Share

Chapter 17

Penulis: Nanami
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-16 13:19:12

Alas onse na ng gabi pero gising na gising pa rin ang ako. Hindi ako makatulog kakaisip habang ang anak ko, mahimbing ng nagpapahinga.

Lumapit ako sa anak ko at niyakap ko siya. Natutuwa ako at ipinagkaloob sa 'kin ng Diyos si Madrid. Habang buhay ko 'yong ipagpapasalamat dahil malaking blessing ang anak ko sa 'kin at sa buong pamilya ko.

"Anak, sorry, ha? Sorry kasi hindi masabi ni mama sa 'yo ang totoo," naluluha kong bulong sa anak ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig dahil tulog siya. "Hindi ko masabi sa 'yo na inabandona tayo ng ama mo noong pinagbubuntis pa lang kita. Umalis siyang bigla e. Simula noon, hindi na siya nagpakita. Mahirap sabihin sa 'yo kasi ito ang kinatatakot ko, ang makitang nasasaktan ka," pahayag ko pa.

Pinunasan ko agad ang mga luha ko dahil baka matuluan ang anak ko at magising. Ayoko namang istorbohin siya.

"Pero alam mo, anak? Kahit na wala ang papa mo, nandito naman kaming pamilya mo. Mamahalin ka namin nang buong buo," pahayag ko pa bago ko halika
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Playing With My Boss   Book 2: Chapter 1

    While I'm unpacking my things, iniisip ko kung ano ang una kong gagawin to get closer to Richard? I mean, I heard from my close friend, Sydney, na ayaw ni Richard sa mga rich girls because only want is his money.I feel pressured, to be honest. Ang hirap naman na hindi ko ipakikilala mismo ang sarili ko sa kaniya. What if... ibahin ko na lang muna ang name ko?From Canada Samson to... ano kaya ang maganda?Nag-isip ako for almost ten minutes nang may pumasok na idea sa brain ko."Nadia. Nadia Rovales," sabi ko sa sarili ko.I will use 'Nadia' from my name 'Canada' and 'Rovales' because that's my aunt's last name sa late husband niya.After kong ayusin ang mga things ko, I started to make a fake resume dahil alam ko ang business ni Richard dito sa Philippines. I stalked his identity already noong nasa States pa lang ako. Now, what I need to do is mag-apply at maging employee niya to get closer to him.While I'm making my fake resume, narinig ko ang pagkatok ni tita Rama sa pinto ng roo

  • Playing With My Boss   Book 2 - Simula

    "OMG!"I feel so much excitement as I arrive here in Philippines. Like OMG! Nakarating ako and finally! Magagawa ko na rin ang lahat ng plans ko!Sa sobrang kilig, gusto kong tumalon-talon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. I know na maraming judgmental dito at baka isipin nila na babaliw ako.Na-contact ko na rin si Manong Tadeo to fetch me. Biglaan lang talaga ang uwi ko dahil unexpectedly, may new opportunity na naghihintay sa 'kin dito so I used it para makapunta lang dito sa Philippines."Ma'am Nad? Kayo po ba 'yan?" tanong ni Manong Tadeo nang lapitan niya ako."Hi, Manong Tadeo! Yes, I'm Canada. Canada Samson," I introduced myself to Manong. Mukhang hindi na niya ako natatandaan."Ikaw? You now malaki na, ah? Isasakay ko na ang mga gamit mo," sabi ni Manong bago niya ito gawin."Nasa bahay po ba si tita Rama?" tanong ko."Yes. Yes, Nad."Napapalakpak ako in so much excitement. Makikituloy muna ako kay tita Rama while making my other plans to do. Mahirap na.Sumakay na ako

