Share

Chapter 2

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-07-13 06:29:56

Wala sa sariling naglakad si Joy sa kahabaan ng kalsada.

Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Parang may tali ang mga paa niya na hinihila pababa. Ang init ng semento ay tumatagos hanggang talampakan niya. Dumidikit ang pawis sa likod niya, sa batok, at sa ilalim ng blouse niya.

Pagod na pagod na ang katawang lupa niya at gutom na gutom pa. Kumukulo na nga ang sikmura niya. Ang popcorn at taho na imbes pangtawid gutom niya ay parang natunaw lang no’ng nakipag-agawan siya doon sa snatcher.

Wala na ngang pamasahe, nakuha pa ang bente niya. Ang saklap naman talaga. Kung siguro no’ng nagbigay ng swerte ang langit, humihilik pa siya sa kaniyang kama kaya walang natirang swerte sa kaniya.

Mahigpit niyang hawak ang bag sa dibdib niya, parang anumang sandali ay may susugod na naman at aagaw nito. Sa bawat lalaking dumadaan sa tabi niya, bahagya siyang umiilag.

“Grabe talaga,” bulong niya sa sarili. “Bente pesos na nga lang, tinira pa.”

Sa wakas ay natanaw niya ang pedestrian lane. Sa kabilang side no’n ay naroon ang sakayan ng jeep papuntang dorm nila. Isang tawid na lang at konting tiis ay makakauwi na siya.

Huminga siya nang malalim at humakbang papunta sa gilid ng kalsada.

Patawid na sana siya nang may narinig siyang sunod-sunod na sigaw.

“Miss! Miss! Sandali lang!”

Automatic na lumingon ang ulo niya. Reflex na ‘yon sa kahit sinong makakarinig ng ganoong pagatawag. Kahit pagod ay buhay na buhay ang radar niya sa chismis.

Hinagilap ng mga mata niya ang pinanggalingan ng boses.

May isang lalaking nakasuot ng long sleeves at slacks, tila hindi sanay tumakbo sa ganitong init, ang patakbong papalapit sa pedestrian lane kung saan siya nakatayo. Hinihingal at pawis na pawis. Halatang galing sa maayos na lugar at hindi sanay sa kalye.

Napalingon siya sa mga tao sa paligid.

Walang pumapansin sa lalaking tinitingnan niya ngayon kaya mas lalo siyang nagtaka.

Parang siya lang ang tinatawag.

Nagkibit-balikat siya. “Hindi ako ‘yon,” bulong niya sa sarili at muling humakbang.

“Teka lang, Miss!”

Napahinto siya.

Agad kumunot ang noo niya.

Ano bang trip nito? Bakit hindi na lang sabihin ang pangalan ng tinatawag? Ang daming babae rito. Miss nang miss.

Pero mas lalong kumunot ang noo niya nang mapansin na diretso ang tingin nito sa kaniya.

Sa kaniya.

Hindi sa ibang babae.

Sa kaniya lang talaga ito nakatingin.

Tinitigan niya ito nang mabuti at pinagmasdan ang mukha. Baka customer niya ito dati. Baka nakalimot magbayad. Baka may utang. O baka inalok niya ito noon at ngayon lang gustong bumili. O baka may utang nga at gusto ng magbayad ngayon.

Hay sana nga, bulong niya sa sarili. Kahit dalawang daan lang ay okay na siya.

“Ako ba ang tinatawag mo?” tanong niya, medyo pabulong. Baka assuming lang siya at mapahiya pa.

Sa wakas ay nakalapit ang lalaki. Yumuko ito sandali, hawak ang tuhod at pilit hinahabol ang hininga.

“Ikaw nga,” sagot nito sa pagitan ng hingal. “Ang bilis mong maglakad, grabe.”

Napairap siya.

Eh ikaw ba naman maholdap sa gitna ng araw, hindi ka ba magmamadali? Kahit bente lang ‘yon, pamasahe na rin niya ‘yon.

“Sino ka ba?” tanong niya sa lalaki at diretso ang tingin. Hindi siya ngumiti. Hindi siya nagpaka-friendly. “Ano bang kailangan mo sa’kin?”

Inayos niya ang pagkakahawak sa bag niya. Inipit sa ilalim ng braso. Kung part two ito ng hold-up, ready na siya. Kahit payong na lang ang armas niya.

Saglit siyang pinagmasdan ng lalaki. Parang may sinusukat.

“Pwede bang malaman ang pangalan mo?”

Natigilan siya at mas lalo siyang naintriga. Bakit naman nito gustong malaman ang pangalan niya? Hindi nga niya ito kilala. Hindi rin mukhang agent ng vitamins.

