= JHYMEA POV =
“Yieee,” kilig na kilig na hiyawan ng lahat nang maglakad si Kian na para bang may hinahanap.Inayos ko ang sarili ko. Malay ba natin na ako ‘yong hinahanap niya, ‘di ba?Naningkit ang mga mata niya nang mapansin niya ako at nagtungo siya sa direksyon ko.Napasinghap ang lahat.Teka lang, papunta nga siya sa ‘kin?!Lumakas ang kabog ng puso ko. Nagbitaw pa siya ng killer smile. Ang puti ng ngipin niya at pantay-pantay.Shìt, kaka-in love.Nanatili akong nangingisay sa kinatatayuan ko habang papalapit nang papalapit sa akin si Kian. Nagkanya-kanyang bulungan ang lahat.“Girlfriend niya ba ang panget na ‘yan?”“OMG, this is gross. I don’t wanna see it.”“This is so eww.”“Baka nagsawa na si Fafa Kian sa magaganda kaya naghanap na lang siya ng exotic.”Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong ‘yon.Exotic? Talaga? Ano ako? Ipis? Inudnod ko kaya ang mapulang labi nito sa sahig?Pero bahala sila. Sa akin papunta si Kian, so ako pa rin ang reyna ng gabing ‘to.“Miss, uhm…” pangiting sambit ni Kian sa akin nang huminto siya sa harapan ko. Parang hihimatayin ako sa sobrang kilig habang ang iba naman ay nasusuka.Ano kaya ang sinabi ni Nexie tungkol sa akin at hinaharot ako ng kuya niya ngayon? Parang may naririnig tuloy akong mga kampana at romantic na musika.This is it. Makaka-move on na ata ang puso kong brokenhearted. Nagmistulang Cloud 9 ang paligid. Parang hinihele ako ng mga angel sa sobrang sarap ng pakiramdam ko.Tila ba female lead ako sa isang K-Drama, tapos si Kian naman almost perfect na male lead ko.Nagkatitigan kaming dalawa at nagkangitian pa. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kasabay ng pag-ulan ng imaginary rose petals.[You brighten my dayShowin' me my directionYou're comin' to meAnd givin' me inspirationHow can I ask for moreFrom you, my dear?Maybe just a smile in your heartOh, give me a smile in your heart]“Ahh… Manang?” pagbawi ni Kian.Parang sirang plakang nawala ang romantikong musika sa utak ko.“M-Manang?” pagkaklaro ko sa kanya.Nagtawanan ang lahat.“Pakihanap nga ako ng bakanteng table at pakilinis na rin,” pagmamando niya sa ‘kin. Nagpameywang pa siya na parang kung sinong amo.“I'm sorry?” takang sambit ko sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko.“Ah, hindi ka ba staff dito? Mukha ka kasing janitress,” tugon niya. May panghuhusga pa niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.What the heck? Janitress?! Talaga?!Pinagtawanan ako ng mga taong nakapaligid sa amin. Nakaka-bwìsit.Pinilit kong ayusin ang postura ko. “Hindi lang halata pero customer din ako rito,” may pagdidiing depensa ko.“Really?” agad na saad niya sa ‘kin. Napapigil pa siya ng tawa at hindi makapaniwala.Napasinghap ako sa inasta niya.Ang yabang nito, ah. Kapag nalaman niyang ako ang pinapa-date ng kapatid niya sa kanya ay paniguradong guguho ang mundo niya.Gusto kong hampasin ang antipatiko niyang mukha nitong dalawang bote ng vodka na hawak ko. Matatabingi ang panga nito, for sure.Naiinip itong tumitig sa akin, saka may pumasok na ideya sa isipan ko.Naalala ko ‘yong napag-usapan namin ni Nexie kanina.(FLASHBACK)‘Oh, ba't ganyan ang itsura mo? Ayaw mo bang maka-date ang gwapo kong kuya?’ usyusong tanong ni Nexie sa akin.‘Yon na nga, mas wala akong chance na pansinin ng kuya mo. Tingnan mo nga ang itsura ko. Malamang, mga sexy at magagandang babae lang din ang pag-aaksayahan no’n ng oras. Baka isipin pa no’n na pina-prank lang natin siya,’ nakabusangot kong tugon sa kanya.She laughed. ‘Don't worry about that. Kahit ikaw pa ang pinakapanget sa buong mundo ay papatulan ka no’n. May information kasi akong alam na gusto niyang makuha kaya gagawin niya ang lahat ng gustuhin ko at ‘yon ay ang pasiyahin ka,’ paninigurado niya sa akin saka siya matamis na ngumiti.Nabuhayan ako ro’n. ‘T-Talaga? Sure na sure na yan, ah?’ muli kong tanong sa kanya.Tumango-tango siya. ‘Sure na sure. Just ask him anything at magkukumahog ‘yon na sundin ka, akong bahala,’ tinapik-tapik niya ang balikat ko tapos nag-cheers kami ng vodka.‘Hmm, ano ba ang mga ayaw niya? May kinatatakutan ba siya?’ muli kong tanong kay Nexie.Napahalakhak siya. ‘Meron, gwapong-gwapo ‘yon sa sarili niya kaya ayaw no’ng masira ang image niya sa mga kababaihan. Lalo na sa pakikipag-sèx, ang gusto no’n ay todo bigay talaga para hindi siya mapahiya. Ayaw niya rin na magkaroon ng panget na anak kaya masyado siyang pihikan sa mga babae. Baka madisgrasya pa't pumanget ang lahi niya. Paniguradong madi-depress ‘yon,’ tatawa-tawang sabi ni Nexie saka siya kumain ng mani.Muli akong tumungga ng isang baso ng vodka at nagpangalumbaba.(BACK TO PRESENT)I let out an evil smile.Tutal ay nilait naman ako ng Kian na ‘to at pinahiya ay pagtitripan ko siya.“Wala nang natitirang table dito, pero paalis na rin naman ako, kaya sa ‘yo na lang yung akin,” suhesyon ko sa kanya. Totoo rin namang wala nang bakanteng mesa.Nilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng bar saka siya tumango sa akin. “Saan ba ang table mo?” tanong niya sa akin.Palihim akong humagikgik. “‘Yon oh,” turo ko sa table namin ni Nexie. “Usap lang tayo ng ten minutes tapos sa ‘yo na ‘yong table ko,” pakikipag-deal ko sa kanya.Napasalubong ang kilay niya. “And why do I need to talk to you?” mayabang niyang tanong sa akin saka siya bahagyang natawa. “Ah, girls, they would seize all the opportunities para lang makuha ang atensyon ko,” kausap niya sa sarili niya tapos umiling-iling siya.Napangiwi ako sa sinabi niya.“Ang lakas talaga ng hangin nito, talo pa ipo-ipo,” mahinang sambit ko saka ako pumaunang maglakad. Sumunod naman siya.= KIAN POV = Napakunot ang noo ko at ibinaba sa mesa ang kakahigop ko lang na mainit na kape. Nakatutok ang mga mata ko sa hawak na iPad at nagbasa sa site ng Today’s Business. Lumakas pala ang sales ng Xing Group of Companies mula nang kunin nilang endorser ang artistang si Luigi Sanchez. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at napailing. May sumaging ideya sa isipan ko. “Ituloy ko kaya ang pangarap kong maging artista? Tapos ako na rin ang magiging opisyal na endorser ng kompanya namin. Ha! Siguradong pagkakaguluhan ako ng mga babae. May madadagdag na naman sa mahaba kong listahan,” kausap ko sa sarili ko at hinimas ang baba. Patawa-tawa pa ako kasi naglalakbay ‘yong imahinasyon ko. It would be fun, though. The attention… the perks. Muli kong binalik ang atensyon sa iPad ko at pinagpatuloy ang pagbabasa sa site. Hobby ko talaga ito sa t’wing naghihintay o walang ginagawa. Paraan ko rin para maging updated sa industriyang kinabibilangan ko. Patuloy pa rin ako sa pagbabasa nang mag
= JHYMEA =“Beh, naniniwala ka ba sa true love?” karengkeng ni Marinel sa cutie na customer din ng ice cream truck. Kumukurap pa ang mga mata niya. Bahagya akong natawa dahil dagdag pa ‘yang boses niya na mala-Ruffa Mae Quinto.Akala ko pa naman ay madadatnan ko siyang nag-aalala dahil bigla na lang akong umalis. Tapos aish, ito nga. Kahit ata iwan ko ‘to sa gyera ay makikipaglandian ‘to sa mga terorista. Ang sakit sa bangs!Iginala ko ang paningin sa paligid hanggang nakita ko ang ginang na hinablutan kanina. Nakaupo ito sa mahabang silya sa labas ng ice cream truck at pinapahid ang luha. Umuuga pa ang balikat nito dahil sa paghikbi. Nahabag tuloy ang damdamin ko.“Does this bag belong to her?” nag-aalalang tanong sa akin ni Aivan. Napalingon ako sa likuran ko.Oo nga pala, sinama ko siya pabalik dito. Parang ayaw na nga niyang humiwalay sa akin. Ewan ko ba, feeling ko crush niya ako. Napahagikgik tuloy ako sa ideyang ‘yon.Ang haba ng nilakad namin tapos panay pa siya English. Ang
