Share

0005: The Cure

= JHYMEA POV =

Pinagtinginan kami ng ibang customers. Pare-pareho ang reaksyon nila sa amin na para bang nandidiri at nanghuhusga pero wala akong pakialam.

Sabay kaming umupo ni Kian sa magkatapat na silya nang makarating kami sa table namin.

“Go on, start a topic,” nababagot niyang sabi at binaba ang shades niya sa mesa.

Aaminin kong maganda ang mga mata niya na kapag tinitigan ka ay gugustuhin mo na siyang pakasalan. Matangos ang ilong niya at mapula ang labi. Ang itsura niya ay paniguradong luluhuran ng kahit na sinong babae—pero lahat ng ‘yon ay wala nang epekto sa akin. Ang tumatatak na lang kasi sa utak ko ay ang kayabangan niya.

Pinaikot-ikot niya sa kamay niya ang dala niyang box ng còndom na orange flavor. “Ano? Mag-uusap pa ba tayo or what? I still need to find my sister. May blind date din ako,” pag-aapura niya.

Napangiwi ako.

Walang kamalay-malay ‘yong kumag na ‘to na ako ‘yong ka-blind date niya.

Humugot ako nang napakalalim na paghinga. Inayos ko ang postura ko at sinimulang umarte.

“I'm dying,” makabagbag damdaming sambit ko sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang dalawang bote ng vodka na binili ko sa counter.

Natigilan siya.

“Ano?” buong pag-aalalang tanong niya sa akin.

“May taning na ang buhay ko,” lungkot-lungkutan kong tugon sa kanya saka ako bahagyang yumuko para dama.

Naningkit ang mga mata niya na para bang nadala talaga siya.

“Why? May sakit ka? Malala ba? Wala nang lunas? Tell me,” magkakasunod niyang sambit sa akin. Napaabante pa siya na tila gusto akong aluhin.

Lihim akong ngumiti saka ako tumingala sa kanya at naglungkot-lungkutan ulit. “Meron namang lunas, ang sabi ng doktor, ay mai-extend ang buhay ko kapag ginawa ko ang nirekomenda niya,” tugon ko sa kanya na nakatitig pa sa dalawa niyang mga mata.

“A-Ano ‘yong nirekomenda niya?” curious niyang tanong sa akin. Dama mo ang sinseridad niya.

Sinenyasan ko siya na ilapit niya ang tenga niya sa ‘kin. Sumunod naman siya.

“Kailangan ko raw…” maingat kong bulong sa kanya saka ako nagpatuloy, “makipag-sèx sa pogi,” mariin kong sabi. Pinipigilan kong matawa.

“Ano?!” agad niyang naiusàl. Namilog pa ang mga mata niya.

Nag-beautiful eyes ako sa kanya at ngumiti nang kay tamis kaya nasindak siya at napakapit sa dibdib niya. Hindi ma-drawing ‘yong itsura niya sa sobrang kaba na para bang nanonood siya ng horror movie tapos ako ‘yong kìller.

“Sure ba ‘yan?” paninigurado niya sa ‘kin.

Marahan akong tumango.

Napalunok siya tapos makailang minutong napanganga. Sa loob-loob ko ay gusto kong humagalpak ng tawa.

Shìt, sure ako na takot na takot na ‘to. Lalo na kapag nalaman niyang ako ang ka-blind date niya at ito ang ire-request ko kay Nexie.

Siguradong aatakihin ‘to sa puso.

***

= KIAN POV =

“Sure ba yan?” tanong ko sa panget na babaeng kaharap ko.

Marahan siyang tumango. Napalunok ako.

Nagulat ako syempre. Ngayon lang ako nakarinig ng kabalbalang sakit na ang lunas ay pakikipag-sèx sa pogi.

Pihikan ako sa pagpili ng mga babaeng makaka-sèx ko, pero hindi naman gano’n katigas ang puso ko.

Kindness is free, and there's nothing wrong with doing it.

“Oo, sure na su—”

“I volunteer,” pagputol ko sa sinasabi niya. Seryoso ang mukha ko at sinsero ang pagkakasabi ko.

I'm willing to do it in order to save her.

[You know our love was meant to be

The kind of love that lasts forever

And I want you here with me

From tonight until the end of time~]

Natigilan siya na para bang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Napakurap siya.

“Ano? Okay, lang?” gulat na gulat niyang tanong sa akin.

