Chapter: Book 2: Chapter 1While I'm unpacking my things, iniisip ko kung ano ang una kong gagawin to get closer to Richard? I mean, I heard from my close friend, Sydney, na ayaw ni Richard sa mga rich girls because only want is his money.I feel pressured, to be honest. Ang hirap naman na hindi ko ipakikilala mismo ang sarili ko sa kaniya. What if... ibahin ko na lang muna ang name ko?From Canada Samson to... ano kaya ang maganda?Nag-isip ako for almost ten minutes nang may pumasok na idea sa brain ko."Nadia. Nadia Rovales," sabi ko sa sarili ko.I will use 'Nadia' from my name 'Canada' and 'Rovales' because that's my aunt's last name sa late husband niya.After kong ayusin ang mga things ko, I started to make a fake resume dahil alam ko ang business ni Richard dito sa Philippines. I stalked his identity already noong nasa States pa lang ako. Now, what I need to do is mag-apply at maging employee niya to get closer to him.While I'm making my fake resume, narinig ko ang pagkatok ni tita Rama sa pinto ng roo
최신 업데이트: 2025-09-29
Chapter: Book 2 - Simula"OMG!"I feel so much excitement as I arrive here in Philippines. Like OMG! Nakarating ako and finally! Magagawa ko na rin ang lahat ng plans ko!Sa sobrang kilig, gusto kong tumalon-talon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. I know na maraming judgmental dito at baka isipin nila na babaliw ako.Na-contact ko na rin si Manong Tadeo to fetch me. Biglaan lang talaga ang uwi ko dahil unexpectedly, may new opportunity na naghihintay sa 'kin dito so I used it para makapunta lang dito sa Philippines."Ma'am Nad? Kayo po ba 'yan?" tanong ni Manong Tadeo nang lapitan niya ako."Hi, Manong Tadeo! Yes, I'm Canada. Canada Samson," I introduced myself to Manong. Mukhang hindi na niya ako natatandaan."Ikaw? You now malaki na, ah? Isasakay ko na ang mga gamit mo," sabi ni Manong bago niya ito gawin."Nasa bahay po ba si tita Rama?" tanong ko."Yes. Yes, Nad."Napapalakpak ako in so much excitement. Makikituloy muna ako kay tita Rama while making my other plans to do. Mahirap na.Sumakay na ako
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Chapter 136A day after our wedding, nagbigay ng suggestion si Draken kung saan kami magha-honeymoon. Kung ano-ano na ang bansang sinabi niya kaya nahirapan ako sa pag-iisip, pero nang mabanggit niya ang Hawaii, may biglang pumasok sa isip ko.At iyon ay magha-honeymoon na lang kami sa isla kung saan niya kami dinala ni Madrid noon.Dahil sa regalo nina Dianne at Aileen, ginamit ko 'yon para sa unang gabi namin ni Draken bilang mag-asawa. Niregaluhan ako ng thong and bra ni Aileen habang si Dianne naman ay lingerie. Si Karen, nagregalo ng pabango para daw kumapit ang amoy sa damit at balat ko. Siguradong hindi raw aalis si Draken sa 'kin kapag naamoy niya 'yon.Napaisip na lang ako na siguradong nag-usap ang mga 'yon para dito. Tsk!Nang makalabas ako ng banyo, nakita ko si Draken na nakaupo na sa ibabaw ng kama habang nakasandal sa headboard nito. Kita ko ang laki ng dibdib niya dahil naka-bathrobe siya.Agad niyang napukaw ang ayos ko at napangiti siya habang tinitignan ako mula paa hanggang ul
