Share

Chapter 10

Author: Nanami
last update Huling Na-update: 2025-07-11 20:45:49

Matapos kong linisin ang mga pinagkainan ay saka na ako dumiretso sa kwarto namin ni Madrid. Mahimbing ng natutulog ang anak ko. Pumwesto ako sa tabi niya at humiga. Tumagilid ako ng pagkakahiga para mahaplos ko ang buhok ng anak ko.

Napaisip na lang akong bigla. Masama ba akong ina dahil hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo? Alam kong matalino ang anak ko, pero ang hindi ko alam ay kung ano ang magiging reaction niya when I tell him everything. Yung ginawang pag-abandona sa 'min ni Draken, kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng papa niya, at kung ano-ano pa na pwede niyang itanong.

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa iniisip ko. Mabilis ko 'yong pinahid gamit ang kamay ko at baka matuluan pa ng luha si Madrid.

Gusto ko lang naman ay magandang buhay para sa anak ko. Na kahit ganito ang kalagayan namin, handa kong ibigay ang lahat sa kaniya.

KINABUKASAN, maaga kaming gumising para sabay-sabay na kaming kumain nina mama, Madrid at Matthew. Abala ako sa pagluluto ng itlog at hotdog na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Playing With My Boss   Chapter 50

    Tinapos lang naming laruin ang halos fifty tokens na dala ni Madrid kanina bago kami nagpunta sa NBS para bumili ng mga kakailangan pa ni Madrid sa school. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagkakaroon ng project kaya uunahan ko ng bumili ng gamit.Kasalukuyan kaming naggo-grocery para may stock sa bahay. Malakas ang loob ko dahil may natanggap naman akong backpay sa dati kong trabaho."Mama, I want this chocolate po. Can you buy me one?" tanong ng anak ko. Nang tignan ko kung ano ang tinuturo niya, bigla kong naalala ang paboritong tsokolate ni Draken na Toblerone.|FLASHBACK|It's our first anniversary. Niregaluhan ako ni Draken ng bouquet of red roses at imported chocolates. Wala raw siyang gustong kainin sa mga iyon."Here," sabi ko naman at inabot sa kaniya ang big sized ng Toblerone. Alam ko na ito ang paborito niyang brand ng chocolate dahil ito raw ang una naming kinain noong first date namin."T-This is mine?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya at t

  • Playing With My Boss   Chapter 49

    Dahil wala naman akong pasok, ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Kumikilos din si mama pero hindi lahat dahil hindi pa naman siya fully recovered. Ang sabi niya, hayaan ko raw siya kasi exercise niya na 'to."Multiply is dodoblehin mo siya. Kunwari ganito, 2 × 3 is equal to 6. Paano nangyari? Tignan mo 'tong kamay ko. So, anong number 'to?" paliwanag ko sa anak ko."Two po.""Okay, two then multiply daw saan?""Sa three po," magalang niyang sagot."Three, good. So, isulat natin is tatlong two raw. Ilan na 'yan?" tanong ko ulit sa kaniya."Six po.""Very good!" papuri ko sa anak ko at ginulo ang buhok niya. "Now, write it on your paper. Iyan ang sagot sa number three mo."Nakikinig si Madrid sa 'kin dahil ito ang assignment niya. Tinuturuan ko siya. Ito na raw kasi ang topic nila sa mathematics kaya inaaral niyang mabuti.Tinapos lang namin ang mga assignment niya sa iba't ibang subject bago kami kumain ng tanghalian. Nakaluto na ako ng ulam at kanin. Maya-maya, aalis kami para pu

  • Playing With My Boss   Chapter 48

    Dumaan ang hapon, hinatid ako ni Draken pauwi sa bahay. Kanina pa ako tumatanggi pero hindi niya ako pinakinggan. Pinilit niya ang gusto niya.Nang mai-park ang sasakyan sa tapat ng bahay, nakita kong nasa labas si Charlie. Mukhang kalalabas lang niya galing sa bahay."Hi, Charlie," pagbati ko nang makababa ako ng sasakyan. Pansin ko ang pilit niyang ngiti at pagtango. Matapos nito ay tiyak kong nagtataka siya kung bakit magkasama kami ni Draken at kung bakit ito naririto. "Pauwi ka na ba?" "Ahh... Ehh... O-Oo. K-Kasama mo pala yung boss mo. Sakto at nand'yan sila sa loob," nauutal na pahayag ni Charlie habang pinipilit niyang ngumiti sa 'kin."Gano'n ba? Teka—""M-Mauuna na ako, Mathia. Sige," paalam bigla sa 'kin ni Charlie at saka nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya at umalis.Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman na nagseselos siya."Mathia," tawag sa 'kin ni Draken na nakasandal sa sasakyan niya. "I have to go now.""Sige," sagot ko. Sumakay na rin siya ng sasakyan bago nag

  • Playing With My Boss   Chapter 47

    "T-Tumigil ka nga, Draken. Ibaba mo 'ko rito," nagmamatigas kong sabi sa kaniya pero hindi siya nagpapatinag."Don't stop me, Mathia. I know that you also feel what I feel right now," bulong nito sa 'kin.I was about to answer when suddenly, he put his lips on mine. Muli kong naramdaman ang malambot at mainit niyang halik sa labi ko. Hindi ako nanlaban. Hindi ako tumanggi, sa halip ay ginawa ko kung ano ang nais niya. Hinalikan ko siya pabalik at ipinatong ang mga kamay ko sa batok niya.Naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay sa likod ko. Gustong gusto niya akong halikan pa nang mas mariin, mas mainit at mas mapusok."S-Sandali," sambit ko nang humiwalay ako sa halik niya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at gagundin naman siya sa 'kin. "I-Ito ba talaga ang gusto mo? Ang balikan ako? You want me to love you back?" tanong ko sa kaniya."This is all I ever wanted, Mathia," sagot niya sa 'kin.Hindi ako sumagot kaya muli niya akong siniil ng halik. Napakapit akong muli sa kaniy

  • Playing With My Boss   Chapter 46

    Abala at tahimik kaming kumakain ni Draken nang makarinig kami ng nagri-ring na phone. Nakita kong nilabas niya ang phone niya at sinagot ang tawag."What do you want?" ito kaagad ang bungad niya sa taong tumatawag sa kaniya. "I'm in the office. Why? What's your problem. I don't care. I'm busy, bye."Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Draken ay malamig na tono ang lumalabas sa kaniyang bibig. Nanay ba niya ang kausap niya? Kung oo, bakit naman gano'n siya?Hindi ko na siya ginawang tanungin at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Wala naman akong pakialam sa kanila. Kung ano ang gusto nilang gawin, e 'di gawin nila.Lumipas ang ilan pang minuto ang nakalipas, umalis na kami para magpunta sa opisina niya sa kumpanya. Habang nasa kalagitnaan kami ng daan ay bigla siyang nagtanong sa 'kin."Hindi ka man lang ba magtataka kung sino yung kinausap ko kanina?" tanong niya. Taka ko siyang tinignan pero nakatuon lang siya sa harap."Anong pinagsasasabi mo? E wala naman akong pakialam kun

  • Playing With My Boss   Chapter 45

    "Wala pong dapat na malaman si Draken tungkol kay Madrid."Ramdam ko sa loob ko ang galit sa dibdib ko nang sabihin ko 'yon kay mama."Bakit naman hindi? Siya pa rin naman ang ama ni Madrid, hindi ba?" tanong ni mama."Opo. Alam ko naman po 'yon, pero hindi naman po ako papayag na gano'n-gano'n na lang siya papasok sa buhay ng anak ko," paliwanag ko."Pero, anak, sigurado na anumang araw at oras ay malalaman ni Draken ang tungkol sa bata. Kung mangyari man 'yon, paano mo naman ipaliliwanag sa bata ang tungkol sa tatay niya?" tanong muli ni mama.Bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko, luluha ako sa mga oras na 'to."Iyan lang naman ang mga tanong ko, pero inuulit ko, nasa sa 'yo pa rin ang desisyon," huling sabi ni mama bago siya tumayo at naglakad paalis.Naiwan akong mag-isa sa salas. Para akong nasimentuhan sa kinauupuan ko sa pag-iisip. Ilang sandali lang din nang mapagpasyahan kong umakyat na sa kwarto upang magpahinga.Sa pagbukas ko ng pinto, bumungad sa 'k

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status