Share

CHAPTER 2

Author: CoronLass
last update Last Updated: 2022-07-26 20:05:10

CLOUD'S POV

I still could not forget my encounter with that woman. She has this special power that makes me irritated, like iyong presence niya palang nakakainit na ng dugo. She looks like isip-bata than a matured one. The way she acts? Clumsy!

Hindi ko alam kung bakit ba naisipan ko pa na pumunta sa coffee shop kanina samantalang wala naman akong importanteng gagawin doon.

That coffee shop is ours. My family loves coffee that is why we decided to have a business related to coffee, so we come up to a coffee shop. We have other businesses like resorts and restaurants too.

I went there before 9 a.m. and decided to have a cup of coffee na rin habang tumatambay doon. Marami ring customers ang nandoon, some were having their coffees while some were just eating cakes and some sweets.

"Good morning, Sir Cloud!" sabay-sabay nilang bati. We have ten staffs there at lahat sila ay talagang friendly. Well, they should be.

"Good morning too!" casual kong sagot. "A cup of Hot Americano."

"Sure, sir! Kindly wait and we'll serve it as soon as possible," sambit ng isa sa mga staffs. Well-trained din sila sa pagsasalita gamit ang English language. Madalas kasi mga foreigners ang customers sa coffee shop at talagang gusto naming makapagbigay ng quality services, foods, and drinks.

"Okay. Thanks."

Tinungo ko ang favorite spot ko at luckily walang nakaupo sa mga chairs doon kaya solong-solo ko ang table. Ilang minuto ang nakalipas at natanggap ko na ang kape ko. Nag-i-scroll ako sa newsfeed ko sa I*******m nang mapatingin ako sa babaeng papalapit sa kabilang table.

At yuck! May dalang teddy bear at violet pa!

Hindi ko akalaing may nag-e-exist pa pala na katulad niyang isip-bata na nagdadala ng teddy bear sa kung saan-saan o baka sadyang nagpapapansin lang siya that was why.

Maganda siya, aminado ako sa katotohanang iyon pero hindi siya attractive.

For sure walang magkakagusto sa katulad niyang isip-bata. Ang tipo ko kasi sa babae ay iyong magaling pumorma at marunong magdala ng sarili. Iyon bang confident at siyempre hindi isip-bata na katulad niya.

Wala siya sa kalingkingan ni Yvo, walang-wala.

Mahaba ang buhok niya na abot sa may tummy niya at tuwid na tuwid ito. Napansin ko sa kaniya ang kilay niya dahil masasabi kong magaling siyang magkilay, ang payapa tignan ng mga kilay niya. Sakto lang ang tangos ng ilong niya. Pointed naman, buti nalang hindi dissapointed. Pero parang flat chested siya. Joke lang. Sakto lang naman. If there was something na talagang kapansin-pansin, iyon ang eyelashes niya dahil curvy talaga ang mga ito at mahaba. Alam kong hindi iyon peke.

Matapos kong kilatisin ang pagmumukha niya ay itinuloy ko na ang pag-i-scroll sa I*******m account ko dahil baka mapansin ko pa ang mga nakakainis na bagay tungkol sa kaniya.

Ilang minuto ang nakalipas at akmang hihigop na ako ng kape nang may nakasagi sa table ko na naging dahilan para mapaso ang labi ko at mapatakan ng kape ang suot kong damit. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ang babaeng iyon sa table ko!

"Patay!" agad niyang sambit habang nahihiyang tumingin sa akin nang deretso. "Gosh. Sorry!" dagdag niya pa.

"You're so clumsy, miss. Look what you did!" Sabay turo ko sa suot kong polo shirt na may stain na ng kape. Uminit talaga ang ulo ko dahil sa nangyari at dahil una palang ay naiinis na agad ako sa pagiging isip-bata niya. Hindi ko alam kung bakit pero may mga tao talaga na kahit hindi ko pa kilala masiyado ay naiinis na ako agad sa presence nila. That was so wierd of me.

Bago siya nagsalitang muli ay may dinampot muna siya na kung ano sa floor. Pag-angat niya nito ay agad niyang inilagay sa bag niya at tinignan ako nang deretso. Akala niya siguro hindi ko nakita kung ano ang dinampot niya. Isang picture, boyfriend niya siguro ang nasa picture. So, may napikot na siya.

"Sorry lang ho! Tao lang din po ako, nakakasagi rin minsan. Napaka-arte mo ho," muli niyang sambit. Nangangatuwiran pa talaga. Hindi ko akalaing matapang siya pero mali siya ng kinalaban. Hindi ako papatalo sa katulad niyang isip-bata plus siya itong nakasagi at ang dahilan kung bakit may mantsa na ng kape ang suot ko!

"Talk to yourself, miss. You're not worth it to argue with." Kahit na naiinis ako sa kaniya ay hindi ko nalang siya pinatulan pa.

Hindi rin magandang ipagpatuloy pa ang pakikipagsagutan sa kaniya dahil magku-cause lang iyon ng malaking eksena sa coffee shop namin at baka mag-trending pa kami sa social media. Ayaw ko namang mapag-piyestahan online.

Tumayo at tumalikod na ako agad na ni hindi man lang siya hinayaang makapagsalita pa. Akala ko ay magsasalita pa siya ulit pero hindi na pala. Mabuti naman at tumahimik na siya pagtalikod ko. Marunong din naman pala siyang makaramdam ng hiya.

Hindi muna ako lumabas sa Mall at may binili pa sa isang store pero saglit lang din iyon. Matapos kong makabili ay naglakad na ako papunta sa parking lot dahil nandoon ang kotse ko.

Nang makarating na ako sa tapat ng kotse ko ay biglang nag-ring ang cellphone ko kaya imbes na pumasok sa loob ng kotse ay mas pinili kong sagutin ang tawag at manatili nalang muna na nakatayo roon sa parking lot.

"Why, Sai?" tanong ko agad baka kasi may emergency or what.

"Anong why? Birthday ni Sandy ngayon at magsi-celebrate tayo!"

"Oo nga pal" Naputol na ang sasabihin ko sana kay Sai dahil may tumama sa akin na isang matigas na bagay. "Mansanas?!"

Laking gulat ko dahil may bumato sa akin ng mansanas at tinamaan ako sa likod.

"You'll pay for this no matter who you are!" galit kong sambit pero huli na nang lumingon ako dahil parang nakatakbo na yata ang bumato sa akin. Nabuo na agad ang hinala ko kung sino ang posibleng gumawa nun at kung sino ang may motibo.

Hindi ko pinutol ang tawag at nasa kabilang linya pa rin si Sai. "Tawagan kita mamaya, bro!" sambit ko at in-end na ang call dahil may balak pa akong alamin na misteryo.

Hindi naman masakit ang pagtama sa akin ng mansanas pero hindi ko kayang palagpasin ang taong sobrang lakas ang loob na gawin iyon sa akin at hindi lang iyon dahil may mga nakakita na binato ako. Hindi ba nakakahiya sa part ko? Nakakahiya talaga. May mantsa na nga ng kape ang damit ko tapos babatuhin pa ako ng mansanas. Hindi ba kalabisan na iyon?

Hindi ko kayang payagan ang sarili ko na wala akong gawin para malaman kung sino ang tunay na may gawa nun sa akin. Pumasok muli ako sa Mall at nagtungo kung saan ko malalaman ang sagot sa tanong ko.

"Good morning, sir. Ano pong kailangan niyo rito?" tanong ng isang staff sa loob ng CCTV Room.

"Manong, puwede po ba makita ang CCTV footages niyo rito?" mahinahon kong tanong samantalang ang kaloob-looban ko naman ay hindi na makapag-antay na malaman kung sino siya.

"P'wede naman po, sir." Parang hindi pa sigurado si manong kung papayagan niya akong makita ang footages. "Ano po ba ang gusto niyong makita?"

"Iyong footage lang po sa may parking lot. Iyon lang."

"Mga anong oras po nangyari?"

"Ngayon-ngayon lang. Minutes ago palang po eh."

"Sige, sir, wait ka lang muna." May pinindot-pindot siya na kung anu-ano hanggang sa... "Ito na po, sir."

"Bull's-eye! Siya nga! Iyong isip-bata na iyon pala talaga. Nakakainis siyang tunay!"

"Binato kayo, sir?" tanong ni manong samantalang ang dalawang kasama niya ay walang kibo pero halatang pinipigilan lang ang tawa nila.

"Opo eh. May sira at maluwang yata ang turnilyo sa utak ng babaeng iyan."

"Mukha naman pong matino pa si ma'am, sir. Ang ganda pa at matangkad din parang model."

"Naku ho! Huwag kayong palilinlang sa mukha niya. Nagpapanggap lang siyang matino. Mauna na po ako. Salamat ho!"

"Sige, sir." Matapos makumpirma ang hinala ko ay tuluyan na rin akong umuwi sa bahay para makapagpahinga at makalimutan ang kahihiyang nangyari.

Tinawagan ko rin si Sai para pag-usapan ang gagawin namin sa birthday ni Sandy. Sa isang bar pala gaganapin ang celebration at kailangang nandoon kami ni Sai dahil matalik naming kaibigan si Sandy, kami yata ang Tres Marios.

7:00 p.m. ang start ng party, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang kasiyahan. Malapit lang mula sa village kung saan ako nakatira ang bar na pupuntahan ko kaya hindi ko pinuproblema kung ma-late man ako o hindi, for sure they could always wait for me.

Cloud Corpuz Mendes, always a VIP. I have money, fame, connections, and such. Well, kinamulatan ko na ang mga bagay na iyan dahil na rin sa mga magulang ko. They are very hardworking and both business-minded. Bata palang sina mommy at daddy ay sinanay na sila ng mga grandparents ko na harapin ang business world kaya naman sinanay din nila ako sa pagpapatakbo ng businesses namin.

I took up a business course, graduated, and was able to establish that coffee shop where I encountered that woman. I am already twenty-five years old and 5'9 feet tall.

After an hour ay nakarating na rin ako sa bar.

"Woah-woah. Listen, everybody! Cloud is already here!" masayang announcement ni Sandy. Halatang proud siya na nasa birthday party niya ako.

"Hi, Cloud!"

"Hey, Cloud Mendes!"

"Yo, Cloud!"

"Good to see you here, buddy!"

"It's great that you are here!"

Samut-saring pagbati ang natanggap ko at karamihan ay mula sa mga babaeng ang iikli ng suot, hindi ko rin kilala ang karamihan sa kanila. Iyong iba halatang nagpapa-cute lang sa akin.

In fairness kilala nila ako kahit hindi ko sila kilala.

"Oh, inom na!" masayang sambit ni Sai na para bang siya ang may birthday. Ang takaw niya rin sa alak. Nakaka-ilang tagay na siya at tiyak plakda kapag sobrang nalasing na. "Inom pa, Cloud! Nakararami na kami oh. Chill-chill lang tayo ngayon. This is a sweet scape. Puro ka nalang business these past few months. Enjoy-enjoy din ba!"

"Ito na nga umiinom na." Loko talaga si Sai at ako pa ang napansin. Akala ko pa naman ay hindi niya mapapansin ang pag-inom ko dahil busy siya sa pakikipag-usap sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya. May kaniya-kaniya silang babaeng katabi samantalang hindi ako pumayag na may tumabi sa akin.

"Kulang pa iyan! Ito pa oh." Ang tindi maglagay ng alak ni Sai, talagang iyong matapang at sobrang nakakalasing pa ang trip niya samantalang ngingiti-ngiti lang si Sandy sa amin.

"Sure. Hindi naman ako mabilis malasing," mayabang kong sambit bago lumagok ng alak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 35

    “Nandito ka lang palang bata ka, kanina ka pa hinahanap ng parents mo.”“Tito, nagpaalam naman ako sa kanila.”“Puntahan mo muna parents mo, Tintine.”“Okay po.”Hinawakan ni Tintine ang kamay ko. “Miss Ara, bye po muna, ah.”Ngumiti ako sa kaniya. “It’s okay, Tintine. Bye.”Patakbo na siyang umalis na tila nagmamadali matapos naming mag-usap. Naiwan kami ng tito niya.“Sorry if Tintine has disturbed your ’me time’ ha,” sabi niya.“No, it’s okay. Sit down, please.” Kanina pa kasi siya nakatayo.Umupo siya. “Madaldal talaga ang batang ‘yon.”“Ah, oo. Mabait din siya.” Medyo nakaka-ilang makipag-usap sa kaniya. “Ano palang name mo?” tanong ko.“I’m Kian Roser. Older brother of Kino Roser, the owner of this resort. Ang papa naman ni Tintine ay bunso naming kapatid. His name is Kun Roser.”Ah, kapatid niya pala si Kino, ‘yung guy na una kong nakilala dito sa resort.“You can call me “Ara”. Na-meet ko na ‘yung brother mo na si Kino.”Nakatingin lang kami sa dagat. Paminsan-minsan naman ay

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 34

    GARA’S POV Isang buwan na ang nakalipas at gusto ko nalang kalimutan ang lahat kahit na sobrang hirap gawin ng bagay na iyon. Wala na akong balita kay Cloud. He blocked me sa lahat ng social media accounts na mayroon siya. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko. Sure naman akong may bago na siya. Madali lang naman para sa mga lalaki ang makahanap ng iba. Hindi ko alam kung nasa Pilipinas pa siya o pumunta na ng ibang bansa, ni hindi man lang niya ako hinanap o kinausap man lang. Puwede pala talaga iyon, ‘no. Kahit gaano kayo ka-close puwede talagang dumating kayo sa punto na hindi na kayo magpapansinan. Gano’n siguro talaga at wala na tayong magagawa doon. Move forward nalang. “Hi, are you new here?” Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya. Oh, a man. Bakit kaya ako kinakausap nito? “Uh, yeah.” Pinagmamasdan ko lang siya. Isa siyang bakasyonista if I am not mistaken. Guwapo siya at maganda ang built ng katawan. Ewan, bakit physical appearance niya ang napansin

