Se connecterInayos ni Miguel ang kaniyang gusot na damit habang nakatayo sa tapat ng sofa. Maingat niyang ibinutones ang kaniyang white dress shirt at inayos ang kwelyo nito, tila ba walang anumang ligalig na nangyari sa loob ng silid sa nakalipas na kalahating oras.Bumaba ang kaniyang malamig na paningin sa babaeng nakasaglit at nakabaluktot sa ibabaw ng sofa.Isabella looked like a fragile porcelain doll that had been violently torn apart and thrown away.Ang kaniyang mukha ay kasing-puti ng papel. Walang kahit anong kulay maliban sa kaniyang mga matang namumula dahil sa pag-iyak. Ang buo niyang katawan ay nanginginig pa rin nang hindi makontrol, habang ang paitaas na bahagi ng kaniyang torn uniform ay pilit niyang pinagdapo gamit ang nanginginig niyang mga daliri.Even the corner of her lips was split. A thin streak of blood stained the wound, creating a vivid and painful contrast against her snow-white skin.Nakatitig lang si Isabella sa malamig na leather ng sofa. Hindi siya nag-angat ng ti
Ang malakas at nakakabinging tunog ng pagkapunit ng tela ay umalingawngaw sa buong private lounge.Bumagsak ang ilang piraso ng butones sa malamig na sahig, habang ang malinis at puting uniporme ni Isabella ay tuluyang nahawi, inilalantad ang kaniyang makinis, maputi, at nanginginig na balat sa malamig na hangin ng silid.“Ah!” napasinghap si Isabella sa labis na gulat at kahihiyan.Awtomatiko niyang itinaas ang kaniyang mga braso para takpan ang kaniyang dibdib. Mabilis siyang napaatras hanggang sa tumama ang kaniyang likod sa malamig na leather sofa. Nagwawala ang kaniyang puso sa matinding takot at kaba. Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki habang nakatitig sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan—isang lalaking tuluyan nang nilamon ng dilim at galit.Ngunit bago pa man siya makagalaw pabalik, mabilis na humakbang si Miguel. Ang matipuno nitong katawan ay tuluyang humarang sa kaniyang paningin, kinukulong siya sa pagitan ng sofa at ng sarili nitong maawtoridad na pigura.Inabot ni M
Hindi pa man nakakapagsalita si Isabella upang magpaliwanag, biglang humakbang palapit sa kaniya si Miguel. Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.Sa isang iglap, marahas na sinakal ng mahahaba at maiinit na daliri ng lalaki ang kaniyang baba. Pilit nitong inangat ang kaniyang mukha upang salubungin ang nag-aalab nitong mga mata.His icy eyes locked onto hers, burning with a terrifying mix of fury and possession.“Did you sleep with him last night?” matigas, mabagal, at nakakapanghilakbot na tanong ni Miguel.Ang higpit ng pagkakahawak nito ay walang awa. Pakiramdam ni Isabella ay anumang oras ay mababasag ang kaniyang panga sa sobrang diin ng mga daliri nito.Napakunot ang kaniyang noo dahil sa matinding sakit. Mabilis niyang itinaas ang kaniyang mga kamay at pilit na kinalas ang mahigpit na pagkakahawak ng asawa.“Hindi totoo 'yan!” mariing tanggi niya, pilit pumipiglas. “Let go, Miguel! Nasasaktan ako!”Ngunit imbes na bumitaw, mas lalo pang tumitig si Miguel sa kaniyang mga mata
Tila naging yelo ang buong paligid. Nanigas ang katawan ni Isabella. Pakiramdam niya ay biglang nawalan ng hangin ang buong pasilyo ng ospital.Matapos ang isang mahaba at nakakabinging katahimikan, mariin siyang napakagat-labi. Pilit niyang nilabanan ang panginginig ng kaniyang boses bago siya dahan-dahang nag-angat ng tingin dito.“It’s about Noah.”Isang napakalamig at madilim na tingin ang ipinukol ni Miguel sa kaniya. Tila ba isa itong matalim na patalim na handang humiwa sa kaniyang lalamunan.“It had better be,” babala ng binata, ang boses ay walang mababakas na kahit anong init.Pagkatapos bitiwan ang mga salitang iyon, walang-lingon-likod itong naglakad patungo sa private lounge sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang nito ay mabigat, puno ng awtoridad at nag-uumapaw na galit.Tahimik lang na sumunod si Isabella mula sa likuran. Nakayuko siya habang naglalakad, pilit na kinakalma ang naghuhuramentadong tibok ng kaniyang puso. Bawat hakbang niya ay parang may pabigat. Gusto ni
“That won’t be up to her.”Hindi 'yon nakadepende sa kaniya.Dahan-dahang napayuko si Isabella. Isang matinding kilabot ang marahas na gumapang pababa sa kaniyang gulugod. Nanikip ang kaniyang dibdib, halos hindi na siya makahinga sa bigat ng hanging pumapalibot sa kaniya.Ang mga maliliit na nararamdaman na palihim niyang iningatan sa sarili niya. Ang mga munting pantasya at pag-asa na paminsan-minsan ay hinayaan niyang paniwalaan ng sarili niyang puso tuwing nagiging mabait ito sa kaniya. How foolish. How laughable.Napakabobo niya. Napakakatawa ng kaniyang inakto at inisip.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata nang mariin. Sandali siyang naghanap ng lakas sa gitna ng matinding pagdurog sa kaniyang pagkatao. Pinilit niyang kalmahin ang naghuhuramentadong puso at tinipon ang lahat ng natitirang dignidad na mayroon siya. Hindi siya pwedeng umiyak ngayon.At nang imulat niya muli ang kaniyang mga mata, wala na ang sakit doon. Ang kaniyang paningin ay naging malinaw, blangko, at kalmado.
Parang biglang bumagsak sa pinakamalalim at pinakamalamig na bangin ang puso ni Isabella.Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan sa labas ng pinto ng hospital room. Ang kaniyang mga kamay na kanina pa mahigpit na nakahawak sa malamig na doorknob ay unti-unting nanlamig, tila ba nag-yeyelo ang bawat patak ng dugo sa kaniyang katawan.Narinig niya ang lahat. Bawat salita, bawat bitiw ng malamig na boses ng kaniyang asawa ay parang libu-libong karayom na walang-awang ibinabaon sa kaniyang dibdib.Alam niyang tama ito. Hindi naman ito nagsisinungaling dahil totoo ang lahat ng sinabi nito. Ngunit bakit ganoon? Bakit kahit alam niyang iyon ang totoo, ang puso niya ay patuloy pa rin sa pagkirot nang matindi? Tila ba may isang hindi makitang kamay na malupit na dumudurog at pilit na humahablot sa puso niya palabas ng kaniyang dibdib.Muling umalingawngaw ang boses ng lalaki mula sa loob. Ang tono nito ay walang mababakas na kahit anong emosyon, konsiderasyon, o awa.“She and I are only married







