Hanggang sa makabalik kami sa dalampasigan ay iritado pa rin ako. Lumubog na ang araw ngunit may liwanag pa rin. Nauna siyang bumaba sa bangka at ako naman ay nanatiling nakaupo, nakahalukipkip at matalim ang tingin sakaniya. He offered his hand but I refused it.
"Don't touch me!" Agresibo akong umiwas.
Nagbuga siya ng hangin at binaba ang kaniyang kamay. Hinaplos niya ang buhok niya, tila nafru-frustrate na sa nangyayari.
"Talianna, bumaba ka na," mariin niyang sinabi.
Patuloy akong nagmatigas. Gusto kong mapikon siya sa akin. Gusto kong makita kung paano mapikon ang isang Nabrel Trenuver. Hindi pwedeng palaging ako na lang ang talo rito!
"Hindi ako bababa rito hangga't hindi ko nakikita ang sunglasses ko! You have to find it. Kapag hindi mo nahanap, you will have to pay for it!"
Nalaglag ang kaniyang panga.
"Ano? Binato mo sa gitna ng karagatan, Talianna. Umaasa ka pang makikita mo iyon?" Aniya sa tonong hindi makapaniwala.
"It was your fault," pagdidiin ko.
"Wala akong ginagawa. Bumaba ka na." Punung-puno ng pagtitimpi ang kaniyang tono. Paulit-ulit niyang hinaplos ang kaniyang buhok sa agresibong paraan.
"I won't," pagmamatigas ko pa.
"Hindi ka bababa?" Seryoso niyang sinabi. Determinado akong umiling.
Nagsukatan kami ng titig. Kitang-kita ko ang paghihirap niya sa pag-uusap na ito. He was really pissed! Tumawa ako sa aking kaloob-looban.
"Sige. Bahala ka. Huwag kang bababa riyan, ah. Magsawa ka," magarbo niyang sinabi bago humakbang sa tubig.
Napatuwid ako sa aking kinauupuan. He's going to leave me again? Ano bang trip niya at tila gustung-gusto niya ng ganoon? Tapos babalik din naman kapag tinawag ko.
"Nabrel!" I called him but he just continued walking. Mas lalong nag-alab ang iritasyon sa akin.
I called him again. Nakita ko pa ang pag-iling niya bago ako hinarap.
"Ano? Bababa ka na ba?" Malamig niyang sinabi.
I bit my lower lip and nodded. I was trying my best to stop myself from smiling like an idiot when he started walking towards me. Tinanggap ko ang kaniyang kamay nang inalok niya iyon. Tumayo na ako ngunit natigilan nang makitang nasa tubig pa ang bangka.
"Nabrel, mababasa ang suot ko." I told him. Halos sumayad sa lupa ang suot kong maxi dress. Ayos lang naman sa akin kung mabasa ako. I just want to pissed him more.
"Bubuhatin na kita. Arte talaga," bulong niya pa.
"Okay." I pouted. I removed my fedora nang sa ganoon ay hindi sagabal. Kumapit ako sakaniyang leeg nang sikupin niya ako mula sa bangka. Nakasuporta ang isang kamay niya sa aking likuran at ang isa ay sa likod ng aking hita. Inipit niya ang mahabang tela ng aking suot.
"Kumakain ka ba? Para akong nagbubuhat lang ng pusa," he commented.
"A very cute cat." I giggled. Umirap lang siya sa akin.
Nalanghap ko ang kaniyang amoy. His masculine scent made me flushed. He smells so good. Nilapit ko ang aking ilong sakaniyang leeg. Naramdaman ko ang pagkakatigil niya. Dinungaw niya ako. Napakurap ako.
"Talianna! Anong ginagawa mo?" His breathing became ragged. Salubong ang kaniyang kilay.
"What?" I asked innocently. Nagulat pa ako sakaniyang reaksiyon. Bumilis ang kaniyang mga hakbang at mabilis akong binaba sa parteng puro buhangin na.
Inayos ko ang aking maxi dress.
"I was just smelling you. You don't have to be ashamed. You smell so good actually." I shrugged and ran my fingers through my hair before wearing my fedora.
Nag-iwas siya ng tingin at agresibong hinaplos ang kaniyang buhok. Kitang-kita ko ang pagbuga niya ng hangin.
"Halika na. Ihahatid na kita sainyo," malamig niyang sinabi at nanguna na sa paglalakad. Tahimik na lamang akong sumunod sakaniyang likuran.
