Share

0003: Ang Tagabantay

= JHYMEA POV =

Naningkit ang mga mata ko kay Nexie.

Naalala ko kasi ang mga hindi inaasahang pangyayari na natunghayan ko sa pagitan nila ni Sir Enriquez.

Napailing ako.

Kaya nga siguro niya ako kinaibigan kasi nahuli ko sila ni Sir na naghahalikan sa loob ng classroom. Naka-bra na lang si Nexie no’n habang si Sir Enriquez naman ay nakahùbad na ang polo. Nakabukas ang zipper ni Sir at nakasaludo ang nangangalit niyang alaga. Nakita ko pang mamula-mula ang saging niya. Nahulog tuloy ang kinakain kong mamon sa mga oras na ‘yon dahil sa sobrang gulat.

Ang kasunod naman ay no’ng mapayapa akong naglalakad sa hallway. Nahuli ko silang dalawa sa abandonadong cr ng school na nagdodòggy-style. Akala ko pa no’n ay may nagmumulto sa cr na ‘yon kasi makailang beses akong nakarinig ng kakaibang ingay kada dumadaan ako. ‘Yon pala ay ungol lang nilang dalawa ‘yon na magkakasunod na araw na nagmimilagro.

Matapos ang mga insidenteng ‘yon ay ginawa nila akong bantay. Kada may ibang taong paparating ay ako ang tagasabi sa kanilang dalawa na itigil na muna nila ang kaligayahan nila. Kapalit ng bawat pagbabantay ko sa kanila ay isang libong pisong bayad.

Hindi naman sa kunsintidora ako pero mukha rin kasi akong pera, gipit eh. Sayang din.

“Alam mo, Nexie. Ako ang kinakabahan sa ‘yo. Balita ko pa naman ay nag-aaral nang mag-judo ‘yong asawa ni Sir. Baka gulpihin ka no’n at balian ka ng leeg,” babala ko sa kanya.

Napanguso siya. “If she'll do that to me, then I'll cry like a baby, para mas lambingin ako ni babe, hehe,” kinikilig niyang sabi.

Inikot ko ‘yong dalawang mata ko. Ay, ewan. Malala na ang isang ‘to.

“Mali bang maging kabit?” inosenteng tanong niya sa ‘kin.

Tumango ako. “Mali, kaya dapat mo nang iti—”

“Fifteen thousand,” lapag niya ng makapal na kumpol ng pera sa mesa. “Mali bang talaga?” pag-uulit niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Ay, hindi naman, push mo lang,” pagsang-ayon ko sa kanya saka ko kinuha ang makapal na kumpol ng pera. Inamoy-amoy ko pa.

“Wala namang mali sa pagmamahal, ‘di ba?” sambit niya na nakatingala pa na wari ay nangangarap tapos tumango-tango siya.

Peke akong natawa, “Hehe.”

Wala naman talagang mali sa pagmamahal kung wala kang nasisirang pamilya.

Pero paano ko nga naman pagsasabihan ang taong ‘choice’ na ang magbulag-bulagan. Kahit payuhan ko pa siya ay tatagos lang sa kabila niyang tenga. Susundin pa rin naman niya ang gusto niya kahit maubos pa ang lahat ng baon kong words of wisdom. Hahayaan ko na lang na siya na mismo ang matauhan.

“He's here, oh my gosh,” nakangiting kumaway si Nexie sa ‘di kalayuan. Pagkalingon ko ay nakita ko si Sir Enriquez na nakapulang polo at itim na slacks.

Malalim akong huminga. “Sige na girl, ako na’ng bahala,” saad ko sa kanya. Mahigpit naman niya akong niyakap.

“Thank you, I love you, Je… Jenny… Jani—”

“Jhymea,” pagtatama ko sa kanya. “Para ‘di ka na malito, Jing na lang, palayaw ko ‘yon,” suhesyon ko.

Napangiwi siya. “Jing? ‘Di ba, parang tunog ‘yon ng car na umaandar?” maarte niyang sambit. Kulang na lang ay sabihin niyang ang baduy ng palayaw ko, tapos biglang sumigla ang mga mata niya. “Ah, Eya na lang, I'll call you, Eya. I love you, Eya,” muli niya akong niyakap nang mahigpit.

Lumapit si Sir Enriquez sa amin. Hinawakan niya sa beywang si Nexie at sinenyasan ako. Gets ko na agad ‘yon.

Naghalikan silang dalawa sa harapan ko bago sila pumasok sa isa sa mga VIP rooms ng bar.

Napatingin ako sa paligid ko nang maiwan akong mag-isa sa piling ng mga bote ng vodka na wala na’ng laman.

“Aish, makabili na nga lang ng dalawa pa,” sambit ko sa sarili ko tapos pinagmasdan ko ang 15,000 pesos na hawak ko. Agad na lumapad ang ngiti sa labi ko. “Pampatanggal talaga ng stress ang pera,” masigla kong sabi.

Tumayo ako at nagtungo sa counter. “Vodka nga, dalawa,” order ko ro’n.

Napakunot ang noo ng barista. “Dalawang baso, Ma'am?” nakatangàng tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Dalawang bote, hehe,” pagtatama ko sa sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya saka niya ibinigay sa akin ang order ko. Akala niya ata ay hindi ako marunong uminom sa itsura kong ‘to. Inabutan ko siya ng bayad.

Pasipol-sipol akong bumalik sa table namin ni Nexie habang hawak-hawak ko ang dalawang bote ng vodka na binili ko nang biglang tumugtog ang kanta ni Ariel Rivera na “Smile In Your Heart.”

Napangiti ako. “Hmm, bagay rin pala ‘tong kantang ‘to na ipagtugtog sa bar,” monologo ko.

Bahagya akong nag-headbang para sumabay sa music. Ang cool kasi.

[I had a feeling

That you're holding my heart

And I know that it is true

You wouldn't let it be broken apart

'Cause it's much too dear to you]

“Oh, my gosh, ang pogi niya.”

“Is he a model?”

Napahinto ako sa pagsa-soundtrip ko. Napakunot ang noo ko at napalingon sa pinagkakaguluhan nila at natigilan ako. Biglang nag-slow motion ang paligid.

“Ang yummy.”

“Baby, akin ka na lang.”

Napanganga ako sa mala-Adonis na lalaking kakapasok lang ng bar. Naka-shades ito, puting polo at itim na slacks. Malakas ang dating niya. Maganda ang hubog ng katawan at tindig. Ang mukha niya ay artistahin. Tila ba kumikislap ang bawat dinadaanan niya.

Literal na makalaglag-pànty. Napalunok ako nang makailang beses. Sobrang pogi niya talaga.

Nagtilian ang mga kababaihan at kabaklaan sa bar.

“Is he the famous playboy billionaire?”

“'Yong maraming businesses sa loob at labas ng bansa?”

“'Yong most handsome at hottest bachelor of his generation?”

“'Yong may pinakamalaking ‘uhmm’ daw sa buong Pilipinas?”

“Yes! Yes! He's Kian Fuentavilla!”

Namilog ang mga mata ko.

“KIAN?!”

Nagulat ‘yong mga customers na nagkukumpulan sa tabi ko matapos na tumaas ang boses ko. Patànga silang nagsitanguan.

Kung gano’n… siya ang kapatid ni Nexie? Siya ang ka-blind date ko?!

Napakapit ako sa dìbdib ko.

Holy mother. Holy shìt.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Love Reinn
uy napadpad ka dini hahaha
goodnovel comment avatar
Glen Da O2r
holy moly, madapakah hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status