Share

Chapter 3

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2021-07-28 12:48:18

"Nami-miss ko na ngang mag-beach. Buti ka pa nandiyan." Ngumuso si Vicky. We've been talking for almost two hours. Pagkatapos kong mag-almusal ay tinawagan ko siya.

I envy her! She's in Alaska now! Doon siya nag-summer vacation with her family. I could see from the screen that she was wearing a pink coat and white scarf. Habang ako nandito, napapalibutan ng karagatan, suot ang isang silk night gown. Isang nakakainip na araw na naman. Mamayang alas singko ng hapon pa lang naman ang "tour" ko with that fisherman named Nabrel. I admit it. I'm quite excited. Nakapaglibot na ako rito sa Belleza Eterna noong bakasyon namin dito pero siyempre, matagal-tagal na rin iyon.

"Kung pwede lang magpalit tayo. Ako riyan sa Alaska. Ikaw dito sa dagat na ito." Inirapan ko ang dagat na nagsisilbing tanawin mula rito sa aking balkonahe.

"I would love that. Ayaw ko rin namang sumama rito. Kaso syempre si Dad." She sighed. She fixed her thick eyeglasses. Naiirita talaga ako sa tuwing nakikita ko ang salamin niyang 'yan.

"Hindi naman papayag iyon na maiwan akong mag-isa."

"When we're both adult na, we're gonna travel the whole world. Iyong tayong dalawa lang." I said with so much fervor.

"Hindi naman papayag si Dad," aniya nang nakanguso. Napairap na lang ako. Masyado nilang bini-baby si Vicky! Mabuti hindi ganoon si Dad sa akin. Hindi ko alam kung alin ba ang mas mabuti. Ang hayaan ang anak mo sa mga ginagawa niya at alam mong masaya siya o ang pigilan ang anak mo because you think it's for their safety.

"Duh! Papayag na iyon syempre! Matanda na tayo niyon. Hindi ka na bata para pagbawalan pa."

She smiled sweetly. Napadpad sa kung saan-saan ang usapan namin. Nabanggit niya na magsho-shopping daw sila mamaya. "Ano nga palang gusto mong pasalubong, Talianna? Tinatanong ni Kuya Trez."

Umangat ang kilay ko nang marinig ang boses sa background. "I didn't! Bakit ba ang daldal mo?" Iritadong boses ni Trez. Hindi ko siya nakikita sa screen ngunit si Vicky ay humahagikgik habang nakatingin sa gilid niya.

"Tinanong mo kaya! Liar! Sorry ka, Kuya! Hindi ka na crush ni Talianna, 'no!"

"Hi, Trez! How are you? Bakit hindi ka nagpapakita?" Natatawa kong sinabi.

"Kanina pa kaya 'yan nakikinig sa usapan natin."

"Sinungaling ka! You know what, I'm leaving!" Tuluyan nang tumaas ang tono ni Trez.

Tumatawa lang si Vicky habang sinusundan ng tingin ang kaniyang kapatid. Nahagip ng paningin ko ang likod ni Trez. Mukhang umalis nga.

"What's with your brother, Vicky?" Untag ko.

"Well, he likes you. Obviously." She rolled her eyez. "Pabebe lang iyon sa 'yo dati. Break na sila ni Emily at ikaw ang dahilan."

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang natawa. "Saan mo naman nalaman?"

"Totoo! Si Emily mismo ang nagsabi sa akin." She shrugged.

"Talaga?" Iyon lang ang tanging nasambit ko. Natatawa na lang ako. Ilang minuto pang kwentuhan bago tuluyang naputol ang tawag. Aniya ay tatawag daw siya ulit mamaya. Gustung-gusto niya na raw umuwi ng Pilipinas dahil hindi niya na kinakaya ang lamig sa Alaska.

"I miss you so much, babe." Bumuntong hininga si Davien nang sagutin niya ang tawag. Ngumiti ako at tumitig sakaniyang mukha sa screen. He was still on his bed. Magulo ang buhok at mapungay pa ang mga mata, halatang kagigising lang.

"I miss you too. Why don't you come here? Dinig ko ay nandito sa Belleza Eterna ang kapatid mong si Narvinia?"

"I can't. Sa ngayon, hindi muna. May pinapagawa kasi si Dad. He gave me a month to finish that. Tsaka Narvinia is just a kid, babe. Hindi kami magka-kaintindihan niyon kung siya lang ang kasama ko roon at ang mga kasambahay."

"Hmmm..." Iyon lamang ang naging tugon ko habang natutulala sa dagat.

"What are you going to do today?"

Napabaling muli ako sa screen. "Uhm, today I'm gonna have my tour with someone who's a resident here as my tour guide." Humagikgik ako, hindi maitago ang pagkasabik.

"That's a good idea. Show me your pictures, okay?" Malambing niyang wika.

I bit my lip and nodded. "Of course."

