"So what do you mean by that? Na ihihinto na natin 'tong relasyon nating 'to?" tanong niya sa 'kin pero hindi ako sumagot. Ayokong maging malaking away 'to sa 'min. Oo, nag-aaway kami pero sa ibang bagay. At ayoko namang mag-away kaming dalawa dahil dito.
Sa halos itinagal ng pagbyahe namin, inihatid na niya ako sa bahay namin. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papasok sa gate nang marinig ko ang pagtawag niya sa 'kin. "Babe." Lumingon ako sa gawi niya. Ngumiti lang ako nang bahagya. "Nagtatampo ka ba?" tanong niya. Umiling ako sa kaniya sabay lapit at binigyan siya ng isang halik sa pisngi. Pero bigla akong nahinto pagtapos nang muli, maalala ko na naman ang nangyari. Hindi. Panaginip lang 'yon. "Bye. Take good care," paalam ko sa kaniya bago ako naglakad papasok sa loob ng bahay. ABALA ako sa pagla-laptop pero kanina pang may bumabagabag sa 'kin. I want to forget that night. I want to forget what I saw that night. Naalala kong bigla ang ikatlong beses na nag-dinner ako sa mansion ng pamilya ni Draken. Nandoon ang pinsan niyang si Richard at ang mga magulang niya. At hindi ko rin makakalimutan ang babaeng 'yon. Nasa pinaka-center ang daddy niya habang nasa kanan nito ang asawa niya. Nasa tapat nito si Richard at katabi naman nito yung babae. Katapat ng babae si Draken habang katabi naman ako ng boyfriend ko. I witnessed that woman's flirty moves para magpapansin siya sa boyfriend ko. She looks stunning and I admit it. Pero hindi naman pupwedeng maggaga-gano'n siya sa boyfriend ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko teritoryo 'yon. Naalala ko rin ang mga itinanong sa 'kin ng mga magulang ni Draken. About sa educational background ko, business, and so on. Mukhang dismayado sila sa 'kin dahil hindi ako kasing-level nila. But nung nagtanong sila sa babaeng bisita, natutuwa sila ro'n. Inaamin kong masakit. Napakasakit. Pero kahit gano'n, hindi na lang ako nagpakita ng negatibo. Kahit ni emosyon. Gusto kong ipakita sa kanila na ako ang nararapat para sa boyfriend ko. Pero hindi e. Napapikit na lang ako at napailing sa sarili dahil gusto kong makalimutan ang pangyayaring halos ikinagulat ng buong katawan ko. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa dibdib ko. Sana, hindi ko na lang 'yon nasaksihan. Naalala ko rin nung after naming mag-dinner, ipinahatid ng mommy ni Draken sa kaniya yung babae papunta sa naka-park nitong sasakyan. Hindi ko siya sinundan. Pero nung time na tumawag ang isa sa mga kaibigan namin at sinagot ko 'yon, hinahanap si Draken kaya hinanap ko ang boyfriend ko para maibigay sa kaniya ang tawag. But nung time na papalapit pa lang ako sa kanila, I was unable to speak when I saw that lady, flirting with my boyfriend. Nakikipagtawanan at kwentuhan pa. Gusto kong paniwalaan na magkaibigan lang sila pero ano ang ibig sabihin na nakakapit na ang mga kamay ng babae sa balikat ni Draken? And what I can't also forget was Draken is holding that lady's waist. But that's not it. Parang nanginig ang mga kamay at tuhod ko sa panghihina nang makitang hinalikan ng babae si Draken na halos tumagal ng limang segundo. At ang hindi ko maintindihan, bakit nag-response si Draken ng halik sa babae? And after that night, parang naging isang malaking bangungot 'yon sa buhay ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anumang negatibo kay Draken o sa pamilya niya sa kabila ng nasaksihan ko. Palagi kong iniisip na part 'to ng relasyon. May pumipigil pero nasa sa 'kin na 'yon kung susuko ako. Pero bakit naman ako susuko? Mahal ko si Draken. Bigla na lang akong naluha at pinipigilan na maglabas ng anumang ingay sa bibig ko dahil sa masakit na ala-alang 'yon. Sinarili ko na lang ang nakita ko simula no'n. Pati ang pag-iyak ko, ibinubuhos ko