Share

Eskwelahan

Nandito kami ngayon ni Abe sa may school. Enrollan na kasi ngayon. At mabuti na nga lang nakapagdesisyon na ako. Kung mag-t-trabaho 'o mag-aaral. Ang napili ko ay mag-aral at raraket na lang. Tama ang sinabi ni Anus. Mabuti na lang at nagkausap kami tungkol sa pag-aaral 'o trabaho.

FLASH BACK

Kakatapos lang namin ni Anus magpakain ng mga kabayo at ngayon ay nagpapahinga na lang kami sa ilalim ng puno, habang nakain ng tinapay at nainom ng apple juice.

"Nag-aaral ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya.

Nakuryoso kasi ako dahil hindi ko siya nakikitang pumapasok. 'O talagang parehas din dito sa probinsya sa Manila, bakasyon.

Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti. Humigop muna siya sa basong hawak niya na ang laman ay juice. Nilunok niya ito at tiyaka niya ako sinagot.

Ang gwapo niya talaga.

"Tapos na ako ng pag-aaral." Sagot niya ng mahinahon.

Napanganga naman ako sa kaniyang sinagot. Totoo ba? Sa bagay dapat hindi na ako magtakha. Madami siyang alam sa madaming bagay.

"Anong tinapos m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status