Share

Chapter 4

Nakahalukipkip ako sa gilid habang hinihintay ang pag-aayos ni Nabrel sa bangka na aming sasakyan patungo sa isla namin. Wearing a deep sky blue flowy maxi dress with my white large brim fedora and Toga Pulla white sandals, I looked like a tourist here in Belleza Eterna. Dala ko ang cellphone at camera ko. Magvi-video call kami ni Davien mamaya upang ipakita sakaniya ang mga magagandang lugar na pupuntahan namin. I'm sure he'll be happy to see it.

May mga dumadaan na bumabati sakaniya at tinatanguan niya ang mga iyon. Ang ilan ay kinakausap niya at nakikipagtawanan pa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napairap. Para siyang kumakandidato dahil sa rami ng mga nakakapansin at nakakakilala sakaniya.

"Uy! Bebot! Mukhang amerikana, pare." Dinig kong boses sa gilid.

"Tawagin mo. Laki ng sumbrero, ah. 'Di kaya liparin iyan?"

"Turista siguro iyan. Baka inglisera!"

"Nabrel! Kilala mo?"

Nilingon ko ang dalawang madudungis na lalaki. I stepped away from them para makita naman nilang hindi ako natutuwa sa naririnig. Taas-noo akong nakatingin sa paligid habang nakahalukipkip. Ang tagal naman, Nabrel!

"Akin iyan, Simon." Dinig kong halakhak ni Nabrel.

"Gago! Lakas mo! Sumbong kita kay Amethyst."

Nagbuga ako ng hangin. Do they talk like this all the time? Hindi maganda iyan! And who the hell is Amethyst? Akala ko ba ang kasambahay kong si Blair ang girlfriend niya? Bakit kay Amethyst magsusumbong?

Hindi ko sila nilingon hanggang sa wala na akong boses na narinig. Tiyak na nakaalis na.

"Matagal pa ba, Nabrel?" Iritado kong sinabi.

"Maghintay, Senyorita," aniya sa tonong nanunuya. Mukhang sinasadya niyang tagalan para bwisitin na naman ako.

I gritted my teeth. Isang hirit pa, Nabrel. Isa pa.

Nag-tiim bagang ako habang sinusuri siya. His well built curves were visible through his clothing. His muscles at the forearms, biceps and chest strained against the fabric. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lahat ba ng mangingisda ganiyan ang katawan?

"Bakit kasi ngayon mo lang iyan inaayos?"

"Nasa palengke ako kanina. Nagkakarga ng mga gulay. Sandali na lang ito. Pasensiya na."

Kinagat ko ang labi ko. For some reason, I couldn't find the right words to say.

Pinanood ko ang bawat paggalaw ni Nabrel. Hindi niya naman mapapansin na nakatingin ako sakaniya dahil sa madilim kong sunglasses. But I almost stepped back when he glanced at my direction, directly in my eyes. Para bang alam niyang nakatingin ako!

"Halika na, Senyorita." Hinaplos niya ang kaniyang buhok habang palapit sa akin. Mas lalong ginugulo iyon ng preskong hangin. Maging ang suot ko ay hindi mapakali dahil sa agresibong pagdampi nito sa akin.

I can't believe he looked so simple yet very fresh in his white t-shirt and khaki shorts! At hindi ko matanggap na ganito! Why?! Just why?!

Stop it, Talianna! Really?!

Inirapan ko siya at nilagpasan. Then I remembered my eyes were covered by sunglasses so he didn't notice it kaya naman tinanggal ko iyon at muli siyang hinarap upang irapan ulit.

He was just standing there, watching me. May ngisi na naman sakaniyang mga labi. His hair was completely disheveled being blown by the fresh wind. This fisherman! Anong karapatan niyang bwisitin ako nang ganito katindi!

"Sige nga. Marunong ka bang sumakay diyan?" Humirit pa siya! Huminto ako, iniiwasan ang pagdampi ng tubig sa aking mga paa. Matalim ko siyang tinignan.

"Pwede ba? Kumilos ka na lang! We have to leave now, Nabrel! Lumulubog na ang araw. Ano pang makikita natin?" Halos magbuga na ako ng apoy dito lalo pa nang humalakhak siya at umiling bago lumapit. Nag-iwas ako ng tingin at pumikit nang mariin. Shit.

Hinarap ko nalang ang payapang dagat, iniisip kung paano ko siya malulunod doon. Paano ba siya natitiis ng kasambahay ko? Hindi ba ito naiirita sakaniya? Kung ganito ang boyfriend ko... God! Baka hindi kami magtagal!

"Sakay na, Senyorita."

Sinuot kong muli ang aking sunglasses bago siya binalingan.

"Will you stop calling me senyorita? Nobody calls me that!" Iritado kong sinabi.

Ngumuso siya, animo'y inosente. "Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?"

"Talianna! My name is Talianna! Do you hear me? Sobrang makaluma ng tawag mo sa akin. It's weird!"

