After their first ever encounter in a coffee shop, Gara Andrade and Cloud Mendes despise each other already. Gara's boredom unexpectedly leads her to Cloud again through a nonsense prank message after a few weeks. She sends it to the people who are named "Cloud" through Messenger since she really likes clouds. The content is about her being pregnant and Cloud is obliged to be responsible for it. Their profile pictures on Facebook that time are not their faces that is why they fail to recognize each other. Terrified after receiving the message, Cloud starts thinking if she is the woman that his friends are talking about that might get pregnant because something has happened between them in a hotel the time he is very drank one night. He tends to forget what is happening to him when he is very drank that is why he is terrified about the message. He does not know that his friends are just making stories to make fun of him. He responds to the message until the deal is sealed. Yes, he will be marrying her after someone introduced himself as Gara's father and threatened him After one of his best friends lies to him, the prank goes wrong. Gara is determined to make fun of Cloud at first. But when the things get blurry, will she be able to handle the situations most especially if her prank message gets real when it is too late?
View MoreGara's Point of View
Lumipad patungo sa States ang boyfriend ko para tuparin ang pangarap niya na maging abogado anim na buwan na ang nakakalipas. Doon muna siya mag-aaral. Parang mas nanlamig na siya magmula noong araw na umalis siya sa Pilipinas.Dahil lang kaya iyon sa lamig doon?Halos hindi na rin siya nagpaparamdam pero pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang iyon. Na baka busy lang. Wala ni isang text o tawag man lang. Hindi niya rin sinasagot ang mga text at tawag ko.Baka sobrang busy talaga.Tinatatagan ko nalang ang loob ko at pinanghahawakan ang matagal naming pinagsamahan. Bago pa man siya umalis ramdam ko na ang panlalamig niya pero hindi ko nalang ginawang big deal dahil baka nagkakamali lang ako. Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi ni Ida na baka kaya raw pumunta sa States ang boyfriend ko ay para mag-abog*go. Tutal magkatunog naman daw.Gara Villareal Andrade, twenty-three years old, 5'6 ang height, maganda naman, at mapagmahal naman.Habang lumilipad at naglalakbay ang aking diwa ay todo pala ang tingin sa akin ng kaibigan kong si Ida o Merrida Gomez Sandoval, she is my bestfriend for eight years."Ida?" sambit ko."What?""Sa tingin mo ba naaalala ako ni Tary at mahal niya pa rin ako kahit nasa malayo na siya?" Si Tary, ang boyfriend ko. My first ever boyfriend and hoping that he will be the last."Hindi ako mapatingin, Gara.""Sa palagay mo ba okay lang siya roon at wala siyang ibang babae sa America? Hindi na kasi siya nagpaparamdam.""Hindi ako mapalagay, girl!" natatawang sambit ni Ida. Aba naman! Napakapasaway niyang babae."Nang-aasar ka, girl? Seryoso ako rito ah. Iiyak ako, sige ka!" Imbes na kaawaan ako ay tinawanan niya pa ako lalo. Nice, right? Napaka-supportive niyang kaibigan. Find a friend like Ida. She is supportive for real, madalas nga lang nanti-trip."Kung talagang sapat ang pagmamahal niya sa'yo ay hindi iyon makaka-isip na mambabae," seryosong sambit niya. Parang love guru kung magsalita eh. Ang kaninang tumatawa kong kaibigan ay naka-poker face na ngayon."Sa tingin mo ba sapat ang pagmamahal niya sa akin?""Ikaw, ano sa tingin mo?" Sabi na nga ba ibabalik niya sa akin ang tanong na iyon. Sabagay, tama naman na ako ang sumagot dahil ako ang mas nakakaalam. Hot seat!"Sapat! Naniniwala ako," matapang kong sambit. Alam kong mahal na mahal ako ni Tary at mahal na mahal ko rin siya. Nagmamahalan kaming dalawa. Mahal ko siya."That's