登入Hindi maalis ang tingin ko sa kamay namin na magkahawak na naman. He even waved to his supporters before he guided me inside the limo.
Shit... ang angas ng sasakyan! Galing kaya sa kaban ng bayan 'to? Mabilis kaming inalalayan ng mga PSG at agad kong inalis ang kamay ko sa kanya pagpasok pa lang sa loob. "Your hand is bleeding," bulong niya nang makaupo sa tapat ko.Parang dugo lang, eh. Pero bago pa ko makaisip ng pambabara sa kanya, hinigit niya iyon. Kaya hinigit ko rin pabalik. "Anong problema mo?" Inis na tanong ko. "You're afraid of blood. Let me clean that up," aniya saka may kinuha sa ilalim ng upuan niya. Inilabas niya ang isang first-aid kit na halos magpataas ng kilay ko. Mangha na sumilip ako saka ko lang napansin na may sariling ref pala sa loob ng sasakyan niya! How could he even afford to live this kind of life? Samantalang kaming mahihirap, hindi alam kung paano isasalba ang isang buong araw! Parang gusto kong umalma at magreklamo pero pinigilan ko. Hindi ko napansin na kumuyom na naman ang kamay ko. "Stop that," sita ni Lisandro. "You'll only make it worse."Ang OA parang sugat lang. Alam na alam ko kung paano gamutin yan! Nurse kaya ang kaharap mo! Kaunti na lang ay iyayabang ko na iyon kundi lang niya mabagal na kinalas ang benda noon. "Maliit na sugat lang naman 'to," sabi ko sa wakas. "Mukha lang madugo." "Even so. You can't be seen in public like this," supladong sagot niya habang nilalagyan iyon ng betadine. Napairap ako saka sinubukan kunin ang bulak. "Akin na." Iniwas niya iyon saka irita akong binalingan, pero nang matauhan ay padabog rin iyong inabot sakin.Ano, ha? Kunwari concern. Image pa rin naman pala niya ang iniisip. Ayokong i-justify ang pang-iiwan sa kanya ni Maggie pero hindi ko maiwasang mainis sa kayabangang taglay niya. Baka kahit ako iwan siya para ipagpalit sa mas mabait. Nanatiling tahimik ang buong biyahe pagkatapos niyon. Nang sa wakas ay huminto ang sasakyan sa tapat ng Palasyo, sinalubong kami ng sunod-sunod na yuko mula sa mga staff. Lahat sila nakatingin sa akin na may halong takot at matinding respeto. Kung alam lang nila ang totoo. "Please bring her things inside the room," malamig na utos ni Lisandro sa isang may-edad nang mayordoma. "Also, I'll eat upstairs." Ha! Akala mo ba gusto kitang makasalo kumain? Kapal talaga ng mukha! "Yes, Mr. President," sagot ng matanda bago bumaling sa akin. "Welcome home, Ma'am Maggie." Ngumiti lang ako nang pilit, sinubukan kong kopyahin ang marangyang tindig ng kapatid ko. Pero bago pa man ako makahakbang paakyat sa malalaking hagdanan, isang matinis at gulat na iyak ng bata ang bumasag sa buong bulwagan. "No!" Napatigil ako. Maging si Lisandro na naglalakad na sana patungo sa kanyang opisina ay napahinto rin at napakunot ang noo. Mula sa itaas ng hagdan, tumakbo pababa ang isang batang babae. Ang kulot na buhok ay medyo gulo-gulo, at basang-basa ng luha ang mapupulang pisngi niya. Habul-habol siya ng isang natatarantang babae na may hawak na mangkok ng pagkain. "L-Lindsay, wait! Kailangan nating maubos ang food mo para mainom ang gamot mo," pakiusap ng yaya, at halatang takot na takot nang madatnan kami.Lindsay... she's my niece. Mabilis akong umakyat ng hagdan kahit pa hirap ako sa suot kong Filipiniana. Nakita ko kung gaano kabilis bumaba ng hagdan si Lindsay. Paano kung madapa itong bigla? Nakita ko ang mabilis rin na pag-akyat ni Lisandro pero agad siyang napahinto nang lagpasan ko siya para salubungin ang batang babae. I stopped and kneeled in front of her. "Hey... baby," I greeted her with a smile. Ilang segunda niya kong tiningnan. "Mommy?" Tanong niyang bigla.Shit... ramdam niya yatang hindi ako ang tunay niya mommy. Sunud-sunod ang naging tango ko bago siya binuhat. Hinele-hele ko pa siya. "Yes, baby. It's mommy." Maging ang babaeng kanina'y nakasunod ay napasinghap sa eksena. Why? Bakit parang gulat na gulat sila. At nang balingan ko si Lisandro, may pagkabigla rin sa mata niya pero napalitan rin agad ng inis. "Put her down, Maggie," mariing utos niya. "Layla, get Lindsay away from her," aniya sa yaya nito. Sumunod agad ang babae at dahan-dahang kinuha mula sakin si Lindsay. Hindi