Share

Chapter 6

Oras na ang nakalipas simula ng ipasok si lola sa loob ng or para operahan. Nananalangin, ayan ang tangi kong nagagawa habang nag aagaw buhay si lola sa loob ng or. Sana okay lang si lola, hindi ko kakayanin pag nawala si lola. Hindi ko muna iniisip kung magkano ang babayaran namin sa pag opera kay lola, ngunit alam kong malaki-laki ang kakailanganin kong pera para sa magiging bill ni lola dito sa Hospital.

“Okay na ba ang lola mo?” tanong ni ate janet ng makarating ito sa kinauupuan ko. Sumunod din pala ito sa akin. Tumingin ako kay ate janet at unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.

“Hindi ko pa po alam, hindi pa tapos ang operasyon. Pero sana'y maging okay si lola.” sambit ko at ipinikit ang mga mata habang pinupunasan ang mga luha. Naramdaman ko ang kamay ni Ate Janet na tinatapik ang likuran ko.

“Huwag kang mag alala, magiging okay din ang lola mo.” pagpapagaan sa loob ko ni Ate Janet. “Nag i-imbestiga na ang mga police sa bahay niyo at mukang nanakawan kayo. Marahil nais pigilan ng lola mo ang mga mag nanakaw kaya siguro nasaksak ang lola mo.” tumango naman ako kahit lumulutang ang utak ko sa kawalan.

Tumayo na si ate Janet. “Sige mauna na muna ako, ako na muna ang bahala sa pag aasikaso sa bahay niyo, habang iniintay mo ang lola mo na makarecover.” tinapiktapik nito ang balikat ko saka tuluyang umalis.

Makalipas ang ilang oras na pag iintay ko rito sa labas ng or. Lumabas narin ang doctor na nag opera kay lola. Lumapit ito sa akin saka ipinaliwanag kung anong nangyari kay lola.

“ Successful ang operasyon at nasa mabuting kalagayan na ang pasiyente. Kasalukuyan din wala pang malay ang pasiyente. Mabuti at nadala niyo kaagad ang pasiyente rito sa hospital dahil mabilis naming naagapan at natahi ang sugat ng pasiyente sa kaniyang tiyan. Malalim ang kutsilyong ginamit sa pagsaksak sa pasiyente dahil para madamay din ang mga intestine ng pasiyente sa loob ng kaniyang katawan, kaya kinakailangan din namin itong tahiin. Luckily naka survived naman ang pasiyente. Sa ngayon inililipat nalang namain ang pasiyente sa room nito.” ani ng doctor na nag opera kay lola.

“Magkano po ang babayaran namin sa pag opera kay lola?” tanong ko habang nakatingin sa doctor na nag opera kay lola.

“Hindi ko pa masasabi sa ngayon ang babayaran niyo sa pag opera sa pasiyente. Ngunit kakailanganin niyo ng malaking pera para sa pambayad sa operasyon. Bukod pa ang tagal ng pag confine ng pasiyente rito sa hospital.” tumango-tango naman ako. Saan kaya ako makakakuha ng pera pang bayad. Muka wala na ang perang naipon ko dahil gaya nga ng sinabi ni Ate Janet nanakawan kami.

“Maari ko na po bang makita ang lola ko?”

Tumango naman ang doctor. “Nasa isang facility na ang pasiyente. Medyo sensitive pa ang pasiyente padil kakaopera palang namin dito. Ngunit maari mo naman ng makita ang pasiyente.” saad ng doctor at nagpaalam ng umalis. Nag pa assist naman ako sa isa sa mga nurse dito sa ospital para makita ko si lola at makamusta ang kalagayan nito.

Kaagad akong lumapit kay lola ng makita ang kalagayan nito habang walang malay na nakahiga sa kama. Naupo ako sa tabi ni lola at hinawakan ang isa nitong kamay. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang walang malay na muka ni lola.

“La, pagaling ka ha. Huwag mo muna ako iiwan gawa ng ginawa ng mga magulang ko. Ikaw nalang ang tanging meron ako at hindi ko kakayanin pagnawala kapa la. Susuklian ko pa lahat ng paghihirap mo sa akin. Bibigyan pa kita ng magandang buhay. Kaya la laban lang, pagaling ka ha.” wika ko habang tumutulo ang mga luha ko. Marahan kong hinahawakan ang malambot na kamay ni lola.

Nakalimutan ko ng may klase pa pala ako ng alas tres ngunit mas pinili kong manatili dito sa hospital upang bantayan si lola and isa pa hindi ko naman kakayaning pumasok ngayon dahil sa dinadala ko ngayon.

Dahil sa pagod isinubsub ko nalang ang ulo ko sa higaan ni lola at ipinikit ang mga mata para makapag pahinga. Kailangan kong mas mag trabaho pa ng maigi dahil saan ako kukuha ng pera para sa magiging bill namin ni lola dito sa hospital. Iniisip ko palang kung kakayanin ko bang mag trabaho ng magtrabaho habang nag aaral, marami panaman akong kakailanganin na gamit sa school para sa mga projects ko. Kakaisip ng mga bagay-bagay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko dahil sa may tumatawag. Hinagilap ko ang cellphone ko habang humihikab at nagpupungay-pungay pa dahil kakagising ko palang. Nakuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko tiningnan ko kaagad ito. Shiela is calling. Kaagad ko naman itong sinagot.

“Te, ba't di ka pumasok sa klase? Anong nangyare sa'yo?” bungad na tanong ni Shiela sa tawag pagtapos kong sagutin ang tawag nito.

“Sorry hindi ako nakapasok. Nasa hospital kasi ako. May masamang nangyari lang. May pinapagawa ba si ma'am pasend nalang para makagawa rin ako.” ani ko habang tulala sa kawalan. Ngayon palang na s-stress ako.

“Wala namang pinagawa si ma'am, but anong ginagawa mo jan sa hospital and anong masamang nangyari? Okay ka lang ba?” alalang tanong ni Shiela sa kabilang linya.

“Si lola, nasaksak.” malumanay kong saad dahil ramdam kong tutulo nanaman ang luha ko. Sana pala'y sa'kin nalang nangyari ang naranasan ni lola. Para ako nalang ang nasakalagayan ni lola.

“Hala te!, ano okay kalang ba? Puntahan kita jan. Waut hintayin mo ako. Pupunta ako jan. Kamusta na ang lola mo? Okay lang ba siya?” tarantang ani ni Shiela sa kabilang linya. Maalalahanin talaga ang kaibigan kahit kailan.

“Okay na si lola, naoperahan na kanina. Iniintay nalang gumising.”imporma ko at napahinga ng malalim. Wala pa pala akong tanghalian kaya pala nakakaramdam ako ng gutom.

“Mabuti naman, sige on the way na'ko. Babye.” ani ni Shiela at pinatay na ang tawag. Tumayo muna ako para bumili ng makakain sa canteen dito sa hospital dahil kumakalam na ang sikmura ko. Magkano nalang ba ang pera ko dito. Binilang ko ang perang nasa bulsa ko. Tatlong daan nalang pala ang pera ko. Kailangan kong magtipid. Lugaw nalang ang binili ko sa canteen dahil ayon lang ang tanging murang pagkain na nandoon.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil walang nag babantay kay lola. Hindi ko na kinaya ang gutom kaya iniwan ko muna doon si lola panandalian. Pagbalik ko sa room ni lola ganon parin at walang pinagbago. Bumalik na ako sa pagkakaupo sa may tabi ni lola. Habang wala akong ginagawa sa loob inayos ko nalang ang ilang gamit na andito sa loob.

Maya-maya pa'y tumunog muli ang cellphone ko. Si shiela parin ang tumawag. Tinatanong kong anong room ni lola, dahil nasa baba na siya.

“Okay kalang te?” tanong ni Shiela pag pasok nito sa loob ng room ni lola. May bitbit pa itong prutas na nakalagay sa basket. Saka ibinigay sa akin.

“Okay lang ako, si lola ang hindi.” ani ko at iniabot ang ibinigay nito. Kumuha naman ako ng isang mansanas at kinain ito. Gutom pa kasi ako kulang pa ang lugaw na binili ko kanina.

“Ano bang nangyari bakit nasaksak ang lola mo?” curious na tanong nito saka naupo malapit sa kinauupuan ko.

“Nanakawan ang bahay namin.” simple kong sagot saka pinunasan ang mansanas gamit ang damit ko. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit na suot. Puro mantsa ng dugo pa ito. “Pede bang ikaw muna ang magbantay kay lola? Uuwi lang ako para kumuha ng mga damit sa bahay at mga gamit na kakailanganin ni lola.”

“Oo ba, okay lang sa'kin. Wala naman akong gagawin ngayon.” sagot ni Shiela. Nagpaalam na ako at lumabas ng kwarto ni lola. Lumabas na rin ako ng hospital at sumakay ng jeep pauwi sa amin.

Pagdating ko sa bahay. Tahimik na at maayos narin ang mga gamit wala na rin ang dugo sa kusina at cr. Malinis na rin at hindi na makalat. Siguro'y nilinisan na rin ito ni Ate janet. Pumasok ako sa kwarto ko para tingnan ang perang tago ko rito. Nagbabakasakaling hindi ito nakuha. Ngunit napabuntong hininga nalang ako ng wala na ito sa taguan ko.

Kumuha nalang ako ng damit at pumasok sa cr para mag hilamos ng katawan. Pagtapos niyan ay nagpalit na ako ng damit at kumuha ng mga gamit na kailangan ko. Dinala ko na rin ang mga gamit ko sa school. Sa hospital na ako gagawa habang binabantayan ko si lola. Lumabas na ako ng bahay bitbit ang mga gamit ko at inilock ang pinto.

Nakarating ako sa Hospital na maraming dala-dala. Sumakay na ako ng elevator para hindi na ako mahirapan sa pag bitbit. Pag punta ko sa floor kung saan naka confine si lola. Sumalubong sa akin ang isang nurse.

“Kayo po ba ang relative ng nasa Room 35?” tanong nito habang nakatindig ang tayo at may hawak-hawak na papel at ballpen.

“Opo ako nga po?” sagot ko dito. Inilahad nito ang hawak-hawak na papel at iniabot sa akin. Nangunot ang noo ko kung para saan ito.

“Ito ang mga babayaran niyo sa pag opera sa pasiyente.” Kinuha ko ito at tiningnan ang papel. Nanlaki ang mga mata ko at nanlambot ang tuhod ko dahil sa presyo ng babayaran namin sa pag opera kay lola. Umaabot ito ng isang milyon bulod pa ang magiging bill namin kung ilang araw o linggo kami dito sa hospital. Nalimutan kong private nga pala ang hospital na ito kaya mahal ang bayarin. Mukang mangangapos at mamumulubi ako nito. Napa buntong hininga nalang ako.

Umalis na ang nurse sa harapan ko. Matamlay akong pumasok sa room ni lola dala-dala ang mga gamit na kinuha ko mula sa bahay.

“Salamat sa pag bantay kay lola.” ani ko kay Shiela at napasalampak sa upuan. Saan naman kaya ako kukuha ng isang milyon?

“Ba't naman ang tamlay mo? Anong nangyari?” takang tanong ni Shiela habang nakatitig sa akin. Pansin siguro ang pagiging matamlay ko. Nanlalambot ako lapag naiisip ko kung magkano at saan ako kukuha ng pangbabayad sa hospital.

“Hindi ko alam kong saan ako kukuha ng pambabayad ko sa pag opera kay lola. Kailangan ko ng malaking pera para makabayad.” wika ko sa matamlay na tono. Nakakapanghina pala ang ganito. Ngayon palang stress na stress na ako.

“Magkano ba ang babayaran niyo?” sumandal ako sa sandayan ng upuan at ipinikit ang mga mata.

“Isang milyon.” sagot ko habang nakapikit at nirerelax ang sarili kahit papaano.

“Isang milyon!” gulat na sigaw ni Shiela. “Grabe naman ang laki naman noon?.” ani ni Shiela na hindi makapaniwala.

“Kaya nga, hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng isang milyon.” nananatili paring nakasara ang aking mga mata habang nakasaday sa upuan.

“Mukang hindi kita matutulungan jan te. Di'ko kerry ang isang milyon. Grabi ang laki non.” saad ni shiela na hanggang ngayon hindi parin makapaniwala sa halaga ng babayaran namin sa pag opera kay lola. Kahit naman ako hindi makapaniwala sa halaga nito.

“Okay lang, ako na ang bahalang dumiskarte para makalikum ng isang milyon.” paano nga ba ako makakakuha ng isang milyon. Fifty thousand pa nga lang ang pinaka malaki kong naipon sa loob ng ilang buwan.

Paghindi ako nakabayad hindi pwedeng makalabas si lola mula dito sa Hospital. Mas lalong lalaki ng lalaki ang babayaran namin dahil sa pananatili namin dito sa hospital. Kaya kailangan makabayad kaagad ako para hindi na mas lalong lumaki ang babayaran namin.

“Wala bang discount yung babayaran niyo? Kahit man lang sana ten, twenty or fifty discount para naman kahit papaano lumiit-liit yung bayarin niyo. Wala ba silang free jan para sa mga taong kapos?”

Iminulat ko na ang mga mata ko at kumuha ulit ng mansanas sa basket na dala-dala ni Shiela kanina pagpunta nito. Kumukulo nanaman kasi ang tiyan ko. Hanggang ngayon gutom parin ako.

“Malaki naman siguro ang kinikita ng Hospital na'to wala man lang ba silang free para sa mga walang pambayad, try mo kayang kausapin yung may ari ng Hospital baka pagbigyan ka na paliitin ang babayaran niyo? Or baka mamaya hindi na kayo pagbayarin dahil maawa sa iyo.”

“Pede rin.” Shiela is right i'll try to talk to the owner of this Hospital and beg for discount. Kahit magmuka akong kaawa-awa. Para lang bumaba ang babayaran namin. Ngunit paano ko nga ba kakausapin ang nay ari ng Hospital na ito.

Sino ba ang may ari ng Hospital na'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status