it! I guess we're done here. Punta tayong Mall, Gara!""Sige-sige. Tutal lagi nalang tayong nandito sa bahay. Nakakasawa na ring tumitig sa kisame, panooring gumapang ang mga langgam, lumanghap ng alikabok, at titigan ang mukha mo HAHAHA!""Ang dami mong sinabi. Eng-eng ka talagang babae ka!""Hoy! Hindi ako engot, 'no!""Naku, itatanggi mo pa e kinakausap mo nga iyong alaga mong isda na si Tilaffy at marami ka pang ginagawang ka-elyenan lalo na kapag bored ka.""Ases, oo na lang HAHA!""Magbihis na nga tayo at nang maka-alis na tayo agad."Kung tatanungin ninyo kung sino ang pinakamatagal mag-ayos ng sarili sa aming dalawa ni Ida ay siya iyon. Light and simple make up lang ay sapat na sa akin plus simple outfits lang din.Oversized t-shirt na kulay violet na may minimal print malapit sa may dibdib at pants lang ang suot ko.Nang nasa mall na kami ay naglibot-libot muna kami dahil hindi namin talaga alam kung ano ang bibilhin namin. Napadaan kami sa store ng mga bags at hinila talaga ako ni Ida para pumasok sa loob."Look, Gara! Ang gaganda! Waaa!" masiglang sambit niya sabay sipat-sipat sa bawat bag na matapunan niya ng pansin. She really likes bags while ako hindi mahilig."Mas maganda roon sa kabilang store," bulong ko sa kaniya. Bulong lang baka kasi may makarinig.Matapos ang ilang minuto ay napilit ko na rin si Ida na lumipat kami sa ibang store."Kainis ka naman! Mas magaganda roon sa unang store na pinuntahan natin, eh!" sambit ni Ida na medyo naiinis na sa akin."S'yempre joke lang iyong kanina hehe. May mga stuff toys kasi rito kaya gusto kong lumipat tayo.""Sabi na nga ba eh!""Sorry na po, madam.""I understand you. Pasaway ka talaga.""Yey! Sabi na nga ba't hindi mo ako matitiis eh!" Niyakap ko siya para makabawi at niyakap niya rin ako. Para kaming tangang nagyayakapan sa loob ng store habang marami ang namimili."Sige na, pumunta ka na roon sa mga stuff toy at pipili na rin ako ng bags na bibilhin ko." Naghiwalay muna kami ng landas pansamantala.Sobrang tuwang-tuwa ako sa mga human-sized teddy bear na nakikita ko at sobrang hirap pumili ng bibilhin. Lahat ay cute at adorable! Kahit papaano ay bahagyang natutuon sa iba ang atensiyon ko at hindi ko na masiyadong naiisip si Tary. Deserve ko rin naman ng break kahit papaano."Hoy! Ang tagal mo bumili, inday. Well, tama ka naman na mas magaganda ang mga bags dito. I bought two oh and I really loved it!" may pagmamalaking sambit niya at ipinakita pa ang mga bags na binili niya. Ang gaganda nga ng nabili niya at for sure maganda rin ang presyo."Baka matagalan pa ako. Hindi ako makapili eh.""Sige, antayin kita sa isang coffee shop. Medyo sumama kasi ang sikmura ko at kailangan kong maka-inom nang medyo mainit-init. Te-text ko nalang sa iyo ang name ng coffee shop ah.""Sige-sige. Susunod ako agad.""Bye muna." Masayang ngumiti muna si Ida bago na lumakad papalayo.Nakapaganda talaga ng kaibigan ko! Ida has short hair, parang hair ni Dora na kulay uling. Pero ang pinagkaiba lang kay Dora ay kulot ang buhok ni Ida. Parang curly spaghetti ang hair niya pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan niya. Maputi rin siya at makinis ang balat. Kaya nga lang ay manipis ang kilay niya kaya ako ang madalas na nagkikilay sa kaniya para magmukhang makapal din. She is NBSB (No Boyfriend Since Birth) at SSB (Single Since Birth) dahil wala sa isip niya ang pagbo-boyfriend haha. Masaya raw kasing maging single. Malaya.Nang makapili at makabili na ako ng regular-sized teddy bear ay pumunta na ako sa coffee shop kung saan naroon si Ida. Ang cute ng name ng coffee shop kung nasaan siya.Nasa malayo palang ako ay agad na akong nakita ni Ida kaya naman kumaway-kaway pa siya habang ang lawak ng ngiti sa mga labi niya. Lumilitaw ang mga biloy niya lalo."Wow! Violet ah," sambit ni Ida nang