Share

0002: Victims of Love

= KIAN POV =

“Anong event ang pupuntahan ni Tanya?” usyuso kong tanong kay Nexie.

“Uyyyy, in love ka pa ‘no?” panunukso niya sa ‘kin sa kabilang linya. She witnessed everything kung gaano ko kamahal si Tanya no’ng kami pa kaya automatic na ang reaksyon niya.

“Tch, syempre naman,” pagpapakatotoo kong sabi.

Saglit siyang natahimik.

“Hmm, masakit pa ba?” curious niyang tanong sa akin.

Mapait akong ngumiti.

Syempre, masakit pa. Ipagpalit ba naman ako ni Tanya sa taong halos tinuring ko nang kapatid. Parang sinàksak ako ng dalawang beses.

“H'wag na nating pag-usapan,” naiinis kong sabi. Ginantihan niya lang ako nang mahinang pagtawa.

“Fine, punta ka na rito para mahimasmasan na ‘tong bagong friend ko,” pag-aapura niya sa akin.

Napaungot ako. “Oo na,” sagot ko sa kanya.

Kung ‘di ko lang talaga gustong malaman kung anong event yung tinutukoy niyang pupuntahan ni Tanya ay hindi na ako magsasayang ng oras.

Kinuha ko ‘yong isang box ng còndom sa drawer ko na orange flavor. Mabuti na ‘yong handa kasi baka hindi makapagpigil ‘yong katagpo ko sa kagwapuhang taglay ko. Isang babae na naman ang magkakandarapa para sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiling.

“What's her name?” usyuso kong tanong sa kapatid kong si Nexie. Mabilis rin akong nagbihis.

“Wait, uhm… ahh… Je… Jessica… ah… Jenny? Ah… lasing na ata ako, nakalimutan ko na ang pangalan niya,” naguguluhang sagot ni Nexie sa akin. Naiimagine ko pang kinakamot niya ang ulo niya.

I laughed at her. “Kaibigan mo, hindi mo kilala?”

“Kasi ang hirap ng name niy—”

“Jhymea,” rinig kong singit ng isang babae sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko. Ito na ba ‘yon?

“My name is… huk, Jhymea… huk, huk… babe,” sinisinok nitong sabi saka ako nakarinig ng malakas na kalabog.

Bahagya kong nailayo ang telepono ko. “Ano ‘yon?” agad kong tanong sa kapatid ko.

“Na-knock out na, bro! Tatlong bote ba naman ng vodka ang tinungga,” natatawang tugon ni Nexie.

“Tch, I'll be there,” nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

Nilingon ko si Mom na tulala pa rin sa kawalan kaya hinayaan ko na lang siya.

Sa hallway ko na inayos ang suot kong white polo, slacks at shades. Daliri lang din ang ginamit kong panuklay ng buhok ko.

I smirked.

“I wonder what that Jhymea looks like,” napapailing na monologo ko.

***

= JHYMEA POV =

“Jhymea… Jhymea…” tapik sa akin ng bago kong kaibigan na si Nexie. Akala niya ata ay tulog na ako pero bumubwelo lang naman ako mula sa pagkahilo.

“Uhmm…” pag-ungot ko tapos hinawakan ko ang bote ng vodka na nasa mesa. Hindi pa ako tapos uminom. Gusto ko pang lunurin ang puso kong wasak.

Napapigil ng tawa si Nexie. “Uy, hala, sha-shot ka pa? Good luck sa atay mo n'yan.” Umiling-iling ito.

Nagkandaduling-duling ako na tinitigan ang bote ng vodka na hawak ko at ibinuhos ang laman no’n sa baso ko. “Pssh, mas mabuti na nga ‘yong masira na ang atay ko para may karamay naman ang puso kong durog,” pagdadrama ko.

Muling natawa si Nexie. “Kalmahan mo lang, girl. Parating na ‘yong kuya kong makalaglag-pànty, paniguradong luluhuran mo ‘yon,” pagyayabang niya at tinapik-tapik ang balikat ko.

Mapakla akong natawa.

Hay, lalaki na naman. Pagod na ang puso ko sa mga taong darating lang pero hindi naman mananatili. Kalaunan ay mang-iiwan din naman ang mga yan.

“Pagod na ako sa mga lalaki, ‘te. Baka pwedeng pera naman,” reklamo ko sa kanya. Napahalakhak siya. Gano’n kasi ako palagi. Pera, pera, pera.

