Share

Chapter 22

"Sigurado na ba iyong ala una, Talianna? Hindi ba natin pwedeng agahan. Mga before lunch?" si Kennedy. 

Iritado pa ako dahil kay Leigh kaya iritado rin ang tono kong nasagot si Kennedy. 

"Kayong bahala. Maghihintay lang naman ako. Kayo nang bahalang magdesisyon tungkol diyan. Kay Leigh kayo magtanong. Siya ang leader."

I shrugged about that at hinablot na ang aking bag. 

"T-Teka lang, Talianna." 

Nilingon ko muli si Kennedy. Binigyan ko siya ng pagod na tingin. Kumurap siya at inayos ang kaniyang salamin. 

"Kapag hindi sila pumayag sa mas maagang oras, p-pwede bang mas maaga akong magpunta?" 

I tilted my head. Mukhang naasiwa siya sa aking reaksiyon kaya mabilis siyang nangapa ng sasabihin. 

"Kasi! K-kasi ano... wala naman akong gagawin bukas. Para sana masimulan na natin nang mas maaga," dugtong niya na bahagya kong pinag-isipan. 

Wala namang problema 'yon. I shrugged my shoulders. "Ikaw bahala. But do you know where I live?"

Kitang-kita ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha. 

"Oo naman. Natatanaw namin iyon tuwing naliligo kami nina Erus sa dagat," masigla niyang tugon. 

Ngumuso ako at tumango. "Okay. Text mo na lang ako kapag pupunta ka ng mas maaga. Doon ka na rin mag-lunch." 

"P-Pero wala akong number mo..."

"Uhm, kunin mo na lang kay Erus." Nginuso ko ang nakaupong si Erus na abala pa rin sa pagsusulat. 

"Mauuna na ako, Ken."

"May number mo si Erus?" Aniya at kumunot ang noo.

"Yup. Kunin mo na lang sakaniya. Kailangan ko nang mauna."

"Pero ang sabi niya wala?" he whispered and looked away.

Nagdugtong ang kilay ko dahil sa pagtataka. Tila ba napansin niya iyon kaya ngumiti siya at nagkamot ng batok.

"Sorry. Sige. Mag-iingat ka, Talianna."

Lumabas na ako ng room at kaagad na lumapit sa akin si Nabrel upang kunin ang aking bag na palagi niyang ginagawa. Inilahad ko ang aking bag at hinayaan siyang namnamin iyon kahit sandali. Mukhang type niya ang shoulder bag ko kaya gustung-gusto niya iyong binibitbit.

I giggled at that thought.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay dahil sa aking paghagikgik. Ngumuso lamang ako at hindi siya pinansin.

"Kuya!" Dinig kong sigaw ng isang boses. Lumingon ako sa aking likuran at natanaw ko ang tumatakbong si Senyel. Grade 10 siya ayon sa pagkaka-alam ko. Medyo malayo ang building nila kaya minsan lang kami magkita. 

Iba-iba ang uniporme ng bawat kurso rito sa TSU. For architecture students like me, white longsleeves tucked into maroon pencil cut skirt na above the knee ang aming uniporme. I think it looks cute. 

Senyel smiled a bit and nodded at me before shifting his eyes from me to his brother.

"Magkita raw kayo ni Lily sa labas. Doon daw sa milktea shop. Hindi ka raw niya matawagan dahil nakapatay ang cellphone mo. Kaagad ka raw lumabas ng room. Drained na ang cellphone ko kaya hindi kita ma-text. Nakalimutan kong i-charge."

Ngumuso ako at luminga sa paligid, kunwari walang pakialam sakanilang pinag-uusapan.

"Sige. Ako nang bahala."

Ngumiti ako kay Senyel nang magpaalam siyang aalis na. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Binuksan ni Nabrel ang kaniyang bag at hinugot doon ang itim na folding umbrella. Inilabas niya na kaagad dahil alam niyang magrereklamo ako sa init.

