Share

Palagi

Hindi makapag-focus ang isip ko sa panonood ng basket ball. Hanggang ngayon kasi nalulungkot pa din ako dahil umaasa akong manonood si Anus sa rampa ko lalo na't alam niya naman.

Ang dami nga siguro nila talagang ginagawa kasi hindi niya na din akong magawa na bisitahin man lang sa bahay tulad ng ginagawa niya pa lagi kahit na gabi pa.

"Problemado ka ba?" Tanong ni Ran.

Napabuntong hininga akong napasulyap kay Ran na nasa tabi ko na pala.

"Hindi naman." Sinungaling tugon ko.

Kahit hindi ko man aminin ay talagang problemado ako. Paano kasi itong si Anus para bang nag bago na simula no'ng dumating si Melody. Kailangan ko ba talagang intindihin na may trabaho sila? Ilang araw na silang magkasama pa lagi. Malay ko ba kung anong ginagawa nila sa ibang oras. Napapapikit ako sa'kin iniisip.

"Congrats pala sayo ka hapon napanood ko." Nakangiting sambit ni Ran.

Ngumiti naman ako sa kaniya ng hilaw. Kung sino talaga iyong hindi mo inaasahan pa laging nandiyan.

"Salamat." Tugon ko.

Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status