LOGIN"Ate, magtanong tayo sa guard. Baka alam nila kung saan nagpunta sina kuya Draken," suhestyon ni Mathew kaya sumakay ulit kami ng sasakyan at pumunta sa gawi ng guard na nasa main gate.
Bumaba kami ni Mathew para magtanong. "Ahmm... Kuyang guard, magtatanong lang sana kami kung may idea kayo kung saan nagpunta si Draken Luzevia?" tanong ko sa guard. "Ahh... Ang mga Luzevia, ma'am? Umalis po sila kagabi pa. Sa USA na raw po titira. 'Yon po yung sinabi ng mga kasambahay sa mansion na 'yan bago sila umalis." Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay manong guard. Nagtinginan pa kami ni Mathew at maging siya ay hindi makapaniwala. "H-Ho?" "Iyon po ang sabi, ma'am." "Salamat po, kuya," sabi ng kapatid ko at inalalayan kaagad ako. "Ate." "P-Pero... Pero imposible. B-Bakit hindi siya nagpaalam sa 'kin? T-Tsaka nag-text pa kami kanina na ano e.... 'Di ba, Mathew? Nakita mo yung text niya, hindi ba?" sabi ko sa kapatid ko pero inalalayan niya lang ako na isinakay sa passenger seat bago siya pumunta sa driver seat. "Why did he do this to you, ate?" tanong ni Mathew sa 'kin pero hindi ako nakaimik. "H-Hindi. Baka ano... Male-late lang siya sa---" "Ate, ano ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi nung guard kanina? Sa USA na sila titira. Ang tanong ko lang, bakit ka niya ginago? Pinaghintay niya tayo sa wala." Hindi ako makaimik sa sinabi ni Mathew. Naramdaman ko na lang sa dibdib ko ang bigat at kasabay no'n ay ang pagbagsak nang sunod-sunod ng mga luha ko. "Mabuti pa, ate, umuwi na tayo." "H-Hindi. Baka late lang si Draken sa---" "Ate, umuwi na tayo." "M-Mathew..." Hindi ko na kinaya pa ang sarili ko't tuluyan ko nang naibuhos ang luha ko. Hindi. Baka namali lang ng impormasyon si kuyang guard. Magpapaaalam sa 'kin si Draken kapag umaalis siya kaya imposible! Im... Posible. Dahil sa pagkatulala, pag-iisip at kasabay ng pag-iyak ko, hindi ko napansin na bumuhos na pala ang napakalakas na ulan. Halos hindi ko maaninag nang malinaw ang paligid dahil sa mga luhang umiipon sa bawat sulok ng mga mata ko. Ilang sandali lang, naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Para akong wala sa sarili na bumaba ng sasakyan kahit na umuulan nang napakalakas. Nandito na pala kami sa.... Bahay. "Ate!" dinig kong sigaw ni Mathew pero parang balewala lang siya sa 'kin. Naglalakad ako habang nababasa na ang buong katawan ko sa lakas ng ulan. Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na bumilis ang paglakad ko at nakapasok na sa bahay nang alalayan ako ni Mathew. "Mathia? Mathew? Where the hell have you both been?!" dinig kong tanong ni papa at mukhang galit na galit pero hindi ko na siya napansin pa dahil sa pagkatulala at pag-iiyak ko. "Mathia? Why are you crying? Mathew, anong nangyari sa ate mo?" tanong naman ni mama at naramdaman ko ang pag-alalay niya sa 'kin. "Ikuha mo ang ate mo ng damit. Bilis. Yung bag, akin na rito." Maya-maya'y nakita ko na lang na inabot ni Mathew ang bag ko kay mama pero hindi kaagad ito naabot dahilan at nalaglag sa sahig. "Mathew naman. Pulutin mo nga 'yang...." Tila tumahimik ang buong paligid na siyang ikinabuhay kahit papaano ng diwa ko. "Anong---Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ni mama nang pulutin niya ang anim na PT na nakakalat sa sahig. "Oh--Oh my g0d!" Nakita ko ang paglapit ni papa at kinuha ang mga PT. "Anong---Mathia." Naluha na lang ako sa sarili ko kasabay ng pag-amin sa kanila, "B-Buntis po ako." "Anong---P*****a!" at mabilis kong naramdaman ang masakit na kamay na dumapo sa pisngi ko. "Put---Sino ang ama ng dinadala mo?! Sino?! Sino?!" tanong ni papa na nananalisik na sa galit at nakatanggap ulit ako nang sunod-sunod na sampal. "H'wag mong saktan ang anak mo!" "Papa!" "Kayong dalawa! Manahimik kayo!" Naramdaman ko na lang ang paghablot ni papa sa braso ko at mabilis niya akong ipinunta sa isang silid. Kaagad namang sumunod sina Mathew at Mama. "Sino ang ama n'yan?! Akala ko ba matalino ka?! Bakit ka nagpabuntis, ha?! Sino ba yung nakabuntis sa---Yung nobyo mo?! Ano, Mathia?! Yung nobyo mo ba?! Ha?!" Hindi ako nakasagot kundi ay naiyak ako. Muli, nakatanggap ako ng sunod-sunod na malalakad na sampal mula kay papa. Dinig ko ang pagdaing nina mama at Mathew para patigilin si papa. Pero ako, parang balewala lang sa 'kin lahat. "Ano ba?! Nagdadalang-tao ang anak mo!" "Wala akong pakialam!" "Papa! Tama na 'yan!" "H'wag kang mangingialam dito, Mathew! Hayop na lalaking 'yon! Pwes! Ipalalaglag natin 'yang lintek na batang 'yan!" "Ano ka ba?! H'wag mong saktan ang anak mo!" Dinig na dinig ko ang pagpipigil nila kay papa. Bawat sigawan at iyakan nila. Alam ko na hahantong sa ganito kaya ayaw kong sabihin. Pero mabuti na rin 'to. "Sa ayaw at sa gusto nitong babaeng 'to! Ipalalaglag natin 'yang batang 'yan!"Nag-arkila pa ng dalawang L-300 para makapunta ang lahat ng ka-work ko sa bahay. Papunta lang naman then sila na sa pabalik dahil nakisuyo lang naman kami sa kakilala nila.Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan ang mga ka-work ko sa pagdating nila. Nawala yung lungkot ko dahil pinakikita nila sa 'kin na dapat, masaya ako dahil kasama ko sila."Happy birthday, ma'am Nadia!" isa-isang bati nila. Nagpasalamat naman ako bawat isa sa kanila dahil sa pagpunta nila. May mga nagdala ng gifts at ang iba ay wala."Thank you! Enjoy lang, ha? Luto lahat 'yan ni ti—este—Mama," sabi ko sa kanila. Sakto at wala si tita Rama dahil baka mabisto pa niya ako. Abala siya sa kusina sa paglalabas pa ng ibang pagkain.Pinuntahan ko si tita Rama para tulungan."Tita, ano-ano pa po ba ang dapat ilabas? Ako na po ang magdadala," tanong ko sa kaniya."Itong Shanghai, ikaw na ang maglabas nito. Ihahanda ko lang yung ititimpla ko pang juice at baka makulangan. Ako na ang bahala ro'n," sabi niya kaya dinala ko
It's my special day today and I'm so busy right now answering inquiries from email and calls. Magaan ang loob ko today. Hindi ko alam kung bakit? Siguro, dahil birthday ko nga.Malapit na rin naman akong magkaroon ng kasama rito sa admin. Nag-hire na ng bagong HR si Richard kaya susunod na ang mga makakasaka ko rito. Medyo mas dadami nga lang ang work ko as his new secretary.Take note, ha? I'm his first ever secretary.Tinignan ko ang phone ko nang mag-vibrate ito sa ibabaw ng mesa ko. Nang tignan ko kung sino ang nag-text, I saw my mom and my dad's messages. Sa curious ko ay sandali kong tinigil ang ginagawa ko.MOM: Canada, advanced happy birthday!DAD: Hi, my beautiful daughter! How are you! Tomorrow is your special day!MOM: I would like to make you happy but I have some news for you, Canada.DAD: Canada, your mother and I decided to file a divorce due to misunderstanding. I don't want to ruin your birthday present but I don't also want you to be out of this.MOM: I signed the di
