Share

CHAPTER 1

Walang tigil ang pag-ulan na tila ba'y nakikiramay sa binatang si Migi.

Katatapos lamang ng libing ng kanyang ina at nag sialisan na rin ang ibang nakipaglibing, ngunit nanatiling nakaupo ang binata malapit sa puntod.

Makikita sa mata niya kung gaano siya nagdadalamhati at nalungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na iiwan siya nito. Naalala pa niya ang mga masasayang araw na magkasama sila ng kanyang ina nang ito ay nabubuhay pa.

“Mama, tingnan mo katulad ko na si Superman!” masayang sambit ng batang si Migi habang nakasuot ng kapa at patuloy lang sa pagtakbo na akala mo’y lumilipad.

“Migi! Pumunta ka na at kakain na tayo.”

Agad naman bumalik ang bata at sinalubong ng yakap na may kasamang h***k ang kanyang ina.

“Napakalambing naman ng baby ko, pero alam mo amoy pawis ka na.” Humiwalay ito sa yakap.

“Mama naman! Hindi mo na ba ako love?” Nakangusong tanong niya.

“Ano ba naman itong baby ko, syempre mahal na mahal ka ni mama.” Niyakap naman nang mahigpit ng bata ang kanyang ina.

“Mama, huwag mo akong iiwan ha! Alam mo naman na ikaw na lang natitira sa akin.”

Tumagal muna ng ilang minuto bago ito nakasagot. “Oo anak, pangako,” wika nito bago hinaplos ang likod ng bata.

Bata pa lang si Migi ay hindi na niya kasama ang kanyang ama. Lagi naman niya itong hinahanap sa kanyang ina at ang palaging sagot nito ay matagal na raw itong patay. Pero kahit minsan ay hindi niya nararamdaman ang pagkukulang sa aruga, dahil na rin sa walang sawang pagmamahal na ibinibigay ng ina niya para sa kaniya.

“Napakadaya mo naman, Mama!” turan ni Migi bago ipinagpatuloy ang pag iyak.

Habang umiiyak ay hindi lingid sa kanyang kaalaman na may isang lalaki na kanina pa na nakamasid at nakikinig sa kanya.

Sinitsitan ng lalaki si Migi na umiiyak, kaya naman napatigil siya sa pag-iyak pero hindi siya lumingon sa kanyang likod.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nakaramdam ng inis si Migi.

"Alam mo kung manggugulo ka lang, umalis ka na dito kasi sinisira mo momentum ko!" sigaw  niya.

"Kalalaki mong tao pero dinaig mo pa ang babae kung umiyak," saad ng lalaki habang lumalapit sa binata.

Hindi naman niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagsesenti.

"Alam mo bang si Mama na lang ang kasama ko sa buhay? Ngayon, wala na siya hindi ko na alam ang gagawin ko! Nawawalan na ako ng gana sa lahat! Paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko, kung ang nag-iisang mahal at sumusuporta sa akin ay iniwan na ako.” sambit niya at bumuhos na naman ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nanatiling tahimik ang lalaki sa kanyang likod na tila nararamdaman din nito ang lungkot niya. Maya maya ay inabutan siya nito ng panyo.

Nagpatuloy siya sa pag-iyak at pagsinghot na daig pa ang musmos. Natawa naman ng bahagya ang lalaki sa inasal ni Migi.

Lumipas ang ilang minuto at kasabay nang pagtila ng ulan ay siya rin pagtigil ng pagpatak ng luha niya.

Nakaramdam siya ng konting ginhawa sa d****b dahil sa pag iyak na iyon, bagama't nandoon pa rin ang sakit ay mas gumaan na ang pakiramdam niya kung ikukumpara kanina.

Bigla niyang naalala ang lalaking na sa likod niya ngunit nang tumingin siya sa likod ay nawala na ito na parang bula. Agad naman siyang napatingin sa panyo na pinahiram sa kanya ng lalaki na iyon, sa hindi malamang dahilan ay napangiti siya habang hawak ito.

Makalipas ang ilang pang minuto ay napabuntong hininga si Migi at bigla niyang naisip na kahit pa paano ay nakatulong sa kanya ang estranghero na iyon.

Tumingin siya sa langit at napagtanto niya na hindi lamang dito natatapos ang buhay niya. Na kailangan niya pang magpatuloy at lagi niyang tatandaan na kailangan niya rin malaman kung sino ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang ina. Nang sa gayon ay makapaghiganti siya, kaya pipilitin niyang makamit ang hustisya na nararapat para sa kanyang ina.

Nagulat na lang si Migi ng bigla siyang mapa-hatsing. "Ayst! Mukhang magkakasakit pa ata ako, ah!" natatawang sabi niya sa kanyang sarili habang kumakamot sa batok.

Napagpasyahan na niyang umuwi, habang naglalakad ay napansin niya na parang may sumusunod sa kaniya. Dahil sa takot na baka kung ano ang gawin sa kaniya, ay minabuti na niyang sumakay ng Bus. Habang nasa Bus ay napansin niya ang isang naka-hood na lalaki nagpapalinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.

Nawala lamang ang kaba niya ng makarating na siya sa daan pauwi sa bahay nila. Nang makarating siya sa kanila, agad naman siyang nag linis ng kanyang katawan. Napahikab siya at naisipan muna niyang humiga sa sofa.

Dahil sa bilis ng takbo nang oras ay inabot na si Migi ng dilim at tila masarap pa rin ang tulog niya sa sofa. Habang natutulog siya ay may isang lalaki na lumapit sa kaniya at binuhat siya papunta sa kaniyang kama. Hinalikan pa siya ng lalaki, pagkalagay nito sa kanya roon.

“Kaunti na lang Migi, magkakasama na tayo,” turan nito bago umalis.

Kinabukasan ay nagising ang binata dahil sa ingay ng kanyang alarm sa cellphone. Pagkamulat ng kanyang mata ay hindi niya maiwasang  magtaka kung bakit nasa kama na siya. Ngunit isinawalang bahala na lamang niya iyon at pumasok na sa CR para maligo.

Balik eskwela na si Migi at malapit na rin siyang makapagtapos ng Senior High. Bagamat nakapag-adjust na siya, ay hindi pa rin niya makalimutan ang kalunos-lunos na nangyari sa kanyang ina.

Muli naman niyang naalala ang masalimuot na nangyari sa kanyang ina, kung gaano na chop chop ang katawan nito akalain mong karneng baboy.

Habang inaalala niya iyon, hindi na naman niya mapigilan ang umiyak. Hindi pa rin siya makapaniwala at puno ng galit ang kaniyang puso dahil sa nangyaring yaon.

Naglalakad na si Migi papuntang terminal ng bus na sasakyan niya papuntang school, may sarili silang sasakyan pero mas pinili niya ang mag-commute. Marami rin kasing pera at ari-arian ang naiwan ng kanyang ina kaya naman napunta ito lahat sa kaniya.

ISA NA naman pong bangkay ang natagpuan sa eskinita sa Paco, Manila...

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasan mapatigil sa narinig, ilang buwan na rin kasi ang nakalipas ng puro iyon ang laman ng balita. Sa hula ni Migi ay hindi lang ito basta kaso ng pagpatay.

Malalim ang iniisip ni Migi at hindi niya namalayan ang bulto ng lalaki na nabangga niya. "Sorry," aniya habang pinupulot ang mga gamit ng hindi nililingon ang nakabangga.

Nang makatayo siya, nakita niya ang ngiti ng lalaking iyon na abot hanggang tainga.

Weird, sa isip isip niya. Hindi niya na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Iyakin," sabi ng estranghero na nabangga niya. Ipinasawalang bahala niya na lang iyon dahil hindi naman niya ito kilala at sumakay na sa bus papasok ng kanilang eskwelahan.

Nang makapasok si Migi sa gate ng paaralang pinapasukan niya, nakita niyang naghihintay do'n ang dalawa niyang matalik na kaibigan.

"Hoy! Batang hamog nagdrama ka na naman ata," pang-aasar ni Althea,  isa sa mga kaibigan niya.

Hindi naman niya ito pinansin at ngitian na lamang ang katabi ng babae na si Fael, napatango na lamang ito at bumalik sa pagbabasa ng libro.

"Guys! Alam niyo ba 'yong ibinalita kanina? Grabe na talaga at kung mangyayari man 'yon, huwag na muna, virg*n pa kasi ako," natatawang saad ni Althea habang tinatakpan ang kanyang hinaharap. Agad naman itong binatukan ni Migi habang nagpipigil naman matawa si Fael.

"Kababae mong tao pero yung bibig mo kainaman na, nako Althea!"

Pero binelatan lang siya ng kaibigan niya.

Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad patungo sa kanilang room. Magkaklase silang tatlo dahil parehong ABM ang kinuhang strand nila. Kamakailan lang sila nagkakilala pero dinaig pa nila ang ibang magkakaibigan sa solid nilang samahan na lubos niyang pinasasalamatan.

Maging sa loob ng kanilang silid aralan ay hindi rin nakaligtas ang balita tungkol sa natagpuang bangkay.

May isang estudyante ang napatanong sa katabi nito. "Totoo kaya ang zombie?" Binatukan naman ito ng kausap nito at nagtatawanan sila.

"Kung totoo na may zombie, siguro mayroon din na super heroes,"  ani naman ng isa habang nakataas ang kanang braso na akala mo'y lumilipad.

Sa hindi malamang dahilan, biglang pumasok sa isip ni Migi ang salitang superheroes. Dahil bata pa lamang siya ay naniniwala na siya sa mga super human.

Agad naman napansin ni Althea ang pagkatulala niya. "Woy! Ano na? Tulala ka na naman d'yan! Siguro nag-away kayo ng girlfriend mo 'no," pang-uusisa ni Althea

"Hindi, ah,  iniisip ko lang na baka iwasan ka ng zombie kapag nakita ka niya," natatawa sagot ni Migi sa kaibigan.

