Share

Chapter 4

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-07-13 06:31:00

Pagkagising ni Joy ay parang may martilyong pumupukpok sa sentido niya. Napapikit pa siya sandali bago tuluyang dumilat. Bumungad agad sa kaniya ang maingay na tawanan, kaluskos ng zipper, at pagkaladkad ng malalaking maleta sa sahig ng dorm.

“Hoy, akin ‘yan! Huwag mong isama sa’yo!” sigaw ng isa.

“Regine, nasaan ‘yong charger ko?!” dagdag ng isa pa.

Umikot ang paningin niya sa kisame bago siya napaupo. Sumakit lalo ang ulo niya sa biglang paggalaw. Ramdam pa niya ang pagkahilo at tuyong lalamunan, malinaw na epekto ng alak kagabi. Hindi niya na nga maalala kung pang-ilang shot ang huli niyang nainom.

Napahawak siya sa sentido habang pilit iniintindi ang nangyayari.

Unti-unti siyang tumingin sa paligid. Ang dati nilang masikip pero masayang dorm ay parang ibang lugar na. Nasa gilid na ang mga maleta. May mga kahon na nakabukas. May mga damit na nakaayos na sa loob ng luggage. May iba namang nag-aayos ng buhok sa harap ng maliit na salamin.

At si Regine, nakaupo sa gilid ng kama, maingat na naglalagay ng lipstick.

“Uy, gising ka na pala, Joy.” agad nitong sabi nang mapansin siyang nakaupo. “Masakit ba ang ulo mo? May hinanda akong gamot sa mesa. Kumain ka muna bago ka uminom.”

Napatingin siya sa maliit na lamesa sa tabi ng kama niya. May isang basong tubig, dalawang pirasong tinapay, at isang gamot na maayos na nakalapag doon.

Ewan niya ba kung bakit parang biglang bumigat ang dibdib niya.

Ito. Ito ang mami-miss niya.

Hindi ‘yong kama. Hindi ‘yong dorm. Kundi ‘yong ganitong pag-aalaga. Pagmaghihiwalay na sila ay wala ng mag-aalalaga sa kaniya. Wala na lahat.

Unti-unti niyang tinignan ang mga gamit niya. Nakakalat pa rin ang mga iyon. Hindi man lang nakaayos. Para bang siya lang ang hindi handang umalis. Dahil sa totoo lang ay wala naman siyang pupuntahan.

Hindi pa rin nag-si-sink in sa utak niya ang realidad. Parang gusto muna ng katawan niyang kumain at mawala ang sakit ng ulo bago harapin ang mas mabigat na problema.

“Gusto mo bang tulungan ka naming magligpit?” tanong ulit ni Regine habang isinasara ang make-up kit. “Nasaan ba ang bag mo para masimulan na natin?”

Napabuntong-hininga siya. Bakit pa nga ba siya magliligpit, eh wala nga siyang pupuntahan.

“Huwag na, Reg. Ako na bahalang magligpit.” pilit niyang sagot.

“Sure ka?” singit ng isa pa nilang kasama. “Kasi uuwi na kami kung hindi ka magpapatulong. Nandiyan na si Papa sa gate. Sinusundo na ‘ko.”

Napatingin siya kay Jason na ngayon ay nakasuot na ng maayos na polo at may hawak nang susi ng van. Ito ang pinakayaman sa kanila at obvious iyon sa paraan ng pagsundo sa kaniya.

“Yes, Jason. Ako na bahala.”

Pagkasabi niya no’n ay tumunog ang p***o. Isa-isa ng lumabas ang mga kasama niya.

“Makikisabay na ‘ko kay Jason ha!”

“Sige, sabay na tayo!”

Unti-unting lumiit ang ingay sa loob ng dorm. Hanggang sa halos wala na siyang marinig kundi ang paghila ng huling maleta palabas. Muling bumalot ang katahimikan katulad noong una siyang lumipat sa dorm na ‘to.

Lumapit muli si Regine sa kaniya bago tuluyang umalis. Inabot nito ang basong tubig at bahagyang ngumiti.

