Naggugupit-gupit ako ng mga colored papers habang si Mathew naman ang nagdidikit-dikit ng mga disenyo para sa preparation ko sa 4th anniversary namin ni Draken. Gumawa ako ng napakahabang message for Draken. Then yung mga pictures namin, balak kong i-design 'yon sa taas sakali para makita niya 'yon kapag paparating na siya sa place.
"Ate, halos tatlong buwan na nating pinaghahandaan 'to, ah? Grabe ka naman mag-prepare," sabi ng kapatid ko sa 'kin. "Gano'n talaga. Oo nga pala, h'wag mo nang sabihin kay papa, ha? Alam mo naman 'yon, napaka-KJ. O kahit kay mama. Basta atin-atin na lang 'to. Hayaan mo, may malaking tip ka sa 'kin after." "Naku, ate! Ako pa ba? Don't worry. Maaasahan ako r'yan." Napangiti na lang ako sa kapatid ko. Kahit kailan, maaasahan. "Ay ate, wait lang. Tignan ko muna gc namin baka may new assignment or project kami e. I-save ko lang sakali," paalam ni Mathew kaya tumango ako bilang tugon. Lumabas siya ng kwarto para i-check ang laptop niya. Nagpapatuloy pa rin ako sa paggugupit para sa design at pagdikit sa mga pictures. Kaunti na lang at matatapos na kami sa part na 'to. May mga kailangan pa akong gawin. Two weeks and more days pa bago ang 4th anniversary. Habang abala ako sa ginagawa ko, bigla na lang akong nahinto nang maramdaman ko ang tila kakaiba at 'di ko maipaliwanag. Para akong nasusuka. Sinigurado ko muna kung ano 'tong nararamdaman ko pero parang gusto kong masuka. Kaagad akong tumakbo patungo sa banyo dahil sa nararamdaman ko. Napahawak na lang din ako sa ulo dahil din sa pagkahilo. Ano 'tong nangyayari sa 'kin? Teka... "Ate?" Napalingon na lang ako sa gawing pintuan kung saan nakatayo si Mathew habang tila alalang nakatingin sa 'kin. Tinignan niya ako sa mga mata ko bago niya ilipat ang tingin niya sa kamay ko kung saan ay nakadapo ito mismo sa tiyan ko. "D-Dapat din ba nating ilihim 'to kina mama at papa?" tanong sa 'kin ng kapatid ko pero hindi ako nakasagot. Mas pinangungunahan ako ng kaba at takot. T-Totoo ba 'to? DALAWANG LINGGO at tatlong araw ang lumipas at kasalukuyan naming inihahanda ni Mathew ang place para sa special occasion namin ni Drake. Sa loob ng apat na buwang paghahanda, malimit ko lang siyang kinakausap. "Ayan, ate. Okay na lahat," sabi ni Mathew sa 'kin nang matapos na namin ang lahat. Naluto ko na ang mga pagkaing paborito namin ni Draken, mga pictures na naka-design, pailaw, at kung ano-ano pa. "I'm so excited," sabi ko sa sarili ko. Excited na akong ipakita ang mga PT ko kay Draken na katunayang buntis ako at magiging ama na siya. Anim na beses akong nag-PT at anim na beses ding lumalabas ang positive results. "E, ate. Dalawang linggo mo nang inililihim kina mama at papa 'yang nasa sinapupunan mo, ah? Kailan mo ba balak sabihin sa kanila?" pag-aalalang tanong ni Mathew. "Natatakot ako e. Pero... Pero susubukan ko mamaya pagtapos nito. Kumukuha lang ako ng tyempo." Hindi na sumagot si Mathew kundi nginitian lang niya ako. "Sige, hintayin na lang natin si kuya Draken. Mga ilang minuto na lang, darating na rin siya. Doon muna ako, ate." Ngumiti ako kay Mathew at pumwesto sa dapat kong pwestuhan para sa salubungin ang pagdating ni Draken. Handa na akong iregalo sa kaniya ang magiging anak namin. Hinintay ko ang pagdating niya at excite na excite ako pero parang napapalitan ng pagod at inip ang ilang mga sandali sa kahihintay sa kaniya habang tumatakbo ang oras. Panay ang tingin namin ni Mathew sa mga wrist watch namin. Halos magdadalawang oras na, hindi pa rin dumarating si Draken. "Ate, mukhang hindi darating si kuya Draken, ah? Dalawang oras at mahigit na tayong nandito e," sabi ni Mathew sa 