= KIAN POV = “Kuya—” “AAHHHH!” malakas kong sigaw nang makasalubong si Nexie. Akala ko kasi si Jhymea ulit. Napakurap-kurap ang kapatid ko sa ginawa ko. Tulad ni Samantha ay wala rin siyang kaide-ideya sa pinaghuhugutan ko. “Napa'no ka?” natatawa niya na lang na sabi nang makabawi. Kinaltukan ko ang sarili ko at nag-iwas ng tingin. “Nabaliw ka na ba? Sabi ko na nga ba, masama talaga sa kalusugan ang maging CEO ng kompanyang ‘to. Magpahinga ka rin kasi,” kaswal na sabi niya sa ‘kin sabay tapik sa balikat ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil iba ang naisip niyang dahilan at hindi si Jhymea. “You're more workaholic than me. Dapat sa sarili mo pinapayo ‘yan,” tugon ko sa kanya tapos ginulo ang buhok niya. “Hey, I'm not a kid anymore. Stop petting me like a puppy,” nakamuktol niyang sabi at inalis ang kamay ko. Nilabas niya ang salamin niya at inayos ang nagulo niyang buhok. “Parang kelan lang no'ng ako pa ang nagpapalit ng diapers mo, ah. Tapos mag-iinarte ka sa akin nang
= KIAN POV = “Oohh… I miss your còck, baby…” nalilibogang anas ni Samantha habang nakayakap mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit at mahinang napaungol nang madama ang pilya niyang pagdiin ng utòng niya sa akin. “Fvck…” naiusal ko at gumuhit ang ngiti sa labi. Makakatikim talaga ‘to nang matindi sa akin. Humalinghing siya ng tawa nang marinig ang mahina kong pagmura. Nakiliti ang tenga ko sa mainit niyang hininga kasabay ng dalawang kamay niyang senswal na naglalakbay mula sa dibdib ko pababa sa naghuhumindig kong kargàda. Tumaas ang sulok ng labi ko sa kapusukang ginagawa niya. Sinusubok niya akong talaga. Bubuksan na sana niya ang zipper ko pero inawat ko ang kamay niya at humarap sa kanya. Siniil ko siya ng halik sa leeg at balikat. Kanina pa ako nag-iinit kaya ‘di ko na napigilang sipsìpin ang makinis niyang balat. “Ohhh, Kian… ahhh…” bigkas niya kasunod ang pag-alingawngaw ng malandi niyang pagtawa. Sa reaksyon ng mukha niya ay tila sarap na sarap siya kahit
= KIAN POV = “In the past quarter, we have seen significant growth in our sales figures, exceeding our targets by 15%. This growth can be attributed to our new marketing campaigns and expanded product line,” pagsasalaysay ko ng mga datos sa screen sa harap ng financial advisers, senior managers, executive managers at C-level executives ng Fuentavilla Corp.Seryosong nakikinig ang lahat at inaanalisa ang mga datos sa hawak nilang tablets nang biglang pumasok sa meeting room si Samantha. Isa rin siya sa executive managers ng kompanya.“Good morning,” nakangiting bati niya sa amin saka siya nagtungo sa bakanteng silya. She's wearing a revealing black blouse na low-cut at mini-skirt na hapit na hapit. Mas mukha siyang nasa bar kaysa nasa meeting. Hindi naman siya kagalingan sa trabaho at wala ring achievements when it comes to business. Ni ‘di nga ata niya alam ang pinagkaiba ng assets at liabilities. Pero dahil kabit siya ni Daddy ay agad mo naman sigurong makukuha kung paano siya naka
= JHYMEA POV =“Hay,” nakabusangot na inabot sa akin ni Marinel ang bayad niya para sa bibilhin naming ice cream. Nagmamaktol siya kasi wala na raw ‘yong poging nakita niya kanina.“Sayang naman ‘yon. Pogi na, naging bato pa,” nakanguso niyang sabi at padabog na sumipa sa lupa. Tinawanan ko lang siya. “Baka tapos na ‘yong shift niya, bes,” pag-aalo ko. Pangiti kong inabot sa tindero ng ice cream truck ang bayad namin para sa tig-iisang apa ng double dutch at mint chocolate ice cream nang biglang, “HOY!” agad kong sigaw matapos makitang hinablot ng isang magnanakaw ang bag ng ginang na katabi ko. Humagulgol ng iyak ang ginang na sinubukan pang habulin ang magnanakaw pero hindi na niya nagawa dahil sa katandaan. “Naku po! Ang bag ko! Nando'n lang ang natitirang pera ko. Pampagamot pa ‘yon sa anak kong nasa ospital...” Pinagkatitigan siya ng mga tao sa paligid na nahabag sa kalagayan niya at kasama na rin kami ro'n ni Marinel.Malalim akong huminga at pinahawak sa best friend ko ang