Two weeks have passed, iisa lang ang pinagkakaabalahan ko. Iyon ay ang maglakad-lakad sa dalampasigan. The air is always clear. A cool breeze in a hot summer day. I love how the light and cold wind kisses my skin.
Hindi naman ako nakakalayo sa mansiyon. Malayo ang mga kabahayan mula sa rito kaya hindi ako nagbabalak magpunta roon. Ni hindi ko pa nasusubukang lumangoy sa dagat. Kung gusto ko man magbabad, doon lang ako sa pool. Sa gilid lang ako. May parte kasi na anim na talampakan ang lalim.
"Uuwi po ako mamaya, Ma'am Talianna. Nakapagsabi na ako kay Sir Lavino bago siya umalis kahapon. May sakit kasi ang bunso namin. Hindi naman siya maaalagaan ni Mama dahil mahina pa rin ang katawan niya." Imporma ni Blair habang nag-aalmusal ako.
Tumango ako habang kumakagat sa sausage. Ngumiti siya at nagsalin ng fresh apple juice sa aking baso.
"Kailan ka babalik?" Untag ko.
"Sa isang linggo, Ma'am."
"May susundo ba sa'yo?"
"Si Nabrel po."
Nagtaas ako ng kilay sakaniya. Nabura ang kaniyang ngiti at napalitan iyon ng ngiwi.
"Magkalapit lang ba ang bahay ninyo?"
She nodded. "Tatlong bahay lang po ang pagitan, Ma'am. Magkaibigan na kami simula pagkabata."
Habang nagkwe-kwento siya, kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya na tila ba paborito niyang topic si Nabrel. She must be really inlove with that fisherman, huh? Pati mga mata niya, nagdidiwang.
"Anong oras ka niya susunduin?" Tanong ko habang hinihiwa ang bacon.
"Mamayang alas diyes po ng gabi. Pagkauwi niya galing trabaho."
Nagtiim-bagang ako at mariin siyang tinitigan. Nanatili lamang ang hilaw niyang ngiti.
"Nagpapasundo ka pa gayong alam mong pagod siya galing trabaho?"
Kitang-kita ko ang pagka-ilang niya sa aking paratang. She laughed a bit nervously. I just rolled my eyes. Ang clingy naman nito!
Naging kuryoso tuloy ako kung ano bang mayroon sa lugar nila. Maybe I could visit their place.
"Nasaan ba si Nabrel niyan?" Kumunot ang noo ko. Ngayong bumalik na si Dad sa Manila, hindi na rin siguro pupunta rito si Nabrel. Tulad kahapon, hindi siya nagpunta.
"Nasa palengke siya ngayon. Tapos mamayang tanghali, may shift siya sa isang restaurant hanggang gabi."
Tinagilid ko ang aking ulo, bahagyang naguluhan sakaniyang sinabi. Napaka-busy naman niya!
"At anong ginagawa niya sa palengke?"
"Kargador siya roon, Ma'am. Pansin niyo siguro marami siyang trabaho. Siya kasi ang panganay sakanila. Tuwing walang pasok, puro trabaho siya para sa dalawa niyang kapatid." She looked really proud of her boyfriend. God. I could see that this woman is obsessed! Hindi maganda ang ganoon.
"Oh? Nag-aaral siya?" I didn't mean to sound rude. Akala ko kasi ay puro trabaho ang inaatupag niya at wala ng panahon para sa pag-aaral. Nagtratrabaho pa rin ba siya tuwing may pasok?
"Graduating na po kami, Ma'am. Sa pasukan," she smiled sweetly.
Umawang ang labi ko. Nag-aaral din siya? Hindi ko maiwasang mamangha. Huling taon na pala nila niyan.
"What about his parents? Nagtratrabaho ba sila?"
Medyo nawiwili ako sa usapan namin. I can't believe we're talking about that fisherman's personal life!
"Uh, ulila na po siya," aniya sa mababang tono.
Nahinto sa ere ang kutsara ko. Napakurap ako at binaba iyon. Hindi pa lubusang naproseso ng utak ko ang narinig.
"R-Really?" I whispered. I felt something in my chest. Something heavy and cold. Siguro ay awa para sakaniya.
"Opo. Uhm, gusto niyo pa po ba ng sinangag?" She was obviously trying to change the topic. Mukhang hindi niya gusto ang naging takbo ng usapan namin. Hindi ko naman sinasadyang buksan ang tungkol doon. I didn't know...