kapag ako na lang mag-isa. "Ate Mathia? Ate Mathia?" Hininto ko ang pag-iyak ko at pinunasan ang mga luha ko bago ko tugunan ang nakababata kong kapatid na si Mathew. "Bakit, Math?" "Ate baka naman may eraser ka r'yan? Kailangan ko e. Nawawala kasi yung akin." Tsk! Kinuha ko ang eraser ko at marahang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Saktong-sakto para lang maibigay sa kapatid ko ang hinihiram niya. "Oh." "Thank you, ate. Hmm... Teka, bakit ka nag---Hmm.... Siguro, umiiyak ka---" "Kukunin mo ba 'tong eraser o hindi?" "E sorry. Sige, ate. Thank you," paalam ng kapatid ko bago ko isara ang pinto nang kunin na niya ang eraser. Sinasabi ko na nga ba, kung may nakakaalam man ng bawat galaw ko sa bawat emosyon ko, ang kapatid ko lang na si Mathew. Kabisado na niya ang ugali ko. Bumalik ako sa kama at naupo. Muli kong tinuunan ng pansin ang inaasikaso ko sa laptop ko. Nag-e-edit ako ng tarpaulin at bawat picture naming dalawa ni Draken. Malapit na ang 4th anniversary namin. Gusto kong mag-celebrate kami sa isang lugar na kaming dalawa lang. At gusto ko, ako ang magpe-prepare ng lahat dahil alam ko naman ang mga paborito niyang pagkain. I want to give my very best para sa 'min. Para sa kaniya. Despite all what happened. Hmm... May four months pa para sa paghahanda. Makakapagtabi-tabi pa ako ng pera para doon. And the last thing... Teka? Ano nga pa lang pwede kong mai-regalo sa kaniya for anniversary?"Bakit ka uminom kay aga-aga?! Are you going to kill yourself?!" inis kong tanong sa kaniya habang inaalalayan siyang tumayo upang ihiga sa kama."K-Kagabi pa ako uminom," sagot niya.Nilapag ko siya sa ibabaw ng kama at ginawa kong ayusin siya pero sobrang bigat niya. Hinihingal na ako sa pag-alalay sa kaniya."Wala ka talagang magawa e, 'no? Sige, patayin mo ang sarili mo sa alak. Tsk! Palibhasa wala ka namang inaalala e," inis ko pang sabi habang abalang nililigpit ang mga nakakalat.He chuckled."Ikaw ang iniisip ko," sambit niya. Bagaman patuloy ako sa ginagawa ko, nagpantig naman ang mga tainga ko sa sinabi niya. "All day, all night, I'm thinking about you. I ate by my fear. I forgot na may masasaktan ako."Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya sa mga sinasabi niya."A-Ako lang naman itong hindi mo mahal, Mathia. A-Alam kong malaki ang ginawa kong kasalanan sa 'yo, p-pero hindi mo na ba ako mapapatawad k-kahit kailan? Hindi mo man lang ba ako b-bibigyan ng isa pang chance?"
"Anong ginagawa mo rito? You shouldn't be here," bungad ko kay Draken pagkalabas ko ng bahay."I'm here because I have to tell you something important," sagot naman ni Draken sa 'kin at hinilamos ang mukha niyang tila nangangamba.Anong problema ng taong 'to?"Tell me," sabi ko."My fiancée arrived here in Philippines. Well, I don't know kung nasa saan siya ngayon, but sooner or later, he will come to me," pahayag niya sa 'kin.Hindi ako nakaramdam ng kahit anumang pag-aalala sa sinabi niya. Sandali akong tumingin sa ibang direksyon at binalik 'yon sa kaniya."So, anong kinalaman ko sa relasyon niyo ng fiancée mo?" tanong ko."Malaki," may paninindigang sagot niya.Ano raw?"Malaki?" paninigurado ko."You're my love and not her. So, I want to marry you as soon as—""Wait. Wait. Wait. What? Marry me?" pagputol ko sa sinasabi niya. "Do you want me to marry you as soon as possible?""Yes," sagot niya.Natawa ako nang nakakaloko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? He's out of the line."Are
