"Umalis ka!" sigaw ko pero agad akong napadaing nang iharap niya ako sa gawi niya. Nakahawak siya ngayon sa magkabila kong braso at tinitigan ako nang matalim sa mga mata ko."I fucking told you, you are fucking mine, Mathia. Akala mo ba, mapapaalis mo 'ko sa buhay mo ng gano'n-gano'n na lang? Matapos lahat ng pinagsamahan natin, itatapon mo na lang 'yon?" matigas niyang tanong sa 'kin."B-Bitiwan mo 'ko, Draken! N-Nasasaktan ako!" sigaw ko habang pilit kumakawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa 'kin."Kung kailangang ibalik ko sa dati ang lahat, gagawin ko. Mathia, akin ka lang. Akin ka lang!""You're just fucking obsessed, Draken! Bitiwan mo 'ko! Hindi na ikaw yung Draken na nakilala ko! A-Ano ba?" sabi ko naman dito."Hindi mo pa ako kilala, Mathia. If you want, then I'll fucking introduce to you myself," sabi pa niya.Hindi na ako nakapalag pa nang halikan niya ako nang mapusok sa labi. He's aggressively wants to own me. Wala akong kalaban-laban. Mas lalo akong nanghihina sa tuw
Nagsabay kami ni Richard na mag-lunch sa iba namang restaurant. Tumanggi nga ako kanina dahil nahihiya ako sa kaniya at sa mga tauhan niya. Baka kung ano ang isipin nila sa 'min. Pinilit niya ako nang pinilit kaya pumayag na lang ako."Nagpunta sa bahay si tita mo kanina," pagbubukas ko ng topic habang kumakain kami."Really? Bakit naman daw?" tanong niya."Humihingi ng sorry at gusto niya akong bumalik sa buhay ni Draken," paglalahad ko."Biglang nag-shift si tita, ha?""Oo nga e. Hindi na raw kasi umuuwi si Draken sa kanila. Minsan lang pero lasing na lasing pa."Sandaling napaisip doon si Richard at saka nailing. Tila hindi siya makapaniwala sa kuwento ko."He wants you back. Bakit hindi mo balikan?" tanong niya."H-Hindi ko alam e," nag-aalangan kong sagot dahil maski-ako, hindi ko alam kung tama ba ang magiging desisyon kong 'yon."You will know once you answer the question, do you still love him?"Hindi ako nakaimik sa tanong na 'yon. Paulit-ulit kong iniisip ang tanong na 'yon
Maagang pumasok sina Madrid at Matthew habang ako, abala pa sa pagkain. May quiz pa raw ang anak ko sa school kaya magre-review pa raw ulit siya sa school."Alis na po ako, 'ma," paalam ko matapos kong kumain."O sige, anak. Mag-iingat ka, ha? Ako na ang bahala r'yan," sabi naman ni mama na abala sa kusina.Kinuha ko na ang bag ko at saka naglakad palabas ng bahay. Sa pagbukas ko pa lang ng pinto, napako sa paningin ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan ng bahay namin. Kitang kita ko ang mukha niyang parang nangungusap at parang maamong tupa."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa ina ni Draken, si Raquel. Siya lang ang pumunta rito dala ang isang kotse."M-Mathia, b-bumalik ka na sa anak ko, p-please?" pagmamakaawa niya sa 'kin.Totoo ba 'tong nakikita at naririnig ko?Hindi ba ako binabangungot?"Bakit parang nag-iba yata ang ihip ng hangin? Pinababalik mo 'ko sa anak mo? E 'di ba, ikaw nga 'tong gumawa ng dahilan para paghiwalayin kaming dalawa?" tanong ko sa kaniya at saka napa
"Kanina pa po ba siya gan'yan?" tanong ko kay mama habang abala kaming dalawa sa paghihiwa para sa lulutuin naming ulam."Noong sinundo ko, gan'yan na siya. Hindi ko nga alam kung pati sa eskwelahan, gan'yan siya katahimik e. Nakita mo naman na pinakakain ko kanina pero ayaw. Kung sumubo pa sa kutsara, kakapiranggot," paliwanag pa ni mama."Dapat siguro, maglaan muna ako ng time sa anak ko para hindi siya ganito," sabi ko."Bakit hindi mo kaya muna siya hayaang makita ang papa niya? Iyon lang naman ang gusto ni Madrid e," tanong naman ni mama. Hindi ko siya inimikan dito. "Kung patuloy na maggagan'yan si Madrid, kailan pa siya babalik sa pagiging masigla niya? Baka manghina ng tuluyan 'yan lalo na't hindi siya kumakain nang maayos.""Mama, kukunin ni Draken ang anak ko.""Kausapin mo siya nang maayos, anak. Kung hindi na kayo magkakabalikan pa, karapatan pa rin ni Draken na makita ang anak ninyo dahil siya ang ama. Hindi mo naman pwedeng ipagkait sa bata ang gusto niyang makasama ang
"Let's eat somewhere," pagyayaya ni Richard nang puntahan niya ako sa admins' office. Sandali ko munang iniwan ang computer ko at saka tumayo."Sure. My treat," offer ko."No, Mathia. I insist. May malapit na restaurant dito. Masasarap ang food. Wanna see?" tanong nito."Sure," nakangiti kong sabi at saka kami umalis. Sumakay kami sa sasakyan niya at saka niya na 'yon pinaandar paalis."You look still fresh. Mukhang hindi ka nahirapan," sabi nito habang nakatuon sa pagmamaneho."Salamat, pero medyo nahirapan din ako. Yung mga 'di ko alam, sinulat ko para hindi ko makalimutan. Well, this is my first day so I think, normal lang naman 'to," sabi ko naman sa kaniya."Yeah. For sure, wala pang isang buwan, makukuha mo na 'yan," sagot naman nito. Nagbato na lamang ako ng ngiti sa kaniya bilang sagot.Matapos lang ang limang minuto, nakarating na kami sa sinasabi niyang restaurant. Pinarada niya ang sasakyan at saka kami bumaba. Sa design pa lang ng restaurant, pang-instagr*mable na.Pumasok
"Hindi ka naniniwala sa 'kin?" tanong nito."Ang tanong ko ang sagutin mo," sambit ko naman sa kaniya."M-Mama. P-Papa, stop this, please," pakiusap naman ng anak namin."Madrid, pumasok na tayo sa loob. Paparating na ang lola. Tara na," pagyayaya ko sa anak ko.Tumalikod na ako kay Draken dahil mukhang hindi naman niya kayang sagutin ang tanong ko. Nagbitiw ako ng isang matalim na tingin sa kaniya bago ko siya tuluyang talikuran."If you don't want me anymore, fine. I will never bother you again," rinig kong sambit ni Draken. "But I will get my son."Sinara ko na ang pinto at hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Sumandal ako sa pinto at dinig ko ang pagbukas, pagsara at pag-alis ng sasakyan ni Draken.May bigat na biglang kumurot sa puso ko matapos ang sagutan naming dalawa. Umaakyat ang emosyon ko at gusto ko ng maluha pero hindi ko hinayaan."M-Mama, si papa po..." sambit ng anak ko pero wala ako sa sariling napatitig sa mukha niya. Punong puno na ito ng luha at panay rin ang