Pagpasok sa sasakyan ay kaagad niya rin iyon pinaandar. Tumaas lang ang kilay ko nang huminto kami sa tapat ng isang milktea shop na hindi kalayuan sa eskwelahan.

"Anong gagawin natin dito?" Untag ko mula rito sa backseat kahit na may natutunugan na ako. Malamang! Nasa loob si Lily. 

Nilingon niya ako. 

"May gusto ka ba?" Ngumuso siya at nag-angat ng kilay sa akin.

"Wala. I'm not hungry," tugon ko sa maliit na boses at tumingin na lang sa bintana. 

Papayapagan mo bang puntahan niya ang babaeng iyon, Talianna? Oras ng trabaho!

"Mabilis lang ako. Ano bang gusto mong flavor ng milktea? Ibibili kita," seryoso niyang sinabi na hindi ko tinugunan. 

Honestly, I want to eat spicy buffalo wings and spicy noodles. God, iniimagine ko pa lang, naglalaway na ako. At dahil nasa tapat kami ng isang milktea shop, parang gusto ko na rin ng choco mousse milktea. 

Ilang calories iyon? Ilang oras ko kailangang i-burn? 

"Wala. Kung may naghihintay sa'yo sa loob, just go. I'll wait here," kalmado kong sinabi iyon ngunit sobrang labag sa aking kalooban. 

"Sandali lang ito, Talianna. May iaabot lang si Lily. Hindi ako magtatagal. Sigurado ka bang ayaw mo ng milktea?" 

Pursigido pa rin siya roon at nagcra-crave din ako kaya naman sinabi ko na ang flavor na gusto ko. 

"Five minutes, Nabrel." Hindi ko mapigilang pagbantaan siya. 

"Baka nga hindi na umabot ng limang minuto. Pagkaabot niya, babalikan na kita." 

Pinanood ko ang pagpasok niya sa milktea shop. Halos hindi pa nag-iisang minuto nang napagpasiyahan kong sumunod sa loob. Hindi ako mapakali rito sa kinauupuan ko. Magpapalusot na lang ako na hindi ko na kayang maghintay pa at gustung-gusto ko na ng milktea. 

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng shop. Naghahari sa paligid ang malamyos na kanta ng isang international singer.

Umangat ang kilay ko nang matanaw ang nakatalikod na si Nabrel. Nakikita ko ang babaeng nagngangalang Lily. She was beautiful. I admit it. Maputi at matangkad. Maiksi ang buhok at palangiti. Ilang beses ko na itong nakikitang nakadikit kay Nabrel sa tuwing naiisipan kong dumaan sa room nila at maging kapag nasa cafeteria. 

Halatang malapit sila sa isa't isa at hindi mo talaga maiiwasang isipin na may kung ano sakanilang dalawa. Pero ang Nabrel na iyon, paulit-ulit na itinatanggi ang tungkol doon. 

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na lamang sa counter. In-order ko ang aking inumin habang pasulyap-sulyap sa banda nina Nabrel. Nakatayo pa rin silang dalawa at nag-uusap. Medyo nagtatawanan pa nga. 

Halos matumba ako sa aking kinatatayuan nang biglang magtama ang tingin namin ni Nabrel! Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Tinambol ko ang aking mga daliri sa counter at nagkunwaring walang pakialam sakanila. 

Wala naman talaga akong pakialam! Pumasok ako para mag-order! Hindi para alamin kung ano nang nangyayari sakanila! Bakit ko naman aalamin? Magsasayang lang ako ng oras kung gagawin ko iyon. Nandito lang talaga ako upang mag-order, 'no! 

Naramdaman ko na lamang ang presensiya sa aking gilid. Hindi ko siya nilingon. Saktong inabot sa akin ng staff ang aking order. 

"Here's your order, Ma'am. Choco mousse. Thank you po," masigla nitong sinabi ngunit ang mga mata niya ay nakatuon sa taong nasa aking gilid. 

"Thanks!" Nilingon ko si Nabrel at umarteng nagulat sakaniyang presensiya. Sinapo ko ang aking dibdib upang mas maging kapani-paniwala. 

"Oh my God! Nabrel! You scared me! Bakit ka ba biglang sumusulpot?" Umirap ako at nanguna na sa paglalakad. Nasa gilid ko siya at nakasunod. Napansin ko ang hawak niyang isang libro na hindi niya naman dala kanina. Bakit hindi binigay kanina iyan? Magkaklase naman sila, 'di ba? Papansin din ang babaeng iyon! 

Nilingon ko ang pwesto ni Lily. Nakaupo na siya ngayon at nagawa pa akong ngitian nang magtagpo ang aming tingin. Of course, I smiled back because I'm not rude. 

"Bakit lumabas ka pa? Ako na dapat ang bumili niyan," aniya at mukhang iritado pa siya. 

Siya ang nagbukas ng glass door at nagtuluy-tuloy ako sa paglabas. 

"E, nauhaw na ako! It's fine! Tapos na ba? Iyan na ba ang kukunin mo?" Sinipat ko ang libro at huminto sa tapat ng Alphard. 

Binuksan niya ang pintuan at sinenyasan akong sumakay, binabalewala ang aking tanong. Nagkibit-balikat ako at pumasok na sa sasakyan. 

Sa kalagitnaan ng aming biyahe, biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay. Nginuya ko ang makunat na black pearl bago kunin ang atensiyon niya. 

"Dalhin mo ako sa restaurant na pinagtatrabauhan mo, Nabrel," kaswal kong wika.

Isang beses niya akong sinulyapan sa salamin. 

"Anong gagawin mo roon, Talianna?"

Umirap ako. "Duh! Restaurant iyon, 'di ba? Malamang kakain! Alangan namang maglaba ako roon?"

Nagbuga siya ng hangin na tila ba biglang naging problemado.

"Gusto mo ba? Labhan mo ang mga damit ko. May damit akong naroon." He chuckled.

"I'm serious, Nabrel. Dalhin mo ako roon. Kakain ako. Doon na lang ako maglu-lunch."

"Sigurado ka? Hindi iyon iyong tipong pang-sosyal, Talianna. Simple lang ang restaurant namin pero tiyak na masisiyahan ka sa mga pagkain."

"Just take me there," malamig kong sinabi at sumimsim muli sa aking milktea.

Medyo maraming tao sa restaurant. I looked around at the busy tables. Ang dalawang may edad na tingin ko'y mag-asawa ay nasa isang mesa, masayang nagkwe-kwentuhan, studiously bent over their meals. Mahahabang embroidered na mga kurtina, dark walnut tables at mayroong bulaklak sa bawat mesa. It was a Filipino restaurant. There was a comfortable ambiance. An extremely low music was in the background.  

Tantsa ko ay bente minuto ang layo nito mula sa eskwelahan. Kung sa bahay pa nila siya manggagaling, aabutin siya ng halos isang oras. May motor naman siya kaya medyo mabilis din siguro ang kaniyang biyahe patungo rito.

"Uy! Ang aga mo? May kasama ka?" salubong sakaniya ng isang lalaking may bitbit na tray na walang laman. Ngumiti ito sa akin at nang lumingon kay Nabrel ay may kung ano sa mga mata nito. 

Nag-iwas ako ng tingin dahil alam na alam ko kung anong nasa isip nito.

"Bumalik ka na roon, Jessy. Ako na rito," may diin sa boses ni Nabrel. 

"Huh? O-Oh, sige. Magpalit ka na. Darating daw si Sir Dante," sagot nito at muling sumulyap sa akin bago kami tinalikuran. 

"Talianna, dito ka maupo." Hinila ni Nabrel ang isang upuan mula sa mesa na malapit sa entrance.

Umupo ako at luminga sa paligid. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Amethyst. Suot niya rin ang uniporme na tulad niyong sa lalaki.

"That's Amethyst, right?" wika ko at lumingon kay Nabrel. 