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 33

    CLOUD'S POV Nakakagalit talaga! Akala ko magkakaanak na ako, akala ko daddy na ako! Puro kasinungalingan lang pala iyon! Ang bobo ko rin talaga sa part na hindi ko man lang siya hiningian ng proofs na magpapatunay na buntis talaga siya. "T*nga mo, Cloud!" Hindi ko man lang ginamit ang utak ko! Ipakausap ka ba naman sa daddy niya na terror, hindi ka pa ba mapapaniwala na buntis talaga siya? Daddy niya naman iyon sa pagkakaalam ko dahil may mga pictures sila sa timeline niya. I just never thought that it would happen at all! That this is possible! She is indeed a self-proclaimed prankster na wala lang magawa sa buhay! Isa pa itong si Yvo, bumalik na siya. Bumalik siya kung kailan hindi ko na siya mahal, kung kailan naka-move on na ako. Ang komplikado na tuloy! Si Yvo ang unang humalik sa akin kanina, malas pa na saktong naabutan kami sa akto. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kanina nang makita kaming naghahalikan ni Yvo pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko nasak

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 32

    "Ang shunga! Naiwan mo mga gamit mo sa bahay niya!" Bahagya kong nasapo ang sintido ko pero hindi na ako nagsayang ng oras at pumihit na agad pabalik kung nasaan banda ang bahay niya. Magkahalong inis at sakit ang nararamdam ko ngayon pero pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi mahalata ni Ulap na sobrang umiyak ako. Ayaw kong kaawaan niya ako! Ito naman ang pride ko. Nakakainis na talaga! "I super miss you, baby loves! Super-super! As in super talaga! I missed that lips. That voice. That face. That stare. Arggg! I missed everything about my baby loves! How about you, did you miss me ba?" Kahit hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay rinig ko na ang litanya niya. Kailan pa nagkaroon ng haliparot sa bahay na ito?! Ang arte magsalita! Dali-dali akong pumasok para makuha na ang mga gamit ko para tuluyan na akong mawala sa buhay niya! Bilis-bilisan mong maglaho, Gara! Huwag kang makupad! Hindi na ako nagulat na may kasama siyang babae pero ang ikinagulat ko ay ang paghahalikan

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 31

    GARA'S POVSince Saturday ngayon ay dito lang kami sa bahay mag-i-stay, pati Sunday free day para sa amin. Monday to Friday lang ang office day namin. Kagagaling ko lang sa second floor, kagigising ko lang din kasi at 7:00 a.m. na ako bumangon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Dapat daw kasi uminom ako ng gatas every morning sabi ni Ulap. Katatapos ko lang ilagay ang mainit na tubig sa baso nang may nag-doorbell. "Manang, pasuyo naman po. Pakitignan naman po kung sino ang nag-doorbell, papasukin niyo na rin po. Salamat po!" Nasa sala kasi si Manang, pinapakain niya si Tilaffy. "Sige. Ako na ang titingin kung sino iyon." Lumabas na agad si Manang para tignan kung sino ang nag-doorbell. "Wala naman kaming ini-expect na bisita ah."Matapos kong humigop ng gatas ay may narinig ako na pamilyar na boses na nanggagaling sa labas kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Bakit ngayon pa, tadhana?! Parang bumigat ang pakiramd

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 30

    "Bawal ko ba yakapin ang asawa kong maganda?" Agad niya akong pinakawalan mula sa mahigpit niyang yakap bago bahagyang tumawa. "Na-carried away lang. Sorry." "Tongeks, okay lang. Huwag ka ngang mag-sorry diyan. Alam ko namang natuwa ka lang kaya mo ako niyakap. Binibiro lang din kita na bawal though bawal naman talaga HAHA!" Nanood na siya ulit pero alam kong pinapakinggan niya lang ako. Ang ganda ng movie kaso distracted na ako dahil nasimulan ko nang mag-ingay. Kahit kailan talaga itong bibig ko! Hanggang sa matapos ang movie ay hindi na ako nagsalita pa ulit. Mabuti nalang naintindihan ko rin ang buong concept ng movie kahit na may mga hindi akong napanood na part dahil sa pagtatanong ko kay Ulap. Naging bata ang isang goldfish sa movie na pinanood namin, medyo magical ang ibang mga bagay-bagay. May point na naaalala ko si Tilaffy habang nanunood ako, naisip ko rin na baka maging bata rin si Tilaffy pero imposible ang iniisip ko HAHA! Weirdo. In-off na ni Ulap ang laptop. "Saba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status