Share

Talaga

Sinamahan ako ni Ran hanggang sa makauwi ako sa may bahay walang kibuan kaming dalawa habang nakauwi.

"Ingat ka salamat." Sambit ko kay Ran.

Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ran dahil ako'y nakayuko. Tinalikuran ko na din siya at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Gusto lang ay magpahinga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Pagkapasok ko pa lamang sa'kin kwarto ay agad kong sinubsob ang akin mukha sa may unan.

Bakit kasi niligawan niya pa ako at pumayag naman ako na manligaw siya? Hindi naman pala totoo ang mga pinapakita niya sa'kin no'n at pinaparamdam. Bakit kaya ako'y nagtiwala sa kaniya ng lubos na kahit hindi dapat.

Hindi dapat ganoon, kung talagang ayaw niya sa tao dapat hindi niya pinaglalaruan dahil hindi biro ang nararamdaman ng isang tao lalo na't kung seryoso ito sa kaniya.

Ang sakit-sakit sa pakiramdam na makita siyang masaya sa iba. Sana ako na lang si Melody. Ang hirap naman sa sitwasyon ko kasi hindi ko alam kung may karapatan ba talaga ako.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status