“Sabog ka ba?” diretso niyang sagot. “Hoy, kung nakabili ka man sa’kin dati ng vitamins, legit ‘yon, okay? May suppliers ako galing abroad. Kahit ireklamo mo pa ‘ko sa FDA—”

“Miss,” mabilis na sabat nito, medyo napangiti sa litanya niya, “may nagpapatanong lang kasi.”

May dinukot ito mula sa bulsa ng slacks niya. Isang calling card at iniabot sa kaniya.

“Pinapatanong ng boss ko ang pangalan mo. Pinapabigay niya nga ‘to sa’yo.”

Napatitig siya sa maliit na parang ID.

Calling card?

Ano’ng gagawin niya rito? Pwede ba ‘to ipambayad sa jeep? Pwede ba ‘to isanla?

“Anong gagawin ko sa calling card ng boss mo?” aniya habang tinatanggap iyon. “Pwede bang masangla sa pawnshop ‘to?”

Pero kahit nagbibiro siya, binasa niya pa rin ang pangalan.

Alexander Montalban.

Sandaling tumigil ang utak niya.

Montalban.

Pamilyar. Parang narinig na niya sa balita. Sa mga tarpulin. Sa mga sponsorship sa events.

“Montalban?” mahina niyang ulit. “Ito ba ‘yong anak ni Mayor Montalban?”

Bahagyang tumango ang lalaki.

“Oo. Kaya tawagan mo na lang ang boss ko—”

Pero agad siyang umiling.

Hindi pa man ito tapos magsalita.

“Siguro babaero ‘yang boss mo,” sabi niya, taas-noo kahit pawisan at magulo ang buhok. “Sa ganda ko ba namang ‘to, alam kong naakit siya.”

Hindi niya rin alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na ‘yon. Baka dala ng gutom. Baka dala ng galit. Baka defense mechanism.

Saglit na natulala ang lalaki.

Parang hindi sanay na may sumasagot nang ganito sa kaniya.

“Maiwan na nga kita,” dagdag niya. “Tatawid na ‘ko.”

At hindi na siya naghintay ng sagot.

~

“WHAT?”

Umalingawngaw ang boses ni Alex sa buong executive floor.

Napahinto ang dalawang empleyadong nag-uusap sa labas ng glass office niya. Maging ang sekretarya sa reception ay napatingin sa loob. Hindi siya madalas magtaas ng boses.

At kapag ginawa niya iyon ay may mabigat na dahilan.

Nakatayo siya sa likod ng malawak niyang mesa, nakadiin ang dalawang palad sa makintab na kahoy. Naninigas ang panga niya, halatang pinipigilan ang inis.

Sa harap niya, halos hindi na alam ni Brian kung saan titingin.

“You’re telling me,” madiing sabi niya kay Brian, kontrolado na ang tono pero mas nakakatakot, “you ran after her and you came back without her name?”

Napakamot si Brian sa ulo. “Sir, sinubukan ko naman po—”

“Her name, Brian.” Diretso ang tingin niya. “That was the only thing I asked from you.”

“Nako, Sir, ako pa nga ang napagkamalan. Akala niya isusumbong ko raw siya sa FDA. Nag-explain pa siya tungkol sa vitamins niya.”

Bahagyang nag-angat siya ng kilay.

“FDA?”

“Yes, Sir. Vitamins daw po ang binebenta niya.”

Sandaling natahimik ang silid.

Unti-unting tumuwid siya at tumalikod. Naglakad siya patungo sa malawak na salamin kung saan tanaw ang kalsadang kanina lang ay pinangyarihan ng eksena.

Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

Sa isip niya ay malinaw pa rin ang imahe ng babae.

Magulo ang buhok nito at bahagyang namumula ang mukha. Pawisan pa nga ito pero lumaban at nakipag-agawan pa rin sa bag nito.

“Do you know,” tahimik niyang sabi habang nakatingin sa labas, “what most people do when they hear my last name?”

Hindi sumagot si Brian.

“They adjust,” dugtong niya. “They change their tone. Their posture and their intentions.”

Unti-unti siyang lumingon paharap.

“But she didn’t.”

Nanatiling tahimik si Brian.

“She looked at my calling card,” patuloy niya habang inaalala ang mga sinabi ni Brian sa kaniya kung anong ginawa ng babae, “and asked if she could pawn it.” Halos mapaubo si Brian pero pinigilan ang sarili. “She assumed I was a womanizer,” dagdag pa niya, at sa pagkakataong iyon ay may bahagyang pag-angat sa sulok ng labi niya. “I haven’t met someone in a long time who spoke to me without calculating what they could gain.”