na ko umimik pa kaya ibinigay ko na ang bata. "Mommy?" Tawag ni Lindsay pero hindi pa rin sigurado kung talagang ina niya ba ko. Nginitian ko lang siya bago tuluyang iginaya ng tagapag-alaga niya para kumain. "Stop making act like that," Lisandro said.Ano? Lahat na lang de-utos dito? "Ano ka, Diyos?" Bulong ko. "What?" Kunwari ay gulat ko siyang nilingon. "I just miss her. Gusto ko siyang yakapin," dahilan ko. He scoffed. "Really? Because the last time I remember, you don't want her anymore." Natigilan ako. Ganoon bang klaseng ina ang kakambal ko? To the point na maski sariling anak, ayaw na? Who am I to judge? Paano kung lahat ng ito haka-haka lang ni Lisandro? Pero magsisinungaling ba siya sa mismong harapan ko? He might've really experienced it before with Maggie. Kumuyom ang mga kamay ko at hindi alam kung anong dapat isagot sa mga paratang niya. "T-that was before. I-I wanna make it up to her now," bulong ko. "Ha! Spare me the drama, Maggie. Alam natin pareho kung ano lang ang gusto mo at sino lang ang makapagpapasaya sa'yo. At wala iyon dito sa loob ng palasyo," he ppointed out before leaving. Shit... ganito na pala kalala ang pagsasama nila. Paano ako kikilos ng matiwasay nito? Napaka-pangit ng reputasyon mo rito, Maggie! Parang unang araw ko pa lang gusto ko nang umuwi sa amin. Pero tuwing naaalala ko ang bill namin sa hospital, para lang akong mas lalong sinisilaban. I can't quit now. Kailangan ko lang makuha ulit ang tiwala ni Lisandro. I need him to trust me for this to work. "Ma'am Maggie?" Napalingon ako. Ang mayordoma pala, hawak pa rin ang ilang bag ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin. Siguro ay narinig niya rin ang sagutan namin ni Lisandro. "I-I'm sorry, Ma'am. Sanay naman po ang Palasyo sa... sa inyo ni Mr. President. Huwag niyo na lang po muna siyang sabayan sa init ng ulo niya," mahinhin na payo ng matanda, halatang nag-iingat sa mga salita niya. "Ayos lang," pilit na ngiti ang isinagot ko. "Nasaan ang kwarto ko? Gusto ko na ring magpahinga." Inigaya niya ako paakyat sa kanang wing ng Palasyo. Ang kwarto ni Maggie ay napakalaki. Puno iyon nv mga mamahaling muwebles, walk-in closet na abot-tanaw ang mga designer bags, at kama na mukhang mas malambot pa sa ulap. Pero walang kahit isang litrato ni Lindsay o ni Lisandro. Para lang itong isang selyadong kwarto sa hotel. Pagkaalis ng mayordoma, padapa akong nahiga sa kama. Amoy mamahaling pabango ang unan, pero hindi ako makahinga nang maluwag. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang luma kong cellphone. Ito lang ang tanging kontak ko kela Wendy May text doon si Wendy. “Ate, okay ka lang ba dyan? Kakagising lang ni Mama, hinahanap ka. Sabi namin may duty ka sa malaking ospital. Maayos na ’yung bago niyang gamot, Ate. Salamat.” Napalunok ako saka pilit na huminga nang malalim bago nag-reply:“Okay ako, Wendy. Sabihin mo kay Mama, magpapagaling siya. Marami tayong pera ngayon. Huwag kayong mag-alala.” Itinabi ko ang telepono at tumitig sa kisame. Isang daang milyon. Para kay Mama, para sa kinabukasan nina Wendy at Kuya Raoul. Kahit lunukin ko pa ang pride ko, maisalba ko lang kayo..."Kare, lumubog ka na lang kaya hanggang bukas?" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa pinto na pinasukan ni Lisandro."Mommy! Let's swim over there!" yaya ni Lindsay habang itinuturo ang medyo malalim na bahagi."H-Huwag doon, baby. Dito na lang tayo sa mababaw," sagot ko. Ang totoo, gusto ko lang talaga sa malapit sa hagdan ng pool para mabilis akong makakaahon kapag bumalik ang ama niya.Hindi pa lumilipas ang limang minuto, bumukas muli ang pinto. Muntik pa akong makainom ng tubig sa pool nang makita si Lisandro—naka-shorts pang-swimming at topless!Bwisit! Topless na presidente!Sinasabi ko na nga ba, nagbubuhat nga ng barbel ang gagong 'to! Kitang-kita ang pandesal sa tiyan niya at ang lapad ng balikat habang naglalakad palapit sa amin na may nakasampay na tuwalya sa balikat. Ang mga kasambahay at PSG na nakatayo sa malayo ay biglang napaayos ng tayo, pero ako? Gusto ko na lang maging isda at tuluyang maglaho sa ilalim ng tubig."Daddy, fast!" tili ni Lindsay na tuwang-tuwa.
"W-what… trap?"Inirapan ko si Lisandro at marahas na hinila ang duvet para itakip sa buong katawan ko, pilit na itinatago ang panginginig ng mga tuhod ko."You always talk nonsense! Masakit talaga ang tiyan ko. Lumabas ka na nga kung ayaw mong mamaho rito!" singhal ko pa sa kaniya."You're a terrible actress, Maggie," marahang tawa ni Lisandro at hindi man lang natinag sa pagtataray ko. Lumapit pa siya ng isang hakbang para maramdaman ko ang bigat sa gilid ng kama. "O baka naman... you’ve changed plans because you know I’ve been eyeing you?""Wala akong alam sa sinasabi mo! At pwede ba, huwag mo akong lapitan, Lisandro. At baka makalimutan kong Presidente ka at masampal lang kita ulit," depensa ko saka umurong para isiksik ang katawan ko pa-headboard."Subukan mo," hamon niya. Tinitigan niya ako nang matagal. "Two days. I'll give you exactly forty-eight hours to recover. There’s an incoming economic summit that we need to attend. Cedrick Liu will be there," patuyang saad niya.Tang i
Sikat ng araw na pumasok sa pagitan ng mga kurtina ang gumising sa akin. Unang rumehistro sa utak ko ang matinding ngalay sa kanang braso ko, kasunod ang marahang paghinga ng maliit na bulto sa tabi ko.Nilingon ko si Lindsay na mahimbing pa ring natutulog habang yakap si Wawa. Nakahinga ako nang maluwag. Ligtas siya buong gabi. Walang cough monster na umatake.Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya maistorbo at pumasok sa banyo. Pagkaharap ko sa salamin, agad kong hinawakan ang ibabang labi ko. Bahagya pa iyong magaspang dahil sa natuyong dugo at may kaunting pasa, pero mas maayos na ang hitsura kaysa kagabi.“Does he really kiss you this bad?”Biglang umalingawngaw sa utak ko ang mapang-asar na boses ni Lisandro kasabay ng alaala ng dila niya sa loob ng bibig ko. Agad kong sinampal ang sarili kong mga pisngi."Gaga ka, Kare! Huwag mong isipin 'yon! Manyak at psychotic ang lalakeng 'yon, tandaan mo!" suway ko sa s
Seryoso, kailangan ko na yata ng maintenance para sa high blood.Buong biyahe pabalik sa Palasyo, nakahawak lang ako sa tapat ng dibdib ko dahil pakiramdam ko luluwa na ang puso ko sa tindi ng adrenaline. Pasimple kong nilingon ang katabi ko. Ang gago, relax na relax na nakasandal habang nakatingin sa labas ng bintana, pero kitang-kita ko pa rin ang bahagyang pamamaga at bakas ng dugo sa ibabang labi niya dahil sa kagat ko.Bagay sa'yo 'yan, psychotic ka, eh! Akala mo ha.Nang sa wakas ay makarating kami sa presidential quarters, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at halos patakbong tinahak ang daan patungo sa kwarto ko. Naririnig ko pa ang mararahang utos ni Lisandro sa kaniyang chief of staff sa likuran ko tungkol sa pagbabantay sa mga exit, pero wala na akong pakialam.Sinipa ko ang pinto ng kwarto ko pagkapasok at mabilis na pinihit ang lock. Sumandal ako sa pinto, dahan-dahang hinawakan ang sarili kong labi na hanggang ngayon ay ku
“W-what do you mean… different?” kunwari’y wala akong ideya sa sinabi niya. Inangat ko pa ng bahagya ang braso ko saka patagong inamoy ang kili-kili ko.Tangina… wala naman, ah!He side-eyed me and parted his lips. Hindi makapaniwala ang gago sa ginawa ko, kaya walang ibang nagawa kundi ang maubo bago hinila pababa ang braso ko. Pinirmi niya ang kamay ko saka pinagsalikop ‘yon sa kanya.“We’re leaving in ten minutes. You done with your business?” tanong niya.“Oo… nailabas ko na,” kunwa’y sagot ko. Tigilan mo na ang pagtatanong! Pucha, hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa mga nalaman ko!Gusto kong hampasin ang mukha niya sa inis.Pero agad rin natigil ang nasa isip ko nang mahagip ng paningin ko si Vice President… Cedrick Liu. My jaw clenched when he sported an obvious smirk on me!Akala mo ikina-pogi mo yang hayop ka?! Mas gwapo pa rin ‘tong ka…tabi ko…Napabaling ang tingin ko kay Lisandro na ngayon ay matiim akong pinagmamasdan. Alam ba niya… kung sino ang lalaki ng kapatid ko? B
This book is a work of fiction. While it utilizes the backdrop of Philippine politics and governance, liberties have been taken with existing constitutional laws for narrative and creative purposes—specifically the age requirement for the presidency, which has been lowered to the 30s for the character of Lisandro Altagracia. Any political entities, scandals, and characters depicted do not represent real-world figures or actual government offices.— inksigned







