= JHYMEA POV = ‘M-Mga anak…’ humihingos na sabi ni Mama habang nasa video call. Napapigil tuloy kami nina Jace at Mika sa paghinga namin. Mukhang may seryoso kasing nangyari. “A-Anong problema, Ma?” nag-aalala at kabadong tanong ko sa kanya. Maging sina Jace at Mika at napalunok. ‘T-Tingnan niyo,’ umiiyak nitong sabi saka ipinakita sa amin ang isang kamay niya. Putol ang isang daliri. Nanlaki ang mga mata naming tatlo saka kami napahagulgol ng iyak. “MAAAAAA!” “Huhu, Titaaa!” “Paano na kami, Maaaa?” “Paano na ang pangarap nating magsama-sama, Maaa?” Napaluhod kami nina Jace at Mika sa sahig at napahampas sa couch na para bang burol ng daliri niya. Ano kaya ang ginawa ng nanay ko? Sabi ko na nga ba. Mapuputulan talaga siya ng daliri sa Middle East dahil sa kakulitan niya. Narinig namin ang paghagikgik ni Mama sa video call. ‘Ay, joke lang, kayo naman,’ pagbawi niya tapos ipinakita ang buo niyang kamay sa amin. Piniko niya lang pala ‘yon kanina. ‘Magic, ‘di ba?’ s
= KIAN POV = “Good morning, Sir,” bati sa akin ng isang gward'ya matapos niyang buksan ang pinto ng kotse ko. Confident akong bumaba ng sasakyan na suot ang magara kong polo, black slacks, makintab na sapatos at mamahaling shades. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagpipigil ng tawa ‘yong mga nakahilerang gward'ya sa paligid ko pero hinayaan ko lang sila. Maging ang grupo ng mga babaeng empleyado sa gilid ng kalsada ay panay rin ang hagikgikan. Bahagya akong natigilan at napaisip pero baka napopogian lang sila sa akin kaya sila natutuwa. Well, I'm always the center of attention. Hindi pa ba ako nasasanay? Nasapo ko ang noo ko at napailing. “Hay, I'm so handsome, perfect and full of charisma,” monologo ko na bahagya pang natawa saka ako nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa gusali ng Fuentavilla Corp. Napatingin sa akin ang gward'ya sa entrance at napapigil din siya ng tawa. Halos sumabog na nga ang bibig niya. “Good morni—uhm, ehem, ehem. Good morning, Sir,” halos hindi matawi
= JHYMEA POV =Napakamot ako sa ulo ko habang nakatitig sa screen ng telepono ko. “Bakit kaya hindi sinasagot ni Kian ang tawag ko? Busy ba siya?” monologo ko at napailing na lang.Tinitigan ko ang ibinigay niyang ointment sa akin at kalaunan ay naningkit ang mga mata ko sa mga Chinese characters na nakasulat sa kahon. Maging ang manual na nakuha ko mula sa loob ng kahon ay Chinese din. Halos maduling ako kakabasa kasi wala akong naintindihan. Muli kong tinawagan si Kian na salamat naman ay sinagot na niya.“Hoy, lalaki!” pagduduro ko sa kanya.Bahagya siyang nagulat sa pagmumukha ko na para bang nakakita siya ng manigno bago niya ako tinugunan. “What do you want? May meeting pa ako,” pagsusungit niya sa ‘kin.“Hehe,” hilaw akong natawa sa kanya sabay taas ng ointment na hawak ko. “Paano ba kasi gamitin ‘to?” nahihiyang tanong ko sa kanya.Napakunot ang noo niya na para bang handang-handa na niya akong pagalitan. “Hay, I told you. Dapat nagpalagay ka na sa akin n'yan no'ng nasa kotse
= MIKA POV = Nag-aalala akong bumaling kay Jace habang ginagawan niya ng plates ang mga kaklase namin. Two hundred pesos ang hinihingi niyang bayad kada plates. Tinutulungan ko siyang gumawa sa t'wing wala akong klase.“Jace, nasabi mo na ba kay Ate Jing na huminto ka muna ng pag-aaral kasi hindi mo naihabol ‘yong pambayad sa balance mo no'ng finals?” nag-aalinlangan kong tanong sa kanya.Si Jace kasi ang pinakamabilis matuto sa aming magkaka-batch. Siya rin ang pinakamasipag mag-aral. Pangarap niya talagang makapagtapos ng BS Architecture para sa mama at kapatid niya kaya nanghihinayang ako na napilitan siyang huminto dahil lang hindi siya nakahabol na mag-exam sa finals o kahit sa removal.Saglit siyang napahinto sa pagdo-drawing sa kaharap na tracing paper pero kalaunan ay pinilit niyang ngumiti. “Hindi na kailangan. Nakaipon naman na ako ng pera kaya makakahabol na ako next sem. Alam mo namang naospital si Ate Jing dahil pilit niyang pinagkasya ‘yong oras niya sa pag-aaral at pa