"Wow! Thank you, guys! Thank you all so much!" I said to them. Nagpalakpakan sila habang ako ay isa-isa silang niyayakap at pinasasalamatan."Why are you guys here? Anong meron?" tanong ni Richard nang makarating siya. Halos mapuno na kami sa opisina sa dami ng tao."Birthday na po kasi bukas ni Ma'am Nadia, sir. Naisipan lang po namin na kantahan at batiin siya," sagot ni Janice."Oh? Oo nga, 'no? Happy birthday, Nadia!" bati ni Richard. Lihim akong tinignan ni Janice na may kilig, habang ako ay hindi pinahahalata kay Richard na sa simpleng pagbati niya, pinuno na niya ang araw ko."T-Thank you po, sir," sagot ko at saka hinarap ang mga ka-work ko. "Okay, I will invite you all tomorrow after work to celebrate my birthday. Later at lunch, you can all eat what you want sa canteen at ako na ang bahala," sabi ko sa kanila.Nagsigawan at nagpalakpakan sa tuwa ang mga nasa operation group. Lahat ng mananahi, quality control, packers, cutters, guards, utility... lahat, kasama.Syempre, lalo
"A-Ano po? A-Ano pong gagawin ko?" tanong ko ulit. I felt my body shivering in so much kilig."Pakitanggal ng dumi," sabi pa ni Richard. Dahil naniwala siya sa sinabi ko, kunwari na lang na may tinanggal akong dumi sa mukha niya."O-Okay na po," I stuttered. Tinignan ko ang daliri kong dumampi sa mukha niya. This is the very first time na mahawakan ko ang balat niya. I feel... I don't know."Thank you, Nadia. Buti na lang at napansin mo," sabi niya but I didn't answer and gave him a smile.A victorious smile.KANINA ko pa niyuyugyog ang katawan ni Janice sa sobrang kilig habang kinukwento sa kaniya ang nangyari kanina. Nalalaglag na ang suot kong eyeglasses at siya na ang pumupulot no'n."Pwede bang kumalma ka? Naririnig naman kita, e," tanong niya sa 'kin, habang ako ay hindi mapigilang kiligin."I-I just can't believe that I touched his skin, I even talked with him, eat with him. I mean, these were my dreams when I was in States! Grabe talaga, Janice!""Oo na! Wait lang, saan tayo p
"Okay. Anyway, ako na ang bahala sa ibang emails. I'll help you para—""Actually, nakakalahati ko na po, sir. Ako na lang po. Kaya ko naman po e. If ever na kakailanganin ko po ang tulong ninyo, I'll let you know," sabi ko. Ito na naman ako sa pagiging bida-bida."Hmm... okay. I'll go to my office now. Magpo-post ako ng application for HR and admin positions para naman makahanap tayo ng tutulong sa 'yo. Just go to my office if you need some help," sabi ni Richard. Ngumiti at tumango ako sa kaniya bilang sagot.I was to about to turn my head when I heard him calling my name, "Nadia."Kaagad ko siyang nilingunan dahil dito."Yes, sir?" tanong ko."Let's lunch together mamaya," sabi niya bago siya umalis. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Totoo ba?He's inviting me to have lunch with him... again?!Napakagat ako sa labi ko sa sobrang kilig. Yung puso ko, gustong lumundag sa sobrang saya at excitement da
"Hindi naman ako aasa dahil kaya ko. There's a saying, experience is the best teacher. Look what happened to me, Janice, this is the best example," pagbibiro ko saka kami natawang dalawa. "Ayan na yata yung sundo natin. Wow, Nadia, naka-Porsche pa kayo! Ang yaman talaga!" pagmamangha niya. "Ma'am Nad," bungad ni Manong Tadeo nang buksan niya ang pinto sa back seat. Inalalayan ako ni Janice para makasakay. Before pa ako makapasok sa loob ay nakita ko si Richard. He's staring directly on us kaya agad akong pumasok. "Come inside!" pagmamadali ko kay Janice nang bulungan ko siya. Sa gulat at sumunod siya sa 'kin. "Si Richard, he found us." "Huh? Baka mamaya magtanong siya?" tanong din ni Janice. "Hmm... ako na lang ang bahala if ever," sagot ko. "Manong, ihatid po muna natin si Janice then ihatid mo na po ako kay tita Rama after," sabi ko naman kay Manong Tadeo. Marahan siyang tumango paibaba bilang sagot bago kami umalis. HINDI na nakapagtimpi si tita Rama na mabwiset dahil nang pu