"Hindi ba pwedeng agahan mo ang pagpunta rito? I'm really bored here, babe. I don't know what to do anymore. Kung hindi man matulog o kumain, nilalakad ko ang dalampasigan! Ang saya, 'di ba?" Reklamo ko kay Davien nang gabing tumawag siya. Kumakain siya ng dinner habang kausap ako. Nakikinig lang siya sa bawat hinanakit ko.
Mas hinigpitan ko ang yakap sa aking unan. Nakita ko sa background ang pagdaan ni Tito Darius. Sandali siyang tumigil upang titigan ako sa screen. Nanliit pa ang mga mata niya, tila kinikilala ako.
"It's Talianna, Dad." Natatawang sambit ni Davien.
"Good evening, Tito! How are you po?" Bati ko sakaniya.
"Oh! Talianna! I'm doing great. How about you, hija? I heard nasa Belleza Eterna ka raw sabi ni Davien?" He smiled gently.
"Yes po, Tito. Actually, dito na po ako magco-college. Iyon po kasi ang gusto ni Dad." Halos mapangiwi ako sa aking sinabi. Hindi ko pa rin tanggap na rito nga ako magkokolehiyo. Umaasa pa rin akong babawiin ni Dad ang desisyon niyang iyon.
"That's great! Kapag may libreng oras na ako, magbabakasyon ako riyan. Nami-miss ko na ang amoy ng dagat."
Humaba pa ang usapan namin ni Tito Darius tungkol doon. Taga-Belleza Eterna ang pamilyang De Loughrey. Dahil sa negosyo, kinailangang lumipat sa Manila tulad namin.
Nang maputol ang tawag ay saktong may kumatok sa aking kwarto. Bumungad sa akin si Blair na bitbit ang kaniyang itim na sling bag. Mukhang handa na siyang umalis.
"Mauuna na po ako, Ma'am. Nasa baba na ang sundo ko."
Tumango ako at ngumiti. "Okay. Mag-iingat kayo."
"Salamat, Ma'am. Sige po. Maiiwan ko na kayo."
Pinanood ko ang kaniyang pagtalikod. Bumaba rin ako pagkatapos magsuot ng tsinelas. Naabutan ko si Nabrel na nakaupo sa mahabang sofa. Nakatukod ang mga braso niya sakaniyang tuhod. Nang matanaw akong pababa ng hagdan ay umayos siya ng upo. Kitang-kita ko ang pagpasada ng kaniyang tingin sa aking suot. I was wearing my usual sleepwear, baby pink night dress.
Nagtaas ako ng kilay sakaniya. "Akala ko nakaalis na kayo? Nasaan si Blair?" Untag ko.
Tumayo siya at binulsa ang mga kamay. "Kinakausap pa si Manang Fely," malamig niyang sinabi. Suot niya ang isang madilim na asul na t-shirt at cargo shorts. Pinaglaruan niya ang hawak niyang susi at naglikha iyon ng ingay.
Tumango lamang ako at tumulak na patungong dining area. Halos makalimutan ko ang pakay kong kumuha ng fresh milk.
Dinala ko ang baso patungo sa aking kwarto. Nang dumaan ako sa living room ay naroon na si Blair.
"Halika na, Nabrel. Naghihintay na sina Nanay." Dinig kong sinabi ni Blair.
"Teka lang, Blair. May..." Natigilan si Nabrel nang matanaw ako. Napalingon din sa akin si Blair at ngumiti.
"Talianna, mauuna na kami," seryosong wika ni Nabrel na tinanguan ko lamang.
Tumitig siya sa akin. Naghintay ako ng kaniyang sasabihin dahil mukhang mayroon pa base sakaniyang mariin na titig.
"Kung gusto mong..." Tumikhim siya bago magpatuloy. "Kung gusto mong ituloy iyong pagbisita mo sa isla niyo, ipaalam mo lang sa akin. Hindi tayo natuloy noong nakaraan." Nahimigan ko ang pangamba sakaniyang tono. Hinaplos niya ang kaniyang buhok.
Ngumuso ako at muling tumango. "Okay."
"Nandito ako bukas. Maggugupit ng mga tumubong damo sa hardin niyo."