  • Playing With My Boss   Chapter 136

    A day after our wedding, nagbigay ng suggestion si Draken kung saan kami magha-honeymoon. Kung ano-ano na ang bansang sinabi niya kaya nahirapan ako sa pag-iisip, pero nang mabanggit niya ang Hawaii, may biglang pumasok sa isip ko.At iyon ay magha-honeymoon na lang kami sa isla kung saan niya kami dinala ni Madrid noon.Dahil sa regalo nina Dianne at Aileen, ginamit ko 'yon para sa unang gabi namin ni Draken bilang mag-asawa. Niregaluhan ako ng thong and bra ni Aileen habang si Dianne naman ay lingerie. Si Karen, nagregalo ng pabango para daw kumapit ang amoy sa damit at balat ko. Siguradong hindi raw aalis si Draken sa 'kin kapag naamoy niya 'yon.Napaisip na lang ako na siguradong nag-usap ang mga 'yon para dito. Tsk!Nang makalabas ako ng banyo, nakita ko si Draken na nakaupo na sa ibabaw ng kama habang nakasandal sa headboard nito. Kita ko ang laki ng dibdib niya dahil naka-bathrobe siya.Agad niyang napukaw ang ayos ko at napangiti siya habang tinitignan ako mula paa hanggang ul

  • Playing With My Boss   Chapter 135

    Sa kabila ng pagsubok na naranasan ng pamilya namin, napalitan iyon ng kagalakan sa mga puso namin matapos ang dalawang araw.Sa wakas, tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Draken.Suot ang aking wedding gown, ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng simbahan. Naluluha ako. Nasa tabi ko si Mama na siyang maghahatid sa akin papunta sa altar."Anak, ito na," sambit ni Mama.Ilang sandali pa nang magbukas ang pinto ng simbahan, tumambad sa 'kin ang mga imbitado. Mula sa pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at mga malalapit sa buhay namin ay nandito upang saksihan ang espesyal na araw na ito.Nang tignan ko si Draken, nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa. Simple ang ayos niya pero napakagwapo. Hawak niya ang panyo habang nakatingin sa direksyon ko, pinupunasan niya ang luhang namumuo sa mga mata niya.Sa paglalakad namin nang dahan-dahan ni Mama patungo kay Draken, naluluha na rin ako. Pinipigilan ko pero kusa itong tumutulo. Natutuwa ang puso ko."Ikaw na ang bahala sa anak ko,

  • Playing With My Boss   Chapter 134

    Ilang segundo na ang nakakaraan ngunit walang lumalabas na bala mula sa baril na hawak ni Vanessa. Nagtataka siya kung bakit walang nangyayari.Sinubukan pa ulit ni Vanessa na pindutin ang gatilyo ng baril ngunit wala pa rin'g lumalabas."Bwiset!" sambit niya sa inis dahil walang laman ang magazine ng baril niya.Dahil dito, agad ng kinuha ni Draken ang anak naming si Madrid. Akma pang manlalaban si Vanessa ngunit agad siyang nilapitan ng mga pulis at pinosasan."Anak. M-Madrid, n-nasaktan ka ba? Anak," agad kong pangungumusta sa anak kong si Madrid. Umiiyak siya at dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya sa nerbyos.Ngayon ko lang naramdaman ang tindi ng panghihina ko."Babe," sambit ni Draken nang mapaupo ako sa sahig. Inalalayan naman nila akong mag-ama."M-Mama.""Mathia? Draken? Madrid?"Rinig ko ang boses ni Mama na nag-aalala ngunit dumidilim na ang paningin ko. Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya ang katawan ko.Hindi ko na alam ang nangyari nang dumilim na ang buong paligid k

  • Playing With My Boss   Chapter 133

    Nakasakay ako sa sasakyan ni Draken habang siya ay abalang nagmamaneho. Nakasunod kami sa mga police mobile para habulin ang kinaroroonan ni Vanessa."M-Maaabutan pa kaya natin sila?" buong pag-aalala kong tanong kay Draken."I'm sure na mahahabol pa natin si Vanessa. Carlos is with us. He will lead kung saan pwedeng magtungo si Vanessa now that he has a tracking device," sagot ni Draken.Magkahawak ang kamay ko habang taimtim na nananalangin na sana ay walang mangyaring masama sa anak ko. Ayokong mapahamak siya.Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan namin at ng police mobile. Ilang sandali pa habang nasa gitna ng kalsada, tumunog ang radyo na nakapatong sa tabi ni Draken."Nabakuran ng mga police si Ms. Vanessa Harriet. Hawak niya ang batang lalaki and at may hawak din siyang baril," sabi ng boses lalaki mula sa kabilang linya."Shit!""J-Jusko!"Halos sabay naming sambit ni Draken. Ang puso ko, bumibilis sa tindi ng kaba at takot. Hawak na ni Vanessa ang anak ko!Hindi ko na ala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status