Compartilhar

Chapter 3

Autor: Senyorita
last update Data de publicação: 2026-07-13 06:30:23

“Kanina pa ba kayo?” tanong ni Joy nang tuluyan siyang makalapit sa mesa ng mga kaklase niya.

Halos matabunan ang boses niya ng malakas na tugtog ng bar. Kumakalampag ang bass sa dibdib niya. Makukulay ang ilaw, pula, asul at violet na paikot-ikot sa kisame. May amoy ng alak, yosi, pabango, at pawis na nagsasama-sama sa hangin.

Sa isang sulok ng bar, nandoon ang mga taong apat na taon niyang nakasama sa dorm. Apat na taon ng iyakan at tawanan, sabay-sabay na breakdown at sabay-sabay na puyat.

“Yes, April Joy, kanina pa talaga kami!” sabay-sabay nilang sagot sa kaniya sabay hampas sa mesa.

May mga bote na ng Red Horse sa mesa. May ilang platong pulutan na kalahati na lang ang laman. May mga tawa na medyo lasing na ang tono.

Kanina pa sila nag-aaya sa group chat. Celebration daw. Finally, tapos na. Kahapon lang ang graduation nila. Graduate na siya. Graduate na sila kaya dapat masaya. Pero habang nakatingin siya sa mga kaklase niyang todo ang tawa, may kung anong kumikirot sa dibdib niya.

Graduate na siya. Ibig sabihin ay wala na ang student excuse. Wala nang “kaya ko pa magtiis, nag-aaral pa lang naman ako.” Kailangan na niyang harapin ang totoong buhay.

Pero napangiti siya nang bahagya sa sarili niyang isip. Hindi pa ba totoong buhay ang dinadaanan niya? Simula first year college, siya na ang nagpapaaral sa sarili niya. Siya ang nagbabayad ng tuition. Siya ang naghahanap ng part-time. Siya ang nagtitipid para may pambaon. Wala siyang magulang na naghahatid. Wala siyang magulang na magbibigay ng allowance. So ano pa ba ang tinatawag nilang “real world”?

“Pasensiya na kung hindi ka na namin nahintay sa dorm kanina ha,” bulong ni Regine habang hinihila siya paupo. “Atat na atat na talaga silang uminom.”

Ngumiti siya, pero pagod pa rin ang mata niya.

“Oo nga pala,” dagdag ni Regine, bahagyang bumaba ang boses, “nagligpit na kami ng mga gamit sa dorm kanina. Gusto mo tulungan kitang magligpit ng gamit mo?”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo niya. Ang dorm.

Ilang araw na niyang iniiwasan isipin ‘yon. Kapag umalis na sila roon ay saan siya pupunta? Wala pa siyang boarding house na nahahanap na pasok sa budget. At mas masakit pa do’n ay wala pa siyang budget. Kaya nga siya naglako kanina para may pang-down sana. Pero wala naman siyang nabenta. Naholdap pa. Napakamot siya sa ulo, pilit tinatakpan ang bigat sa dibdib niya.

Sa lahat ng naging ka-dorm niya, si Regine ang pinaka-close niya sa lahat. Ilang beses na siyang pinahiram nito ng pera. Ilang beses na siyang tinanong kung okay lang ba siya kahit alam nitong hindi. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin kung hindi niya ito nakilala.

“Anong problema?” tanong ni Regine, halatang napansin ang biglang katahimikan niya. “Kumusta ang lakad mo pala kanina? Ay teka, may gusto ka bang kainin? Order ka lang, sagot ko na.”

Napatingin siya sa menu. Chicken sisig. Nachos. Rice meals. Presyong kaya niyang titigan pero hindi orderin. Inabot na lang niya ang platong may mani sa gitna ng mesa. Kumuha siya ng isang butil non at inihagis sa ere at sinalo ng bibig.

Swak.

Napangiti siya. Kung kanina ay popcorn ang hinahagis niya sa ere sa gitna ng kalsada, ngayon mani naman. Ang galing ng buhay. Iba-iba ang setting, pero pareho ang pakiramdam. Sana mani na lang din ang problema niya. Para mahagis niya at makain, edi tapos na sana.

“Joy, mag-order ka na nga,” sabi ulit ni Regine. “Ako na magbabayad.”