makita niya ang bitbit kong teddy bear habang papalapit ako sa kinaroroonan niya."S'yempre naman. Violet is my favorite color." Pangpatay daw na kulay ang violet pero para sa akin ay hindi. For me, unique ang kulay na violet dahil iilan lang ang nakaka-appreciate rito. Saka malapit sa puso ko ang violet. Sobrang lapit."I know, dear. Umupo ka muna at ako na ang mag-o-order ng kape mo. Anong gusto mo?" Mabait talaga si Ida, sobrang caring na kaibigan. Kaibigan na hindi ka hahayaang mag-isa at palaging nandiyan kapag kailagan mo ng karamay."A cup of Cappuccino lang."Tumayo na siya. "Okay, wait for me here. Mag-o-order lang ako sa counter.""Thanks, Ida!" nakangiti kong sambit.Habang wala pa si Ida ay binuksan ko muna ang bag ko para sana kunin ang librong binabasa ko. Pag-angat ko ng libro ay may biglang nahulog at nilipad ito ng hangin na nagmumula sa malapit na stand fan sa may table namin ni Ida.Medyo malayo-layo ang narating nito kaya kinailangan kong tumayo at maglakad para kunin ito. "Ba't kasi iyon pa ang nahulog? Sana itong bente pesos ko nalang," pabulong kong tanong sa sarili ko habang papalapit na sa larawang nilipad ng hangin.Akmang pupulutin ko na ito nang bigla kong nasagi ang isang table kung nasaan naka-upo ang isang lalaki na akmang hihigop ng kape. Dahil sa nasagi ko ang table ay umurong ito nang bahagya kaya nasagi rin ang kamay ng lalaki at napatakan ng kape ang kaniyang suot. "Patay!" agad kong nasambit. "Gosh. Sorry!""You're so clumsy, miss. Look what you did!" Itinuro niya ang suot niyang polo shirt na may stain na ng kape.Tsk, ang suplado. Nag-sorry na nga eh.Hindi ko muna siya pinansin bagkus ay pinulot ko muna ang larawan ng boyfriend ko. Matapos ko itong pulutin ay muli ko siyang hinarap."Sorry lang ho! Tao lang din po ako, nakakasagi rin minsan. Napaka-arte mo ho.""Talk to yourself, miss. You're not worth it to argue with." Agad na siyang tumayo at tumalikod na ni hindi man lang ako hinayaang makapagsalita pa.Napakayabang!Pinanood ko nalang siya habang lumalakad papalayo. Balak ko pa sana siyang sigawan kaso nahiya na ako dahil kami na pala ang center of attraction. Nakakahiya.Matangkad siyang lalaki at maputi ang balat, kapara ng ulap sa mainit na tanghali. Sobrang tangos ng ilong niya, parang ilong ng Amerikano! Naalala ko tuloy ang Mt. Everest dahil sa ilong niya. Matipuno ang katawan, halatang nag-gi-gym. Makapal ang kilay niya, kakulay ng uling ang buhok niyang clean cut ang gupit na maayos ang pagkakasuklay. Mukha siyang anak ng milyonaryo! Mukha lang naman. Pero nakakainis pa rin siya!"Gara? Ano 'yong eksena niyo kanina rito ha? Mala-teleserye ah. Isang g'wapo at magandang nilalang encounter sa coffee shop. Just wow!" Hindi ko alam kung nang-iinis ba itong si Ida o kung ano."G'wapo ba kamo? Saan naman banda? Sa dulo ng buhok niya?""Ases, g'wapo naman talaga iyong si kuya ah.""Ah, wala akong pakialam.""Oh, ayan na ang kape mo." Inilapag na ng isang staff ang kape sa table namin pero wala na ako sa mood na magkape pa. Buwisit na suplado na iyon talaga."Tara na, Ida. Uwi na tayo.""Oh, bilis naman? Pero sige, tara na. Halatang wala ka na sa mood na maglibot-libot pa." Iniligpit namin ang mga gamit namin at iniwan nalang ang kape sa table.Aalis na sana kami sa coffee shop nang bigla kong nakita ang mga fruit na nasa counter."Are you selling these fruits?" tanong ko sa babaeng nasa counter."Yes, ma'am.""Give me an apple and two oranges. How much?" Hindi ko na tinanong si Ida kung gusto niya dahil hindi naman siya mahilig sa prutas, ni hindi nga siya kumakain. Ang alien niya sa part na iyon."One hundred pesos, ma'am." Inilagay niya na ang apple at oranges sa isang paper bag at iniabot sa akin, nakangiti ko naman itong kinuha.Matapos kong magbayad ay tuluyan na kaming umalis sa coffee shop. Nasa