Lumakad siya pabalik sa mesa at dinampot ang baso ng tubig. Uminom siya nang dahan-dahan, parang iniisip ang bawat detalye.

“I watched her fight over twenty pesos,” sabi niya. “Not because it was a large amount. But because it was her own money.” Ibinalik niya ang baso sa mesa. “That kind of instinct… is rare, Brian.”

Nagkibit-balikat si Brian. “Sir, baka naman po—”

“I don’t care if she sells vitamins,” pagputol niya. “I don’t care if she misunderstood you. And I certainly don’t care if she insulted me.” Tumingin siya nang diretso kay Brian. “What I care about is that she didn’t flinch.”

Ramdam ang bigat ng bawat salita niya.

“Find her.”

Natigilan si Brian. “Sir, tapos po?”

Dinampot ang isa pang calling card at ini-slide iyon sa ibabaw ng mesa.

“You will offer her a job.”

Napakurap si Brian. “Job? Dito po sa kumpanya?”

“Excatly, alangan naman sa kumpanya mo diba. Wala ka naman no’n.”

“Anong position, Sir?”

“I don’t care,” kalmadong sagot niya. “Reception. Marketing. Sales. Give her something that keeps her in this building.”

Sandaling katahimikan.

“Sir, paano po kung tumanggi ulit?”

Sa pagkakataong iyon, malinaw ang ngiti niya.

“Then we make a better offer.” Sumandal siya nang bahagya sa mesa, nakapamulsa ulit. “No one walks away from opportunity twice, Brian. And if she does, then she becomes even more interesting.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Played by the Billionaire   Chapter 55

    Isang taon.Ganoon kabilis lumipas ang panahon mula nang punitin ni Alexander ang kontratang naglapit sa kanila. Ngunit para kay Joy, ang nakalipas na tatlong daan at animnapu’t limang araw ang pinakamasaya, pinakamakulay, at pinakatotoong bahagi ng kanyang buhay.Nakatayo si Joy sa harap ng malaking salamin sa kanyang kwarto, ang kwartong dati ay guest room lamang, ngunit ngayon ay pinagsasaluhan na nilang dalawa ni Alexander. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon.Suot niya ang isang eleganteng emerald green evening gown na humuhubog sa kanyang mga kurba. Ang buhok niya ay nakapusod nang maayos, at sa kanyang leeg ay nakasabit ang lumang pendant ni Evelyn Montalban, ang kaisa-isang alahas na suot niya ngayong gabi.Naramdaman niya ang pamilyar na init bago pa man niya makita ang paglapit ng bilyonaryo mula sa kanyang likuran. Umikot ang matitipunong braso ni Alexander sa kanyang baywang, at idinikit nito ang matigas na dibdib sa kanyang likod.“You l

  • Played by the Billionaire   Chapter 54

    Sumilip ang unang sinag ng araw mula sa siwang ng makapal na kurtina ng master’s bedroom. Tapos na ang bagyo. Ang marahas na hangin at ulan kagabi ay napalitan ng isang tahimik at maaliwalas na umaga.Ngunit para kay Joy, ang bagyo ay tila nasa loob pa rin ng kwarto.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Ang unang sumalubong sa kanya ay ang pamilyar at nakalalasing na amoy ng lalaking nagmamay-ari ng kanyang puso. Nakasubsob ang mukha niya sa malapad at matipunong dibdib ni Alexander. Ang isang mabigat na braso nito ay mahigpit pa ring nakapulupot sa kanyang baywang, tila ayaw siyang pakawalan kahit pa tapos na ang magdamag.Naramdaman ni Joy ang marahang paggalaw ng mga daliri ni Alexander sa kanyang buhok, sinusuklay iyon nang walang katapusang lambing.Inangat niya ang kanyang paningin at nakita ang asul na mga mata ng bilyonaryo na nakatitig na pala sa kanya. Wala ang madilim at seryosong awra nito. Ang nasa harap niya ngayon ay isang lalaking tila natagpuan ang pinakamahalagan