"Have you decided kung mag-aaral ka nang lumangoy? Sure thing, locals of Belleza Eterna know how to swim. Pwedeng-pwede ka kumuha ng swim instructor mo."

"I'm still thinking about that. O baka hindi na lang. I don't know. Titignan ko kung kaya ko na."

Nagtagal ng isang oras ang tawagan namin. Nagpaalam lang siya upang mag-shower. Ako naman ay bumaba upang tignan kung ano na ba ang kaganapan doon. Naabutan ko si Blair na nagpupunas ng mga picture frames sa living room. Ngumiti siya sa akin nang matanaw ako. I smiled back at her. Binuksan ko ang TV bago prenteng umupo sa mahabang sofa. May TV naman sa kwarto ko kaya lang mas gusto ko rito dahil mas malaki ang screen.

"Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, Ma'am Talianna. Lalo na sa larawan na ito."

I just smiled at her. Hawak niya ang isang frame at tingin ko'y iyon ang picture naming dalawa ni Mom. I think I was 12 years old that time. She died after a year. Pagkatapos mismo ng araw ng birthday ko.

"Ang ganda-ganda niya..." bulong niya habang nakatitig sa larawan at lumingon sa akin.

Bumuka ang kaniyang bibig na tila may sasabihin pa ngunit tinikom niya ulit iyon at ipinagpatuloy ang pagpupunas. Maingat niyang inilapag ang frame.

"Blair, pwede mo ba akong ikuha ng snacks tsaka drinks na rin? Chips. Gusto ko iyong maanghang, ah. Pakisabi rin kay Manang Fely na ipagluto ako ng popcorn. Caramel," utos ko sakaniya.

"Sige po. Wait lang, Ma'am."

"Hmmkay."

I was busy scrolling my feed while waiting for the snacks nang marinig ko ang boses ni Dad. Natanaw ko siya kasama si Nabrel. Tumayo ako upang batiin siya. Hindi kami nagkasabay sa almusal kanina dahil hindi ko siya naabutan. Umalis daw sabi ni Manang Fely.

"Hi, Dad. Where have you been po? Bakit ang aga niyo pong umalis?" Ngumuso ako. Nilingon ko ang nasa tabi niyang tahimik na nakatingin sa akin. Nag-angat siya ng kilay ngunit inirapan ko lang.

"We went fishing, princess. Namiss ko lang mangisda. Kasama ko si Nabrel." He laughed heartily.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Dad! Why didn't you tell me? Sana sinama niyo ako. I want to try it."

"Hindi ka pwede sa ganoon, Senyorita. Madilim ang dagat dahil madaling araw. At may mga umaaligid na malalaking pating. Gusto mo ba non?" Seryosong sinabi ni Nabrel na inirapan kong muli.

"I'm not talking to you," maarte kong sinabi.

"He's right, Talianna. Delikado sa dagat. At paano kung mahulog ka? You don't even know how to swim," si Dad.

"But I want to try it, Dad." Halos magpapadyak na ako rito ngunit pinigilan ko lang dahil nandito si Nabrel. He will surely find it very childish at mas lalo niya akong bwi-bwisitin.

"No. You won't try it. Nabrel, halika na," aniya at dire-diretso akong tinalikuran.

"Dinig mo ba iyon, Senyorita?" Seryoso ang tono ni Nabrel bago sumunod sa ama ko.

Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga, pinipigilan ang sariling magbuga ng apoy. Padabog akong umupo sa sofa at nakasimangot na tumutok sa pinapanood. Kung hindi pa nilapag ni Blair ang snacks sa center table, hindi magiging maganda ang mood ko.

"Isusunod ko na lang iyong popcorn. Niluluto pa ni Manang Fely," aniya.

"Okay. Maraming snacks sa pantry. Pwede kang kumuha roon," sambit ko ngunit umiling siya at bahagyang natawa. Akala ba niya nagbibiro lang ako? Bakit siya tumatawa? Normal lang naman na mag-alok ng pagkain sa mga kasambahay. Nagkibit-balikat na lamang ako.

Binuksan ko ang malaking bag ng potato chips at nilantakan iyon. Ang tagal mag-alas singko. Gusto ko nang maglibot! Sasabihin ko kay Nabrel na bisitahin namin iyong islang binili ni Dad. I wonder kung may pagbabago sa rest house? Matagal na rin akong hindi nakakabisita roon.

Hindi na iyon masyadong pinapansin ni Dad simula nang mamatay si Mommy. He bought that island as an anniversary gift for my Mom kaya matindi ang epekto ng islang iyon sakaniya emotionally. Ngunit may taga-pangalaga naman doon at siguradong hindi iyon napapabayaan.

"Hindi ako sigurado. Subukan nating dumaan kina Kaloy mamaya para malaman natin." Narinig ko ang boses ni Nabrel kaya napalingon ako sa likuran ko. Si Blair ang kausap niya at bitbit nito ang bowl ng popcorn.

"Sige, Nabrel. Sunduin mo na lang ako rito mamaya," si Blair.

Nalanghap ko ang mabangong aroma ng popcorn nang ilapag iyon ni Blair.

"Thank you, Blair," masigla kong sinabi.

Napalingon ako kay Nabrel. He was pouting while looking at the snacks on the center table. Tinaasan niya pa ako ng kilay nang lumingon sa akin. I mouthed "what" and rolled my eyes.

"Tawagin mo lang ako, Ma'am kung may kailangan ka pa. Tatapusin ko lang ang pagpupunas sa mga frame."

"Yeah, sure," tugon ko kay Blair.

Bumalik siya sa mga frame habang si Nabrel ay nanatiling nakatayo sa gilid, seryosong pinapanood ako. Kinunotan ko siya ng noo.

"Ang aga aga ganiyan ang kinakain mo." May aliw sa kaniyang boses.

"Ano naman?" I snorted.

"Nakakapangit ng balat ang ganiyang pagkain. Nakakahiya naman sa labanos mong kutis. Gusto mo bang magkaroon ng tigidig?" Nag-angat siya ng kilay.

"Of course not," agresibo kong tugon.

"Tigilan mo ang pagkain niyan. Alam kong hindi gugustuhin ng isang tulad mo na madungisan ang kaniyang kutis," he said lazily. Namungay ang mga mata niya at bahagyang ngumisi.

"Minsan lang naman! And why do you even care in the first place? Pakialamero 'to." Inirapan ko siya at padabog na nilapag ang bowl ng popcorn. Natapon ang halos kalahating laman niyon sa center table at ang ilan ay bumagsak sa sahig. Matalim kong tinignan ang lalaking ito. He was just looking at me amusingly.

"Ayan! Nangingialam ka kasi!" Sigaw ko at tinuro ang mga natapong popcorn.

"Ako ba ang nagdabog?" Natatawa at tila hindi makapaniwalang sinabi niya.

"Dahil nakakairita ka! Arogante! Malalaman 'to ni Dad! He will surely get rid of you!"

He bit his lower lip and shook his head.

"Wala akong ginagawa. Paano kapag may ginawa na ako? Baka hindi ka na makatulog sa sobrang irita sa akin," may bahid ng panunuya ang kaniyang tono.

This brute! Hilig niya ba talaga ang mambwisit?

"Get out." Tinuro ko ang labas habang matalim na nakatitig sakaniya. He was just biting his lip and obviously, pinipigilan niya ang nakakairita niyang ngiti!

"Blair! Walisin mo ang sahig! Now!" Sigaw ko bago tumayo at lumisan upang makalayo sa lalaking iyon.

"Napakaarte talaga," dinig ko pang komento niya kaya napatigil ako at matalim ko muli siyang nilingon. He was already smirking at me. Hinaplos niya ang kaniyang buhok at bumagsak iyon sa magulong paraan. Ang mga mata niya ay sumasayaw habang nakatitig sa akin.

What did he just say?

Pinigilan ko ang sariling magsalita at inirapan na lamang siya.

Bigla akong nawalan ng gana sa tour! Ayokong makasama ang lalaking iyon. Palagi na lang ako nabwibwisit sa tuwang nariyan siya. Hindi ko alam kung bakit apektadong-apektado ako sa pambwibwisit niya sa akin. Ang galing niya lang kasing manira ng araw! Nagtagumpay siya roon!

"Nabrel is a nice guy, Talianna. Masipag at matiyaga ang batang iyon. Kaya nga siya ang kinuha ko para samahan kang libutin ang Belleza Eterna." Dad said when I told him that I don't want Nabrel to accompany me on the tour. Marami naman sigurong pupwedeng maging tourist guide ko mamaya? Hindi lang si Nabrel ang residente rito.

I groaned out of frustration.

"Dad! Iba nalang please. I... I feel so unsafe with him. Ni hindi ko nga iyon kilala. Baka kung saan niya ako dalhin," maadrama kong sinabi para mas epektibo.

Ngunit bumuntong hininga lamang ang ama ko. Pinuntahan ko pa siya rito sa library para sabihin sakaniya ang saloobin ko ngunit mukhang wala talaga siyang balak pakinggan ako.

"Stop being critical, Talianna. Tingin mo ba ay hahayaan kitang samahan ng isang taong hindi ko kilala? I've known Nabrel since he was in high school. Mas mapagkakatiwalaan iyan kaysa roon sa kapatid niyang kasing-edad mo."

Bahagya akong nagulat sa narinig. Of course. He might have a sibling for all I now and for all I care.

"Fine! Pero sa oras na makita niyo ang katawan kong palutang-lutang sa karagatan, isang tao lang ang pwede niyong hulihin." I know. I'm being overly dramatic now. Ayaw ko lang talagang makasama ang lalaking iyon.

"Talianna," Dad said in a very serious tone.

I bit my lip and sighed. "Fine." I groaned before I shove off.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status