'kin. "Nag-aalala na nga ako e. Kani-kanina nag-text kami at sabi niya na pupunta siya." "Baka naman nakalimutan niya, ate? Gabi na oh." "Pero imposible. Binati pa nga niya ako e," tugon ko habang pabalik-balik akong naglalakad sa inip. "Puntahan kaya natin siya, Math?" "Ate, baka mapaano pa tayo. Kumukulog at mukhang uulan pa. Baka magkasakit ka n'yan." "Sige na. Samahan mo 'ko. Hindi ako mapakali e." "Hay! O sige. Tara na." Sumakay kami ng kapatid ko sa sasakyan at siya na ang nagmaneho. Tinuro ko na lang ang daan dahil hindi naman niya kabisado ang daan papunta sa mansion nila. Mga ilang sandali pa, bumaba kami ni Mathew at pumunta sa gate. "Draken? Draken?" tawag ko sa kaniya. Nagtatawag din si Mathew pero walang sumasagot. Kaya, naisipan kong tawagan siya. Hindi sumasagot. Paulit-ulit kong sinubukan na tawagan ang number niya pero wala talaga. Naisipan ko na ring tawagin ang mga kaibigan namin. Pero ang mga isinasagot nila, hindi nila alam. "Ate, mukhang walang tao rito e. Baka naman umalis sila?" tanong ni Mathew sa 'kin. "Imposible. Ang sabi niya sa text, pupunta siya para sa date namin e," buong kaba at pag-aalala kong tanong. Nasaan na ba si Draken?Tinapos lang naming laruin ang halos fifty tokens na dala ni Madrid kanina bago kami nagpunta sa NBS para bumili ng mga kakailangan pa ni Madrid sa school. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagkakaroon ng project kaya uunahan ko ng bumili ng gamit.Kasalukuyan kaming naggo-grocery para may stock sa bahay. Malakas ang loob ko dahil may natanggap naman akong backpay sa dati kong trabaho."Mama, I want this chocolate po. Can you buy me one?" tanong ng anak ko. Nang tignan ko kung ano ang tinuturo niya, bigla kong naalala ang paboritong tsokolate ni Draken na Toblerone.|FLASHBACK|It's our first anniversary. Niregaluhan ako ni Draken ng bouquet of red roses at imported chocolates. Wala raw siyang gustong kainin sa mga iyon."Here," sabi ko naman at inabot sa kaniya ang big sized ng Toblerone. Alam ko na ito ang paborito niyang brand ng chocolate dahil ito raw ang una naming kinain noong first date namin."T-This is mine?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya at t
Dahil wala naman akong pasok, ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Kumikilos din si mama pero hindi lahat dahil hindi pa naman siya fully recovered. Ang sabi niya, hayaan ko raw siya kasi exercise niya na 'to."Multiply is dodoblehin mo siya. Kunwari ganito, 2 × 3 is equal to 6. Paano nangyari? Tignan mo 'tong kamay ko. So, anong number 'to?" paliwanag ko sa anak ko."Two po.""Okay, two then multiply daw saan?""Sa three po," magalang niyang sagot."Three, good. So, isulat natin is tatlong two raw. Ilan na 'yan?" tanong ko ulit sa kaniya."Six po.""Very good!" papuri ko sa anak ko at ginulo ang buhok niya. "Now, write it on your paper. Iyan ang sagot sa number three mo."Nakikinig si Madrid sa 'kin dahil ito ang assignment niya. Tinuturuan ko siya. Ito na raw kasi ang topic nila sa mathematics kaya inaaral niyang mabuti.Tinapos lang namin ang mga assignment niya sa iba't ibang subject bago kami kumain ng tanghalian. Nakaluto na ako ng ulam at kanin. Maya-maya, aalis kami para pu
