Tanging ang tunog ng makina ng bangka ang maririnig. Si Nabrel ay nakaupo sa dulo ng bangka, nakatalikod sa akin. Ako naman ay abala sa pagkuha ng magagandang larawan gamit ang camera.
Belleza Eterna is indeed a beautiful place. Its beauty is undeniable and eternal.
It is easy for everyone to find peace and beauty on this place. The alluring beauty of it highlighted more by the seawater that encircling it which can fascinate connoisseurs with its very bright crystal clear water and well developed barrier reefs.
I could see the slender and straight palm trees, forest overgrown hills. Rogue waves crashing against the rocks created its breathtaking beauty. The infinite ocean that seems to blend with the horizon is very engrossing.
Nabrel is very lucky to live in this kind of beautiful place. He must be really proud of this.
Pinindot ko ang camera habang nakatutok iyon sakaniyang direksiyon. The view was his back and the ocean. Ngumiti ako habang hinihintay ang paglabas ng picture. Pinagpag ko iyon hanggang sa luminaw ang larawan.
Hinubad ko ang fedora hat kanina dahil baka tangayin ng hangin. Pinahawak ko iyon kay Nabrel pati ang sunglasses ko.
"Nabrel!" Sigaw ko dahil baka hindi niya ako marinig dahil sa tunog ng makina.
Tumagilid ang kaniyang ulo ngunit hindi ako tuluyang nilingon.
"Here!" Winagayway ko ang larawan niya.
Sinubukan kong tumayo ngunit nanginig lamang ako dahil sa paggalaw ng bangka. Umupo na lamang ulit ako. Shit! Muntik na akong mahulog sa tubig!
"Oh my God!" Sinapo ko ang aking dibdib.
Nakita ako ang pagtayo ni Nabrel. Mukhang sanay na sanay na talaga siya sa pagsakay ng bangka. Sabagay. Bakit pa ba ako magtataka? Dito siya lumaki.
Pinanood ko siyang may kinalikot sa makina at humina ang tunog niyon hanggang sa tuluyang namatay. Unti-unting bumagal ang takbo namin.
"Huwag ka nang tumayo. Hindi ka sanay," aniya.
Kunot ang kaniyang noo habang tinatanaw ang karagatan at nakapamaywang. Tuluyan nang huminto ang bangka. Medyo nakalayo na kami sa dalampasigan.
"Why did you stop the boat?"
Nilingon niya ako at nagkibit-balikat.
"Para tahimik. Mas mararamdaman mo kung gaano kaganda ang Belleza Eterna," malamig niyang wika.
Nakatingala lamang ako sakaniya. Tipid siyang ngumiti bago umupo sa tabi ko. The space beside me was enough for him to occupy.
Nagdikit ang aming mga binti at mabilis siyang lumayo. He even said sorry. I just smiled at him a bit.
Pareho kaming nanatiling tahimik habang nakatitig sa karagatan. Dinig na dinig ko ang tunog ng malamyang paggalaw ng tubig.
Naalala ko bigla ang limang polaroid pictures na hawak ko. Kinuha ko iyong larawan niyang kinunan ko kanina at inabot sakaniya. Nagtaas siya ng kilay habang tinatanaw iyon.
"It's yours! Souvenir." I shrugged. I don't even know what to call it. Maybe he finds it weird kung bakit kinunan ko siya ng picture.
"Salamat." Kinuha niya rin naman at pinitik pa iyon bago nilagay sakaniyang bulsa. Magkokomento pa sana ako na baka makalimutan niyang may picture doon at baka mabasa ngunit hinayaan ko na lamang.
"What is Trenuver?" I asked out of the blue. Nakita ko ang markang iyon sa katawan ng bangka kanina.
"Apelyido ko," he answered casually while his eyes were still on the horizon.
Ngumuso ako at tipid na tumango. I thought it was some foreign language with deep meaning. Hindi sumagi sa isip ko na posibleng apelyido niya iyon.
"Nakita ko lang kanina sa bangka," wika ko.
Tumango lang siya at inabot sa akin ang fedora hat at sunglasses na pinahawak ko sakaniya. Sinuot ko ang fedora. My long wavy hair must be really messy right now. Sana pala ay tinali ko ito kanina o pinusod.
"Alam mo ba ang kwento ng Belleza Eterna?" Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
Napaayos ako ng upo dahil sa bigla niyang paglingon. Tumingin ako sa harapan, ramdam ko pa rin ang kaniyang mga mata sa akin.