“Okay na ‘ko dito sa mani,” sagot niya.

Pero nang inabot sa kaniya ang malamig na baso ng Red Horse, hindi na siya tumanggi. Syempre libre na ‘yon, eh.

At sa totoo lang, gusto niyang uminom. Unang tungga. Mainit sa lalamunan, pero malamig pagdating sa sikmura. Pangalawa. Mas mabilis ang pagdaloy. Pangatlo. Medyo umiikot na ang ilaw sa kisame.

Hindi pa ubos ang kalahati ng baso niya pero ramdam na niya ang hilo. Hindi naman siya sanay uminom kaya mabilis talaga siyang tamaan. Kumuha siya ulit ng mani, pero hindi na niya ito hinagis. Hindi na niya ma-estimate ang distansya. Ayaw niyang masayang ang libre na mani.

“Reg, pakuha nga no’ng baso,” sabi niya habang nakangisi sa kaibigan. “Nagiging dalawa na kasi ang baso sa paningin ko.”

Tumawa ang mga kaklase niya.

“Ayan kasi,” saway ni Regine. “Sabi kumain ka muna bago ka uminom.”

“Uminom ba naman na walang laman ang tiyan,” dagdag pa ng isa.

“Sus! Basic,” sagot niya, pero medyo lutang na ang tingin. Tumayo siya para kunin ang shot glass. Saglit siyang napahawak sa mesa dahil parang gumalaw ang sahig, nahihilo na talaga siya pero hindi niya ipinahalata.

Ayaw niyang mag-alala sila. Ayaw niyang may maghatid. Ayaw niyang magtanong kung saan siya lilipat. Kinuha niya ang shot glass at nilagok ang laman.

Mas masakit at mas mabilis ang tama.

“Mas okay nga ‘yong mahilo,” sabi niya habang nakangisi pa rin. “Para pag-uwi ko, diretso tulog na.”

Pero imbes na bumalik sa upuan niya, naglakad siya papunta sa p***o ng bar. Pagewang-gewang pero pilit tinutuwid ang likod. Hindi na nga niya alam kung saan ang totoong p***o dahil nagiging dalawa na iyon sa paningin niya.

“Joy, saan ka pupunta?” sigaw ni Regine na alam niyang nakatayo na ngayon para alalayan siya.

“Iihi lang!” sigaw niya pabalik, masyadong malakas para sa maliit na bar.

“Hindi diyan ang CR!”

Huminto siya saglit, tumalikod, nakangisi kahit medyo malabo na ang paningin.

“Hindi naman ako makiki-CR,” sabi niya. “Uuwi ako sa dorm.”

Sa loob-loob niya ay hindi niya alam kung saan talaga siya uuwi. At sa unang pagkakataon sa gabing iyon ay medyo kinabahan siya. Saan na ba siya pupulutin ngayong magiging unemployed na siya? Ano bang susunod na step kapag graduate na?

Pero ang hindi alam ni Joy ay nakatingin na naman sa kaniya ang lalaking nagpabigay sa kaniya ng calling card. Sumakto na naman ang oras at panahon nila. Na pati ang destiny ay gumagawa na ng paraan para muling magtagpo ang kanilang mga landas.

“Nakikita mo ‘yon, Brian?” tanong ni Alexander sa kasama niya. “Sundan natin siya.”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Played by the Billionaire   Chapter 4

    Pagkagising ni Joy ay parang may martilyong pumupukpok sa sentido niya. Napapikit pa siya sandali bago tuluyang dumilat. Bumungad agad sa kaniya ang maingay na tawanan, kaluskos ng zipper, at pagkaladkad ng malalaking maleta sa sahig ng dorm.“Hoy, akin ‘yan! Huwag mong isama sa’yo!” sigaw ng isa.“Regine, nasaan ‘yong charger ko?!” dagdag ng isa pa.Umikot ang paningin niya sa kisame bago siya napaupo. Sumakit lalo ang ulo niya sa biglang paggalaw. Ramdam pa niya ang pagkahilo at tuyong lalamunan, malinaw na epekto ng alak kagabi. Hindi niya na nga maalala kung pang-ilang shot ang huli niyang nainom.Napahawak siya sa sentido habang pilit iniintindi ang nangyayari.Unti-unti siyang tumingin sa paligid. Ang dati nilang masikip pero masayang dorm ay parang ibang lugar na. Nasa gilid na ang mga maleta. May mga kahon na nakabukas. May mga damit na nakaayos na sa loob ng luggage. May iba namang nag-aayos ng buhok sa harap ng maliit na salamin.At si Regine, nakaupo sa gilid ng kama, maing