= KIAN POV = “Good morning, Sir,” bati sa akin ng personnel na naka-assign sa meeting room. Tinanguan ko lang siya. Inabangan ko kung matatawa rin siya dahil sa kumalat kong larawan pero napigilan niya ang sarili niya at umiwas na lang ng tingin sa akin. Ibinaba ko sa conference table ang hawak kong folder.Lalabas na sana ng meeting room ang personnel na ‘yon nang tinawag ko siya. “Hey, ‘yong picture ko. Sino ang nagpakalat?” istrikto kong tanong sa kanya.Napakamot siya sa ulo niya at hilaw na natawa. “Hehe, sina Sir Joaquin at Sir Larry po. Maaga po silang dumating kanina rito sa kompanya tapos pinagsesend po sa amin ang picture niyo,” nag-aalinlangang pag-amin nito sa akin. “Hay,” sambit ko na lang at sinapo ang noo ko. Iminuwestra ko ang kamay ko sa kanya na sinasabing pwede na siyang lumabas.Sina Joaquin at Larry ang nagpakalat ng picture ko? Sino pa nga ba? Eh, mga loko-loko ‘yong dalawang ‘yon.“Hey, hey, hey, ang aga mo ah,” bungad ni Joaquin sa akin nang makapasok siya s
= JHYMEA POV = “Good morning, pretty,” masigla kong bati sa sarili ko nang makatungtong ako sa tapat ng St. Bernard University. “Manang, ‘yong bayad niyo po,” nababagot na tawag sa akin ng konduktor ng jeep na binabaan ko. Sinimangutan ko siya. “Maka-manang naman ‘to,” naiinis kong monologo. “Oh!” pag-aabot ko ng bayad sa kanya saka humarurot ang jeep na ‘yon na binugahan ako ng maitim na usok. “Uho, uho,” pag-ubo ko sabay wasiwas ng kamay ko sa tapat ng mukha ko. “Anyway, life is still beautiful,” pagbawi ko sabay ngiti nang malapad. Dumiretso ako sa gate ng St. Bernard University. “Ma'am, ID” sita sa akin ng guard sabay inspect ng bag ko. Pinakita ko sa kanya ang suot kong ID na itinabi ko sa mukha ko sabay beautiful eyes. “Ito po, Guard,” nagmamagandang sambit ko sa kanya. Sinuri niya naman ‘yong ID at mukha ko kung magkapareho. “Hmm, NBI clearance, Ma'am,” dagdag ng guard. Natigilan ako. “Ha?” patànga kong tanong sa kanya. “Mukha ka kasing kriminal,” nakapameywa
= JHYMEA POV =“Hay,” nakabusangot na inabot sa akin ni Marinel ang bayad niya para sa bibilhin naming ice cream. Nagmamaktol siya kasi wala na raw ‘yong poging nakita niya kanina.“Sayang naman ‘yon. Pogi na, naging bato pa,” nakanguso niyang sabi at padabog na sumipa sa lupa. Tinawanan ko lang siya. “Baka tapos na ‘yong shift niya, bes,” pag-aalo ko. Pangiti kong inabot sa tindero ng ice cream truck ang bayad namin para sa tig-iisang apa ng double dutch at mint chocolate ice cream nang biglang, “HOY!” agad kong sigaw matapos makitang hinablot ng isang magnanakaw ang bag ng ginang na katabi ko. Humagulgol ng iyak ang ginang na sinubukan pang habulin ang magnanakaw pero hindi na niya nagawa dahil sa katandaan. “Naku po! Ang bag ko! Nando'n lang ang natitirang pera ko. Pampagamot pa ‘yon sa anak kong nasa ospital...” Pinagkatitigan siya ng mga tao sa paligid na nahabag sa kalagayan niya at kasama na rin kami ro'n ni Marinel.Malalim akong huminga at pinahawak sa best friend ko ang
= KIAN POV = “In the past quarter, we have seen significant growth in our sales figures, exceeding our targets by 15%. This growth can be attributed to our new marketing campaigns and expanded product line,” pagsasalaysay ko ng mga datos sa screen sa harap ng financial advisers, senior managers, executive managers at C-level executives ng Fuentavilla Corp.Seryosong nakikinig ang lahat at inaanalisa ang mga datos sa hawak nilang tablets nang biglang pumasok sa meeting room si Samantha. Isa rin siya sa executive managers ng kompanya.“Good morning,” nakangiting bati niya sa amin saka siya nagtungo sa bakanteng silya. She's wearing a revealing black blouse na low-cut at mini-skirt na hapit na hapit. Mas mukha siyang nasa bar kaysa nasa meeting. Hindi naman siya kagalingan sa trabaho at wala ring achievements when it comes to business. Ni ‘di nga ata niya alam ang pinagkaiba ng assets at liabilities. Pero dahil kabit siya ni Daddy ay agad mo naman sigurong makukuha kung paano siya naka