"I've never heard about it. Ni hindi ko alam na may kwento ang lugar na ito."
Naghintay ako ng isasagot niya. I glanced at him and I noticed that he was just seriously staring at me. Umigting ang kaniyang panga. Nagtaas ako ng kilay.
"What?" I tilted my head. Inayos ko ang aking fedora hat upang makita siya nang mas mabuti.
Kitang-kita ko ang pagkinang ng kaniyang berdeng mga mata. I didn't know that was possible. Mas tumingkad ang pagkaberde ng mga 'yon. He had prominent cheekbones and a well-defined chin and nose. If I were a fish, I would gladly let this fisherman catch me.
Sinikop ko ang aking buhok nang tangayin ito ng hangin. Nilagay ko ito sa aking kanang balikat.
Ngumuso siya. "Hindi ka ba nagpapa-araw? Ang putla mo naman." Humalakhak siya.
"Hindi ako nagpapa-araw dahil mabilis akong mamula. And I hate it. Hindi mo alam kung gaano ako ka-insecure sa kulay ko." May bahid ng pait ang tono ko.
Tila hindi niya inasahan ang naging tugon ko dahil tumaas ang kilay niya. "Ano bang kulay ang gusto mo kung ganoon?" Aniya sa tonong hindi interesado. Bumaling siya ulit sa harapan namin.
"Iyong katulad niyong kay Blair." I pouted.
Mabilis siyang sumulyap sa akin. Kumunot ang noo niya. "Kay Blair?"
"Pati iyong bestfriend kong si Vicky. They have the skin color that I'm dying to have. Naiinggit ako, Nabrel," I said with full of honesty.
"Iyon lang ba ang problema mo sa buhay?" May bahid ng tawa ang boses niya.
I rolled my eyes. Hindi niya ako naiintindihan. Why am I even telling him about my insecurities? Ni hindi ko ito sinasabi kay Davien. Siguro ay dahil estranghero lang si Nabrel para sa akin. I wouldn't care about his opinion of me.
"What about the story behind Belleza Eterna? I'm curious," malamig kong sinabi upang matigil ang usapan namin tungkol sa aking sarili.
He licked his lower lip and looked away. Natulala siya nang ilang saglit sa kawalan bago magsalita.
"Sabi nila, namatay daw iyong asawa ng isang hari. Hindi nakayanan kaya nagpakamatay dito sa mismong karagatan ng Belleza Eterna. Sinumpa ang lugar na ito, Talianna," bulong niya sa huling sinabi.
"What do you mean?"
"Walang masayang pag-iibigan dito. Walang masayang nagtatapos." Lumingon siya sa akin. Mapungay ang kaniyang berdeng mga mata.
"And you believe that?" Hindi ko mapigilang matawa.
He bit his lower lip while staring at me. Kitang-kita ko sa mga mata niya na may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya na iyon isinatinig pa.
"Oh my God! You really believe that?" Mas tumindi ang pagtawa ko dahil hindi niya ako mabigyan ng sagot.
"Ayokong paniwalaan. Pero baka nga totoo iyon. Sa nakita ko sa mga magulang ko..."
Nagtiim-bagang ako. I just stared at him. Hindi ko makuha ang kaniyang sinabi. Gustuhin ko man magtanong, alam ko na hindi na iyon pupwede.
"Ayaw mo bang kunan kita ng larawan? Akin na ang camera mo," suhestiyon niya bigla, tila ba tinatapos na ang usapan tungkol doon.
Ngumiti na lamang ako at tumango. Naisip ko rin iyon kaya lang ay inuna ko munang kunan ang mga magagandang tanawin na nakikita ko. Now that he mentioned it...
"Here," masigla kong sinabi sabay abot sakaniya ng camera at phone ko.
"Lalayo ako. Masyadong malapit kung dito ako pupwesto sa tabi mo," aniya at hinayaan ko siyang maglakad sa bangka. Nanatili akong nakaupo at hinanda na ang matamis kong ngiti.
Ang cellphone ko muna ang ginamit niya. Pose lang ako nang pose. Minsan ay nakangiti, minsan ay seryoso at bahagyang itatagilid ang mukha.
"Stop! Ang dami naman, Nabrel!" Reklamo ko nang mapansing napaparami na ang tunog ng pag-click ng camera.
"Ayos na ba iyan, Senyorita?" Aniya habang sinusuri ko ang mga pictures. Nagkibit-balikat lamang ako. They're fine. Mabuti at walang malabo.