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Chapter 135Sa kabila ng pagsubok na naranasan ng pamilya namin, napalitan iyon ng kagalakan sa mga puso namin matapos ang dalawang araw.Sa wakas, tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Draken.Suot ang aking wedding gown, ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng simbahan. Naluluha ako. Nasa tabi ko si Mama na siyang maghahatid sa akin papunta sa altar."Anak, ito na," sambit ni Mama.Ilang sandali pa nang magbukas ang pinto ng simbahan, tumambad sa 'kin ang mga imbitado. Mula sa pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at mga malalapit sa buhay namin ay nandito upang saksihan ang espesyal na araw na ito.Nang tignan ko si Draken, nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa. Simple ang ayos niya pero napakagwapo. Hawak niya ang panyo habang nakatingin sa direksyon ko, pinupunasan niya ang luhang namumuo sa mga mata niya.Sa paglalakad namin nang dahan-dahan ni Mama patungo kay Draken, naluluha na rin ako. Pinipigilan ko pero kusa itong tumutulo. Natutuwa ang puso ko."Ikaw na ang bahala sa anak ko,
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Chapter 134Ilang segundo na ang nakakaraan ngunit walang lumalabas na bala mula sa baril na hawak ni Vanessa. Nagtataka siya kung bakit walang nangyayari.Sinubukan pa ulit ni Vanessa na pindutin ang gatilyo ng baril ngunit wala pa rin'g lumalabas."Bwiset!" sambit niya sa inis dahil walang laman ang magazine ng baril niya.Dahil dito, agad ng kinuha ni Draken ang anak naming si Madrid. Akma pang manlalaban si Vanessa ngunit agad siyang nilapitan ng mga pulis at pinosasan."Anak. M-Madrid, n-nasaktan ka ba? Anak," agad kong pangungumusta sa anak kong si Madrid. Umiiyak siya at dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya sa nerbyos.Ngayon ko lang naramdaman ang tindi ng panghihina ko."Babe," sambit ni Draken nang mapaupo ako sa sahig. Inalalayan naman nila akong mag-ama."M-Mama.""Mathia? Draken? Madrid?"Rinig ko ang boses ni Mama na nag-aalala ngunit dumidilim na ang paningin ko. Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya ang katawan ko.Hindi ko na alam ang nangyari nang dumilim na ang buong paligid k
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Chapter 133Nakasakay ako sa sasakyan ni Draken habang siya ay abalang nagmamaneho. Nakasunod kami sa mga police mobile para habulin ang kinaroroonan ni Vanessa."M-Maaabutan pa kaya natin sila?" buong pag-aalala kong tanong kay Draken."I'm sure na mahahabol pa natin si Vanessa. Carlos is with us. He will lead kung saan pwedeng magtungo si Vanessa now that he has a tracking device," sagot ni Draken.Magkahawak ang kamay ko habang taimtim na nananalangin na sana ay walang mangyaring masama sa anak ko. Ayokong mapahamak siya.Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan namin at ng police mobile. Ilang sandali pa habang nasa gitna ng kalsada, tumunog ang radyo na nakapatong sa tabi ni Draken."Nabakuran ng mga police si Ms. Vanessa Harriet. Hawak niya ang batang lalaki and at may hawak din siyang baril," sabi ng boses lalaki mula sa kabilang linya."Shit!""J-Jusko!"Halos sabay naming sambit ni Draken. Ang puso ko, bumibilis sa tindi ng kaba at takot. Hawak na ni Vanessa ang anak ko!Hindi ko na ala
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Chapter 62Nag-set ng dinner si Oprah dahil pinangakuan siya na babalik si Garrett, ngunit alas onse na ng gabi pero wala pa ito. Nakailang texts na rin siya sa binata ngunit hindi siya nito nire-reply-an. Iniisip ni Oprah na baka kung ano na ang nangyari dito dahil sa underground business nito.Samantala, nakahiga si Garrett sa kaniyang kama habang may hubo't hubad na babaeng nakapatong sa ibabaw niya. Abala ang babae sa pagtaas-baba sa pagkalalaki ni Garrett habang nakapikit na dinadama ang init ng katawan.Kita ni Garrett ang sunod-sunod na pag-ilaw ng kaniyang phone at alam niyang galing ang mga text na 'yon kay Oprah. Hindi niya ito pinansin bagaman labag sa kaniyang kalooban. Kailangan niyang mailayo ang puso mula sa dalaga para hindi siya mahulog dito.KINAUMAGAHAN, sa paggising pa lang ni Oprah ay agad niyang tinignan ang phone upang makita kung nag-reply na ba si Garrett.From 09*********: Sorry, I didn't reply back. I was so busy doing my business. I'm sorry, I didn't make it to have t
최신 업데이트: 2025-07-23
Chapter: Chapter 61Tatlong araw ang nakalipas, sabay na kumakain ng umagahan sina Oprah at Garrett sa condo ng dalaga."I have to go now. I'll be back later," pagpapaalam ni Garrett matapos niyang punasan ang kaniyang bibig at hinalikan ang dalaga sa labi."Okay. Bye. I love you," saad ng dalaga. Tila hindi na ito narinig ni Garrett dahil tuloy-tuloy lamang ito sa paglabas.Samantala, hindi na nagsalita pa pabalik si Garrett kahit na narinig niya ang sinabing iyon ni Oprah. Itinanim niya sa isipan na hindi niya ito mahal, at dahil din sa salitang iyon ay lumakas ang kumpyansa niyang malapit na niyang magawa ang kaniyang plano.Nang mapunta sa parking lot ay sumakay si Garrett sa kaniyang sasakyan at pinaandar iyon kaagad. Importanteng importante ang lakad niya ngayon dahil meron siyang meeting kay Blue Clifford. Pinaghandaan niya ang araw na 'to dahil nais niya itong makita nang personal.Nagtungo siya sa Solaire Worlds and Resorts kung saan gaganapin ang meeting. Hindi nagtagal ay nakarating siya at do
최신 업데이트: 2025-07-23
Chapter: Chapter 60Nagpapa-meeting si Oprah upang pag-usapan at gawan ng paraan ang bumabagsak niyang kumpanya. Kani-kaniyang bigay sila ng kanilang mga idea hanggang sa pumasok sa isipan niya ang isa sa mga nakikita niyang solusyon.Si Garrett.Kung tutuusin ay nais niyang humingi ng tulong dito ngunit nag-aalangan siya. Ayaw niyang makapagbigay ng perwisyo sa buhay ni Garrett."Good evening."Agad binalingan ng tingin ni Oprah kung saan nanggaling ang boses na 'yon."G-Garrett, how's your day?" tanong ni Oprah at mabilis niyang sinara ang laptop. Tumayo siya at sinalubong ng halik sa labi si Garrett. "How's your day?" tanong niya."Good. You?" tanong naman nito sa kaniya pabalik."Good," pagsisinungaling niya. "Napaaga ka yata ng uwi? 5 o'clock pa lang ng hapon, ah? Hindi ba naging busy sa business mo?" tanong ni Oprah."Everything's good," tugon naman ni Garrett at muli ay siniil ito ng halik sa labi."Teka," pag-iwas ni Oprah. "Kagabi lang—""I don't care. I want you now," pagputol ni Garrett at mul
최신 업데이트: 2025-07-22
Chapter: Chapter 59"Oh! Fuck!" daing ni Garrett habang nasa kalagitnaan siya ng init ng katawan.Nakahawak siya sa balakang ni Oprah habang padapa itong binibigyan ng kasiyahan."O-Oh! I-I'm c-c—Oh! Ugh!" daing naman ni Oprah nang maramdaman na niya ang mainit sa kaniyang loob. Namamawis siyang bumagsak sa kama sa panghihina sa sarap.Tumabi sa kaniya si Garrett habang parehas silang hingal na hingal sa mainit na gabing ito. Kinumutan at niyakap ni Garrett ang dalaga dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ito.UNTI-UNTING minulat ni Oprah ang kaniyang mga mata at napagtantong nakaharap siya sa binatang si Garrett. Halos nakasuksok ito sa katawan ng binata habang parehas silang hubo't hubad na natatakpan ng kanilang kumot.Dahan-dahan itong tinignan ni Oprah. Sinilayan niya ang tulog na si Garrett habang iniisip na hindi niya aakalain na may mararamdaman siya para sa lalaking ito.Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Bukod sa gwapo, macho at mayaman ay ilang beses siya nitong niligtas sa kapahamakan.
최신 업데이트: 2025-07-22
Chapter: Chapter 58Makalipas ang isang linggo, naging maayos at walang dumating na gulo sa buhay nina Oprah at Garrett. Matapos rin'g mailibing si Steve ay unti-unti itong tinatanggap ni Torrie."Did you enjoy the food?" tanong ni Garrett habang naglalakad sila ni Oprah palabas ng restaurant."Yes. Thank you for bringing me here," sagot naman dito ng dalaga habang nakangiti nang malapad.Sa bawat araw rin na nakalipas, bagaman problemado pa rin si Oprah sa kaniyang kumpanya ay hindi pa niya maaalis na si Garrett ang nagbibigay saya sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay safe na safe siya.Pinagbuksan ng pinto ni Garrett si Oprah upang makasakay sa passenger's seat at saka siya sumakay sa driver's seat."Garrett, mag I ask you something?" tanong ni Oprah."Go ahead.""Hmm... Pwede bang... Umalis ka na kung saan ka nagtatrabaho? I mean sa underground business na sinabi mo sa 'kin noon," tanong ni Oprah."Bakit mo 'ko gustong umalis?" tanong naman pabalik ni G
최신 업데이트: 2025-07-22
Chapter: Chapter 57"Oh my gosh," sambit ni Oprah habang binabasa ang report na nanggaling mula sa pulis sa pagkamatay ng kaniyang secretary.Nakita niya na ang sanhi nito ay ang bala na nasa noo ni Ely. Wala pa rin silang lead kung kanino ito galing dahil hindi rehistrado ang baril na ginamit."Oh my gosh..." tanging sambit ni Oprah habang nakatakip ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Naluluha siya sa lungkot dahil sa pagkawala ng sekretarya niya. Kahit na wala pang isang taon na nakasama ito, aminado siyang magaling ito sa trabaho.Sa kalagitnaan ng kaniyang 'di makapaniwalang nararamdaman, nag-ring ang phone niya at nakita ang name at number ni Torrie."Hello, To—""O-Oprah... Oprah, s-si Steve..." humihikbing sambit ni Torrie sa kabilang linya."A-Anong nangyari? Torrie, bakit?" kinakabahang tanong ni Oprah habang nag-aalala sa kaniyang kaibigan."S-Si Steve, p-patay na siya."SA SOBRANG pag-aalala ay agad nagtungo si Oprah sa bahay ni Torrie. Nadatnan niya itong nakatulala habang patuloy na um
최신 업데이트: 2025-07-21
Chapter: Chapter 25"Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj
최신 업데이트: 2025-09-08
Chapter: Chapter 24Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig
최신 업데이트: 2025-09-02
Chapter: Chapter 23Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong
최신 업데이트: 2025-09-01
Chapter: Chapter 22"Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew
최신 업데이트: 2025-08-31
Chapter: Chapter 21Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."
최신 업데이트: 2025-08-31
Chapter: Chapter 20Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa
최신 업데이트: 2025-08-29
Chapter: EpilogueHuminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay.“Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.”“Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa.Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio.Sumunod din kalaunan si Dahlia at pumun
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Kabanata 62Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Kabanata 61Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Kabanata 60"Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Kabanata 59"Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro."Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo
최신 업데이트: 2025-09-27
Chapter: Kabanata 58"Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma."S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay."Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan
최신 업데이트: 2025-09-27