Dumaan ang hapon, hinatid ako ni Draken pauwi sa bahay. Kanina pa ako tumatanggi pero hindi niya ako pinakinggan. Pinilit niya ang gusto niya.Nang mai-park ang sasakyan sa tapat ng bahay, nakita kong nasa labas si Charlie. Mukhang kalalabas lang niya galing sa bahay."Hi, Charlie," pagbati ko nang makababa ako ng sasakyan. Pansin ko ang pilit niyang ngiti at pagtango. Matapos nito ay tiyak kong nagtataka siya kung bakit magkasama kami ni Draken at kung bakit ito naririto. "Pauwi ka na ba?" "Ahh... Ehh... O-Oo. K-Kasama mo pala yung boss mo. Sakto at nand'yan sila sa loob," nauutal na pahayag ni Charlie habang pinipilit niyang ngumiti sa 'kin."Gano'n ba? Teka—""M-Mauuna na ako, Mathia. Sige," paalam bigla sa 'kin ni Charlie at saka nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya at umalis.Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman na nagseselos siya."Mathia," tawag sa 'kin ni Draken na nakasandal sa sasakyan niya. "I have to go now.""Sige," sagot ko. Sumakay na rin siya ng sasakyan bago nag
"T-Tumigil ka nga, Draken. Ibaba mo 'ko rito," nagmamatigas kong sabi sa kaniya pero hindi siya nagpapatinag."Don't stop me, Mathia. I know that you also feel what I feel right now," bulong nito sa 'kin.I was about to answer when suddenly, he put his lips on mine. Muli kong naramdaman ang malambot at mainit niyang halik sa labi ko. Hindi ako nanlaban. Hindi ako tumanggi, sa halip ay ginawa ko kung ano ang nais niya. Hinalikan ko siya pabalik at ipinatong ang mga kamay ko sa batok niya.Naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay sa likod ko. Gustong gusto niya akong halikan pa nang mas mariin, mas mainit at mas mapusok."S-Sandali," sambit ko nang humiwalay ako sa halik niya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at gagundin naman siya sa 'kin. "I-Ito ba talaga ang gusto mo? Ang balikan ako? You want me to love you back?" tanong ko sa kaniya."This is all I ever wanted, Mathia," sagot niya sa 'kin.Hindi ako sumagot kaya muli niya akong siniil ng halik. Napakapit akong muli sa kaniy
Abala at tahimik kaming kumakain ni Draken nang makarinig kami ng nagri-ring na phone. Nakita kong nilabas niya ang phone niya at sinagot ang tawag."What do you want?" ito kaagad ang bungad niya sa taong tumatawag sa kaniya. "I'm in the office. Why? What's your problem. I don't care. I'm busy, bye."Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Draken ay malamig na tono ang lumalabas sa kaniyang bibig. Nanay ba niya ang kausap niya? Kung oo, bakit naman gano'n siya?Hindi ko na siya ginawang tanungin at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Wala naman akong pakialam sa kanila. Kung ano ang gusto nilang gawin, e 'di gawin nila.Lumipas ang ilan pang minuto ang nakalipas, umalis na kami para magpunta sa opisina niya sa kumpanya. Habang nasa kalagitnaan kami ng daan ay bigla siyang nagtanong sa 'kin."Hindi ka man lang ba magtataka kung sino yung kinausap ko kanina?" tanong niya. Taka ko siyang tinignan pero nakatuon lang siya sa harap."Anong pinagsasasabi mo? E wala naman akong pakialam kun
"Wala pong dapat na malaman si Draken tungkol kay Madrid."Ramdam ko sa loob ko ang galit sa dibdib ko nang sabihin ko 'yon kay mama."Bakit naman hindi? Siya pa rin naman ang ama ni Madrid, hindi ba?" tanong ni mama."Opo. Alam ko naman po 'yon, pero hindi naman po ako papayag na gano'n-gano'n na lang siya papasok sa buhay ng anak ko," paliwanag ko."Pero, anak, sigurado na anumang araw at oras ay malalaman ni Draken ang tungkol sa bata. Kung mangyari man 'yon, paano mo naman ipaliliwanag sa bata ang tungkol sa tatay niya?" tanong muli ni mama.Bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko, luluha ako sa mga oras na 'to."Iyan lang naman ang mga tanong ko, pero inuulit ko, nasa sa 'yo pa rin ang desisyon," huling sabi ni mama bago siya tumayo at naglakad paalis.Naiwan akong mag-isa sa salas. Para akong nasimentuhan sa kinauupuan ko sa pag-iisip. Ilang sandali lang din nang mapagpasyahan kong umakyat na sa kwarto upang magpahinga.Sa pagbukas ko ng pinto, bumungad sa 'k