“Sure ka ba talaga na ayaw mong magpatulong?”

Tumango naman siya agad. Kaya naman niyang mag-isa, bakit pa siya magpapatulong.

Pero ang totoo? Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang mga gamit niya.

Baka mamaya pa siya magliligpit. Baka maglako muna siya ng vitamins. Kailangan niya ng pera. Kailangan niya ng mauupahan. Kailangan niya ng plano. Ang dami niya talagang kailangan, pera na lang ang kulang.

“Oo nga pala,” dagdag ni Regine, medyo nag-aalangan. “Sabi ni Ma’am kailangan nating makaalis talaga ngayon. May gagamit na nitong dorm. May magsu-summer class daw.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya. Hindi siya handa na magligpit ngayon kasi wala pa siyang pera. Hindi naman siya katulad ng mga kaklase niya na may uuwian na pamilya. Kung sana buhay lang ang mga magulang niya, baka hindi pa siya mamroblema ngayon.

Napainom siya ng tubig nang hindi namamalayan. Nanginginig ang kamay niya. Hindi dahil sa hangover  kundi dahil sa katotohanang wala siyang matutuluyan mamayang gabi.

“So, ano? Alis na ‘ko.” Mahigpit siyang niyakap ni Regine. Mas matagal kaysa dati. “Mag-iingat ka ha? I-chat mo na lang sa’kin ang address mo para madalaw naman kita.”

Address. Napapikit siya nang wala sa oras. Ngumiti na lang siya kay Regine at tumango pa. Ang buong akala din kasi nito ay may malilipatan na siya. Ayaw naman niyang iasa pa rin kay Regine ang lahat.

“Oo. Sige. Ingat ka rin.”

At nang tuluyang magsara ang p***o ay doon niya naramdaman ang totoong bigat. Wala ng maingay, wala na ang mga kasama niya. Wala na lahat. At bago niya ininom ang gamot niya ay tiningnan niya muna ang buong paligid.

Siya na lang mag-isa. Bumalik sa dating hitsura ang dorm nila.

Napabuntonghininga na lang siya ulit at napailing nang makita ang mga gamit niyang hindi niya alam kung saan dadalhin.

Nagbihis muna siya bago siya naglipit. Nagpalit muna siya ng damit kasi ang damit niya kahapon ay iyon pa rin ang suot niya hanggang ngayon. Naamoy na niya ang bango ng kinabukasan kaya kailangan na niya talagang magbihis.

Habang hinuhubad niya ang pantalon ay napangiwi siya.

“Grabe…” mahina niyang bulong. “Naamoy ko na ang kinabukasan.”

Titiklupin na sana niya iyon para maisama sa lalabhan nang may nahulog mula sa bulsa. Isang maliit na puting karton ang dumulas sa sahig.

Napayuko siya at pinulot iyon.

Calling card.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang mabasa ang pangalan.

Alexander Montalban.

Makapal ang papel. Minimalist pa ang design nito. May nakalagay na contact number at pangalan ng kumpanya. At kahit pa siguro pumikit siya ay kilalang-kilala niya kung sino ang may-ari ng kumpanyang ‘yon.

Napahawak siya sa gilid ng kama. Kilala niya ang pangalang iyon.

Ilang beses na niya itong narinig sa balita. Pinakabata raw na CEO sa industriya nila. Self-made billionaire. May mga interview sa business magazines pa ang lalaking ‘to. May mga artikulong pumupuri sa talino at diskarte nito.

At may mga tsismis din.

Napaismid siya.

“Babaero,” bulong niya.

May mga model. May mga socialite. May mga anak ng politiko. Hindi man diretsong umaamin ang lalaki, pero laging may bagong babaeng kasama sa picture. Syempre, sikat at mayaman eh. Wala na sigurong mapaglagyan ng pera kaya nambababae na lang.

At ngayon, binigyan siya ng calling card? Isang simpleng naglalako ng vitamins. Bakit?

