Share

Chapter 21

Tipikal na unang araw ng pasukan. I was just silent here in my seat, sa bandang likod. Kakaunti pa lang ang mga nasa room. Sampu pa lang yata kami at ang nasa tabi ko ay kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap sa aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tahimik na pagtatanong sakaniyang panaka-nakang sulyap. 

"Uhm, ang ganda ng bag mo. Givenchy iyan, 'di ba? At mukhang legit! Mahal iyan, ah!" eksahadera niyang sinabi. Napalingon pa sa aming banda ang ilang naroon. 

"Hmmm... mura lang. Hundred thousand." I shrugged. 

Nalaglag ang panga niya at namilog pa ang mga mata. "Grabe! Napakamahal pala talaga. Limang taon ko ng allowance iyon, ah." 

Her wavy shoulder length hair emphasized her small face. May kaunting bangs. She looked like a Korean. She's kinda cute. 

I just smiled at her. 

"Uhm, Camille nga pala. Mukhang hindi ka rito nag-senior high. Hindi pamilyar ang mukha mo. Saan ka galing?" Nanliit ang kaniyang mga mata at tila sinusuri ako. 

"Sa Manila ako. Nilipat ako rito ni Dad dahil... dahil gusto ko lang. Mukhang masaya kasi rito." I faked a smile. Alangan namang sabihin kong dahil parusa ito ng aking ama? 

Ngumuso siya at tumangu-tango. Nanatili ang tipid kong ngiti sa aking labi. Kung sa ibang pagkakataon, malamang ay si Vicky ang kausap ko ngayon. 

"Nakita ko na kasama mo si Nabrel Trenuver? Iyong civil engineering student? Hinatid ka niya. Kayo ba?" aniya sa tonong kuryoso talaga. 

Napairap ako habang natatawa nang tipid. "Hindi, ah! Driver ko iyon." I rolled my eyes while laughing. 

So he's a civil engineering student? Hindi ko naman iyon naitanong sakaniya dahil baka isipin pa niyang interesado ako. 

Engr. Trenuver? Sounds good, huh? Ano? Magtatayo ba siya ng gusali sa gitna ng karagatan ng Belleza Eterna? 

Nakakunot lamang ang noo ni Camille. "Hmmm." Ngumuso siya at tumitig sa kawalan. "Sabagay. Sila nga pala ni Lily. Bakit ko ba naisip na kayo?" Humalakhak siya. 

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. 

"What? Pero si Blair ang girlfriend niya!" Napasinghap ako at napasandal na lang sa aking kinauupuan. 

Who the hell is Lily? Hindi ba't si Blair ang girlfriend niya? Ang dami, Nabrel, ah! Isa-isa lang! Matinik ba talaga ang mga mangingisda rito? Hindi lang pala isda ang matinik! 

"Huh? Hindi, ah! Magkaibigan lang sila. Si Lily pa nga ang nanligaw kay Nabrel. Bago mag-summer, naging sila ni Lily!" 

"Are you sure?" Salubong na salubong ang kilay ko, nagtataka at naiirita. 

"Oo naman, no! Kaklase sila ng ate ko! At maganda rin naman kasi si Lily kaya talagang hindi pinalampas ni Nabrel. Anak iyon ng mayor sa kabilang bayan." 

Natulala ako habang nakikinig. 

May girlfriend siya! Pero nanghahalik ng iba habang bakasyon? Ibang klase ka, Nabrel! At sinabi pa niyang may crush siyang may boyfriend na. Iyong Hailey! At may Amethyst pa! Tapos ngayon malalaman kong may totoong girlfriend siya! 

Hindi nabura sa isip ko ang nalaman. Triple ang iritasyon ko nang makita si Nabrel na naghihintay sa labas ng room nang oras na ng uwian. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa sasakyan. Tahimik lamang ako. Ni hindi ko siya sinipat kahit dinig ko ang panaka-naka niyang tikhim na tila ba nagpapapansin sa akin habang nagmamaneho. 

Sa irita ko ay padabog kong sinara ang pintuan ng sasakyan pagdating sa mansiyon. I didn't say anything. I didn't even look at him! Ramdam ko ang pagtaas ng presyon ko at mainit na talaga ang ulo ko. 

Hanggang sa sumunod na araw ay hindi nabura ang init ng ulo ko para kay Nabrel. Iniisip ko na ngang sisantihin siya dahil naaalibadbaran na ako sa pagmumukha niya. 

Nang nasa biyahe kami, mukhang napansin niya na talaga ang kakaibang mood ko at nagawa niya nang punahin iyon. 

"Tahimik ka? Kanina ka pa hindi nagsasalita riyan. Baka mapanis laway mo," aniya sa malamig ngunit may aliw na boses.

Matalim ko siyang tinignan sa rear view mirror. Ang mangingisdang fuckboy na ito! 

"Okay nang mapanisan ng laway kaysa naman ikaw ang makausap. Tss! Babaero!" Humina ang boses ko sa huling salita kasabay ng pagbaling ko muli sa bintana. 

"May ginawa ba ako, Talianna? Kahapon ka pa kasing walang imik." 

Iritado ko siyang nilingon at nakitang nasa daan lang ang kaniyang tingin.

"Wala! Ano bang ginawa mo? Wala akong imik dahil hindi naman kita kailangang kausapin. Ang trabaho mo lang ay ang ipagmaneho ako. Hindi na kailangan pang mag-usap." 

"Huh? Ang dami mo naman sinabi, Talianna. Nagtanong lang-" 

"Shut up, Nabrel! God! Pati boses mo nakakairita!" 

Pumalatak siya at umiling. Bumagal ang takbo ng sasakyan at itinabi niya iyon sa gilid ng kalsada. Natatanaw ang dagat sa kaliwang parte at sa kanan naman ay ang malawak na taniman.

"And why did you stop the car?" maarte kong sambit. 

"Ano bang problema, Talianna?" Seryoso ang kaniyang boses. Nakatingin lamang kami sa isa't isa mula sa rear view mirror. Kitang-kita ko ang mariin niyang titig sa akin. 

Kinagat ko ang aking labi at dahan-dahang pinakawalan ang aking paghinga. 

"Wala..." bulong ko ngunit matalim pa rin ang titig sakaniya. 

"Hindi ako naniniwala. Sabihin mo. Anong problema?" 

"Wala nga!" Nanginig ang boses ko at nag-iwas ng tingin. Tinikom ko na lamang ang aking bibig... dahil baka kung ano pang masabi ko. 

"Ang labo mo," he uttered under his breath. 

"Ano kamo?" Singhal ko ngunit natigilan nang tumunog ang kaniyang cellphone na nakalapag sa dashboard. Isang sulyap ang binigay niya sa akin bago niya iyon sinagot. 

"Lily... hindi ako pwede mamaya... baka hindi rin. Pasensiya na." 

Hah! Hinahanap na siya ng tunay na girlfriend.

At hindi ba sinabihan ko na siyang huwag sasagot ng tawag sa tuwing nasa trabaho? Sinusuway niya ako! 

"Patayin mo ang tawag na iyan, Nabrel," mariin at malamig kong utos sakaniya. 

Hindi niya ako sinagot ngunit ibinaba niya nga ang kaniyang telepono at nilapag muli sa dashboard. He stared at me through the mirror. 

"Ano? Hinahanap ka na ng girlfriend mo? Iyong totoong girlfriend mo?" I snorted and rolled my eyes. 

"Girlfriend? Wala nga akong girlfriend, Talianna. Hindi ba't nasabi ko na sa'yo iyan noon?" aniya na tila ba gulung-gulo sa akin. 

"Oh, come on! Pero sinungaling ka. Hindi ko alam kung bakit ka nagsisinungaling tungkol sa bagay na iyan." 

"Ano bang sinasabi mo? Tingin mo nagsisinungaling ako sa'yo? Tingin mo ba?" 

"Yes! Someone told me na girlfriend mo raw iyong Lily. Iyong anak ng mayor sa kabilang bayan. Bakit mo dine-deny?" 

Hindi na ako magugulat kung biglang mabasag ang salamin na nagsisilbing daan sa titigan namin dahil sa mga mata naming parehas nanghahamon. Sa sobrang iritasyon niya ay nilingon niya na ako nang tuluyan dito sa likod. 

"Hindi ko girlfriend si Lily, Talianna. Kaibigan at kaklase ko lang siya. Sino bang nagsabi sa'yo ng bagay na iyan?" His voice was filled with so much annoyance. 

"Lahat na lang kaibigan mo! Ganiyan ka ba klaseng kaibigan? Nanghahalik? Si Blair na sinasabi mong kaibigan lang pero hinahalikan mo naman!" Hindi ko na maitago pa ang akusasyon sa aking tono. 

"Anong nanghahalik? Kailan ko hinalikan si Blair?" 

"See! You're denying it again! Kitang-kita ko iyon, Nabrel! Sa hardin ng mansiyon namin!"

Ilang sandali siyang tumitig lang sa akin. Tila hindi siya makapaniwala sa narinig at hindi niya iyon inasahan. Itatanggi niya pa ba? 

Nag-iwas siya ng tingin at umayos ng upo. 

"Hindi ko siya hinalikan," aniya sa mababang tono at diretso lamang ang tingin sa harapan. 

"Liar..." My voice was almost too soft for him to hear. Kinagat ko ang aking labi nang manginig ito. 

"Hindi ko siya hinalikan," mas mariin niyang sinabi at sinalubong muli ang tingin ko sa salamin. 

"Siya ang humalik sa akin. Magkaiba iyon, Talianna. Sinabi niya sa akin noong gabing iyon ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin pero... hindi kami pareho, Talianna. Walang namamagitan sa amin ni Blair kundi pagkakaibigan lang. At kung anuman ang naririnig mo, lalo na ang tungkol kay Lily... hindi iyon totoo." 

Natahimik ako sakaniyang sinabi. Hindi ko alam ngunit... may naramdaman akong init sa aking puso. Tila ba kumalma ito. Tila ba naging maginhawa ang lahat... 

Lumunok ako at bumaling na lamang sa bintana. Tumitig ako sa karagatan. Pinaawang ko ang aking labi at pinakawalan ang aking pinipigilang paghinga. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit...

Hindi ko alam...

"Maniwala ka sa akin, Talianna. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Hindi ako kailanman magsisinungaling." 

Sa loob ng isang buwan, unti-unti kong pinagsisisihan ang pagkuha ng kursong ito. Why the hell did I choose architecture?

Tingin ko ang tanging nakatulong sa akin na napag-aralan ko noong high school ay ang kaalaman tungkol sa autocad at developing plans or sections. Maybe... high school helps with the technical and overall idea of what architecture is.

I didn't take the entrance exam. Kinausap ni Dad ang management ng eskwelahan. To think na may 75 ako noong senior high at hindi qualified ang isang estudyanteng may 75 sa eskwelahang ito. 

May 75 ako pero ang kapal ng mukha kong mag-architecture! Binalak ko pa nga na mag-law! 

I don't know if that would make me happy though. Using my father's influence... for my own good. Para sa karamihan, hindi iyon patas. He's one of the board members of this school kaya naging madali para sa akin ang makapasok na hindi na kinakailangan pang mag-exam.

If you want something, just let your money do it. But if you want something, and you're impecunious, tapos na ang laban.

Malungkot isipin ngunit iyon ang katotohanan. Makapangyarihan ang pera. Kapag mayroon ka niyon, luluhuran ka ng marami. Sasambahin ka nila. Ang maganda lang siguro sa pagkakaroon ng pera ay iyong naitutulong mo ito sa iba. But of course, many people use their money for some horrendous and appalling things... 

Money makes you feel predominant. But it doesn't mean that you're better than everyone. 

"Nariyan na ang sundo mo!" iritadong tono ni Leigh habang iniipon ko ang aking gamit. 

Nagtaas ako ng kilay at lumingon sa labas ng aming room. Naroon na si Nabrel. May lalaki siyang kausap at tumango ito sakaniya bago umalis. 

"Tss! Bukas, ah! Sa inyo tayo, Talianna. Maghanda ka ng maraming pagkain. Kahit iyon man lang maiambag mo. Huwag naman sanang puro ganda lang," dagdag pa ni Leigh bago naglakad palabas ng room. 

Nalaglag ang panga ko at sinundan siya ng tingin. Inggit na inggit iyon sa akin dahil may driver ako tulad ni Nabrel! Patay na patay siya sa driver ko!

Nag-iinarte pa nang ganoon! Bigyan ko siyang pambili ng sasakyan at maghanap siya ng sarili niyang driver! 

Inirapan ko ang likod niya at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng aking mga gamit. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status