Tinapos lang naming laruin ang halos fifty tokens na dala ni Madrid kanina bago kami nagpunta sa NBS para bumili ng mga kakailangan pa ni Madrid sa school. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagkakaroon ng project kaya uunahan ko ng bumili ng gamit.Kasalukuyan kaming naggo-grocery para may stock sa bahay. Malakas ang loob ko dahil may natanggap naman akong backpay sa dati kong trabaho."Mama, I want this chocolate po. Can you buy me one?" tanong ng anak ko. Nang tignan ko kung ano ang tinuturo niya, bigla kong naalala ang paboritong tsokolate ni Draken na Toblerone.|FLASHBACK|It's our first anniversary. Niregaluhan ako ni Draken ng bouquet of red roses at imported chocolates. Wala raw siyang gustong kainin sa mga iyon."Here," sabi ko naman at inabot sa kaniya ang big sized ng Toblerone. Alam ko na ito ang paborito niyang brand ng chocolate dahil ito raw ang una naming kinain noong first date namin."T-This is mine?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya at t
Dahil wala naman akong pasok, ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Kumikilos din si mama pero hindi lahat dahil hindi pa naman siya fully recovered. Ang sabi niya, hayaan ko raw siya kasi exercise niya na 'to."Multiply is dodoblehin mo siya. Kunwari ganito, 2 × 3 is equal to 6. Paano nangyari? Tignan mo 'tong kamay ko. So, anong number 'to?" paliwanag ko sa anak ko."Two po.""Okay, two then multiply daw saan?""Sa three po," magalang niyang sagot."Three, good. So, isulat natin is tatlong two raw. Ilan na 'yan?" tanong ko ulit sa kaniya."Six po.""Very good!" papuri ko sa anak ko at ginulo ang buhok niya. "Now, write it on your paper. Iyan ang sagot sa number three mo."Nakikinig si Madrid sa 'kin dahil ito ang assignment niya. Tinuturuan ko siya. Ito na raw kasi ang topic nila sa mathematics kaya inaaral niyang mabuti.Tinapos lang namin ang mga assignment niya sa iba't ibang subject bago kami kumain ng tanghalian. Nakaluto na ako ng ulam at kanin. Maya-maya, aalis kami para pu
Dumaan ang hapon, hinatid ako ni Draken pauwi sa bahay. Kanina pa ako tumatanggi pero hindi niya ako pinakinggan. Pinilit niya ang gusto niya.Nang mai-park ang sasakyan sa tapat ng bahay, nakita kong nasa labas si Charlie. Mukhang kalalabas lang niya galing sa bahay."Hi, Charlie," pagbati ko nang makababa ako ng sasakyan. Pansin ko ang pilit niyang ngiti at pagtango. Matapos nito ay tiyak kong nagtataka siya kung bakit magkasama kami ni Draken at kung bakit ito naririto. "Pauwi ka na ba?" "Ahh... Ehh... O-Oo. K-Kasama mo pala yung boss mo. Sakto at nand'yan sila sa loob," nauutal na pahayag ni Charlie habang pinipilit niyang ngumiti sa 'kin."Gano'n ba? Teka—""M-Mauuna na ako, Mathia. Sige," paalam bigla sa 'kin ni Charlie at saka nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya at umalis.Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman na nagseselos siya."Mathia," tawag sa 'kin ni Draken na nakasandal sa sasakyan niya. "I have to go now.""Sige," sagot ko. Sumakay na rin siya ng sasakyan bago nag
"T-Tumigil ka nga, Draken. Ibaba mo 'ko rito," nagmamatigas kong sabi sa kaniya pero hindi siya nagpapatinag."Don't stop me, Mathia. I know that you also feel what I feel right now," bulong nito sa 'kin.I was about to answer when suddenly, he put his lips on mine. Muli kong naramdaman ang malambot at mainit niyang halik sa labi ko. Hindi ako nanlaban. Hindi ako tumanggi, sa halip ay ginawa ko kung ano ang nais niya. Hinalikan ko siya pabalik at ipinatong ang mga kamay ko sa batok niya.Naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay sa likod ko. Gustong gusto niya akong halikan pa nang mas mariin, mas mainit at mas mapusok."S-Sandali," sambit ko nang humiwalay ako sa halik niya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at gagundin naman siya sa 'kin. "I-Ito ba talaga ang gusto mo? Ang balikan ako? You want me to love you back?" tanong ko sa kaniya."This is all I ever wanted, Mathia," sagot niya sa 'kin.Hindi ako sumagot kaya muli niya akong siniil ng halik. Napakapit akong muli sa kaniy