So he's not busy tomorrow, huh? Magmula kahapon hindi ko siya nakita. I wonder kung anong ginagawa niya sa palengke? Kargador daw siya roon, hindi ba? Hindi ba't mabigat na trabaho iyon? At nangingisda pa siya tuwing madaling araw. At may shift pa tuwing tanghali hanggang gabi. Hindi ba siya napapagod sa mga trabaho niyang iyon?
"Yeah, sure," tugon ko sa maliit na boses dahil sa mga iniisip.
His lips parted a bit and nodded.
"Sige. Kung ganoon... mauuna na kami," he said wearily.
Tipid lamang akong tumango at nag-iwas ng tingin bago nagpatuloy sa pag-akyat.
My dad will be gone for two weeks. Nagising ako kanina dahil sa tawag niya. Wala naman pagbabago kung narito man siya o wala. Palaging trabaho lang ang kaniyang kaharap. Mga papeles at ang kaniyang laptop. Last time, I asked him to swim with me sa pool para naman kahit papaano ay makapagpahinga mula sa trabaho ngunit tumanggi lang siya. Mas gugustuhin niya pang mangisda! It was Wednesday morning. Napagdesisyunan kong magbabad sa pool. Magbabad lang, hindi lumangoy. Kanina ay naisip kong sa dagat na lang maligo ngunit nagbago ang isip ko. Dito na lang sa pool tutal ay magbababad lang naman. "Manang, please prepare me a fresh apple juice? Sa pool lang po ako," bilin ko kay Manang Lusing na naabutan kong palakad-lakad sa living room. "Iyon lang ba, Ma'am?" Aniya na tinanguan ko. I was wearing an olive green two piece swimsuit. Pinatungan ko ito ng black lace cover up. Sa dining area ako dumaan dahil mas malapit doon ang pool area. Pagbukas mo ng sl
Umalis din si Nabrel nang matapos ang kaniyang trabaho sa hardin. Pinaabot ko kay Manang Fely ang damit at shorts sakaniya. Bumaba ako upang puntahan sana si Nabrel ngunit nakaalis na raw. "O-Okay. Iyong uhm, bayad. Hindi niya kinuha," wika ko sa maliit na boses. "Ahh. Wala naman siyang nabanggit na may kukunin siyang bayad sa 'yo. Tsaka nagmamadali. May trabaho pa kasi siya," si Manang Lusing. Kinagat ko ang labi ko at tipid na tumango. Nang mag-lunch time, nasa balkonahe lang ako at kausap si Davien. "Ilang araw ka mags-stay dito? HmmMga one month?" Ngumuso ako. He laughed. "Silly. I can't stay for that long, babe. Nakiusap lang ako kay Dad. I'm gonna stay there for three days. How's that sound?" "Three days lang? Babe! Sobrang bilis niyon! Hindi mo man lang pinaabot ng isang linggo." Dismayado ang boses ko. "Don't worry. May susunod pa naman." Kumunot ang noo ko nang may mari
"Are you out of your mind, Taliyah Lavianna?!" Gulantang na sigaw ni Vicky nang isa-isahin ko sakaniya ang nangyari. Nag-usap kami ni Davien. And... I gave him another chance. I love him. I think that's enough reason for me to forgive him. Being in a relationship with him for a year now is quite long. He flew all the way from Manila upang kausapin lang ako. Napaaga ang dating niya rito dahil sa nangyari. Nasa guestroom ngayon si Davien at marahil ay tulog pa. It's still 5 am. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, hindi ko na magawang matulog ulit. "Vicky, why can't you just be happy for me? You know how much I love him. Everyone deserves a second chance." I sighed and brushed my hair with my fingers. Maging ako man ay napangiwi sa huling sinabi. "Gasgas na ang linyang iyan, Talianna. Tanga ka lang talaga!" Nanlaki ang mga mata ko sakaniyang paratang. She doesn't usually talk like this not unless sagad na ang kaniyang pasensiy
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa tabi ko si Davien. Seryoso lamang siyang nakatingin sa aming harapan, kay Nabrel. "What are you doing here, babe? Who's this guy you're talking to?" Malamig ang kaniyang boses. He kissed my hair. Humigpit ang kaniyang braso sa akin. Nilingon ko si Nabrel. Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bumuka ang aking bibig ngunit nag-iwas na siya ng tingin. Sumikip ang aking dibdib. There was something in my heart. Something strange and heavy. I felt like it was being squeezed. I swallowed the lump in my throat. Pinanood ko siyang tahimik na inaangat ang mga balde, hindi na lumingon pa sa akin. Pumikit ako nang mariin at inalis ang braso ni Davien sa aking baywang. I tried to smile at him. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. I noticed that he was wearing a white button down shirt and khaki shorts. Baklas ang tatlong butones niyon. Nasa ulo niya ang kaniyang aviators.&nb