"Sa polaroid naman," sabi ko at mabilis siyang pumwesto.
Tantsa ko ay nasa anim na pictures ang nakunan niya sa akin. Bawat paglabas ng larawan ay mabilis niyang pinapagpag at itatabi sa maliit na upuan na nasa kaniyang likuran. Natatawa pa ako dahil seryosong-seryoso siya sa ginagawa.
Umirap ako nang mapagod sa kaka-pose sa aking kinauupuan. "Okay na iyan, Nabrel. Patingin ako."
Tumayo siya at naglakad na patungo sa akin. Inabot niya sa akin ang mga pictures at naupo muli sa aking tabi. Kumunot ang noo ko nang lima lang ang mga pictures ko.
"Bakit lima lang? Hindi ba anim ito?"
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. "Baka tinangay ng hangin. Binilang mo ba? Ni hindi ko nga alam na anim iyan."
"Nevermind," saad ko at tinanaw muli ang mga pictures.
Umiling siya at tumayo. "Paaandarin ko na ang bangka. Tutuloy na tayo sa isla ninyo," aniya bago magtungo sa makina.
Tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Davien. Mabilis kong pinigilan si Nabrel.
"Huwag muna, Nabrel. May kakausapin lang ako."
Lumingon siya sa akin at nagkibit-balikat. Umupo siya sa dulo ng bangka, kung saan ang pwesto niya kanina.
Bumungad sa screen si Davien na may suot na reading glasses. Tingin ko ay nasa kwarto siya.
"Babe! Look! Ang ganda, 'di ba? It's so enthralling!" Masigla kong sinabi sabay nilibot ang cellphone sa paligid bago binalik ito sa aking mukha.
Ngumiti siya. Kitang-kita ko ang pagod sakaniya. Siguro ay abala siya sa pinapagawa ni Tito Darius para sa De Luxrey.
"Are you enjoying yourself there? Bibisita ako riyan. Probably next week." He smiled.
Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap sakaniyang balita. "Really?! Are you serious?"
"Uh-huh. Magbo-book ako ng ticket dahil hindi available ang dalawang chopper sa araw na iyon. Sunduin mo ako sa airport?"
"Of course!" Napatingin ako sa banda ni Nabrel nang makarinig ng ingay. Nagsisimula na niyang paandarin ang bangka.
"Nabrel! I'm still talking to my boyfriend. Mamaya mo na paandarin iyan." Iritado kong sinabi.
"Papalubog na ang araw, Senyorita. Anumang oras ay magdidilim na," he exclaimed with a hint of sarcasm habang patuloy sa paghila ng tali doon sa makina.
"Ang sabi ko mamaya mo na paandarin! Ilang minuto lang naman ito. Umupo ka muna at maghintay na matapos ang tawag." Nalunod na ang boses ko dahil sa maingay na tunog ng bangka. Matalim kong tinignan ang likod niya. Muli siyang umupo sa dulo, walang pakialam at binabalewala ako.
Hinawakan ko ang aking fedora upang mapigilan ito na matangay ng hangin. I was left with no choice but to cut the call. I'll just call Davien later. Nilingon ko ang screen at nilakasan ang aking boses.
"Babe, I need to go now. Hindi tayo masyadong magkakarinigan. I love you! I'll call you once I get home." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil hindi ko rin naman maririnig.
Kinuha ko ang aking sunglasses at binato sakaniya. Ngunit hindi iyon tumama sakaniya. Sa halip ay bumagsak iyon sa tubig!
Napamura ako sa sobrang iritasyon. Kunot ang kaniyang noo nang lingunin ako.
"Kunin mo iyon," mariin kong utos ngunit tamad lamang siyang umirap at umupo.
"Nabrel! That's a Dolce and Gabbana sunglasses!" Sigaw ko at halos maiyak na sa sobrang pagsisisi. Unti-unti na kaming nakakalayo sa parteng iyon! Imposible na iyong makita pa!
Wala akong nagawa kundi ang lingunin ang parteng iyon habang papalayo. Iritadong-iritado na ako at mas nadaragdagan iyon sa tuwing nakikita ko si Nabrel. Nanatili akong tahimik kahit na gustung-gusto ko na siyang sigawan at hampasin. Hindi siya umalis sakaniyang pwesto. Ni hindi siya lumingon dito! Para bang ninanamnam niya lang ang magandang tanawin na nasa kaniyang harapan! Habang ako ay halos sumabog na!
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal