Share

Prae High
Prae High
Author: MarkusJuan

PROLOGUE

Sa isang lugar kung saan nababalot nang kasiyahan noon ay naging madilim, magulo at mabaho na ngayon.

Ni walang nag akala na sa isang iglap ay magbabago na ang lahat.

Sa kabilang banda, sa gitna ng kalsada ay nandoon ang isang binata na walang tigil sa pag-iyak. Sabayan pa ng walang tigil na pag kulog at pag kidlat. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at tila ba'y pinagkaitan siya ng mundo.

"Ayoko na! Bakit lagi na lang ganito?!" malakas na sigaw niya, bago pinagsusuntok ang sahig. Hindi niya pinansin ang mga dugong tumutulo mula sa kanyang kamao at patuloy lang sa kanyang ginagawa.

"Inaano ko ba kayo?!"

"Ganoon na ba kalaki ang kasalanan ko, para makaranas ako ng ganito?!" Napaluhod siya sa sahig at patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha niya.

"Please, sobrang sakit na," saad niya habang yakap ang sarili nang mahigpit.

Sa bawat salitang binibitawan ng binata ay mararamdaman kung gaano kalalim ang sugat na iniinda niya. Hindi pisikal na sugat, kundi sugat sa puso na sobrang tagal bago maghilom.

Nagkaroon pa ng ilang kulog at malakas na kidlat, pero hindi ito alintana sa kaniya, tanging iniisip niya lang ay mawala na ang sakit na nararamdaman niya.

Bakit pa nga ba niya ito papansinin, kung lahat na lang ng mahalaga sa kanya ay nawala na.

Samantala, lingid sa kaalaman niya ang pagguho ng isang gusali na saktong tatama sa kanya.

Ngunit nakatigil lamang siya at walang pakialam na tila hinihintay ang pagbagsak nito.

"Sana ako na lang," mahinang sambit niya.

At sa huling pagkakataon ay muling tumulo ang luha niya. Habang papalapit ang pagbagsak ng bagay na tatama sa kanya, ay siya namang pagpikit ng mga mata niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status