Share

Chapter 11

Author: Nanami
last update Last Updated: 2025-07-11 20:46:07

Nabitbit ko na ang problemang ito hanggang sa muli akong bumalik sa loob ng mall at maging sa pag-uwi ko. Malakas pa naman ang buhos ng ulan. May payong ako pero hindi kinakaya sa lakas ng hangin.

Dahil dito ay halos tumagal din ang byahe ko para makauwi. Basang basa na rin ang suot ko lalo na nang makapasok na ako sa loob ng bahay.

"Ate? Basang basa ka, ah? Bakit ka sumugod?" tanong ni Matthew na nakauwi na pala at abalang nagbabasa.

"Biglang bumuhos yung ulan habang nasa byahe ako e. Saglit, magpapalit lang ako. Sina mama at Madrid?" tanong ko naman habang naglalakad ako paakyat.

"Nasa kwarto niyo. Tinuturuan ng assignment," sagot ni Matthew habang nakatuon sa binabasa.

Sa pagpasok ko sa kwarto, sabay na napatingin sa gawi ko sina mama at Madrid. "Mama!" nakangiting saad ng anak ko at akma akong lalapitan ngunit sinenyasan ko siya na basa ako.

"Anak naman, nagpapaulan ka. Magkakasakit ka n'yan e. Magpunas ka na tapos magpalit ka na rin ng damit. Uminom ka ng isang basong tubig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Playing With My Boss   Chapter 52

    "Bakit ka uminom kay aga-aga?! Are you going to kill yourself?!" inis kong tanong sa kaniya habang inaalalayan siyang tumayo upang ihiga sa kama."K-Kagabi pa ako uminom," sagot niya.Nilapag ko siya sa ibabaw ng kama at ginawa kong ayusin siya pero sobrang bigat niya. Hinihingal na ako sa pag-alalay sa kaniya."Wala ka talagang magawa e, 'no? Sige, patayin mo ang sarili mo sa alak. Tsk! Palibhasa wala ka namang inaalala e," inis ko pang sabi habang abalang nililigpit ang mga nakakalat.He chuckled."Ikaw ang iniisip ko," sambit niya. Bagaman patuloy ako sa ginagawa ko, nagpantig naman ang mga tainga ko sa sinabi niya. "All day, all night, I'm thinking about you. I ate by my fear. I forgot na may masasaktan ako."Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya sa mga sinasabi niya."A-Ako lang naman itong hindi mo mahal, Mathia. A-Alam kong malaki ang ginawa kong kasalanan sa 'yo, p-pero hindi mo na ba ako mapapatawad k-kahit kailan? Hindi mo man lang ba ako b-bibigyan ng isa pang chance?"

  • Playing With My Boss   Chapter 51

    "Anong ginagawa mo rito? You shouldn't be here," bungad ko kay Draken pagkalabas ko ng bahay."I'm here because I have to tell you something important," sagot naman ni Draken sa 'kin at hinilamos ang mukha niyang tila nangangamba.Anong problema ng taong 'to?"Tell me," sabi ko."My fiancée arrived here in Philippines. Well, I don't know kung nasa saan siya ngayon, but sooner or later, he will come to me," pahayag niya sa 'kin.Hindi ako nakaramdam ng kahit anumang pag-aalala sa sinabi niya. Sandali akong tumingin sa ibang direksyon at binalik 'yon sa kaniya."So, anong kinalaman ko sa relasyon niyo ng fiancée mo?" tanong ko."Malaki," may paninindigang sagot niya.Ano raw?"Malaki?" paninigurado ko."You're my love and not her. So, I want to marry you as soon as—""Wait. Wait. Wait. What? Marry me?" pagputol ko sa sinasabi niya. "Do you want me to marry you as soon as possible?""Yes," sagot niya.Natawa ako nang nakakaloko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? He's out of the line."Are

  • Playing With My Boss   Chapter 50

    Tinapos lang naming laruin ang halos fifty tokens na dala ni Madrid kanina bago kami nagpunta sa NBS para bumili ng mga kakailangan pa ni Madrid sa school. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagkakaroon ng project kaya uunahan ko ng bumili ng gamit.Kasalukuyan kaming naggo-grocery para may stock sa bahay. Malakas ang loob ko dahil may natanggap naman akong backpay sa dati kong trabaho."Mama, I want this chocolate po. Can you buy me one?" tanong ng anak ko. Nang tignan ko kung ano ang tinuturo niya, bigla kong naalala ang paboritong tsokolate ni Draken na Toblerone.|FLASHBACK|It's our first anniversary. Niregaluhan ako ni Draken ng bouquet of red roses at imported chocolates. Wala raw siyang gustong kainin sa mga iyon."Here," sabi ko naman at inabot sa kaniya ang big sized ng Toblerone. Alam ko na ito ang paborito niyang brand ng chocolate dahil ito raw ang una naming kinain noong first date namin."T-This is mine?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya at t

  • Playing With My Boss   Chapter 49

    Dahil wala naman akong pasok, ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Kumikilos din si mama pero hindi lahat dahil hindi pa naman siya fully recovered. Ang sabi niya, hayaan ko raw siya kasi exercise niya na 'to."Multiply is dodoblehin mo siya. Kunwari ganito, 2 × 3 is equal to 6. Paano nangyari? Tignan mo 'tong kamay ko. So, anong number 'to?" paliwanag ko sa anak ko."Two po.""Okay, two then multiply daw saan?""Sa three po," magalang niyang sagot."Three, good. So, isulat natin is tatlong two raw. Ilan na 'yan?" tanong ko ulit sa kaniya."Six po.""Very good!" papuri ko sa anak ko at ginulo ang buhok niya. "Now, write it on your paper. Iyan ang sagot sa number three mo."Nakikinig si Madrid sa 'kin dahil ito ang assignment niya. Tinuturuan ko siya. Ito na raw kasi ang topic nila sa mathematics kaya inaaral niyang mabuti.Tinapos lang namin ang mga assignment niya sa iba't ibang subject bago kami kumain ng tanghalian. Nakaluto na ako ng ulam at kanin. Maya-maya, aalis kami para pu

  • Playing With My Boss   Chapter 48

    Dumaan ang hapon, hinatid ako ni Draken pauwi sa bahay. Kanina pa ako tumatanggi pero hindi niya ako pinakinggan. Pinilit niya ang gusto niya.Nang mai-park ang sasakyan sa tapat ng bahay, nakita kong nasa labas si Charlie. Mukhang kalalabas lang niya galing sa bahay."Hi, Charlie," pagbati ko nang makababa ako ng sasakyan. Pansin ko ang pilit niyang ngiti at pagtango. Matapos nito ay tiyak kong nagtataka siya kung bakit magkasama kami ni Draken at kung bakit ito naririto. "Pauwi ka na ba?" "Ahh... Ehh... O-Oo. K-Kasama mo pala yung boss mo. Sakto at nand'yan sila sa loob," nauutal na pahayag ni Charlie habang pinipilit niyang ngumiti sa 'kin."Gano'n ba? Teka—""M-Mauuna na ako, Mathia. Sige," paalam bigla sa 'kin ni Charlie at saka nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya at umalis.Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman na nagseselos siya."Mathia," tawag sa 'kin ni Draken na nakasandal sa sasakyan niya. "I have to go now.""Sige," sagot ko. Sumakay na rin siya ng sasakyan bago nag

  • Playing With My Boss   Chapter 47

    "T-Tumigil ka nga, Draken. Ibaba mo 'ko rito," nagmamatigas kong sabi sa kaniya pero hindi siya nagpapatinag."Don't stop me, Mathia. I know that you also feel what I feel right now," bulong nito sa 'kin.I was about to answer when suddenly, he put his lips on mine. Muli kong naramdaman ang malambot at mainit niyang halik sa labi ko. Hindi ako nanlaban. Hindi ako tumanggi, sa halip ay ginawa ko kung ano ang nais niya. Hinalikan ko siya pabalik at ipinatong ang mga kamay ko sa batok niya.Naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay sa likod ko. Gustong gusto niya akong halikan pa nang mas mariin, mas mainit at mas mapusok."S-Sandali," sambit ko nang humiwalay ako sa halik niya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at gagundin naman siya sa 'kin. "I-Ito ba talaga ang gusto mo? Ang balikan ako? You want me to love you back?" tanong ko sa kaniya."This is all I ever wanted, Mathia," sagot niya sa 'kin.Hindi ako sumagot kaya muli niya akong siniil ng halik. Napakapit akong muli sa kaniy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status