Tumawag nga si Nabrel pasado alas diyes na ng gabi. Iyon daw ang eksaktong labas niya mula sakaniyang trabaho. And I can't believe I really waited for him to call me. Ni hindi ako mapakali sa bawat minutong dumadaan. At nakakairita dahil napakatagal niyang tumawag. Naiintidihan ko naman na bawal ang cellphone sakanila at sumusunod lang siya sa rules. It's just that... naiinis talaga ako. What kind of management is that, right? Paano kung biglang may emergency sa bahay nila? How would he able to know that if he cannot even touch his phone while working? Very irrational and unjustifiable! Ipasara ko kaya ang restaurant na iyon? I told him to free his schedule this coming Sunday. He didn't hesitate to say yes. Ang sabi niya ay may trabaho siya ng Linggo ngunit pumayag naman sa hiling ko. I didn't ask though. I'll pay him kaya hindi naman masasayang ang araw niya. Hindi na bumalik si Davien sa mansiyon. He texted
Maingat ang bawat paghiwa ko sa mga gulay na gagamitin sa pagluluto ng kare-kare. Tagaktak na ang pawis ko. Si Blair ang nagtuturo sa akin ng mga gagawin at pinapanood ang bawat galaw ko. "Ma'am, hindi ganiyan ang paghihiwa sa talong! Naku!" Natataranta niyang sinabi sa gilid ko. Binaba ko ang kitchen knife at tamad siyang nilingon. "Iba man ang pagkakahiwa, iisa pa rin ang lasa, Blair. Talong pa rin iyan. Stop it! Nade-destruct ako." Inirapan ko siya. Napangiwi siya sa akin at nagkamot ng ulo. She didn't say anything after that. Hinayaan na lamang ako sa aking ginagawa. It's Sunday. And Nabrel is gonna be here any minute now. I asked him to be here before lunch. Pinaaga ko dahil gusto kong matikman niya ang iluluto ko. This is his favorite, ayon nga kay Blair. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit maaga ko siyang pinapapunta. Hindi na rin naman siya nagtanong. Alas singko ang usapan namin na pagpunta sa isla ni Dad. Naisipa
"I'm good. Medyo nalalapit na ang pasukan so... yeah." I smiled at Davien. Kausap ko siya ngayon through video call. He told me about his upcoming birthday. That's two weeks from now. Family dinner lang naman ang gusto niyang mangyari. Of course, kasama ako at si Dad. "Are you sure that you're gonna take Architecture? I thought you wanted to be an attorney?" He asked curiously. Nasa opisina siya. Parte na rin iyon ng kaniyang training sa pamamahala sa De Luxrey. He's still in third year and Tito Darius wanted him to exert time and effort in their company habang maaga pa. "Hmm. I just realized that being an attorney is a tough job. Delikado rin. I heard that Tito Ludwig often receives death threats. Ayoko naman ng ganoon." "You're right. Mahirap magtrabaho kung nasa hukay ang isang paa mo. You wouldn't enjoy it." Ngumuso ako at tinanaw ang malawak na karagatan mula rito sa balkonahe pagkatapos ng tawag. Davien and I... are okay. I guess. Sa loob
Humalukipkip ako at pasimpleng sinulyapan si Nabrel. Naabutan ko ang salubong niyang kilay habang tinatanaw ang aking suot. Isang beses niya pang pinasadahan ang aking suot bago nag-angat ng tingin sa aking mukha. "Kita ang braso mo, Talianna. Ang nipis mo. Malamig na sa labas. Hindi ka magdadala ng jacket?" Komento niya at hinaplos ang kaniyang buhok. Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. "Duh! Iyong girlfriend mo nga kita ang pusod!" maanghang kong sinabi. Kitang-kita kong natigilan siya. Nanliit pa ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napairap. "Sino?" Malamig ang kaniyang boses. Magarbo niya akong tinitigan na tila ba nanghahamon. "Anong sino?!" Napairap ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Dapat ba ay kailangan pang pangalanan ang girlfriend niya? Maliban na lang kung hindi nag-iisa! He slowly licked his lower lip and tilted his head. "Wala akong maalalang may girlfriend ako, Talianna.