Nag-angat siya ng kilay at bumaling sa banda ni Amethyst. He nodded. 

"Oo. Dito rin siya nagtra-trabaho. Magpapalit lang ako ng damit, Talianna. Pumili ka na ng gusto mo. Nariyan ang menu," aniya at nanatiling nakatayo sa tabi ng mesa. Noong kinuha ko ang menu at binuksan iyon ay naroon pa rin siya. Nag-angat ako ng kilay. 

Seryoso lamang niya akong pinapanood. 

"Go.Ano pang ginagawa mo riyan?" 

Pumikit siya at hinaplos ang kaniyang buhok. "Wala..." aniya at umiling bago tuluyang naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong sinalubong siya ni Amethyst at may sinabi pagkatapos ay nilingon ako nito. 

Mabilis kong binagsak ang aking tingin sa menu. Hindi ako makapili dahil hindi ako pamilyar sa mga pagkaing narito. Tanging kare-kare, adobo at bulalo lamang ang pamilyar sa akin. Nag-iisip pa rin ako ng o-order-in nang hindi ko namalayan ang pagbabalik ni Nabrel. 

Suot niya na ang kanilang uniporme na dark green polo shirt at nagpalit siya ng denim pants. May cap rin na suot tulad ng lahat ng empleyado rito. May nakaukit doon na pangalan ng restaurant. Delgado's. 

Binaba ko muli ang aking tingin sa menu. Sinisikap na makapili na ng pagkain. 

"Nakapili ka na?" aniya. 

Ngumuso ako at umiling, nanatili sa menu ang mga mata ko. "I don't know what to choose. Ano bang bestseller ninyo, Nabrel?" 

"Mayroon kaming sinigang na salmon sa miso. Sigurado akong magugustuhan mo iyon. Halo-halo with ice cream para sa panghimagas. Gusto mo ba niyon?" 

"Sinigang what? Fish ba iyan? I don't eat fish, Nabrel. I told you."

"Hindi naman iyon matinik."

"No. Ayaw ko niyon. Wala bang beef? Kahit ano basta huwag lang fish." 

Hinaplos niya ang kaniyang buhok at luminga sa paligid. Nagsalubong ang kilay at numipis ang labi bago lumingon sa akin. 

"Beef caldereta."

"Better. Iyon na lang. Tsaka pineapple juice." Ngumiti ako. 

Tumango siya at kunot ang noong nilista ang aking order. 

"Medyo matatagalan, Talianna. Ayos lang ba?" Aniya na tila ba hindi kumportable na paghintayin ako. 

"It's fine." I shrugged. 

"Sige. Maiiwan muna kita. Asikasuhin ko lang ang nasa ibang mesa. Itaas mo lang ang kamay mo kapag may kailangan ka. Lalapit ako kaagad." 

"Okay..." I whispered and avoided his gaze. Nilingon ko na lamang ang mga palakad-lakad na waiter sa paligid.

I was just watching Nabrel doing his work while eating. Malambot ang karne at masarap ang sarsa ng caldereta. It's so good! I should ask Manang Fely to cook this.

Pagkatapos sa isang mesa ay sa isa naman ang tungo ni Nabrel. I was actually enjoying my food while watching him. Hindi nakatakas sa akin ang isang mesa ng mga kababaihan na kinuhanan niya ng order. Sa lahat ng mesa ay doon siya pinaka nagtagal. Kitang-kita ko pa kung paano humagikgik ang mga babaeng iyon. At siya rin! 

Ibinaba ko ang juice at itinuon sa mesang iyon ang buong atensiyon ko. 

Nang biglang lumingon siya sa aking banda, hindi ako naka-iwas. Taas-noo ko lamang sinalubong ang tingin niya. May sinabi siya sa mga babae at nahuli ko kung paano bumagsak ang ngiti ng mga iyon. The girls suddenly looked at my direction. 

Ngumiti si Nabrel bago iniwan ang kanilang mesa. He glanced at me again before walking away. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
lee dizon
nakuuuuu talianna yari ka naa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status