Aidan. Sumunod ng lingon si Heather at sakto lang na naabutan niya ang pagliko ni Aidan sa kung saan.

“I-I was…ahm.” Heather couldn’t find the right words to say, she was caught off-guard.

“Si Marcus ba ‘yon?” inosente nitong tanong.

Heather could only nod and not say anything.

“Sayang hindi ko siya naabutan. Pagsasabihan ko sana siya na ‘wag masyadong workaholic dahil napapabayaan ka na niya.” Tinabihan niya si Heather at inakbayan. “Dinalaw ka niya rito?”

“Y-Yeah.”

He looked relieved at my answer. “Mabuti at naisipan niyang bisitahin ka.” Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa loob. “Tara na nga sa loob. Hindi ka pa naglalunch. Tama ba ako?”

“Uh-huh.” Heather nodded. Nakabawi na siya sa pagkabigla. “Ikaw?”

“Hindi pa.”

“Let’s have lunch then.” Heather said and forget about her worries if Primo saw Aidan’s face earlier or not. Parang hindi niya naman kasi ito namukhaan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status