Napatingin siya sa wallet niya na nakapatong sa mesa. Binuksan niya iyon. Wala na talagang laman ang wallet niya. Baka wala na siyang makain mamaya. Napabuntong-hininga siya. Mas lalo lang yatang sumakit ang ulo niya.

Kung hindi siya kikilos, siya ang talo.

Unti-unti siyang tumayo at kinuha ang cellphone niya. Nanginginig pa ang daliri niya habang tina-type ang number mula sa calling card.

Saglit siyang napatigil.

What if prank lang ‘to? What if trip lang siya? What if mas malaking problema ang mapasok niya? Pero ano pa bang mas malala sa walang matuluyan mamaya?

Huminga siya nang malalim. At pinindot na niya ang call button. It’s now or never na talaga ang tema ng buhay niya. At mas lalo siyang nanginig nang mag-ring na ang kabilang linya. Napahawak pa siya sa dibdib niya at pilit pinapakalma ang sarili.

“Hello? Alexander Montalban speaking. How may I help you?”

Parang may malamig na hangin na dumaan sa batok niya.

Malalim ang boses nito kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Parang boses pa lang nito pwede ng pangtanghalian niya mamaya. 

“Hello?” mas mababa ang tono ngayon. 

Napakagat siya sa labi bago sumagot. “Hello po.”

“Yes. Who am I speaking with?”

Sandali siyang natahimik. Paano nga ba niya sasabihin? Hindi naman siya formally nag-apply. Basta lang siyang binigyan ng calling card kahapon sa gitna ng paglalako niya.

“Ako po ‘yong binigyan niyo ng calling card kahapon.”

May narinig siyang bahagyang paghinga sa kabilang linya. Parang may naalala at bigla na lang itong nagmura at nasundan pa ng pag-ubo.

Napakunot ang noo niya.

“Yeah. I was hoping you’d call.”

Parang may kung anong gumapang sa dibdib niya.

“So,” tuloy nito, mas relaxed ang tono pero mas may diin, “are you calling about the job?”

“Opo pero anong trabaho po ba ‘yon?”

“Before I answer that,” sabi nito, “tell me something. Are you desperate?”

Parang may tumama sa pride niya.

“Excuse me po?”

“I’m not insulting you,” kalmado nitong sagot. “I’m asking because I only make serious offers to people who actually need them.”

Napalunok siya.

Hindi niya gustong umamin. Pero hindi rin siya kayang magsinungaling.

“Kailangan ko po ng trabaho,” mahina niyang sagot.

“Good. Here’s the job,” tuloy nito. “Make me laugh.”

Napakurap siya. Parang baliw yata itong kausap niya. Gusto niya ng matinong tabaho pero kailangan niya itong patawanin. Siraulo ba tong lalaking ‘to?

“Po?”

“I don’t need an assistant. I don’t need another employee who’s scared of me. I don’t need someone trying to impress me. So, ang kailangan mo lang gawin ay ang patawanin ako. Deal?” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Played by the Billionaire   Chapter 4

    Pagkagising ni Joy ay parang may martilyong pumupukpok sa sentido niya. Napapikit pa siya sandali bago tuluyang dumilat. Bumungad agad sa kaniya ang maingay na tawanan, kaluskos ng zipper, at pagkaladkad ng malalaking maleta sa sahig ng dorm.“Hoy, akin ‘yan! Huwag mong isama sa’yo!” sigaw ng isa.“Regine, nasaan ‘yong charger ko?!” dagdag ng isa pa.Umikot ang paningin niya sa kisame bago siya napaupo. Sumakit lalo ang ulo niya sa biglang paggalaw. Ramdam pa niya ang pagkahilo at tuyong lalamunan, malinaw na epekto ng alak kagabi. Hindi niya na nga maalala kung pang-ilang shot ang huli niyang nainom.Napahawak siya sa sentido habang pilit iniintindi ang nangyayari.Unti-unti siyang tumingin sa paligid. Ang dati nilang masikip pero masayang dorm ay parang ibang lugar na. Nasa gilid na ang mga maleta. May mga kahon na nakabukas. May mga damit na nakaayos na sa loob ng luggage. May iba namang nag-aayos ng buhok sa harap ng maliit na salamin.At si Regine, nakaupo sa gilid ng kama, maing