  • Played by the Billionaire   Chapter 3

    “Kanina pa ba kayo?” tanong ni Joy nang tuluyan siyang makalapit sa mesa ng mga kaklase niya.Halos matabunan ang boses niya ng malakas na tugtog ng bar. Kumakalampag ang bass sa dibdib niya. Makukulay ang ilaw, pula, asul at violet na paikot-ikot sa kisame. May amoy ng alak, yosi, pabango, at pawis na nagsasama-sama sa hangin.Sa isang sulok ng bar, nandoon ang mga taong apat na taon niyang nakasama sa dorm. Apat na taon ng iyakan at tawanan, sabay-sabay na breakdown at sabay-sabay na puyat.“Yes, April Joy, kanina pa talaga kami!” sabay-sabay nilang sagot sa kaniya sabay hampas sa mesa.May mga bote na ng Red Horse sa mesa. May ilang platong pulutan na kalahati na lang ang laman. May mga tawa na medyo lasing na ang tono.Kanina pa sila nag-aaya sa group chat. Celebration daw. Finally, tapos na. Kahapon lang ang graduation nila. Graduate na siya. Graduate na sila kaya dapat masaya. Pero habang nakatingin siya sa mga kaklase niyang todo ang tawa, may kung anong kumikirot sa dibdib niy

  • Played by the Billionaire   Chapter 2

    Wala sa sariling naglakad si Joy sa kahabaan ng kalsada.Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Parang may tali ang mga paa niya na hinihila pababa. Ang init ng semento ay tumatagos hanggang talampakan niya. Dumidikit ang pawis sa likod niya, sa batok, at sa ilalim ng blouse niya.Pagod na pagod na ang katawang lupa niya at gutom na gutom pa. Kumukulo na nga ang sikmura niya. Ang popcorn at taho na imbes pangtawid gutom niya ay parang natunaw lang no’ng nakipag-agawan siya doon sa snatcher.Wala na ngang pamasahe, nakuha pa ang bente niya. Ang saklap naman talaga. Kung siguro no’ng nagbigay ng swerte ang langit, humihilik pa siya sa kaniyang kama kaya walang natirang swerte sa kaniya.Mahigpit niyang hawak ang bag sa dibdib niya, parang anumang sandali ay may susugod na naman at aagaw nito. Sa bawat lalaking dumadaan sa tabi niya, bahagya siyang umiilag.“Grabe talaga,” bulong niya sa sarili. “Bente pesos na nga lang, tinira pa.”Sa wakas ay natanaw niya ang pedestrian lane. Sa kabil

  • Played by the Billionaire   Chapter 1

    Sinilip ni Joy ang laman ng wallet niya na parang umaasang may milagrong mangyayari. Dahan-dahan niya iyong binuka, kahit ramdam na niya ang nipis nito sa pagkakahawak niya.Isang one hundred peso bill lang ang sumalubong sa kaniya.At sa gitna ng wallet niya, sumilip ang mukha ni Roxas na nakasimangot din, parang hindi rin masaya na nag-iisa lang siya roon. Parang pati ang pera niya may attitude na.“Mabuti na lang may one hundred pa,” bulong niya sa sarili, pilit na pinapasaya ang sitwasyon. Pero sa totoo lang, alam niyang kulang na kulang iyon.As usual, bokya na naman ang lakad niya kanina.Nasa kahabaan pa siya ng Butuan City, pagod ang mga paa at masakit ang likod sa kakalakad. Akala niya makakabenta siya sa pinuntahan niyang eskwelahan. Inayos pa niya kanina ang buhok niya bago pumasok, nag-practice pa ng sales talk sa isip.“Ma’am, vitamins po for immune support…”Pero parang pati mga guro doon ay immune sa budol niya.Isa-isa silang tumanggi. May nag-smile, may nagkunwaring b

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status