Nakapila ba naman ang mga bayarin namin. Paparating pa ang exam ng nakababata kong kapatid na si Jace. Second year college na siya sa kursong Architecture sa isang kilalang unibersidad. Nakailang promisory note na kami. Nauumay na nga ang registrar nila sa pagmumukha namin. Kahit na kapos kami sa buhay ay tinatablan pa rin naman ako ng hiya.

Si Mama naman ay delay ang sahod sa pinagtatrabahuan niyang Arabo sa Middle East. Bata pa lang kami ni Jace ay OFW na siya. Domestic helper. Gusto ko na nga siyang pauwiin dito sa Pinas. Uso pa naman do’n ang putulan ng daliri kapag may kasalanan ka. Pasaway pa naman ang nanay ko.

‘Yong tatay ko naman, ewan. Kapag tinatanong ko kasi si Mama kung sino ang tatay namin ay napapakamot lang siya at sinasabing lasing siya n’ong mga gabing nakipag-chukchàkan siya kaya hindi na niya matandaan. Oo, makailang beses, pero hindi niya raw talaga kilala, kaya move on na lang daw kami. Change topic.

Napailing ako sa klase ng pamilya at buhay na meron ako pero masaya pa rin naman ako. Mahal kasi namin ang isa't isa na hindi tulad ng iba na mapera nga pero watak-watak naman.

“Uy, marunong din pa lang mag-bar ang mga lola?” sambit ng isang lalaki.

Nagtawanan ang mga kasamahan niya na napadaan sa table namin ni Nexie. Sa akin sila nakatingin.

“Grabe ka naman sa lola, pre,” saway ng kasama niya na akala ko ay ipagtatanggol ako. “Mas mukha kaya siyang mambabarang,” pagbawi nito.

Agad na kumunot ang noo ko at sinamaan sila ng tingin.

Napahagalpak sila ng tawa tapos umalis na sila. Parang dumaan lang talaga sila para sirain ang gabi ko.

Napangiwi si Nexie habang nakatitig siya sa akin. Sinuri niya ang itsura ko na para bang sang-ayon din siya sa sinabi no’ng mga lalaki pero pinili na lang niyang itikom ang bibig niya.

Aaminin ko. May pagkamanang talaga ang get up ko. Madalas akong magsuot ng makapal na sweatshirt at mahabang saya. Buhaghag pa ang buhok ko at kontento na sa pulbo. Maging ang labi ko ay mumurahing lip tint lang ang gamit. Nabubura pa kapag umiinom ako ng tubig.

Panget akong manamit at losyang. Kaya madalas akong napagkakamalang sisenta anyos na kahit nasa 20’s pa lang.

“Girl, kunwari na lang wala kang narinig,” pampalubag-loob ni Nexie sa akin.

Napailing ako. “Kahit naman magpanggap ako na wala akong narinig ay gano’n pa rin naman ang opinyon nila sa akin. Panget talaga ako, beh. ‘Wag na nating etchosen ang mga sarili natin,” pagpapakatotoo ko sa kanya.

Malakas siyang natawa. “Girl,” bahagya niya akong hinampas.

Nexie is a sophisticated kind of girl. Kahit nga siguro hawakan niya lang ‘yong baso ay parang minomodel na niya ‘yong baso. Effortless ang ganda niya. Ang suot niya ay laging branded. Lagi pa siyang nakangiti kaya ang aliwalas niyang pagmasdan.

She's a playgirl at magegets mo naman agad kung bakit. Maraming naghahabol at nakapila para lang makuha ang isang babaeng tulad niya. Maganda na nga, sexy, palakaibigan, matalino, mabait at mayaman pa.

She's perfect, except for one thing.

Matamis siyang ngumiti nang tumunog ang phone niya. My professor is calling her.

“Hello, babe,” sagot ni Nexie sa tawag.

Yes, babe. Kabit siya ng professor kong si Sir Enriquez na seven years nang may asawa.

Hindi na nag-aaral si Nexie at naka-focus na lang sa businesses nila, pero malaki kasi ang share ng pamilya nila sa school namin kaya paminsan-minsan siyang bumibisita.

Tapos palihim silang nagkikita ni Sir Enriquez. Mala star-crossed lovers. Akala mo talaga sina Romeo at Juliet.

Malalim akong napaisip at hinimas ang baba ko.

Sa dinami-rami ng mga tao sa buong mundo na single ay bakit pinipili pa rin ng iba na maging kabit?

Hmm…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status