Share

Kabanata 2

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-02 21:46:44

Ella POV

Nakalahad ang palad ni Miguel at para bang kay hirap para sa akin na tanggapin yun. Ganun pa man ay kailangan kong paglabanan kung ano man ang aking nararamdaman. Wala akong makitang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. Natural at tila ba ngayon lang kami unang nagkita. Kabaliktaran naman sa aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras mula ngayon.

“Nice meeting you too Mr. dela Vega.” pilit akong nagsalita nang pormal. Propesyonal akong ngumiti at tumingin sa kanya upang hindi ko maipagkanulo ang totoong nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Sabay kaming naupo. Nilingon ni Sofia si Miguel na kauupo lang.

“Sorry I’m late.” mahinang wika ni Miguel sa nobya nang magsalubong ang kanilang mga mata.

“It’s okay Migs, hindi pa kami nagsisimula.” maaliwalas ang mukha ni Sofia na sumagot.

Migs? Walang ibang tumatawag ng “Migs” kay Miguel kundi ang malalapit na tao lang para sa lalaki. Kagaya ng magulang at ang dalawang nakababata kapatid nito. Yun din ang tawag ko sa kanya noong bago pa lang kami. Itinigil ko lang ang pagtawag ng Migs sa kanya dahil mas pinili kong “babe” na lang ang tawagan naming dalawa. Kung ganun, talaga ngang importanteng tao si Sofia para sa kanya. Lihim akong natawa. Ano pa nga ba? Ikakasal na nga sila diba?

Nagkunwari akong may hinahanap sa packet at yumuko. Sa ganitong tagpo kasi hahalikan ng nobyo ang kanyang nobya bilang pagbati sa isa’t isa. Parang hindi ko yata kakayanin na makitang may kahalikan siyang iba.

“Dyos ko! Bigyan nyo po sana ako ng maraming lakas ng loob!” bigla akong napadasal nang wala sa oras.

Humugot ako ng hininga at tumikhim. Naghanap ako ng salita na pwedeng panimula. Naisipan kong humingi muli ng paumanhin sa hindi pagdating ni Macy. Pang-alis lang ng kaba.

“Pasensya na kung hindi makakarating si Macy today. Papunta na sana siya dito nang biglang isinugod ang mother niya sa hospital. You will meet her on your next consultation, but I'll be her substitute for today. Initial consultation lang po tayo ngayon so don’t worry dahil si Macy pa rin ang bahala sa kasal nyo. I assure you, she is highly skilled in her field.” tuloy tuloy na paliwanag ko.

Salitan ang tingin na ibinato ko sa kanila. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ang estrangherong tingin ni Miguel upang hindi makadagdag sa tensyong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa kabilang banda naman ay may kirot itong dulot sa aking puso dahil wala na ang init sa mga tingin nito na dati ay punong puno ng pagmamahal para sa akin.

Ibinigay ko sa kanila ang consultation packet at isa-isa kong ipinaliwanag ang nilalaman nito which is tungkol sa lahat ng kinakailangang impormasyon mula sa mga services at budget hanggang sa mga sample ng designs at kontrata. Masakit man sa dibdib ay kailangan kong buksan ang topic tungkol sa expectations sa dream wedding nila.

Dream wedding? Dati ay kami ni Miguel ang nag-uusap at nagpaplano ng dream wedding namin. Napakasakit lang na ibang babae na ang makakasama nito sa kasal na dati ay pinapangarap nito para sa amin. Ang pinakamasakit sa lahat ay sa harapan ko pa at ako pa mismo ang tumutulong at nangangako na matutupad ang dream wedding na inaasam nila.

Tumikhim akong muli upang alisin ang bara sa aking lalamunan.

“Okay, let’s start with your vision.” pagsisimula ko sa professional na boses at saka nagpatuloy.

“What kind of wedding do you guys have in mind?” tanong ko sa kanila.

Pareho ko silang tinatapunan ng tingin, mabilis lang para sa bawat isa. Wala talaga akong maramdamang tensyon sa mga tingin ni Miguel para sa akin ngayon. Para lang itong nakikipag-usap sa esranghero kaya masasabi kong walang epekto sa kanya ang muli namin pagkikita. Hindi gaya noon na parang ako lang ang tanging nakikita nya at wala ng iba.

“Simple yet elegant.” tipid na tugon ni Sofia. Ngumiti ito at tumingin kay Miguel.

“Migs loves minimalist style.” anito. Tumingin si Miguel sa nobya at tumango ito bilang pagsang-ayon.

“How about you Mr. dela Vega?” baling ko kay Miguel

Ilang beses ko nang nagawa ito sa mga naging consultations ko pero bakit ba napakahirap itanong nito ngayon ganung protocol at normal lang na pati groom-to-be ay hinihingan rin namin ng opinyon. Napalingon si Sofia kay Miguel na kagaya ko ay nag-aabang sa isasagot ng lalaki. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Parang tinusok na naman ang aking puso. Tinginan pa lang ay nagkakaunawaan na silang dalawa. Tila kilalang kilala na nila ang isa’t isa at napakalalim na ng kanilang pinagsamahan.

Dati ay ganun din kami ni Miguel. Ang sakit na makitang may ibang babae na ang nakakaunawa sa kanya sa simpleng tinginan lang kahit hindi sila magsalita. Gaano na ba talaga kalalim ang kanilang relasyon? Ang mga mata ni Miguel na ngayon ay nakatingin sa kanyang nobya ay kagaya pa rin nang dati na tila nangungusap. Biglang lumingon si Miguel sa akin at huling huli niya ang pagkatitig ko sa kanya. Sinalubong ni Miguel ang tingin ko. Lihim tuloy akong napalunok.

“Whatever makes her happy.” wika nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Sunod sunod ang aking paglunok dahil tila nanunuyot ang aking lalamunan. Tumango ako bilang pagsang-ayon at pilit na itinatago ang walang tigil na pagkirot ng aking puso.

Upang makaiwas ako sa tingin niya ay pakunwari kong hinagip ang aking notebook at isinusulat ang impormasyon na nakuha ko sa mga sagot na ibinigay nila, ngunit ang totoo ay gustong gusto ko nang magtatakbo upang makalayo sa sitwasyon ko ngayon.

“Pareho lang kami ng gusto so hindi kayo mahihirapan sa pagpaplano ng kasal namin.” si Sofia naman ang sumagot.

“We trust that you’ll take care of everything. Just let us know what you need. ” si Miguel ang nagsalita.

“Thank you, we’ll do our best to make your dream wedding come true.” tugon ko at muling nagsalubong ang mga mata namin ni Miguel. Marahan akong tumango sa kanya at saka umiba ng tingin.

Nasa harapan ko na pero parang hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na siya sa ibang babae. Para tuloy nais kong siyang tanungin kung nakalimutan na ba nya talaga ako.

Nang mapalingon ako kay Sofia ay bigla akong binalot ng konsensya na nag-isip ako ng ganun. Mukhang napakabait nitong nobya at hindi maitatanggi na ikinokonsidera nito palagi ang opinyon ni Miguel. Deserve ni Miguel ang babaeng kagaya ni Sofia. Ang babaeng hindi siya sasaktan at hindi siya pababayaan. Hindi kagaya ko na basta na lang siya iniwan ng walang paliwanag at malinaw na dahilan.

Nang matapos ang aming pag-uusap ay nagpaalam na ang magkasintahan. Nang tumayo ang mga ito ay tumayo na rin ako bilang pag galang sa kanila. Nang tumayo si Miguel, ang mga mga mata nito ay na kay Sofia habang maingat nya itong inaalalayan na parang ayaw niya itong masaktan- tila isang babasaging baso na baka magkalamat. Ngumiti naman si Sofia sa nobyo na tila idinadaan palagi ang pasasalamat sa kanyang mga ngiti. Nilingon akong muli ni Sofia at nagpaalam. Samantalang si Miguel ay tanging kay Sofia lang nakatuon atensyon at hindi na ako muling tinapunan pa ng tingin.

Sinundan ko sila ng tanaw papalayo hanggang makalabas sila ng pintuan ng restaurant at mula sa aking kinauupuan ay natatanaw ko pa rin ang labas dahil yari sa glass wall ang restaurant. Kitang kita ko kung gaano ka-gentleman si Miguel kay Sofia, hanggang sa makapasok ang mga ito ng sasakyan. Nang makita kong nakalayo na sila ay nanlalambot akong napasalampak ng upo na tila naubos lahat ng aking enerhiya.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
ouchhhh Ang sakit Naman sa dibdib
goodnovel comment avatar
Hazel
bakit parang masakit to na kwento
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Planning His Wedding   Kabanata 195

    Sumabay lang si Macy sa bilis ng lakad ni Enzo palabas ng mansion habang hawak siya nito sa kamay. Kita niyang seryoso ang mukha nito at diretso ang tingin sa daan.Huminto si Enzo pagdating sa labas ng malaking pintuan ng mansion. Nakatungo habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay na tila malal

  • Planning His Wedding   Kabanata 194

    “Dad, Mom.. I want you to meet my wife, Macy.” walang paligoy ligoy na sabi ni Enzo.Saglit na katahimikan. Si Amelia ay bahagyang nanlaki ang mga mata at hindi inaasahan ang maririnig. Samantalang si Leonardo ay umaliwalas ang mukha at nakangiting tumayo.Lumapit siya kay Macy para yakapin ito.“So

  • Planning His Wedding   Kabanata 193

    Nakatayo si Macy sa harap ng salamin. Suot ang simpleng dress na hanggang tuhod. Hindi revealing pero very feminine ang dating. Hindi rin makapal ang make-up niya. Yung sapat lang para hindi siya magmukhang maputla. Naka half pony lang ang tali ng kanyang buhok. Pinakawalan ang ilang hibla sa gilid

  • Planning His Wedding   Kabanata 192

    “Ikaw, bakit ka narito? Alam mong wala si Ella dito. Nasa bakasyon pa sila ng asawa niya.” kalmadong wika ni Mike. “Sinusundo ko ang asawa ko. Bibisitahin namin ngayon ang biyenan ko.” kaswal na tugon ni Enzo. Biglang nanlaki ang mga mata ni Mike. “Anong sabi mo? Asawa mo?” gulat na tanong ni

  • Planning His Wedding   Kabanata 191

    Kahit may bahagyang pantal pa sa braso, pakiramdam ni Macy ay okay na siya. Wala na rin ang hapdi at kati dahil mabilis na umepekto ang gamot sa kanya at hindi na siya kailangan turukan. Pero nagugutom naman siya. Hindi siya nakapagluto kaya mag-iinit na lang siguro siya ng mga tira niya na nasa re

  • Planning His Wedding   Kabanata 190

    Masama ang loob na tumalikod si Macy at nagtungo sa kanyang silid. Nangangati pa rin ang kanyang ilong kaya naisip niya magshower na lang at baka sakaling mawala yun. At para iwaglit na rin sa isip ang sama ng loob. Ayaw niya sa lahat ay yung may mabigat na dinadala. Hindi niya gustong ine-ent

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status