labas na kami ng mall nang may nakita akong engot na nakatalikod sa may parking lot, may kausap yata sa cellphone. Bigla nalang may pumasok na kalokohan sa isipan ko kaya naman..."Tara takbo!" mahina kong sambit at hinila si Ida para tumakbo papalayo.Nang nasa kalayuan na kami ay huminto na rin kami para makapagpahinga muna."Ano ka ba, Gara?! Ba't mo siya binato ng mansanas, huh?" seryosong tanong ni Ida habang pinupunasan ang butil-butil niyang pawis. Buti nalang pala at sapatos ang suot namin dahil kung hindi ay baka hindi ko nabato ng mansanas ni Eba ang lalaking iyon. Dahil mahihirapan kaming tumakbo kapag nagkataon. Nakikisama pa rin ang pagkakataon."He deserved it. Napakayabang niya. Napakasuplado pa!""Kahit na. Hindi mo dapat ginawa iyon. Natamaan siya ng apple na ibinato mo. Alam mo lagot ka kapag nalaman niyang ikaw ang bumato sa kaniya. Pasalamat ka dahil hindi agad siya nakalingon kanina nang binato mo siya.""Huwag mo ako konsiyensyahin, Ida. Hindi naman siguro masakit iyon at hindi naman siguro siya mababalian dahil sa pagbato ko.""Hindi mo ba narinig sinabi niya kanina?""Ano raw ba?""You'll pay for this no matter who you are raw.""Ases, iyon ba? Para namang natatakot ako sa kaniya.""Napakatapang mo rin talaga eh, 'no?""Oo naman. Hindi ang katulad niya ang makakapagpatiklop sa isang katulad kong maganda.""Taas din ng self-confidence, 'te.""Of course. Tara na't bumalik na tayo sa parking lot, for sure wala na ang bakulaw na iyon."***
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
“Nandito ka lang palang bata ka, kanina ka pa hinahanap ng parents mo.”“Tito, nagpaalam naman ako sa kanila.”“Puntahan mo muna parents mo, Tintine.”“Okay po.”Hinawakan ni Tintine ang kamay ko. “Miss Ara, bye po muna, ah.”Ngumiti ako sa kaniya. “It’s okay, Tintine. Bye.”Patakbo na siyang umalis na tila nagmamadali matapos naming mag-usap. Naiwan kami ng tito niya.“Sorry if Tintine has disturbed your ’me time’ ha,” sabi niya.“No, it’s okay. Sit down, please.” Kanina pa kasi siya nakatayo.Umupo siya. “Madaldal talaga ang batang ‘yon.”“Ah, oo. Mabait din siya.” Medyo nakaka-ilang makipag-usap sa kaniya. “Ano palang name mo?” tanong ko.“I’m Kian Roser. Older brother of Kino Roser, the owner of this resort. Ang papa naman ni Tintine ay bunso naming kapatid. His name is Kun Roser.”Ah, kapatid niya pala si Kino, ‘yung guy na una kong nakilala dito sa resort.“You can call me “Ara”. Na-meet ko na ‘yung brother mo na si Kino.”Nakatingin lang kami sa dagat. Paminsan-minsan naman ay
GARA’S POV Isang buwan na ang nakalipas at gusto ko nalang kalimutan ang lahat kahit na sobrang hirap gawin ng bagay na iyon. Wala na akong balita kay Cloud. He blocked me sa lahat ng social media accounts na mayroon siya. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko. Sure naman akong may bago na siya. Madali lang naman para sa mga lalaki ang makahanap ng iba. Hindi ko alam kung nasa Pilipinas pa siya o pumunta na ng ibang bansa, ni hindi man lang niya ako hinanap o kinausap man lang. Puwede pala talaga iyon, ‘no. Kahit gaano kayo ka-close puwede talagang dumating kayo sa punto na hindi na kayo magpapansinan. Gano’n siguro talaga at wala na tayong magagawa doon. Move forward nalang. “Hi, are you new here?” Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya. Oh, a man. Bakit kaya ako kinakausap nito? “Uh, yeah.” Pinagmamasdan ko lang siya. Isa siyang bakasyonista if I am not mistaken. Guwapo siya at maganda ang built ng katawan. Ewan, bakit physical appearance niya ang napansin
