Share

Kabanata 3

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-02 22:19:41

Ella POV

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking sasakyan. Mula sa restaurant hanggang sa maka-upo ako sa driver seat, pakiramdam ko ay nakalutang ako. Hindi ko namalayang basang basa na pala ang aking magkabilang pisngi dahil sa walang humpay na pagpatak ng aking mga luha. Muling rumehistro sa akin ang magandang relasyong namamagitan kina Miguel at Sofia.

Ang lalaking dati ay mahal na mahal ako at nagmamakaawang wag ko siyang iwan, ngayon ay wala na akong makitang init sa mga mata kapag nagsasalubong ang aming paningin. Ni galit ay wala rito, ibig sabihin ay wala na nga talaga ako sa buhay niya.

Napahagulhol ako ng malakas at napasubsob sa manibela. Ang sakit! Pero hindi ba’t ito naman talaga ang gustong kong mangyari, ang maka-move on siya sa akin…, ang kalimutan at alisin ako sa buhay niya…., pero napakasakit pala!

Naalala ko ang nagmamakaawang mukha ni Miguel noong iwan ko siya. Mapait na lang akong napangiti.

Mahal na mahal ko si Miguel. Masakit at parang dinudurog ang aking puso ngunit sa kabila nito ay napagtanto kong deserve ni Miguel ang kasiyahang nararanasan niya ngayon. Dapat ay masaya akong naka-move on na siya.

Good job Miguel, you're heading the right direction.

Salamat sa Diyos at nakatagpo ka ng maayos na babaeng magmamahal at magbibigay sayo ng masayang pamilya na pinapangarap mo noon pa, na akala ko ay hindi ko kayang ibigay.

Muli akong ngumiti, this time ay totoo na sa loob ko. Masaya na sa wakas ang mahal ko. Now, it’s time for me to move on too.

Pinatuyo ko ang aking mukha gamit ang panyo. Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at saka ini-start ang sasakyan at nagdrive patungo sa hospital kung nasaan si Macy. Irereport ko sa kanya ang nangyari sa initial consultation at para bisitahin ko na rin si tita Melby, ang kanyang ina. Dumaan muna ako sa groceries para bumili ng mga prutas para pasalubong. Ilang minuto lang ay narating ko na ang hospital. Isinuot ko muna ang aking sunglasses para hindi mahalata ang pamamaga ng aking mga mata.

Tulog pa si tita pagdating ko sa loob ng hospital habang nasa laptop naman ang atensyon ni Macy. Kahit nasa hospital ay nagttrabaho pa rin ito. Umangat ang tingin nito nang makita nya ang pagpasok ko. Isang ngiti ang sumilay sa kanya na ginantihan ko naman.

“Kumusta si tita, anong lagay nya? Bungad kong tanong.

“Tumaas ang dugo niya. Napakatigas ng ulo, hindi kasi iniinom ang maintenance. Mabuti na lang at hindi siya na-stroke.” nakangiwing sagot ni Macy.

Medyo nawala na ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mas maaliwalas na ito ngayon kumpara nung nagmamadali itong umalis kaninang umaga sa opisina. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil sa narinig.

“Kumusta ang consultation?” ito naman ang nagtanong sa akin.

“Okay naman. Mukhang magiging madali itong project mo, maayos kausap ang bride. Mabait hindi maarte.” tugon ko.

"That's great. Salamat talaga sa pagsubstitute mo sa akin best." anito.

Saka ko pa lang inabot ang consultation packet sa kanya para ipakita ang mga information na nakuha ko kanina. Tinanggap yun ni Macy at sinimulang basahin. Naupo naman ako sa maliit na sofa na nasa sulok ng silid. Isinandal ko ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako sanhi ng walang tigil kong pag-iyak kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata, sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasakit pa nga ang ulo ko. Iinuman ko na lang ito ng gamot.

Maya maya pa ay iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong titig na titig si Macy sa akin habang hawak ang Client Questionnaire na mukhang nabasa na niya. Kahit naka sunglasses ako, pakiramdaman ko ay nababasa na nya ang nararamdaman ko ngayon kaya wala sa sariling naipikit kong muli ang aking mga mata. Parang gusto ko munang matulog para umiwas sa mapanuri niyang tingin.

Nagulat na lang ako nang biglang hilahin ni Macy ang suot kong sunglasses, hindi ko namalayang nakalapit na pala. Titig na titig siya sa akin. Nag-iwas ako nang tingin dahil sigurado akong nakita niya ang pamumugto ng aking mga mata na alam kong namamaga at namumula pa rin.

Mabilis siyang naupo sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit. Sigurado akong nabasa na nya ang personal information ng ikakasal at paniguradong nabasa na rin niya ang pangalan ng groom. Mahigpit ang yakap na ibinigay ni Macy sa akin. Dahil sa ginawa niya ay napahagulhol na naman ako habang yumuyugyog hindi lang ang aking balikat kundi pati na ang aking buong katawan.

“May mahal na siyang iba!” umiiyak akong nagsusumbong kay Macy. Hindi ko na mapigilang ibulalas ang sama ng loob habang pumipiyok na sinasabi sa kanya yun.

Hinagod ni Macy ang aking likod upang aluhin ako.

“Shhhh…” paulit ulit nitong pagpapatahan sa akin.

Ilang minuto rin kami sa ganung posisyon. Ibinuhos kong muli lahat ng luha ko na akala ko ay naubos na kanina sa loob ng sasakyan. Maya maya pa ay kumalas na ako sa kanya. Agad itong tumayo upang kunin ang box ng facial napkin sa ibabaw ng table at muling lumapit sa akin upang iabot yun. Tinanggap ko yun at mapait na ngumiti sa kanya.

“I’m sorry, sana pala ay hindi na lang kita pinapunta dun.” hinging paumanhin sa akin ni Macy.

May pag-aalala sa mga salita nito ganun na rin sa kanyang mukha. Alam na alam ni Macy ang nakaraan namin ni Miguel. Naroon siya nang magsimula ang lahat sa amin ni Miguel hanggang sa matapos ito kaya ganun na lang ang pag-aalala niya para sa akin. Nakita at nasaksihan niyang lahat ng sakit na pinagdaanan ko.

“Pero ito naman ang gusto mong mangyari, hindi ba? Yung kalimutan ka na niya at maging masaya siya kahit wala ka sa tabi niya.” may pait sa ngiti ni Macy. Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon.

Tama si Macy. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari nung araw na magpasya akong iwan si Miguel, ang makatagpo siya ng babaeng papawi ng sakit na idinulot ko sa kanya at eto na nga ang araw na yun.

“Tama ka. Mas masasaktan ako kung makikita kong nahihirapan pa rin siya. Masakit lang talaga na makitang may kasama na siyang ibang sa mga plano nya sa buhay. Deserve niyang maging masaya.” usal ko. Naghahalo ang sakit at pasasalamat na hindi na nagdurusa ang aking mahal.

“Matutupad na rin niya ang pangarap niyang magkaroon ng malaking pamilya.” may pait sa bawat salitang binitawan ko. Tahimik akong napaluha muli. Sa narinig ay mabilis na nagsalita si Macy.

“Pwede mo nang ibinigay sa kanya yun ngayon—”

Agad kong pinutol ang kaniyang sasabihin.

“Ikakasal na siya. Ang kapal ko namang bumalik pagkatapos ko siyang saktan. Wala na akong balak guluhin pa ang buhay niya. Masaya na ako sa malayo at nakatanaw sa kanya, at makitang unti-unti nang natutupad ang mga pangarap niya kasama ang babaeng iingatan siya.” saad ko.

“Kung sinabi mo lang sana sa kanya ang totoo, baka masaya pa rin kayo. Hindi sana ganito.” may panghihinayang sa boses ni Macy. Umiling iling naman ako.

“Macy, oo magaling na nga ako ngayon pero dati wala akong katiyakan. Paano na lang kung hindi pala ako gumaling? Hindi ko siya mabibigyan ng mga anak na alam kong pangarap niya. Kung ipinagtapat ko sa kanya ang totoo, alam kong tatanggapin pa rin niya ako dahil mahal na mahal niya ako– pero hindi ko kayang maging masaya kung alam kong isasakripisyo ni Miguel ang pangarap niya. Sa nakikita ko, tama lang ang naging desisyon ko dahil nakilala niya si Sofia. Sa nakita ko kanina, mahal nila ang isa't isa., at malapit na nilang mabuo ang pamilyang pinapangarap nya”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
bakit ganito parang apektadong apektado Ako sa mangyari sa kabilang dalawa.........
goodnovel comment avatar
bunchf05
i feel you... nakkaiyak tlga ang kwento, i can't imagine how really sad it is to the girl.
goodnovel comment avatar
Nhaya15
I am crying Ms. A......... humahagulgol ako habang binabasa ko ito.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Planning His Wedding   Kabanata 171

    Katatapos ko lang makipagmeet sa isang kliyente sa restaurant sa loob nitong mall. Pauwi na sana ako nang makitang 10% na lang ang battery ng phone ko. Saka ko lang naalala na kailangan ko nga palang bumili ng power bank. Kaya dumaan muna ako sa isang tech store sa mall. Tutal ay narito na rin naman

  • Planning His Wedding   Kabanata 170

    “Pwede ba tayong mag-usap?” Napahinto ako nang marinig yun. Huminga muna ako ng malalim. Ang kulit niya! Sa loob loob ko ay gusto kong sumigaw. Ano bang tingin niya sa akin? Hanapan ng nawawalang forever? Bestfriend ko si Ella, hindi bantay.Nirelax ko ang mukha ko saka dahan dahan na humarap ul

  • Planning His Wedding   Kabanata 169

    Halos sabay kaming dumating ni Mike sa restaurant. Nasa loob na siya nang pumasok ako. “Bilis mong magdrive.” sabi ko nang naka-upo na ako. “Excited lang.” masiglang sabi nito. Habang kumakain ay kaswal lang kaming nag-uusap, kumustahan nung una, sunod ay tungkol sa mga trabaho namin. Hanggang

  • Planning His Wedding   Kabanata 168

    Ella POV“Ingat ka palagi dyan ha. I-lock mo palagi ang pinto.” bilin ko kay Ella bago kami magpaalam sa isat isat sa telepono.Nasa Cavite na siya ngayon, dun siya tumutuloy sa bahay ni Mommy na walang gumagamit. Pansamantala muna siyang lumayo dito sa Manila para makapag-isip isip sa problema niya

  • Planning His Wedding   Kabanata 167

    Parang lumundag ang puso ni Macy nang marinig ang baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya. “Hello.” mahinang sagot ni Macy. Saglit na katahimikan bago niya muling narinig ang boses ni Enzo. “Pwede ba tayong mag-usap?” wika nito. Parang biglang sumigla ang puso ni Macy nang sabihin nito

  • Planning His Wedding   Kabanata 166

    3rd Person POVMalakas na boses ni aling Melby ang gumising kina Macy at Enzo na magkatabing natutulog sa kama, at nasa ilalim ng kumot. Sabay na napabalikwas ang dalawa dahil sa pagkagulat. Mahigpit na napahawak si Macy sa kumot upang takpan ang kanyang kahubaran. Si Enzo naman ay mukhang hilo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status