  • Played by the Billionaire   Chapter 3

    “Kanina pa ba kayo?” tanong ni Joy nang tuluyan siyang makalapit sa mesa ng mga kaklase niya.Halos matabunan ang boses niya ng malakas na tugtog ng bar. Kumakalampag ang bass sa dibdib niya. Makukulay ang ilaw, pula, asul at violet na paikot-ikot sa kisame. May amoy ng alak, yosi, pabango, at pawis na nagsasama-sama sa hangin.Sa isang sulok ng bar, nandoon ang mga taong apat na taon niyang nakasama sa dorm. Apat na taon ng iyakan at tawanan, sabay-sabay na breakdown at sabay-sabay na puyat.“Yes, April Joy, kanina pa talaga kami!” sabay-sabay nilang sagot sa kaniya sabay hampas sa mesa.May mga bote na ng Red Horse sa mesa. May ilang platong pulutan na kalahati na lang ang laman. May mga tawa na medyo lasing na ang tono.Kanina pa sila nag-aaya sa group chat. Celebration daw. Finally, tapos na. Kahapon lang ang graduation nila. Graduate na siya. Graduate na sila kaya dapat masaya. Pero habang nakatingin siya sa mga kaklase niyang todo ang tawa, may kung anong kumikirot sa dibdib niy

  • Played by the Billionaire   Chapter 2

    Wala sa sariling naglakad si Joy sa kahabaan ng kalsada.Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Parang may tali ang mga paa niya na hinihila pababa. Ang init ng semento ay tumatagos hanggang talampakan niya. Dumidikit ang pawis sa likod niya, sa batok, at sa ilalim ng blouse niya.Pagod na pagod na ang katawang lupa niya at gutom na gutom pa. Kumukulo na nga ang sikmura niya. Ang popcorn at taho na imbes pangtawid gutom niya ay parang natunaw lang no’ng nakipag-agawan siya doon sa snatcher.Wala na ngang pamasahe, nakuha pa ang bente niya. Ang saklap naman talaga. Kung siguro no’ng nagbigay ng swerte ang langit, humihilik pa siya sa kaniyang kama kaya walang natirang swerte sa kaniya.Mahigpit niyang hawak ang bag sa dibdib niya, parang anumang sandali ay may susugod na naman at aagaw nito. Sa bawat lalaking dumadaan sa tabi niya, bahagya siyang umiilag.“Grabe talaga,” bulong niya sa sarili. “Bente pesos na nga lang, tinira pa.”Sa wakas ay natanaw niya ang pedestrian lane. Sa kabil

  • Played by the Billionaire   Chapter 1

    Sinilip ni Joy ang laman ng wallet niya na parang umaasang may milagrong mangyayari. Dahan-dahan niya iyong binuka, kahit ramdam na niya ang nipis nito sa pagkakahawak niya.Isang one hundred peso bill lang ang sumalubong sa kaniya.At sa gitna ng wallet niya, sumilip ang mukha ni Roxas na nakasimangot din, parang hindi rin masaya na nag-iisa lang siya roon. Parang pati ang pera niya may attitude na.“Mabuti na lang may one hundred pa,” bulong niya sa sarili, pilit na pinapasaya ang sitwasyon. Pero sa totoo lang, alam niyang kulang na kulang iyon.As usual, bokya na naman ang lakad niya kanina.Nasa kahabaan pa siya ng Butuan City, pagod ang mga paa at masakit ang likod sa kakalakad. Akala niya makakabenta siya sa pinuntahan niyang eskwelahan. Inayos pa niya kanina ang buhok niya bago pumasok, nag-practice pa ng sales talk sa isip.“Ma’am, vitamins po for immune support…”Pero parang pati mga guro doon ay immune sa budol niya.Isa-isa silang tumanggi. May nag-smile, may nagkunwaring b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status