Napasimangot naman ang dalaga dahil sa sinabi niya. "Pasmado talaga ang bibig mo kahit kailan. Fael tulong naman diyan, oh!" paghingi nito ng tulong kay Fael na hindi naman nito pinansin.

"Aba! Sige ganyan na, ha!" sabi nito na kunwaring nagtatampo.

Maya maya pa ay nag tawanan na lang tatlong magkaibigan dahil doon.

“Quiet Please!" Napatahimik na lang ang tatlo ng sawayin sila ng guro nila na pumasok na sa classroom.

SA MAY cafeteria ay kumakain ang tatlo at hindi pa rin nawala sa usapan ng bawat estudyante ang balita kanina.

"Guys, alam niyo ba ka-"

"Hindi pa," pagputol ni Migi sa sasabihin ni Althea

"Argh! So, 'yon na nga may nakita akong pogi kanina, diyan sa labas kaso parang may bebe na," kwento nito na sa huli ay may lungkot sa tono nito. Ngunit hindi naman ito pinansin ng dalawang kaibigan at patuloy lang sa pagkain.

Ayaw n'yong makinig ha! sa isip-isip ni Althea. Bigla nitong kinuha at kinain ang cringles ni Migi sabay inom ng black forest frappe ni Fael.

Dahil sa ginawang iyon ni Althea, pinanlisikan ito ng mata ng dalawa nitong kaibigan. Alam kasi nitong paborito iyon ng dalawa. Kaya tinawanan lang nito ang mga iyon.

Napabuntong-hininga na lang ang dalawa ng walang nagawa. Nagpatuloy na lang sa pagkain at kwentuhan ang magkakaibigan.

BANDANG ALA SAIS na nang hapon natapos ang klase at nag kanya-kanya na ang tatlo. Si Migi lang kasi ang naiiba ng daan pauwi kaya magkasabay sina Althea at Fael.

Habang naglalakad papuntang terminal si Migi ay may nararamdaman siyang kakaiba na parang may sumusunod sa kaniya. Hindi siya lumingon sa likod at sa halip ay binilisan niya ang paglakad.

Muntik nang atakihin sa puso ang binata nang tumunog ang selpon niya. Hindi pa nakakapagsalita si Migi nang marinig niya ang paghikbi at tila takot na takot na boses ni althea.

"Migi, tulungan mo ako," agad namang naalarma ang binata sa narinig.

"Althea?! Anong nangyari? hindi magandang biro ito, ha," kinakabahan na sambit niya.

"Wala na siya Migi, patay na si Fael," humahagulgol na sagot ni Althea mula sa kabilang linya.

"Althea? Ano ba ang pinagsasabi m–" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng naputol ang tawag. Para siyang binuhusan ng isang timbang malamig na tubig dahil sa kanyang nararamdaman.

Laking pasasalamat niya na nakabukas ang location ng kaibigan niya sa selpon nito, kaya madali na lamang niyang na-track kung nasaan ang mga ito.

Nang marating niya ang abandonadong gusali, wala na siyang ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso dahil sa kaba at takot na bumabalot sa kaniya.

"Kaya ko ito! Para sa mga kaibigan ko," pilit niyang nilalakasan ang loob habang unti-unti pumapasok sa madilim at mabahong gusali kung saan naroon ang kaibigan niya.

Papasok na sana siya ng may biglang humawak sa balikat niya. Hindi niya ito inaasahan at dahil sa kaba ay hindi na niya mapigilang mapasigaw "AHH–" pero bago pa matuloy ang pagsigaw niya, tinakpan ng hindi niya kilalang tao ang bibig niya at hinila sa tagong bahagi ng gusali.

Kitang kita sa mata ni Migi ang pagkagulat at kaba dahil doon. Nang tingnan niya kung sino ang pumigil sa kanya ay hindi niya inaasahan na pamilyar na lalaki ang makikita njya. Matangkad at may kayumangging balat  na masasabi niyang napaka gandang lalaki nito.

"Don't make any noise, if you still want to live," saad nito habang pilit pinipigilan si Migi na gumawa ng kahit na anong ingay.

Pero laking gulat niya nang masaksihan niya ang karumal dumal na nangyari. Napahawak na lang siya sa bibig at pilit pinipigilan ang pag-iyak at ang mapasigaw.

Nakita niya si Althea kung paano kainin ng isang nilalang na matatawag niyang halimaw. Putol putol na rin ang ilang bahagi ng katawan nito. Pero bago pa siya masuka sa nakikita ay inalis ng lalaki ang tingin niya sa halimaw.

"Don't look," sabi nito sa kaniya habang iniiwas nito ang pangyayaring iyon sa paningin niya.

Niyakap na lamang ng lalaking iyon ang walang tigil sa paghikbi na si Migi habang hinihimas himas ang likod niya.

"Bakit nangyari ito?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Migi sa lalaking nakayakap sa kaniya. Ngunit tahimik lang ito.

"Everything will be fine, Migi," mahinang bulong nito habang yakap-yakap ang umiiyak na binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status