"Alam ko. Mas gusto kong tawagin kang senyorita dahil bagay sa'yo. Iyong bang tipikal na anak-mayamang sakit sa ulo?"

Nalaglag ang panga ko. Pagak akong natawa. I tilted my head, ready to hear him more so that I could punch him if he talks in that way again.

"What did you just-"

"Halika na. Marami pa tayong pupuntahan," malamig niyang sinabi at nanguna nang sumakay sa bangka.

Kinuyom ko ang mga palad ko. Marahas akong nagbuga ng hangin. Nagngingitngit na ang sistema ko. Malapit na talaga akong sumabog. Mainit na mainit na ang ulo ko sakaniya. Tagumpay na naman siyang bwisitin ako. Paano ba ako makakaganti?

"Tagal!" Aniya pa!

Padabog ang mga hakbang ko palapit sa bangka. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"Paano ako sasakay? Mababasa ang sandals ko," kalmado ngunit mariin kong sambit.

He lazily rolled his eyes. Did he really do that?! Sa akin?!

He swiftly move out from the boat. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang bangka hanggang sa parteng walang tubig. Nakahalukipkip ako habang pinapanood siya. Iminuwestra niya ang bangka nang matapos.

"Sumakay ka na. Dalian mo baka iwan kita riyan," matapang niyang banta.

"Ha! Sige! As if I care kung iwan mo man ako. Who do you think you are?" He won't do that. Baka gusto niyang isumbong ko siya kay Dad?

"Sige. Kailangan bago dumilim, nakabalik ka na. Ingatan mo ang bangkang iyan. Sa akin iyan," he said before turning his back on me.

Nabaklas ko ang aking mga brasong nakahalukipkip. Napakurap ako habang laglag ang panga. Pinanood ko lamang ang malapad niyang likod na papalayo na sa akin. Unti-unti na siyang nakakalayo. Nanigas lamang ako sa aking kinatatayuan. He left! He really left me here!

May nakasalubong siya at nakipagtawanan pa siya sa mga iyon.

"Nabrel!" Nanginginig ang boses kong sigaw. Nakita ko pa ang pagbaling ng atensyon ng ilan sa aking direksiyon.

Lumingon siya at mukhang nagulat pa sa aking pagsigaw. Nakapamaywang siyang hinarap ako. Para bang pagod na pagod siya!

"Come back here, you brute! Makakarating ito kay Dad! Makikita mo! Isusumbong ko lahat ng ginagawa mo sa akin!" Sigaw ko.

Bumilis ang paghinga ko. Kabisado niya talaga kung paano ako bwisitin! Pinapahiya niya ako!

Kitang-kita ko ang pag-iling niya bago naglakad pabalik. Buo na talaga ang desisyon kong ihulog siya sa dagat.

"Oh? Akala ko ba wala kang pakialam kung iwan man kita rito?" He said while smirking.

"I hate you," mahina ngunit mariin kong sinabi bago siya tinalikuran. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Posible pala talaga iyong maiiyak ka na lang sa sobrang pagkabwisit sa isang tao.

"Talianna, halika na. Huwag ka nang mag-inarte riyan."

Mas lalong kumulo ang dugo ko sakaniyang sinabi. Sumunod siya sa akin ngunit hindi ko siya nilingon. Marahas kong inalis ang suot kong sunglasses at pinunasan ang aking pisngi.

"No! I'm going home. Isusumbong kita kay Daddy," nanginig ang aking boses.

Naramdaman ko ang pagpigil niya sa aking braso. I tried to get away from him but he didn't let me. Hindi ko siya nilingon at patuloy lamang sa pagpupunas sa aking pisngi. I don't want him to see me crying. Mas lalo niya akong bwi-bwisitin.

"Tss. Tara na. May oras pa tayo." Pilit niya akong tinignan ngunit umiwas ako. Binawi ko ang aking braso at lumayo sakaniya.

"Huwag mo akong hahawakan." I emphasized every word.

"Pasensya na. Diring-diri ba, Talianna?" Malamig ang kaniyang boses.

Natigilan ako at napabaling sakaniya. Seryoso ang kaniyang mukha ngunit biglang nagbago iyon. Napalitan nang pagkagulat.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Nabwibwisit ako sa'yo, Nabrel! You always make fun of me!"

Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin. Umigting ang kaniyang panga.

"Kaya ka umiiyak dahil nabwibwisit ka sa akin?"

I swallowed hard and stepped back.

"I'm not crying! Bakit ako iiyak?" Matalim ko siyang tinignan.

He bit his lower lip and looked away.

"Tutuloy pa ba tayo?" He asked without looking at me. Kunot ang kaniyang noo habang nakatanaw sa dagat.

Sinuot kong muli ang aking salamin bago siya tinalikuran, pabalik sa bangka. "Let's go," malamig kong sinabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status