  • Played by the Billionaire   Chapter 53

    Malalim na ang gabi. Ang kaninang malakas at nagngangalit na bagyo sa labas ay napalitan ng mahina at nakaka-antok na ambon. Ang lamig ng hangin na nagmumula sa siwang ng bintana ay bumalot sa buong master's bedroom, ngunit sa ilalim ng makapal na comforter, kabaligtaran ang nararamdaman ni Joy.Nagising siyang nakabalot sa matipunong mga braso ni Alexander. Ang likod niya ay nakasandal sa malapad at mainit nitong dibdib, habang ang isang hita ng binata ay nakapulupot sa kanyang mga binti, tila sinisigurong hindi siya makakaalis kahit sa pagtulog nito. Ang mabigat at pantay na paghinga ni Alexander ay tumatama sa batok ni Joy, nagpapadala ng pamilyar na kilabot sa kanyang gulugod.Dahan-dahan, sinubukan ni Joy na gumalaw upang humarap sa binata. Ngunit bago pa man siya makabwelo, mas humigpit ang yakap ni Alexander sa kanyang baywang."Where do you think you're going?" Paos, malalim, at punung-puno ng antok ang boses na umalingawngaw sa tahimik na silid.Napakagat-labi si Joy at tuluy

  • Played by the Billionaire   Chapter 52

    Hindi binitiwan ni Alexander ang kamay ni Joy. Sa halip, mas humigpit ang hawak niya rito. Ang hinlalaki ng binata ay marahang humaplos sa likod ng palad ni Joy, isang simpleng galaw na nagpadala ng libo-libong boltahe ng kuryente sa buong sistema ng dalaga.Ang tahimik na living room ng mansion ay tila biglang lumiit. Rinig na rinig ni Joy ang mabilis na pagtibok ng sarili niyang puso, tila nakikisabay sa malakas at walang patid na pagbuhos ng ulan sa labas ng malalaking bintana. Ang lamig ng panahon ay tila walang epekto sa nagbabagang init na namumuo sa pagitan nilang dalawa.Dahan-dahang tumayo si Alexander, hinihila siya patayo nang walang kahirap-hirap hanggang sa magkalapit ang kanilang mga katawan. Napatingala si Joy. Ang mga mata ng binata ay tila naging dalawang nag-aapoy na baga sa dilim, madilim, malalim, at puno ng isang pangangailangang matagal na nitong pinipigilan. Wala na ang malamig at kalkuladong bilyonaryo; ang nasa harap niya ngayon ay isang lalaking uhaw at gutom

  • Played by the Billionaire   Chapter 51

    “Someone accessed your personal records.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Joy ang malamig na tinig ni Alexander. Nakatayo siya sa gitna ng malawak na sala, halos hindi maramdaman ang sariling mga binti habang nakatitig sa matipunong lalaking nasa harapan niya.“Anong ibig sabihin nito?” nanginginig ngunit palaban na tanong niya.Hindi agad sumagot ang binata. Madilim ang mga mata nitong kinuha ang cellphone mula sa bulsa at mabilis na nag-dial. Ang matalim nitong panga ay nagtiim habang naghihintay na sagutin ang kabilang linya.“Lock the archive. No one gets in or out until I arrive,” maawtoridad at walang puwang sa pagtutol na utos nito. Nang ibaba ang tawag, bumaling ang malalalim nitong mata kay Joy. “Stay here.”Mabilis na umiling ang dalaga. “Hindi.”“Joy.” May babala sa baritono nitong boses.“Sinabi ko nang kasama ako, Alexander.”Humakbang ito palapit, ang pamilyar at nakalalasing nitong amoy ay pumalibot sa kanya. “I need you safe.”“Hindi ako mawawala dahil lang may

  • Played by the Billionaire   Chapter 50

    Parang umurong ang lahat ng dugo sa katawan ni Joy.Hindi siya makapagsalita. Paulit-ulit na binasa ng kanyang mga nanginginig na mata ang pangalang nakalimbag sa dokumentong hawak niya. Pakiramdam niya ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig.EVELYN MONTALBAN.Parang may malamig na kamay na mahigpit na sumasakal sa kanyang sikmura sa tuwing dumadapo ang paningin niya sa pangalang iyon. Evelyn. Ang pangalan ng ina ni Alexander. Ang nag-iisang babaeng nakita niya sa mga lumang litrato, ang matapang na babaeng nagtatag ng foundation para sa mga batang ulila. Ang babaeng nagmay-ari ng antigong pendant na buong tiwalang ipinagkatiwala sa kanya ni Alexander.Pero bakit… bakit nasa loob ng isang confidential investigation report ang pangalan nito?At ang mas nagpapabilis sa kabog ng kanyang dibdib, bakit kasama ang pangalan niya?“Alexander…”Nabasag ang nakabibinging katahimikan ng silid. Bahagyang nanginig ang boses niya, puno ng kaba at pagkalito.Nakatayo lang ang lalaki sa di-kalayu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status