Kampante akong tumango sa kanya. Makikipag-sèx lang naman. Hindi ko naman ikamamatay ‘yon. “Hindi naman ako maramot na tao. Kung… makakatulong naman ako para mapahaba ang buhay mo, ay bakit hindi, ‘di ba? I know you want to live longer, not just for yourself but for your family and friends too. I am not that selfish to just let someone die. Wala namang mawawala sa ‘kin kun—”

“Meron,” pagputol niya sa ‘kin.

Nagulat ako. “Meron?” agad kong tanong sa kanya.

Tumango siya na tila ba malalim na napaisip. Nag-aalinlangan pa siyang magsalita.

“‘Y-Yong ex ko kasi na huli kong naka-sèx, ay l-lumiit yung talong niya, tapos naging baog siya, k-kaya nga niya ako iniwan,” sambit niya saka siya napahagulgol ng iyak. “Ahhhh!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “L-Lumiit ‘yong alin?”

Napalunok siya tapos nahihiya siyang tumitig sa ‘kin. “‘Yong ‘talong’ niya,” mariin niyang bulong saka siya natigil sa pag-iyak at napalitan ‘yon ng determinasyon. “Pero nandito ka na, na may bukal na puso, alam kong mapapahaba mo ang buhay ko,” saad niya at bahagya pang umabante sa kinauupuan ko. Napakapit ako.

Tang-ìna.

Umabante pa siya sa ‘kin at tinabig ang mga bote ng vodka sa mesa para makagapang siya ro’n.

Agad akong napaatras dahil sa nerbyos. Magkakasunod akong napalunok at napahawak sa dragon ko na wari ay gusto ko itong protektahan mula sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata niya at nakakagat-labi siya. “Brrr!” nanginginig niyang sabi na para bang tigre na lasap na lasap akong kainin.

Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko at gabutil na ang pawis ko.

Ayoko pang matapos ang maliligayang araw ko kapag lumiit ang alaga ko dahil sa kanya—kaya HINDI!

HINDING-HINDI AKO MAGPAPAKAIN SA KANYA!

Paano na lang ang reputasyon ko bilang bilyonaryong may pinakamalaking dragon sa buong Pilipinas? Beautiful women I'll sèx in the future will judge me to the core. Paano na dadami ang magandang lahi ko?

Okay lang namang magbigay basta siguraduhin mo ring may matitira pa rin sa ‘yo. Masyado atang malaking pabor kapag tinulungan ko siya eh hindi ko naman siya kaano-ano.

Namimilog ang mga mata kong napailing at tatayo na sana para takasan siya pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa magkabilaan kong braso.

"Please, mag-sèx tayo, my savior,” mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin. Ang boses niya ay punong-puno ng pag-asa. Yumuko siya sa pagkalalaki ko na para bang ang gustong ipahiwatig ay, ‘target locked.’

Kinilabutan ako at hinarang ang kamay ko sa alaga ko para iiwas ito sa nagnanasa niyang mga mata. “Shit, layo! Lumayo ka!” pagbubugaw ko sa kanya.

“Akala ko ba gusto mong mag-volunteer? Tara na,” hinila niya ako nang marahas kung saan.

Nanlaki ang mga mata ko at nagpumiglas ako sa kanya. Mahigpit akong kumapit sa mesa.

“Bitawan mo ‘ko! Aaaahhh! Guard!” napasigaw na ako sa sobrang nerbyos.

Ayokong lumiit ang dragon ko. Fvck shìt! No! Mawawalan ako ng dignidad!

“Tara na! Ang arte nito!” pwersahan niyang hila sa ‘kin na para bang gusto na niya akong sintensyahan. Mahigpit pa rin ang pagkakakapit ko sa mesa kaya sa beywang niya na ako hinila.

“Ano ba! Bitawan mo ‘ko! Ipapupulis kita! Tulong! Ràpe! Ràpe!” nagkukumahog at naiiyak ko nang sigaw.

“DALI NA!” hila niya pa rin sa beywang ko nang sobrang lakas kaya inilaan ko na rin ang pangmalakasan kong pwersa.

“AHHHH!” malakas kong sigaw nang biglang…

IKKK!

Natigilan kaming dalawa.

Nabutas yung slacks ko sa pwètan!

Napabitaw siya sa ‘kin at napapigil ng tawa. Gano’n din ang mga customers sa paligid namin.

Umayos ako ng tayo at nagkukumahog na tinakpan ang pwètan ng slacks ko na napunit.

Bwìsit, nakakahiya! May iba pang kumuha ng larawan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status