Teilen

Chapter 58:

last update Veröffentlichungsdatum: 23.08.2026 11:36:08

Hindi pa man nakakapagsalita si Isabella upang magpaliwanag, biglang humakbang palapit sa kaniya si Miguel. Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.

Sa isang iglap, marahas na sinakal ng mahahaba at maiinit na daliri ng lalaki ang kaniyang baba. Pilit nitong inangat ang kaniyang mukha upang salubungin ang nag-aalab nitong mga mata.

His icy eyes locked onto hers, burning with a terrifying mix of fury and possession.

“Did you sleep with him last night?” matigas, mabagal, at nakakapanghilakbot na
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (4)
goodnovel comment avatar
Nancy Obias
Up date pls
goodnovel comment avatar
Violeta Pacetes
kawawa Naman c isa,itong Miguel Naman cya na may kasalanan tapos c isa Ang pinagbivintangan,Tanga Naman c Miguel pinapaikot ni Cassandra
goodnovel comment avatar
Violeta Pacetes
haysst two chapter lang sobrang kanamang nangbibitin author
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Pregnant By Her Contract Billionaire Husband   Chapter 58:

    Hindi pa man nakakapagsalita si Isabella upang magpaliwanag, biglang humakbang palapit sa kaniya si Miguel. Masyadong mabilis. Masyadong mapanganib.Sa isang iglap, marahas na sinakal ng mahahaba at maiinit na daliri ng lalaki ang kaniyang baba. Pilit nitong inangat ang kaniyang mukha upang salubungin ang nag-aalab nitong mga mata.His icy eyes locked onto hers, burning with a terrifying mix of fury and possession.“Did you sleep with him last night?” matigas, mabagal, at nakakapanghilakbot na tanong ni Miguel.Ang higpit ng pagkakahawak nito ay walang awa. Pakiramdam ni Isabella ay anumang oras ay mababasag ang kaniyang panga sa sobrang diin ng mga daliri nito.Napakunot ang kaniyang noo dahil sa matinding sakit. Mabilis niyang itinaas ang kaniyang mga kamay at pilit na kinalas ang mahigpit na pagkakahawak ng asawa.“Hindi totoo 'yan!” mariing tanggi niya, pilit pumipiglas. “Let go, Miguel! Nasasaktan ako!”Ngunit imbes na bumitaw, mas lalo pang tumitig si Miguel sa kaniyang mga mata

  • Pregnant By Her Contract Billionaire Husband   Chapter 57:

    Tila naging yelo ang buong paligid. Nanigas ang katawan ni Isabella. Pakiramdam niya ay biglang nawalan ng hangin ang buong pasilyo ng ospital.Matapos ang isang mahaba at nakakabinging katahimikan, mariin siyang napakagat-labi. Pilit niyang nilabanan ang panginginig ng kaniyang boses bago siya dahan-dahang nag-angat ng tingin dito.“It’s about Noah.”Isang napakalamig at madilim na tingin ang ipinukol ni Miguel sa kaniya. Tila ba isa itong matalim na patalim na handang humiwa sa kaniyang lalamunan.“It had better be,” babala ng binata, ang boses ay walang mababakas na kahit anong init.Pagkatapos bitiwan ang mga salitang iyon, walang-lingon-likod itong naglakad patungo sa private lounge sa ikalawang palapag. Ang bawat hakbang nito ay mabigat, puno ng awtoridad at nag-uumapaw na galit.Tahimik lang na sumunod si Isabella mula sa likuran. Nakayuko siya habang naglalakad, pilit na kinakalma ang naghuhuramentadong tibok ng kaniyang puso. Bawat hakbang niya ay parang may pabigat. Gusto ni

  • Pregnant By Her Contract Billionaire Husband   Chapter 56.2:

    “That won’t be up to her.”Hindi 'yon nakadepende sa kaniya.Dahan-dahang napayuko si Isabella. Isang matinding kilabot ang marahas na gumapang pababa sa kaniyang gulugod. Nanikip ang kaniyang dibdib, halos hindi na siya makahinga sa bigat ng hanging pumapalibot sa kaniya.Ang mga maliliit na nararamdaman na palihim niyang iningatan sa sarili niya. Ang mga munting pantasya at pag-asa na paminsan-minsan ay hinayaan niyang paniwalaan ng sarili niyang puso tuwing nagiging mabait ito sa kaniya. How foolish. How laughable.Napakabobo niya. Napakakatawa ng kaniyang inakto at inisip.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata nang mariin. Sandali siyang naghanap ng lakas sa gitna ng matinding pagdurog sa kaniyang pagkatao. Pinilit niyang kalmahin ang naghuhuramentadong puso at tinipon ang lahat ng natitirang dignidad na mayroon siya. Hindi siya pwedeng umiyak ngayon.At nang imulat niya muli ang kaniyang mga mata, wala na ang sakit doon. Ang kaniyang paningin ay naging malinaw, blangko, at kalmado.

  • Pregnant By Her Contract Billionaire Husband   Chapter 56:

    Parang biglang bumagsak sa pinakamalalim at pinakamalamig na bangin ang puso ni Isabella.Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan sa labas ng pinto ng hospital room. Ang kaniyang mga kamay na kanina pa mahigpit na nakahawak sa malamig na doorknob ay unti-unting nanlamig, tila ba nag-yeyelo ang bawat patak ng dugo sa kaniyang katawan.Narinig niya ang lahat. Bawat salita, bawat bitiw ng malamig na boses ng kaniyang asawa ay parang libu-libong karayom na walang-awang ibinabaon sa kaniyang dibdib.Alam niyang tama ito. Hindi naman ito nagsisinungaling dahil totoo ang lahat ng sinabi nito. Ngunit bakit ganoon? Bakit kahit alam niyang iyon ang totoo, ang puso niya ay patuloy pa rin sa pagkirot nang matindi? Tila ba may isang hindi makitang kamay na malupit na dumudurog at pilit na humahablot sa puso niya palabas ng kaniyang dibdib.Muling umalingawngaw ang boses ng lalaki mula sa loob. Ang tono nito ay walang mababakas na kahit anong emosyon, konsiderasyon, o awa.“She and I are only married

  • Pregnant By Her Contract Billionaire Husband   Chapter 55:

    Dahan-dahang isinara ni Isabella ang hawak niyang notebook. Ang bawat paglapat ng pahina ay tila umalingawngaw sa nakakabinging katahimikan ng meeting room. Mariin siyang napakagat-labi, pilit na kinakalma ang nanginginig niyang mga daliri bago siya lumingon sa Director. Bakas ang matinding hiya at pagsisisi sa kaniyang maamong mukha.“I’m sorry, Director,” mahina ngunit sinserong paumanhin niya, halos pabulong na. “I’ve caused you trouble. Patawad po talaga sa nangyari. If you want, you can deduct it from my salary o kahit ano pong disciplinary action, tatanggapin ko.”Napakunot-noo ang Director. Lito itong nakatitig sa dalaga. Sa totoo lang, kahit siya mismo ay walang ideya kung ano ba talaga ang nangyayari.Just moments ago, Miguel Del Rosario had unceremoniously terminated his major cooperation with the powerful Gonzales family. At ang dahilan? Dahil kay Isabella. Ang marahas at mabilis na desisyong iyon ng bilyonaryo ay sapat na para mag-iwan ng malaking katanungan sa isip ng lah

  • Pregnant By Her Contract Billionaire Husband   Chapter 54:

    "Ugh..."Mahigpit ang kapit ni Isabella sa gilid ng lababo habang walang-tigil siyang sumusuka sa loob ng restroom. Halos mailabas na niya ang lahat ng kinain niya mula pa kagabi. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod at namumutla ang buong mukha niya sa sobrang panghihina.Matapos ang ilang minuto ng paghihirap, binuksan niya ang gripo at naghilamos ng malamig na tubig.Doon niya lang biglang naalala. Kanina pa masama ang pakiramdam niya dahil nakalimutan niyang inumin ang gamot niya nitong mga nakaraang araw. Idagdag pa ang matinding stress at kaba kanina sa loob ng conference room, siguro ay nag-spasm na ang kaniyang sikmura sa tindi ng tensyon.Napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin.Namumugto ang mga mata niya. Maputlang-maputla ang mga labi niya. Tila siya isang basang sisiw na pinaglaruan ng tadhana. Marahan niyang tinapik ang kaniyang malamig na pisngi, pilit na ginigising ang sarili sa kahibangan niya.Ano bang iniiyak-iyak mo diyan, Isa? pangaral niya sa sarili. Cont

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status