CLOUD'S POV Nakakagalit talaga! Akala ko magkakaanak na ako, akala ko daddy na ako! Puro kasinungalingan lang pala iyon! Ang bobo ko rin talaga sa part na hindi ko man lang siya hiningian ng proofs na magpapatunay na buntis talaga siya. "T*nga mo, Cloud!" Hindi ko man lang ginamit ang utak ko! Ipakausap ka ba naman sa daddy niya na terror, hindi ka pa ba mapapaniwala na buntis talaga siya? Daddy niya naman iyon sa pagkakaalam ko dahil may mga pictures sila sa timeline niya. I just never thought that it would happen at all! That this is possible! She is indeed a self-proclaimed prankster na wala lang magawa sa buhay! Isa pa itong si Yvo, bumalik na siya. Bumalik siya kung kailan hindi ko na siya mahal, kung kailan naka-move on na ako. Ang komplikado na tuloy! Si Yvo ang unang humalik sa akin kanina, malas pa na saktong naabutan kami sa akto. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kanina nang makita kaming naghahalikan ni Yvo pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko nasak
"Ang shunga! Naiwan mo mga gamit mo sa bahay niya!" Bahagya kong nasapo ang sintido ko pero hindi na ako nagsayang ng oras at pumihit na agad pabalik kung nasaan banda ang bahay niya. Magkahalong inis at sakit ang nararamdam ko ngayon pero pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi mahalata ni Ulap na sobrang umiyak ako. Ayaw kong kaawaan niya ako! Ito naman ang pride ko. Nakakainis na talaga! "I super miss you, baby loves! Super-super! As in super talaga! I missed that lips. That voice. That face. That stare. Arggg! I missed everything about my baby loves! How about you, did you miss me ba?" Kahit hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay rinig ko na ang litanya niya. Kailan pa nagkaroon ng haliparot sa bahay na ito?! Ang arte magsalita! Dali-dali akong pumasok para makuha na ang mga gamit ko para tuluyan na akong mawala sa buhay niya! Bilis-bilisan mong maglaho, Gara! Huwag kang makupad! Hindi na ako nagulat na may kasama siyang babae pero ang ikinagulat ko ay ang paghahalikan
GARA'S POVSince Saturday ngayon ay dito lang kami sa bahay mag-i-stay, pati Sunday free day para sa amin. Monday to Friday lang ang office day namin. Kagagaling ko lang sa second floor, kagigising ko lang din kasi at 7:00 a.m. na ako bumangon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Dapat daw kasi uminom ako ng gatas every morning sabi ni Ulap. Katatapos ko lang ilagay ang mainit na tubig sa baso nang may nag-doorbell. "Manang, pasuyo naman po. Pakitignan naman po kung sino ang nag-doorbell, papasukin niyo na rin po. Salamat po!" Nasa sala kasi si Manang, pinapakain niya si Tilaffy. "Sige. Ako na ang titingin kung sino iyon." Lumabas na agad si Manang para tignan kung sino ang nag-doorbell. "Wala naman kaming ini-expect na bisita ah."Matapos kong humigop ng gatas ay may narinig ako na pamilyar na boses na nanggagaling sa labas kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Bakit ngayon pa, tadhana?! Parang bumigat ang pakiramd
"Bawal ko ba yakapin ang asawa kong maganda?" Agad niya akong pinakawalan mula sa mahigpit niyang yakap bago bahagyang tumawa. "Na-carried away lang. Sorry." "Tongeks, okay lang. Huwag ka ngang mag-sorry diyan. Alam ko namang natuwa ka lang kaya mo ako niyakap. Binibiro lang din kita na bawal though bawal naman talaga HAHA!" Nanood na siya ulit pero alam kong pinapakinggan niya lang ako. Ang ganda ng movie kaso distracted na ako dahil nasimulan ko nang mag-ingay. Kahit kailan talaga itong bibig ko! Hanggang sa matapos ang movie ay hindi na ako nagsalita pa ulit. Mabuti nalang naintindihan ko rin ang buong concept ng movie kahit na may mga hindi akong napanood na part dahil sa pagtatanong ko kay Ulap. Naging bata ang isang goldfish sa movie na pinanood namin, medyo magical ang ibang mga bagay-bagay. May point na naaalala ko si Tilaffy habang nanunood ako, naisip ko rin na baka maging bata rin si Tilaffy pero imposible ang iniisip ko HAHA! Weirdo. In-off na ni Ulap ang laptop. "Saba
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments